C6 The Godmother - Season 1
Hindi mapakali si Gemma na umupo lang sa isang kariton dahil sa narinig niyang may nagpaputok ng baril at gustong-gusto na niyang lumabas pero hinila siya ni Jinno pabalik.
“Uy, ano nanaman ang balak mong gawin?” ngumiti si Jinno ng may pagnanasa pero nag-aalala parin si Gemma.
“Ano nanaman ang ginawa niyo kay Malya, Rosa pati Glen…ang tagal nilang bumalik!” iritadong sabi ng babae at huminga siya ng malalim.
“Sabi na nga ba, may kinalaman ka rin dito…kaya nga naging bantay ako sa inyo. Bakit niyo pa kasi ginalit si Mario? Di tuloy ako nakapag-inuman ngayon.”
Tinitigan niya ng masama ang lalaki sa galit. “Wag ka ng magtaka kung bakit. Dahil sa mga kalokohan niyo yan.”
Biglang napatawa si Jinno na parang nababaliw at nawawalan ng hiniga ang tunog habang tinititigan niya ang lalaki, meron siyang naalala na biglang pumasok sa isip niya.
Ano ba!! pakawalan niyo ko!!!
Ginaladgad nina Mario at Martin si Gemma papasok ng mansion at tinumba na lang siya sa sahig at tinanggal ang sako na nakatakpan sa buong ulo niya. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang matanda pero nag-iba na ang suot.
Alam niya sa una niyang nakita ay nakita niya ang uniform niyang pulis.
“Ikaw! Ang bilis naman mawala yung suot mo! Alam ko ikaw yung pumatay sa driver!” inis na sabi ni Gemma at pinagtawanan lang siya ni Velma. “Ba’t mo ko dinala dito?”
“Alangan naman dalhin kita sa kabaong, hahahahaha…” tawa ng matanda at nakitawa din ang buong pamilya niya.
Bumangon si Gemma at nanggigil sa kakatawa nila kaya napasigaw na lang siya sa galit.
“Wala akong pakialam kung sino kayo! Papunta sana ako sa abroad pero manira kayong lahat! Hindi pa kayo nakonsensiya sa pinatay niyo.”
“Ikaw naman, di mo kailangan umalis. Simula ngayon dito ka para sundin lahat ng mga utos namin, wala rin mangyayari sayo don.” sabi ni Jinno at napakagat labi siya nung matagal niyang tinititigan si Gemma kaya nasampal siya ng babae pero inawat siya.
“Hoy, sa ayaw o sa gusto mo. Hindi ka na makakaalis sa bahay ko.” nagulat si Gemma sa sinabi ni Velma.
“Anong pinagsasabi mo?! kailangan ko ng pumunta sa airport! Nasisiraan na ba kayo ng bait!!”
Napangiti ng sobra ang matanda. “Mas maganda kung paano ko sayo gagawin kapag matigas ang ulo mo.”
Sinunod ng tauhan ni Velma ang utos niya na pumunta sa kusina para kunin ang plato na may takip na pumunta sila sa harap ni Gemma, inakala ng babae ay isang normal lang na pagkain ang nasa loob.
“Pinagloloko niyo ba ko?! anong kinalaman ng sinabi mo niyan?” napatingin si Gemma kay Velma at napangisi ang matanda sa inosenteng mukha ni Gemma.
“Ba’t di mo kaya buksan para malaman mo?”
Napailing si Gemma nung akala niya ay isang panibago nanaman nilang kalokohan ang gagawin sa kanya pero nung pagbukas niya ay isang inihaw na ulo ng isang tao na biglang naalala ni Gemma na yun ang pinatay nilang driver.
Sumigaw ang babae at biglang napangisi siya nung maalala ang taon na yon.
“Pasensiya na kung di kita mapipili ngayon pero mas gugustuhin ko na manalo si Malya, mas maganda pa siya sayo, hayan tuloy nakukulangan ka na sa ganda.” hinaplos ni Jinno ang mukha ng babae pero tinaboy siya nito na parang nandidiri.
