The Godmother - Season 1/C5 The Godmother - Season 1
+ Add to Library
The Godmother - Season 1/C5 The Godmother - Season 1
+ Add to Library

C5 The Godmother - Season 1

Masaya pero malungkot sina Jendel at Jon na nagkita silang dalawa dahil bantay sila nina Velma sa inaabangan nilang labanan.

“Wag mo na lang iisipin na ginusto ko ito, kailangan ko ‘tong gawin. Ni-isa sa’tin kailangan itong gawin.” sabi ni Jon at narinig niya at pag tunog ng bell na pinatunog ni Mario para magsimula ang laban.

Hindi alam ni Jendel kung kaya niyang lumaban at sinubukan niyang umalis pero sinuntok siya ni Jon sa likuran kahit labag sa kalooban niya, naaliw naman sobra sina Velma at ng mga kaibigan niya sa kakanood habang nakatitig lang si Jinno sa laban.

“Nakita mo na, kung gaano kagaling yung pambato ko. Kagaya ng sinabi ko sayo, matapang si Jon sa nakilala ko, Rodolfo.” sabi ni Velma at tinuro niya si Jon na siya ang sumusuntok kay Jendel ng ilang beses.

“Hay nako, anong gagawin mo kung sakaling matalo yan?”

“Takot yan matalo dahil alam niyang parusa yung katapat niyan, gusto ko din marinig yung sa inyo mamaya, pag nanalo yan siguraduhin niyong may pera ako niyan. Dahil sa totoo lang, yung mga palaboy na ganyan, mahirap pulutin…pero tignan mo naman yung mukha, katawan, may dating…”

Napatango agad ang lalaki kay Velma. “Naisip ko din na ipasok yan sa bar ko, para di ko na problemahin yung bilang ng mga ng mga nagtatrabaho don. Marami din na babaeng pagkakaguluhan sa kanya.”

Narinig ni Glen ang usapan nila at nilapitan silang dalawa na umupo siya sa isang solo na sofa.

“Kung balak niyong mag-benta ng katawan nila, dapat ako na lang yung isama niyo.” sabi ni Glen at natawa silang dalawa sa sinabi niya.

“Akala mo naman ganon lang yon, ah.” sabi ni Velma.

Pinilit ni Jon na itayo si Jendel at suntukin siya mukha at hindi kayang maitis ni Rosa na nakikita niyang nasasaktan ang mga kapatid niya at tumakbo siya para lapitan sila pero inawat siya nina Mario at Martin.

“Kuya, wag niyo ng saktan ang mga sarili niyo, tigilan niyo yan!” pag-mamakaawa ni Rosa at napatingin si Jon sa kanya kaya nasuntok siya ni Jendel sa mukha pero agad nakabawi ng suntok si Jon at di nagpatalo.

Sinubukan ni Jendel na sinapin si Jon pero nasipa siya sa bewang at natumba siya. Sinuntok siya ng sinuntok ni Jon ng ilang beses kahit labag sa kalooban niya hanggang sa hindi na makatayo si Jendel.

Masayang-masaya si Velma sa pambato niya at pati ng mga kaibigan niya kaya binigay sa kanya kaagad ang isang briefcase na naglalaman ito ng malaking pera, naghinayang si Jinno dahil natalo si Jendel sa laban.

“Sabi na nga ba si Jon lang ang malakas.” sabi ni Rodolfo.

Pinuntahan ni Rosa sina Velma at lumuhod sa harapan niya para magmakaawa sa kanila.

“Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo na saktan yung mga kuya ko. Maawa na kayo sa kanilang dalawa. Wag niyo din silang papatayin. Kaya nilang gawin lahat ng gusto nila, kaya din ng gusto niyo.” halos kinakalabit ni Rosa ang mga nanonood habang nagmamakaawa. “Maaya na kayo…”

Napangiti lang ang lalaki ng to do sa bata. “Godmother, ba’t di mo na lang kaya yan isabak sa pustahan mo para hindi lang siya umiiyak sa bahay mo.”

