C7 The Godmother Season 1
“Hanapin niyo yung tatakas, bilis!” inutos ni Malya ang iba niyang anak na lumabas at para hanapin mismo kung sino ang balak tumakas sa bahay nila.
Aalis sana si Glen pero pinigilan siya ni Velma. “Anong balak mong gawin niyan?”
“Malamang masasayang lang kung magsasalita ako kaya pangluluto ko na kayo.”
“Bakit di mo gawin kaya sa kusina yan? Biglang sumabat si Stela at huminga ng malalim ang lalaki dahil pinatilihin niyang maging kalma.
“Di ko na kasi maintindihan kung ano pang silbi ni Jendel kung ikukulong niyo siya sa kwarto imbes na makatulong sa’kin. Babalik din siya don kapag tapos na kong magluto.
Hindi nila inaasahan na nahuli nila na hawak nina Jinno, Martin at Mario sina Malya at Rosa at tinulak sila sa sahig pero hindi maiwasan ni Glen na mag-alala sa kanila kaya napatingin siya.
“Wag niyo na silang saktan, naging patas naman sa inyo yung laban!” sabi ni Glen at patago siyang nag-aalala sa dalawa.
Mas lalong naiirita si Velma sa nakikita niya. “Martin, papunta mo na nga si Glen at Jendel sa kusina para manahinik yan! Kapag di totoo ang sinasabi niyan magluluto, talagang pupugutin ko ang mga ulo nilang dalawa!”
Hinila ni Martin si Glen papuntang kusina at sinundan din siya nina Mario at Jinno para mabantayan mabuti ang lalaki.
“Kita ko naman na ginalingan mo ah…” tumawa si Velma kay Malya at mabilis niyang hinablot si Rosa sa kanya. “hindi kasama yan sa usapan, diba?”
“Akin ang anak ko!” sinubukan niyang kunin pabalik ang anak niya pero tinutukan ng matanda ng baril si Rosa at hindi na nagdalawang isip si Malya na tumigil.
“Wag mo kong susubukan, Malya! Hindi na ko magdadalawang isip na patayin ko yang anak mo sa harapan mo mismo. Gusto ko pa naman makatikim ngayon ng mga nagtatalsikang dugo galing sa pinaghirapan ko.”
“Sabi mo pag nanalo ako sa laban na gusto palalayain mo na si Rosa! Palayain mo na siya!”
Sa sobrang galit ni Malya ay nag-alala din si Rosa na may halong takot nung marinig niya ang malakas na tawa kay Velma.
“Akala mo ba nakakallimutan ko yung mga ginawa mong kalokohan para itakas mo si Rafael, panindigan mo yung kadramahan mo dahil tinakas mo yung batang yan! Papalayain ko lang si Rosa kung makakabalik pa dito si Rafael.”
Tumango agad si Stela at napangiti ng masama. “Akala mo tapos na?”
“Balang araw mag-sisisi kayo sa mga pinaggagawa niyo. Lalo ka na tanda!”
Susuntukin sana siya ni Stela pero inawat siya ni Velma para kunin ang kanyang baso tapos ay nilapitan silang dalawa. Ininom niya muna ang baso niya na may alak tapos nginitian lang ng masama si Malya.
“Sisiguraduhin kong hindi na mapapahamak pa si Rafael dahil sa mga kalokohan niyo.”
Hindi niya inaasahan na hinampas ni Velma sa kanya ang baso na nabasag sa ulo niya kaya biglang nawalan siya ng malay pero gustong-gusto siyang lapitan ni Rosa pero inawat na siya ni Stela.
“Hoy bata, subukan mong tumakas baka di pa ako magdalawang isip na putul-putulin ko yung mga katawan mo.”
“Pero…” hindi na pinasalita ni Velma ang bata na umiling siya sa galit.
“Kapag sinabing hindi, hindi! Naiintindihan mo ba kami!”
Takot na napatango ang bata na walang magawa kundi sumunod sa kanila at nakita niyang hinila ng mga lalaki si Malya palayo.