“Akala mo ba nakakalimutan ko yung ginawa niyo sa driver pati sa’kin? Balang araw tatanda rin kayo, pagsisisihan niyo yung mga pinaggagawa niyo.”
Gusto na sanang lumabas ni Gemma pero hindi magpapatigil ang lalaki at mabilis niyang hinila ang kanyang kamay pabalik.
“Hindi ka na pwedeng makisali pa, wag kang mag-alala. Hindi naman sila papatayin agad-agad lalo na si Malya. Kaya maging kampante sa babaeng yon.”
Nailing ang babae dahil wala siyang tiwala sa sinasabi niya. “Basta simple lang naman hinihingi ko, palayain mo sila!”
Takot na takot si Rafael na mahuli siya kaya naglakad siya ng dahan-dahan kung saan malapit na siya sa gilid ng bakod, kita niyang meron ng tao sa gate pero may maliit na butas sa dulo ng bakod pero mayroon mga barbwire ito.
Pilit ng bata na itaas ang barbwire para makapasok siya sa isang butas habang tinataas niya ito pero bigla siyang natakot at muntik na niyang mabitawan ang hinahawakan niya dahil nakarinig siya ng putok ng baril.
Rafael! RAFAEL!!
Pinaputok pa ni Velma ang kanyang baril sa may mga bakod kung saan kutob niya na doon nagtatago ang bata.
Kakainin ka naman pag di ka na nagpakita!
Nagmadali ang bata na lumabas sa bakod at nakatakbo siya papunta sa may magubat na lugar, lumabas ng gate si Velma at nagalit ng di parin mahanap ang bata.
“Rafael!!!!!!!!!!!!!”
Lumapit ang isang isa sa mga tauhan niya matapos niyang subukan hanapin si Rafael sa buong lugar nila pero nakikita niyang galit na galit ang matanda.
“Hindi niyo man lang nahanap ang bata! Hindi ako makapaniwalang pinakawalan niyo na lang siya ng ganon lang!!” napayuko na lang ang lalaki dahil nakita niyang inis na inis ang matanda.
“Pasensiya na godmother, ginawa ko ang aking makakaya.”
“Pwes para sa’kin, hindi yon maganda! Hanapin mo siya ng mabuti magdamag, ngayon na!”
Sa sigaw pa lang ng matanda ay napatakbo na ang lalaki sa takot at agad ng hinanap si Rafael sa labas ng bahay niya, nung lumipas ang isang oras nagising si Glen na masakit ang kanyang ulo dahil sa matinding pagkakapukpok ng baril sa kanya.
Nahawakan niya sa kanyang ulo ang bakas ng dugo na natuyot na at napansin niyang nakahiga siya sa may dining area kung saan nakabantay si Martin.
“Si Malya, nasaan siya?” tanong kaagad ni Glen at tinignan siya kaagad ni Martin.
“Sana buhay pa.”
“Lagot na lagot kayo sa’kin kapag nalaman kong sinaktan niyo siya!”
Nakita niyang dumating si Velma na galit na galit at tinitigan siya ng masama.
“Buti na lang buhay na buhay ka pa, masaya ka na siguro na pinakawalan mo na ngayon si Rafael, pero balang araw mahuhuli din namin yung batang yan dahil wala siyang mapuntahan.”
Napangisi lang ang lalaki at nakita niyang dumating din si Mario na galit din sa kanya.
“Sila dapat ni Malya ang dapat parusahan ngayon, tignan mo yung ginawa nila sa’kin!” tinuro niya sa nanay niya ang sugat sa kanyang dibdib at kaagad siya sinampal ng matanda.
“Sa susunod mag-bantay ka ng maayos! Hindi ako makapaniwalang pinagplanuhan nila ‘to ni Malya, wag kang mag-alala dahil papahirapan ko yung babaeng yan para sayo.”
Bahagyang tumawa si Glen. “Matakot ka din tanda, sasusunod ikaw din yung pahihirapan namin.”