“Kahit ilagay ko yan sa isang pustahan baka umiyak lang yan at magpatalo pa siya. Sayang lang ang pera ko. Ayoko pa naman sa kanila ang nagpapatalo.”

Nilapitan din siya ni Jon para maka-usap siya. “Ngayon ako yung nanalo kaya pwedeng masunod kahit papano kung anong gusto kong gawin. Sasama sa’kin si Jendel, pupunta kami sa bar!”

Tumawa ng malakas si Velma pati ng mga kaibigan niya kahit inis na inis si Jon sa kakatawa nila.

“Sa tingin mo ganon kadali yon. Sa sobrang kulit ninyo sa pag-mamakaawa niyong ganyan…talagang grrabe yung magiging parusa ni Jendel.” masayang nakangiti si Velma at mas lalong kinabahan si Jon sa ngiti ng babae.

“Eh diba tapos na yung laban. Pagod na si Jendel, wag niyo na siyang parusahan. Matagal niyo na siyang sunod-sunuran, hindi ka pa ba kontento??”

“Kung ganon edi, harapin niya yung parusa niya…na sa susunod na laban ay dapat manalo si Malya, kung hindi…alam niyo na yung pwedeng mangyari. Baka sa susunod na araw di niyo na siya makita.”

Habang nakahiga si Gemma sa sahig, naririnig niya ang pagbukas ng pintuan at nakita nilang na sobrang saya ni Jinno na makita lang sila pero napansin ni Malya na may bakas ng dugo ang kamay niya.

“Ano nananman ang ginawa mo sa anak ko! Sabihin mo!” nagalit agad si Malya kaya tinulak niya si Jinno. “Sino nanaman ang sinaktan mo sa kanila.”

“Kalma ka lang, kailangan ko lang gawin ang utos nila. Swerte mo kasi makakalabas ka na sa ngayon pero sa isang kondisyon.”

Bago pa siya hilain ni Jinno ay inawat siya ni Gemma at nagtaka siya kaagad sa lalaki.

“Wag ka munang magmadali, sabihin mo muna sa’min kung anong gusto ng matandang yon!” sabi ni Gemma at napatango din si Malya sa sinabi niya.

“Sa totoo lang pasalamat kayo kasi hindi kayo narinig ng nanay ko, kung di ka susunod, baka di mo na makikita si Jon kahit kelan kung hindi ka pa pupunta sa office, kaya bilis na.”

Pumunta si Malya sa office ni Velma para malaman kung anong nangyari kay Jon.

“Matanda, sabihin mo sa’kin kung anong ginawa mo kay Jon!” sabi ni Malya ginulo ang mga gamit ng matanda sa mesa at natusok siya ng lapis sa mesa.

“Una sa lahat, nakakaumay na tawagin mo kong matanda, hindi ako basta matanda dahil wala ka sa posisyon para magsalita ka ng ganyan. Matuto kang rumespeto.” tinanggal niya bigla ang lapis na tinusok niya sa kamay ni Malya at dinilat kaagad ang dugo sa lapis.

Mahigpit na hinawakan ni Malya ang kanang kamay niya kung saan patuloy parin sa pagdurugo, hindi niya inaasahan na binuksan niya ang cabinet para ipakita sa kanya sa camera ang mukha ni Jon at nanlaki ang mga mata niya.

“Mama, di nila ako papatayin…pero paaalisin nila ako sa mansion. Kayo na bahala sa sarili niyo.”

Matapos niya ipakita ang isang maikling video ay kinuha ni Malya ang lapis na ginamit pangtusok sa kanya para isaksak sana kay Velma para nahawakan niya ito ng mabuti para hindi siya masaksak sa dibdib.

Naputol ni Velma ang lapis dahil sa lakas ng pwersa niya na baliin ito at mabilis na hinampas niya ng bakal na ashtray sa ulo si Malya kaya natumba siya.