Nagising si Malya habang nagmumuni siya sa isang madilim na lugar, pilit niyang igalaw ang kanyang katawan kahit na sobrang sakit ng kanyang ulo dahil sa pagkakapukpok sa kanya ng babasagin na baso, narealize niya na dalawa niyang kamay ay hiwalay na nakatali na nakapatayo siya.
Ahhh!
Pilit niyang hilain ang tali na nakatali sa dalawang kamay niya na iyon ang nagpapatunog sa chain, biglang bumukas ang ilaw na saktong dumating si Velma na may dalang pamalong kahoy.
“Pakawalan mo si Rosa! Sumunod ka sa usapan!” galit na galit si Malya at walang magawa para sugurin ang matanda.
“Para ‘to sayo!” pinalo ni Velma si Malya sa dibdib ng kahoy at sumigaw ang babae sa sakit at pinalo niya pa sa likod. “Puro ka reklamo!”
Pinalo niya pa ng limang beses sa likod niya hangga’t sa naputol ang kahoy at nanghina si Malya sa sobrang sakit ng katawan niya, di na niya kayang makatayo kaya napaluhod ito kahit nakatali ng magkahiway ang kamay niya ng pataas ng chain.
“Bakit di mo na lang ako patayin! Walang kwenta kung papahirapan mo ko!” sigaw ni Malya at mahigpit na hinawakan ng matanda ang mukha niya na pinakadiin na niya ang kanyang kuko sa kanyang mga pisngi.
“Ano, babastusin mo pa ko?”
Nginitian siya ng masama at sabay na kumuha siya ng basag na bote na hinampas niya sa ulo ni Malya na kaagad ito dumugo.
“Tatakas ka pa!!”
Hinablot ni Velma sa bulsa niya ang whip na hinampas niya paulit-ulit sa babae at wala siyang pakialam kung masaktan pa siya hangga’t sa mapagod siya.
“Diyan ka lang hangga’t sa matuto ka sumunod!”
Nilayasan siya ni Velma at sinara ang pinto, sinubukan ni Malya na ibukas ang kanyang mga mata dahil sa sugat at dugo na meron siya, hindi niya masyadong mabuksan ang mga mata niya, sa malayong lugar ay nakita niya sina Rossel at Tonyo na nakatayo pero malayo sa kanya.
“Ang saya ko basta magkasama tayong lahat…”
Pilit na pinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa panghihina, mga 5 minuto na ang lumipas ay may dumating na isang babae na putikan katawan at may bakas ng dugo sa dibdib niya, hindi siya makapaniwalang nakikita niya ulit si Gemma pero nilapitan siya nito para haplusin ang kanyang mukha.
“Gemma…” hindi maiwasan ni Malya na maluha nung makita niya ulit ang mukha ni Gemma na nakangiti sa kanya. “Hindi gusto yung nangyari, wala akong nagawa.”
“Sila lang may gusto non…” narinig niya ang boses ni Gemma pero si Jinno pala ang naghahaplos ng kanyang mga mukha para titigan siya.
Gemma….
Mga sandaling yon, pinunasan ni Jinno ang mga mata niya para mawala ang mga dugo sa buong mukha niya at doon nakita ni Malya si Jinno.
“Ba’t di mo na lang ako patayin, pagod na pagod na ‘ko.”
Dinikit ng lalaki niya ang ulo sa babae at pinunas ang kanyang luha. “May nagmamahal din sayo, tulad ko.”
“Kung totoo yung sinasabi mo, ba’t kailangan mo kong pahirapan. Sana pinatay niyo na lang kami ni Gemma para mawala na lahat ng pagod ko….pagod na pagod na ko.”
Sinusubukan ni Jinno na tumalikod at hindi umiyak sa harap niya dahil nakikita niyang nahihirapan na si Malya sa sitwasyon niya, wala na siyang ibang ginawa kundi haplosin ang mga mukha niya dahil sa mga delusyon niya.
“Sa totoo lang mahal kita, hindi ko alam kung paano ko pinakita o pinatunayan sayo.”