Ngiting-ngiti ang lalaki kaya mas lalong nagalit si Velma kaya pinautos niya kay Martin na suntukin siya sa tiyan sa sobra niyang gigil at nilabas na niya ang kanyang baril na nakatago sa bulsa niya.
“Pasalamat ka, buhay ka pa! Mapapanood mo din kung sino yung isusunod ko sa inyo!”
Isinubo niya sa lalaki kaagad-agad ang pahabang parte ng baril ng walang pasabe na di na natiis ‘to kaya hinila niya ang trigger pero wala na itong bala na biglang nakahinga ng malalim ang lalaki dahil akala niya ay katapusan na niya ito.
Diniin niya pa pabalik na pasok at balik na isinusubo niya sa lalaki ang baril at pinakawalan na niya ito kaya napaubo siya ng tuluyan.
“itali niyo yan o baka kung ano pang gawin ko diyan!”
Nagulat si Glen sa sinabi ni Velma bago siya umalis, gusto niya sanang sugurin ang matanda pero inawat siya nina Mario at Martin para simulan siyang taliin.
“Ikaw matanda ka! Ikaw din ang susunod na papatumbahim ko, makikita mo!!” galit na galit ang lalaki dahil wala siyang magawa para sugurin siya.
Nung umaga na ay nagising si Malya ng nakahiga pero hindi ito makatayo, nagulat siya nung makita niyang nakangiti si Tonyo sa harap niya habang nakaupo lang ang bata sa harap niya.
“Anak? Tulungan mo kong makatayo.” ramdam niya na masakit parin ang katawan niya at napapansin niyang tinititigan lang siya nito. “Bakit? May problema ba?”
“Mama, akala ko ba….magsasama-sama na tayong lahat.” sabi ni Tonyo.
Hinaplos niya ang mga mukha ng bata para bigyan ito ng comfort. “Pagpasensiyahan mo na ang nanay mo kung wala akong mabigay na magandang buhay. Hindi ko na talaga alam kung mapapag-aral ko pa kayo hanggang sa paglaki niyo.”
“Ang importante, mahal na mahal niyo kami…”
Napangiti ng sobra si Malya pero matapos non ay naramdaman niya bigla ang pagkasakit ng kanyang likod na iyon pala ay ginigising na siya ni Velma habang nakatulog na lang siya sa sahig habang nakatali ang dalawa niyang kamay.
“Hoy gumising ka na, nasobrahan ka pa sa tulog!” sinipa pa siya ni Velma ng malakas si Malya kaya napaharap siya para tumigil na.
“Pwede ba tama na yan. Matapos niyo kong bugbugin bigla-bigla niyo pa ko gigisingin!”
Pilit na tinayo siya ni Velma at itinulak sa upuan niya malapit sa kanyang mesa.
“Nagbago na ang desisyon ko, handa mo na yung buhay mo dahil mag-lalaban kayo ni Gemma.”
Napanganga siya sa gulat at hindi niya inakalang nagbago bigla ang desisyon ng matanda.
“Akala ko ba gabi mo siya gagawin tapos ngayon na?!” hindi parin makapaniwala si Malya at pinagtawanan lang siya.
“Anong akala mo sa’kin nakalimutan ko na di ka marunong tumupad sa usapan, di porket binigyan kita ng pagkakataon na pwede kong palayain si Rosa ay pwede mo ng itakas si Rafael kahit saan. Kasalanan mo yan!”
Pinagtututuro niya sa daliri ang kanyang ulo at huminga lang ng malalim ang babae.
“Hindi ko na kasalanan yon!”
“Hindi ko din problema kung mamatay si Rosa, ikaw o si Gemma!”
Inisnaban niya ang matanda at bahagya siyang tumayo. “Tigilan mo na yung sinasabi mong labanan na yan dahil ayoko ng gawin yan.”
“Wala rin mangyayari yung pagrereklamo mo, kaya eto na yung huling araw na magkikita kayo ni Gemma.”
Hinila niya si Malya palayo sa kwarto niya at di niya inaasahan na magkikita sila ni Jinno na may dala pang inumin at tinapay kaya binitawan niya ang babae.