“Pagpatuloy mo yan, sa huli pagsisisihan mo yan.” galit na sabi ni Velma at sinipa niya kaagad si Malya sa ulo nung sinubukan niyang bumangon. “Sa ayaw at sa gusto mo, yan lang ang huling araw na makikita mo si Jon.”

Bumangon ulit si Malya at nilayuan siya para hindi masaktan. “Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit sila na lang yung tinitira niyo, wag mong sabihin isusunod mo din sina Rafael, Rosa tsaka si Jendel…di ko kakayanin na may mawala pa sa kanila.”

“Problema mo kasi…”

“Tama na!” Agad nagsalita si Malya kahit hindi pa tapos si Velma. “Wag na wag mong idadamay lalo na si Rosa! Mas pinakabata ko siyang anak, dapat hindi niya nakikita yung ganitong sitwasyon.”

“Kung ganon kaimportante si Rosa sayo, anong gusto mong gawin ko sa kanya? Kainin, durugin, laruin, marami akong bagay na pwedeng gawin. Hindi ako maiinip niyan.”

Kusang napaluhod si Malya at inakap ang kanyang kanang tuhod dahil sa sobra niyang pag-aalala sa mga anak niya.

“Nakikiusap na ko sayo, pagod na pagod na kong makipag-away sayo…pakawalan mo na lang yung mga anak ko, iwan mo na lang ako dito pakiusap…”

Mas lalong naiirita si Velma nung higpitan ni Malya ang pagkakaakap sa kanyang tuhod. “Kung meron kang pagkakataon na pwede kong maibigay yung kahilingan mong makalaya ang gusto mo, sa isa lang sa kanila…sino ang karapat-dapat?”

Sobrang nalungkot at napaluha si Malya dahil hindi niya kayang mamili at napatingin siya sa babae.

”Bakit kailangan ko pang mamili sa kanila? Mahal na mahal ko silang lahat. Mas gugustuhin kong saktan mo ko kaysa makita ko silang nahihirapan.” pinunasan ulit ni Malya ang luha niya at mabagal siyang tumayo.

Nilapitan siya ni Velma at pinakita sa kanya ang kanyang relo para may ipagmukha sa kanya. “Nakikita mo yan, hindi sa lahat ng oras…maraming bata ang pinagbibigyan kong mabuhay. Kapag sinabi kong mamili ka ng isa, mamili ka ng isa. Dahil pagsisisihan mo ‘to. Sa oras na ‘to kapag di ka namili, lahat sila kakatayin ko, kaya kung ako sayo…wag mo ng sayangin ang oras ko.”

Wala ng oras si Malya para makipagkontrahan pa kay Velma at pinakaiisip niya ang bawat bilang ng oras na naririnig niya sa relo ng matanda. Wala ng ibang maisip si Malya kundi mas protektahan niya ang kanyang pinakabunsong anak.

“Si Rosa…” sa sagot niya ay napahaba ang ngiti ni Velma na hindi na siya magdududa kung bakit.

“Sabi ko na nga ba na siya talaga ang pipiliin mo. Magandang desisyon yan.”

Hinimas niya kaagad ang batok ni Malya at kita parin niya ang pag-aalala ng babae. “Pero pakakawalan ko si Rosa kung gagawin mo lang ang isang kondisyon na dapat mong sundin.”

“Sabihin mo na kung anong kailangan kong gawin.”

“Sobrang simple lang ang gagawin mo, dapat manalo ka sa magiging laban niyo ni Gemma kung hindi, sayang yung buhay ni Rosa kung magpapatalo ka sa kanya.”

Mahigpit na nadidiin ni Malya ang kuko niya sa kanyang mga daliri sa kaba. “Wala na bang ibang pwedeng gusto mong gawin kundi yan.”

“Akala ko ba gagawin mo lahat ng dapat mong gawin para kay Rosa. Sa ayaw at sa gusto mo, yun na lang ang pwedeng maging paraan para paalisin ko dito si Rosa sa mansion ko, siguraduhin mong mananalo ka, dahil ikaw ang inaasahan ko sa susunod na laban.”