Napailing ang babae at ayaw niyang maniwala sa sinasabi niya. “Kung talagang totoo yang sinasabi mo, bakit kailangan mo pa kong pahirapan. Hindi mo pa nakikita na kayo na lang ang masaya.”
“Kung may magagawa lang ako para mapasaya ka, intindihin mo na marami din akong minahal noon pero ikaw lang ang pinakagusto ko.”
Hinalikan siya ni Jinno at sagad niyang dampiin ang dila pero madiin na kinagat ni Malya ang kanyang dila hangga’t sa magdugo at tumigil siya nung nasampal siya ng lalaki.
Ahhh!
Napasigaw si Jinno at nagmadali siyang umalis na kinatuwa ni Malya, inisip niya sa wakas ay nakaganti din siya. Sa kusina, habang nagluluto sina Glen at Jendel, naalala ng lalaki habang naglilinis sila ni Gemma sa garden ay nakita nilang papunta ng van sina Velma at sina Jinno para kumuha nanaman ng kanilang mga makakasamang biktima.
“Napapansin mo ba na marami sa kanila ngayon umalis?” pagtataka ni Gemma at naobserbahan niyang kasama ng matanda si Stela, Mario, Jinno at Martin.
Tumango agad si Glen. “Malamang hindi na tayo yung biktima nila, mandadamay nanaman sila ng ibang tao. Kung sanang madaling tumakas dito, magagawa ko na nung una pa lang. Edi sana nakauwi na ko sa bahay ko.”
“Di ko rin maintindihan kung bakit nila tayo dinala para gawing utusan.”
“Napapaisip din ako sa mga pinaggagawa nila sa’tin.”
Nung paalis na ang van ay nagulat silang pero nung may nagkalbit sa kanila na si Martin ay nasa likuran nila.
“Binabalak niyo nanaman tumakas?” tanong niya sa dalawa, tinitigan lang siya ng Gemma ng masama.
“Kung meron man edi sana hindi kami naglilinis dito kanina pa! Pasalamat ka dahil binabawasan ko na yung pagrereklamo ko sa inyo.”
Hinawakan ni Glen ang kanang kamay ni Gemma ng pagkahigpit-higpit para awatin siya at pigilan na makipag-away. Ngiting-ngiti si Martin at pilit din siyang maharangan.
“Ang tapang mo din magsalita ah. Anong napapatunayan mo niyan?”
Agad hinawakan ni Martin ang mukha ni Gemma na gusto niyang higpitan ang pagkakahawak nito pero natulak siya ni Glen para hindi sila magsimula ng away.
“Tama na, gusto lang namin mamuhay ng normal, hindi maabuso sa inyo.” sabi ni Glen at tumango ang babae.
“Kung makakalaya man ako dito sa mukhang kulungan na ‘to, papatayin ko kayo isa-isa!”
Nasa kusina si Glen at habang naalala si Gemma ay nagpiprito na siya ng manok kasama si Jendel na nakikitulong dahil hindi siya marunong magluto. Napapansin niya na medyo malungkot si Glen pero pilit niyang hindi umiyak.
“May problema ba, kuya?” Pagtatakang tanong ni Jendel at umiling lang si Glen. “Sina Rosa, kamusta sila?”
“Sa ngayon, mabuti naman ang lagay ng iba mong kapatid, gusto sanang sulitin mo na makasama sila, lalo na sa pagkakataon na ito.”
“Bakit niyo nasabi yan?”
Hindi na nakapagsalita si Jinno dahil sinabay na niya ang pagbukas ng alak para ibuhos sa bawat baso, tinignan ni Jendel si Stela na mismong nakabantay sa harap nila.
“Anong meron ba’t kami lang yung nandito? Nasaan sina ate, si Mama.”
Napailing si Stela na napangisi ito. “Malalaman mo na lang kapag nakita mo.”
Dumating si Jinno na nakita nilang lahat na dumudugo ang kanyang labi at kaagad na kumuha ng basahan ang lalaki para takpan sa bibig niya.