“Para sa’n nanaman yan, Jinno?!” inis na tanong ni Velma at nagulat na lang ang lalaki dahil hindi niya inaasahan na magagalit siya.
“Ano yan, nagpapakain ka ba ng bata!”
“Ma, kailangan niya ng konting lakas, paano yan lalaban kung mukhang hingalo yan.” sabi ni Jinno at napatango ng bahagya si Malya.
“Nakakalimutan mo ata na siya yung dahilan kung bakit nasaktan ang kapatid mo! Hayaan mong matutunan niya yung mga ginawa niyang mali at pagsisihan niya.”
“Di masama kung hahayaan niyo kong painumin ng tubig para tapos na ang away!” sabi ni Malya at tinignan silang dalawa.
Natawa ng bahagya ang matanda. “Bahala na kung sino man ang manalo sa inyo ni Gemma ang manalo, basta ngayon oras na ‘to, sisiguraduhin kong tumupad ka sa usapan!”
Pinuntahan ng mga matanda ang kanyang mga tauhan para may ibulong ito at nagsimula agad magtaka si Malya kung anong mga magiging plano niya. Pero hindi niya inaasahan na nilapitan siya ng baso ni Jinno para painumin siya.
“Wag mo kong tanggihan.” ngiting-ngiti si Jinno dahil sa pagiging possesive sa kanya pero tinitiis lang ni Malya magalit at tumango lang siya para makainom ng tubig.
Matapos ng mga limang lagok ay pinakain siya ng tinapay pero hindi parin siya makapaniwalang nakatali parin ang kamay niya at walang balak si Jinno na pakawalan siya.
“Di mo ba balak akong pakawalan dito?” pagtataka ni Malya at napangiti ng husto ang lalaki at saglit na hinaplos siya.
“Pakakawalan lang kita kung hindi ka masyadong magmamadali.”
“Gusto ko munang kausapin si Glen bago ko makita si Gemma.”
Umiling kaagad ang lalaki. “Hay nako. Pagnandoon ka na sa labanan pwede na kitang pakawalan.”
Pinapunta na ni Martin si Gemma sa isang pwesto kung saan sila maglalaban, sa isang farm kung saan putikan at sa harap nila may mga upuan. Mesa na nandoon sa harap nila ang camera.
“Di ko naiintindihan na dadalhin mo kami sa putikan.” pagtataka ni Gemma at bahagyang napangiti ang lalaki.
“Ano bang iniisip mo sa kama yung labanan niyo?”
Napatingin siya ng masama. “Sa tingin mo, kailangan ko ba yun gawin kay Malya? Ba’t di niyo na lang siya pinakawalan kagabi, hindi yung mukha kayong tanga kung mag-bantay sa’min.”
Bigla niyang hinila ang buhok ng babae at nung dumating si Malya ay nag-alala siya kaagad.
“Huwag mo siyang sasaktan. Bigyan niyo muna ko ng konting oras para makausap si Gemma.”
Parehas ng dalawang lalaki na tinignan nila si Malya at payabang na umiling sila.
“Anong sa tingin niyo ang gagawin dito? Mamamaalam dito bago mamatay. Hindi namin problema yung magiging libing niyo.”
Tawang-tawa ang dalawang lalaki kaya nanahimik na lamang sina Malya at Gemma at nagkaharap ang dalawa. Dumating si Velma para simulan ang hinihintay niyang laban kaya tinanggal ng mga lalaki ang pagkakatali kay Malya at saktong dumating din si Glen kitang nandoon na rin sa upuan sina Stela, nilapitan ng lalaki sina Stela at Malya.
“Nakikiusap akong wag niyo na silang dalawa idamay, kita mo naman na wala silang ginagawang masama.” pag-mamakaawa ni Glen pero nung tumingin ang matanda ay bigla nanlisik ang mata niya.
“Isa ka pang lalaki ka, kapag kinulit mo pa ko ng ganyan, baka mapatay ko silang dalawa.”