Babalakin sana ni Malya umalis pero humarap ulit siya sa matanda. “Paano ako makakasigurado kung totoo na gagawin mo yan.”

Napangisi si Velma at hinaplos ang braso niya. “Na sayo na yan kung ayaw mong maniwala, di ko problema ang buhay ng bata ngayon, ngayon labas!”

Lumabas ng office si Malya ng sobrang lungkot.

Inoobserbahan niya si Rosa na nagpupunas ng sahig pero mabilis siyang lumabas ng mansion dahil ayaw niyang makita siyang umiiiyak nung napahagulgol siya sa iyak, biglang bumuhos ang ulan at pumikit ang kanyang mga mata para pakiramdaman sa mukha ang isang malakas na buhos na ulan sa mukha.

Napunta siya sa isang magandang lugar kung saan nandoon natutulog sina Malya at ng mga anak niya sa kariton sa tabi ng basurahan ng isang maliit na restaurant. Nakasilong sila sa tabi ng basurahan sa may gilid ng bubong para hindi sila mabasa.

“Mama, pasok lang ako dun sa loob, gustong-gusto kong humigop ng sabaw.” sabi ni Rosa at pinigilan siya agad ng nanay na pumasok dahil sa pag-aalala niya.

“Nak, di ka na pwedeng pumasok dun…tinaboy tayo ng mga gwardya don. Alam ko naman na gutom ka na, pero intindihin na lang natin na di talaga tayo pwede don.”

Napasimangot kaagad si Rossel. “Pero gutom na din ako, paano niyan.”

“Pagpasensiyahan niyo na mga anak, kung marami sana tayong naipong piso, susubukan kong bumili.” tinignan ni Malya ang mga taong kumakain sa restaurant at naisipan niyang maghahati nanaman sila sa ulam nila kapag nakaipon siya ng marami.

“Sandali, mga bata dito kayo!” nakita niya sa refleksyon ng bintana na nakikipaghabulan sina Rosa at pati ng mga kapatid niya sa daan habang malakas ang ulan.

Sinubukan habulin ni Malya ang mga anak niya dahil sa pag-aalala niya hangga’t sa nakipaglaro na din siya sa mga bata, ramdam niya na may humila sa kayo palayo at nakita ni Malya na si Glen ay nababasa din ng ulan at kanina pa siya sinusubukan hilain kahit pinipigilan niya ang kanyang sarili.

“Pabayaan mo na ko dito, gusto kong mapag-isa!” pasigaw na sabi ni Malya at tinitignan parin siya ni Glen. “Iwan mo na ko pakiusap!”

“Walang mangyayari kung magpapabasa ka lang sa ulan! Mag-usap tayo!!”

Pilit siyang hinila ni Glen kahit ayaw sa kanya sumama ni Malya at pilit siyang pinapasok sa loob ng mansion. Kahit basang-basa sila dahil sa ulan, sobrang nag-alala parin ang lalaki.

“Sabihin mo sa’kin kung anong iniisip mo, Malya?” niyugyog pa ni Glen ang katawan ng babae para tumingin sa kanya. “Gusto mo ng magpatalo sa kanila? Ano ba yan!”

“Ano pa ba ang pwede kong gawin napapagod na ko!”

“Malya, kung lahat tayo matatakot mas lalo silang magiging masaya sa ginagawa nila, mas lalo nila tayong paglalaruan.”

Napangisi ang babae sa gigil. “Wala parin pinagkaiba don! Kung may gusto lang akong iligas gusto ko lahat, pero nandyan silang lahat! Posible ko lang maligtas si Rosa kung papatayin ko si Gemma, di ko na alam kung ano pang pwede kong gawin…”

Napailing si Glen at hindi siya papayag sa balak niyang gawin.

“Susubukan natin silang patakasin dito ng madaling araw, hindi ako papayag na sasaktan nila si Gemma o ikaw.” pag-aalala na sabi ni Glen.

“Ayoko ng umasa pa sa kahit anong planong pwede mong gawin, o gawin ni Gemma o kung sino yung gagawa ng plano. Puro na lang salita ang naririnig ko.”