“Siguraduhin mong wala kang sasaktan sa kanilang dalawa.”
Mahigpit na pinakawakan ng matanda ang kamay ni Glen na umabot sa puntong naiidin ng kanyang kuko ang kanyang kanang braso.
“Wag na wag mo kong gagalitin ngayon baka kung anong gawin ko sayo.”
Nung nagtitigan sila ni Glen biglang pumasok sa ala-ala ng lalaki nung oras na siya ay sapilitang pinapapasok sa mansion dahil sinusubukan niyang tumakas.
“Gusto kong umalis dito! Palayain niyo ko!!” kailangan ako ng pamilya ko!”
Sigaw ni Glen at pilit siya ginagaladgad papunta sa loob ng mansion papunta sa kusina, habang naghuhugas ng plato si Gemma naririnig niya ang sigaw ng lalaki na pinag-alala niya. Nahuli niyang nilapag nila si Glen sa mesa para hubaran siya ng dapat.
“Anong ginagawa niyo sa kanya?” pag-aalalang tanong ng babae at napatingin si Glen sa kanya nung nalaman niya na nag-aalala siya para sa kanya.
“Tulungan mo ko, gusto nila kong saktan…”
“Mas mabuti bang maghugas ka diyan, dahil tuturuan ko siya ng liksyon.” sabi ni Martin.
Binuhusan nila ng tubig si Glen at hinanda na ang kutsilyo na gagamitin nila natakot si Gemma sa balak nilang gawin at inawat sila.
“Tama na yan, di niyo na siya kailangan saktan.”
Tinulak nila ng palayo si Gemma at umiling agad si Martin. “Gawin mo na yung trabaho mo baka mapahamak ka din, gusto mo?”
Nakita ng babae na may dalang kutsilyo ang lalaki na balak nilang hiwain ang balat ni Glen sa may leeg niya kaya pilit ng babae na hilain ang kamay niya.
“Hindi mo na kailangan gawin yan. Nagpapatulong akong maglaba para wala na kayong maraming pinapagawa sa’kin. Panigurado akong may silbi yan sa inyo.”
Napaisip ang mga lalaki sa sinabi ni Gemma at inutos ni Martin sa dalawa na umalis na sila kaya binaba niya ang kanyang kutilsyo sa mesa at tinitigan pa ng masama si Glen.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo babalakin tumakas, kundi pupugutan ka namin ng ulo! Sa sobrang tigas ng ulo mo.”
Napatango ang lalaki at nakahinga siya ng malalim….
BANG!
Nagulat si Glen at bumalik siya sa realidad kung saan wala siyang magawa kundi panoorin sina Malya at Gemma sa labanan. Tinignan niya sa tabi niya si Jinno na nagbabantay sa kanya at nginitian siya ng walang dahilan.
Hindi alam ni Malya kung anong gagawin at hindi niya kayang saktan si Gemma kaya tinulak na lang niya ang babae dahil hindi niya kayang gawin ang laban at tumingin kaagad kay Velma.
“Hindi na namin kailangan maglabanan, di ko ‘to gagawin…hangga’t sa makakasigurado ako na palalayain mo muna si Rosa!” sigaw ni Malya at bigla siyang napaurong nung tinutukan siya ng matanda ng baril.
“Hindi mo gagawin o gustong mapatay ko kayong dalawa!”
“Ayoko na yung pinapagawa mo, pinagpapatay mo na nga yung mga anak ko hindi ka pa nakontento.”
BANG!
Hindi nila inasahan na may bumaril agad sa lupa at nagulat silang dalawa, naramdaman ni Malya na nagkaroon siya ng daplis sa kanang tuhod niya. Nakita nilang may hawak ding baril si Stela at nalamang siya ang bumaril.
Walang nagawa si Gemma kundi kailangan niyang kalabanin si Malya kahit labag din sa kalooban niya, sinuntok niya ito sa ulo kahit nakatalikod pa ang babae at natumba siya sa putikan.
Nawala bigla ang gigil ni Stela at mas lalo siyang naaliw sa ginawa ni Gemma. Nung bumangon si Malya ay punong-puno na siya ng putik pagkatapos ay nagtitigan silang dalawa.
“Gemma, hindi kita kayang saktan. Marami na kayong ginawang tulong sa’kin eto pa yung gagawin ko.” sabi ni Malya ng may pag-aalala habang napapaisip din siya sa mga usapan nila ni Velma.
Sobrang simple lang ang gagawin mo, dapat manalo ka sa magiging laban niyo ni Gemma kung hindi, sayang yung buhay ni Rosa kung magpapatalo ka sa kanya
Sumagi sa utak ni Malya ang sinabi ni Velma sa kanya habang tinititigan parin si Gemma.
“Ano na! Hihintayin mo na lang ba yung sarili mong mamatay! Piliin mo naman si Rosa!” galit na sumigaw si Rosa, para magising si Malya sa realidad at hindi na siya magdalawang-isip pa.
Tinulak niya si Gemma pero hindi ganon kalakas at nagtulakan sila hangga’t sa nasuntok niya si Malya sa panga na muntik na siyang mawalan ng balanse at pareho silang hindi nagpatumba at nagtitigan.
Nilakasan ni Malya ang pagsuntok niya sa bewang ni Gemma at sinipa niya ito hangga’t sa matumba siya sa putikan at pinag-sisipa niya ang babae pero hinila niya ang paa ni Malya at hindi niya inaasahan na matutumba siya.
“Gemma!” tinawag ni Glen si Gemma pero hindi parin siya nakinig sa lalaki at patuloy niyang sinasakal si Malya habang nakadapa silang parehas. “Tigilan niyo na yan!”
Binato ni Malya ng putik ang mga mata ni Gemma at nakawala siya sa pagkakasakal nito kaya nagmadali siyang gumapang.
“Wag mo na kong isipin! Parehas tayo ditong mamamatay kung iisipin mo pa ko! Lakasan mo pa yung mas malakas pa diyan!” sabi ni Gemma.
Hindi na nagdalawang isipin si Malya kundi mas inisip na lang ang buhay ni Rosa kaya tinuloy niya parin ang labanan nila ni Gemma. Sinipa ni Malya ang babae at nakatayo siya, huminga siya ng malalim at nagkasuntukan sila sa isa’t-isa pero nadapa si Gemma dahil sa madulas na putik at masaya ang mga manonod sa nakita nila.
“May nanalo na….” hindi pa nakakabaangon si Gemma ay tinutukan na siya ng baril ni Velma, hangga’t sa mapindot na niya ang trigger at mapaputok ang bala, papasok sa kanyang dibdib.
GEMMA!!!!
Napasigaw si Malya nung makita niya na nagdurugo ang dibdib ni Gemma at kaagad niya inakap ito kahit putikan na sila.
“Gemma, kasalanan ko ‘to…hindi ka pwedeng mamatay!” pag-aalala niya, mahigpit na hinahawakan niya ang pagdurugong dibdib at nginitian lang siya ni Gemma.
“Wala kang ginawang mali, tama lang mas mas isipin mo yung anak mo kaysa sa’kin.”
“Hindi parin tama yung ginawa ko. Sana noon pa nakinig ako sayo para maligtas natin yung isa’t-isa, ang tanga-tanga ko…”
Hindi na niya mapigilan ang umiyak at nanghihina na si Gemma para magsalita kaya sinubukan niyang magkalapit sila ng ulo pero nabawian na siya ng hininga at mas lalong nasaktan si Malya at napahagulgol sa iyak.
Hindi rin mapigilan ni Glen na maiyak dahil sa nakita niya at bumalik na lamang sa loob ng mansion habang malungkot, matapos ang isang labanan masayang nag-inuman sina Velma pati ng buong pamilya niya, parang naging selebrasyon sa kanila ang pagkamatay ni Gemma.
“Grabe, ngayon lang ako nakanood ng ganitong laban. Mas magugustuhan ng tao kung mababawasan nga lang yung drama.” sabi ni Jinno at sabay lagok sa alak.