“Bago mo labanan si Gemma sinisigurado ko sayo, na pati si Rafael makakaalis din dito. Hindi ko hahayaan na abusihin din siya hangga’t sa tumanda siya.”

Habang nag-uusap silang dalawa ay hindi nila alam ay pinapanood lang sila ni Mario kaya mabilis siyang bumalik sa office ni Velma para hindi nila mahalata, sinara at ni-lock ang pintuan para walang makarinig sa kanila.

“Siguraduhin mong bantayan mo sina Malya mamaya, sigurado ako…hinding-hindi makikinig yan, kahit nakailang drama na yung babaeng yan.” sabay pag-inom ng whiskey ng babae at binigay ang camera kay Mario.

“Para saan yung camera?”

“Malamang para sa sarili kong kaligayahan.”

Kahit hindi makuha ni Mario ang eksakto niyang intensyon, ay lumabas na ito kaagad sa office at mabilis na pinuntahan si Martin. Sa gabi ng madaling araw, bumangon si Malya sa higaan niyang kariton at nagising si Rosa bago siya umalis, napansin na mag-isa siya.

Pumunta kaagad si Malya sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Glen at kakagising niya lang.

“Bilisan lang natin, alarma sila sayo.” sabi ni Glen kay Malya at binigay ang isang maliit na kahoy na patalim sa kanya.

“Gawin mo ang dapat gawin, kahit hindi mo gusto…”

Binilisan nila ang paglakad papunta sa mansion at harap ng pintuan at parehas silang kumalmang dalawa para hindi maputol ang plano nila.

“Magandang gabi, nandito kami dahil sa pwedeng pinapautos sa’min ni Stela.” sabi ni Malya at kaagad naman nagduda si Mario.

“Para saan?” tanong ng lalaki.

Nilunok ni Malya ang kanyang pride para sabihin ang maling excuse. “Gusto kong pasiyahin ni Glen si Stela ngayong gabi, at ako…gagawin ko lang naman yung libangan mo kapag ganitong gabi.”

Napangiti lang ng wakas si Glen at inobserbahan sila ni Mario ng mabuti at pinagtawanan sila ng malakas. Nahahalata parin ni Malya na ayaw parin niyang maniwala.

“Sa ilang araw mong pagmamakaawa, ewan ko sayo…”

Nginitian siya ni Malya at hinaplos ang kanyang kamay at mabagal na nilapitan siya.

“Parehas lang tayong nagsasawa sa kakabantay, linis, sunod bantay, sunod linis…hindi mo ba naiintindihan yung sinasabi ko?”

Sinimulan ng halikan ni Malya si Mario para mas lalo niyang mabilisan na matapos ang kanyang plano, mabilis na hinablot niya sa short ang isang patalim na tinusok at sinaksak pa siya ni Glen sa dibdib at mabilis silang pumasok sa loob.

“Nasaan na si Stela?” tanong ni Malya at nagmadaling hanapin ang bata kaya naalala niya kung saan niya huling nakita si Rafael. “Stela, magpakita ka na bilis!”

Sa isang kwarto kung saan nakahiga lang sa kama si Rafael kasama si Stela habang nakatali ang dalawang ng isang lalaki na walang magawa kundi sumunod sa kanya.

“Ate, hindi ko na ko masaya. Gusto ko ng umuwi.” malungkot na sabi ng bata, biglang naging iba ang mood ni Stela, sa di inaasahan.

“Bakit? Sino ba yang nagpapasaya sayo! May iba ka na!” sa sobrang inis ni Stela ay hindi makatingin ang bata kaya agad niyang sinampal ito ng malakas. “Sumagot ka!!”

“Tama na po ate, nasasaktan ako.”

Pinilit niyang patayuin si Rafael at na muntik na niya itong saktan pero may kumakatok sa pintuan niya ng ilang beses kaya nung pagbukas niya ng pintuan ay tinulak siya ng malakas ni Malya at tumakbo si Rafael kaagad sumama kay Glen.