Tumango agad si Stela habang humihihit ng sigarilyo niya. “Di porket nanalo yan, nakakalimutan na natin yung ginawa niyan kay Mario. Di pa sapat na sa isang laban ka kokombinse niya ko.
“Sa ngayon kailangan parin natin malaman kung malalaman pa natin kung nasaan si Rafael baka sakali pang makabalik pa yon.”
Napangiwi ang babae sa gigil. “Kung sana babantayan niyo ng maayos, diba.”
Pumasok na si Malya sa abandonadong bahay kung saan nandoon ang pahingaan niya, nagising si Rosa at nakita na umiiyak siya.
“Mama, anong nangyari?” pag-aalalang tanong ng bata at agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
“Si Gemma, di na natin siya makakasama….” luhang-luha na sinabi ni Malya at hindi niya mapigilan na maging emosyonal sa harap ng anak niya.
“Bakit anong nangyari?”
Pinigilan niyang mapaiyak at inisip ni Malya na dapat hindi na siya nagtiwala pa kay Velma kaya hindi na siya nagdalawang-isip kundi umalis sa mansion para itakas si Rosa. Sa kusina ay di na mapigilan ni Glen na maging emosyonal at di niya parin maalis sa kanyang isipan kung paano niya nakitang namatay si Gemma.
“Pasensiya na, wala kong nagawa sa inyong dalawa.” sabi sa kanyang isip at meron din siyang ibang naiisip para kay Gemma.
Habang nag-iinuman ang buong pamilya ng Gatzambide ay dumating si Glen para makiusap kay Velma.
“Ano nanaman ang gusto mo niyan?” napunta lahat ang atensyon nila kay Glen dahil sa tanong ni Velma.
“Gusto ko lang sanang magpatulong kay Jendel kaso lang mga ilang araw siyang nakakulong sa kwarto, baka naman pwedeng palayain niyo siya para makapagluto kami sa inyo.” sabi ni Glen at tumawa sila.
“Talaga? Buti naman kung ganon. Natutunan mo rin pala magmakaawa pagkatapos mo rin akong bastusin baka akala mo hindi kita nakakalimutan.”
“Pagpasensiyahan mo na ko, masyado akong mabati sa bata at di ko lang kaya silang matiis sa ganong sitwasyon. Kaya nga dapat alam kong maging espesyal yung araw niyo kaya kailangan ko ng taga-tulong.”
“Di ba nandyan naman si Rosa para tumulong sayo?” pagtataka ni Stela at mabilis na umiling si Glen.
“Masyado kasing bata si Rosa para pagbutahin ko ng mga pagkaing gulay, siya na lang yung maghahanda tapos si Jendel ang tutulong sa’kin magluto para may makain kayo.”
Umiling si Velma at hindi masaya sa naging ideya ni Glen kaya napatayo siya at nilapitan ang lalaki na meron din siyang naisip na pwede niyang gawin.
“Gusto mo bang magalit kami kapag nalaman kong lolokohin mo nanaman kami?” pagalit na tanong ng matanda at nginitian din ng mga anak niya ng masama si Glen.
“Wala na kong balak gawin yon. Dahil pagod na ko. Pagod na pagod na kakaisip kung paano ako makakalabas dito kaya wag niyo na kong pagsamantalahan.”
Pinigilan ni Jinno tumawa at napatingin sa ibang direksyon. “Baka antukin na kami sa sinasabi mo, Glen.”
“Kung ayaw niyong maniwala sa’kin, ano bang dapat kong gawin?” tanong ni Glen na pinipigilan niyang mangigil.
Inutusan ni Velma na patayuin si Mario sa harap ni Glen at hindi alam ng lalaki kung ano ang susunod na mangyayari. Pinikit ni Glen ang mga mata niya dahil iniisip niya na ito ang kanyang oras ng kamatayan.
Pero natigil ang haba ng lalaki nung marinig niya na ang kalabog ng gate at lahat ng buong pamilya ay naalarma.