“Rafael!” sigaw ni Stela nakitang lumapit ang bata sa lalaki para tumakas sila.

Namadali si Stela na habulin ang dalawa kaya tinulak niya si Malya sa pader ng malakas at pinilit ni Malya tumakbo kahit sobrang sakit ng likod niya kaya binilisan niya ang pagsuntok niya sa likuran ni Stela para hindi siya tumakas.

“Harapin mo ko!” sigaw niya at humarap si Stela para sipain ang kanyang bewang at siniko ang kanyang leeg na napaupo si Malya dahil sa sakit.

Pilit parin ni Stela na mahabol sina Glen at Rafael pero pilit ni Malya na hawakan ang kanang paa niya para hindi ulit ito tumakas.

“Duwag ka, di mo ko mapipigilan!”

Mas lalong nagalit si Stela kay Malya kaya ilang beses niya itong sinipa ng ilang beses at pumunta naman sa labas ng mansion si Glen at Rafael sa may garden at nagtago sa mga mahalaman at madilim na lugar at kita nilang dumating ang ibang guard na kasama nina Martin na kasama na din nina Mario.

“Hay nako, paniguradong nakatakas na kaagad yun. Di pwedeng di ako magbantay don dahil tatakas naman si Gemma.” sabi ni Jinno kitang galit na galit si Mario.

“Imposibleng nakatakas agad yon! Dapat na natin ikulong yung dalawang yan!”

“Eh paano naman si Rafael?” pagtataka ni Martin at nilayasan sila ni Mario agad para hanapin ang mga balak tumakas.

Naririnig ni Rosa ang ingay sa labas kaya lumabas siya ng bahay at kitang ang daming mga guard na papunta sa kanya, Agad hinablot ni Mario ang kamay niya sa galit para mahanap ang mga tumatakas.

“Kung magmamatigas ka, papatayin kita!” pilit na sinama niya si Rosa at meron siyang naisip na ideya.

Sa loob ng mansion, lumabas ng office si Velma dahil naistorbo siya sa kanyang tulog at nainis din ito, nahuli niyang ilang beses na pinagsisipa ni Stela sa galit si Malya na duguan na ang kanyang ilong at bibig at inawat na siya.

“Ano ba Stela! Diba kailangan pa nila maglabanan ni Gemma, at mas maganda na gagawin ko na bukas para paghandaan nating lahat.” sabi ng matanda na kahit kakagising lang ay galit.

“Mama, kung alam niyo lang na kinuha niya si Rafael sa’kin dahil gusto niyang itakas yung batang yon!” sa gigil ni Stela ay napakagat siya ng labi.

Pilit ni Malya na gumalaw pero sa sobrang sakit ng katawan niya ay hindi na niya kinaya, at humiga siya ng paharap kita ang dalawang babaeng galit.

“Paano niyan pinaaga ko na laban at ikaw ang bahala, tulad ng sabi ko.” sabi ni Velma at umupo ito sa tabi niya.

“Di ko rin kayang tiisin na masaktan si Rafael basta patayin niyo na ko. Matapos na ‘tong paghihirap ko.”

Pinunasan ni Velma ang dugo sa bibig ni Malya at tinikman niya ito na nasarapan pa siya nung dinilatan niya sa sa daliri niya na may dugo.

“Bahala na kayo ni Gemma bukas…” napangiti ang matanda ng may masamang binabalak at sinipa pa siya ng malakas ulit ni Stela para malabas ang kanyang matinding galit.

“Matulog ka na dahil bukas na ng maaga ko gagawin!” Pilit na binuhat ni Stela si Malya at kaladkarin dahil balak niya itong saktan pero biglang tumigil ito nung tinawag siya ng nanay niya.

“Stela!” sigaw ni Velma at humarap ang anak niya habang higpit na hawak-hawak niya si Malya.

“Bakit Ma?”

“Itali mo yan at patulugin mo sa kwarto ko, ako ng bahala sa Rafael na yan.”

Biglang kinabahan si Malya at mas lalo siyang nanggigil sa takot na mapahamak ang bata kaya pilit niyang sinusubukan na makaalis kay Stela na sinapin siya pero wala na siyang lakas para gawin yon.

“Ano ba! Sinabi ko ng wag niyo siyang idamay, ako na lang!” kita ni Malya na paalis na si Velma para hanapin ang bata at pilit siya ni Stela na galadgarin papunta palayo.

Tulong!!! Tulungan niyo ko!

Narinig nina Glen at Rafael ang sigaw ni Rosa na humihingi ng tulong at parehas na din silang nag-aalala at hindi alam kung anong sunod nilang gagawin.

“Kapag di kayo nagpakita sa’min! Papatayin ko siya!” mahigpit na inakap ni Mario si Rosa para sakalin siya at dumating si Velma para malaman kung anong nangyayari sa labas.

“Mario, sabihin mo nga sa’kin anong nangyayari dito?!” iritadong tanong niya at huminga siya ng malalim.

“Hinahanap ko sina Glen, Malya at Rafael, sinusubukan nila tayong takasan.”

“Wala na tayong problema kay Malya, sisiguraduhin kong makukulong yan sa kwarto ko. Habang nakatali yan.”

Nung narinig nila ang sinabi ni Velma parehas na nag-alala sina Rafael at Glen at napapaisip din ang bata na makita ang nanay niya.

“Kawawa naman si Mama kung anong pwede nilang gawin sa kanya.” pag-aalala ni Rafael at tinititigan niya sina Mario at Velma pero hinarap bigla ni Glen ang mukha ng bata sa kanya.

“Araw-araw din akong nag-aalala sa inyo pero di pwedeng umurong na tayo sa plano natin.”

“Sige lang kung di kayo magpapakita ngayon, kakainin namin ng buhay si Jendel!” tumawa si Velma at sinubukan ni Rosa na makalaya sa pagkakahawak ni Mario sa takot.

“Wag nyo ng sasaktan yung kapatid ko, pati din yung nanay ko.” pagmamakaawa ni Rosa at di matiis ni Glen na kaagad na dapat silang gumawa ng paraan.

“Ikaw na lang mag-isa ang tatakas, dapat akong humarap kung hindi sasaktan nila yung kapatid mo.” sabi ni Glen at kaagad umiling si Rafael habang natatakot.

“Ayoko, paano kung mahuli ako?”

“Basta wag kang magpapahuli, kailangan mong tapangan ang sarili mo. Para maligtas mo din yung nanay at isa mong kapatid. Wag mo na kaming isipin ni Gemma.”

Inakap niya muna si Rafael at tumakbo siya kaagad para magpahuli pero tinutukan siya ng baril ni Velma at hindi na siya nakagalaw ng kahit ilang minuto dahil nakita niya sa likod ng matanda na mahigpit ni Mario na akapin sa harap niya.

“Glen, di ako mag-dadalawang isipin na patayin ko kayong dalawa kung magtataguan kayong dalawa. Saan mo tinago yung bata? Sabihin mo.”

Nung hindi makasagot si Glen ay pinutok ni Velma bigla ang baril malapit sa paa ng lalaki kaya sobrang gulat niya.

“Parang awa mo na, palayain mo na yung bata. Kami na lang na matatanda ang pakialaman mo.”

Napaagal kaagad si Mario. “Ha, mas marunong ka pa talaga sa nanay ko ah.”

Pipindutin na sana ng matanda ang trigger ng baril para barilin ang lalaki sa ulo pero tumigil siya nung may narinig silang malakas na nabasag na paso.

“Hanap-hanapin niyo na si Rafael, sumama ka kung hindi alam mo na kung anong pwede kong gawin sayo.”

“Nakalabas na siya ng gate.” sabi ni Glen at napailing si Velma sa tuwa na dahil ayaw niyang magpaniwala sa narinig niya.

Pinalo niya kaagad kay Glen ang baril at nawalan ito ng malay at dumugo ang kanyang ulo dahil sa malakas na pagkapukpok sa kanya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height