“Gusto mo ba, dalhin ka namin sa ospital?” tanong ni Glen at biglang tinignan siya ni Stela ng masama.
“Gagawa ka talaga ng paraan para makatakas ah! Kaya nga hindi ko kayo maiwanan dalawa dito eh! Hindi ko na palalampasim na may susunod pa sa inyo kay Rafael.”
Nanlaki ang mga mata ni Jendel sa narinig niya, hindi maiwasan ni Glen na magalit sa kanila.
“Wala ba kayong balak paalis si Rosa ngayon? Diba kayo nagsabi na kapag nanalo si Malya sa labanan eh palalayain niyo siya, anong nangyari.”
Biglang tinignan siya ni Stela ng masama. “Akala ko ba magluluto ka lang, ba’t ngayon ang dami mong reklamo. Buti nga hindi na namin naisip patulan yun Rosa na yan eh! Kung ako lang ang nasusunod baka pati siya hagisan ko niyan ng kumukulong tubig!”
“Ang sama mo naman. Ano yung ginawa mo sa kapatid ko?” pag-aalalang tanong ni Jendel at tinignan din siya ng masama ni Stela.
“Sasabat ka din ah!”
“Pasensiya na ate, wala akong alam kung anong nangyayari kina Rosa, ilang araw niyo na kong kinulong sa kwarto. Gutom na gutom at uhaw pa ko pero mas gusto kong malaman yung lagay nila.”
Huminga ng malalim ang babae at napakagat siya sa kanyang labi. “Hindi ko na problema kung wala kang alam!”
Sa isang office kung saan tinali ni Rosa sa upuan katabi ang manikin na palaging kasama ni Velma ay pilit ng bata na makaalis kaya pilit niyang makatayo kahit nakatali ang kanyang kamay at paa sa upuan na bakal.
Akala niya magiging maayos ang lahat pero may tumulak sa kanya pabalik at kinagat niya ang bata sa kanyang balikat kaya napasigaw siya sa sakit.
“Pasalamat ka hindi ko kinain yang balat mo dahil ang dumi mo! Kung magiging pasaway ka, hindi lang yan ang aabutin mo.”
“Ba’t kailangan niyo pang saktan ang kapatid ko! Anong ginawa niyo sa mama ko!!”
Tinumba ng matanda ang upuan kaya nasaktan si Rosa at kita niyang gigil na gigil ito.
“Kung di ka titigil baka kung anong gawin ko sayo.”
Matapos niyang sipain ang bata ay dumiretso na siyang kunin ang kanyang manikin at tinabihan niya sa kanyang office table.
“Pagpasensiyahan mo na yung mga kasama natin. Hindi ko napapansin na madalas kitang napapabayaan.” mabilis na hinalikan niya ang manikin na kinatakot ng bata, nilambingin niya pa ito na hinimas ang balikat ng lalaking manikin. “Meron akong dapat gagawin, maraming gagawin.”
Hindi na niya pinalampas ang oras at tumawag siya sa telepono, nasa linya niya ang isa sa mga koneksyon niya sa labas, si Rodolfo.
“Meron tayong malaking problema dito. Nawawala ang isang bata dito mga ilang araw na. Bago ko ginawa yung labanan nina Malya.”
Godmother, kailangan niyo ba ng tulong ko? Ngayon pwede silang maghanap-hanap sa kalye.
Tulungan niyo kami!!!!
Sumigaw si Rosa at nairita ang matanda sa pagsigaw niya kaya binaba niya muna ang telepono sa mesa at pinagsisipa ang bata hangga’t sa tumahimik. Mabilis niyang binalikan ang telepono para kausapin si Rodolfo.
“Puntahan niyo ko diyan dahil malaki ang problema natin. Kapag di niyo ‘to inayos agad, mananagot kayo sa’kin.”
Yes, godmother.
*beep
Kinuha ni Velma ang kanyang pana na may kasamang maulis na arrow nung nakikita pa lang niya ang kanyang armas ay mas lalo siyang natutuwa, tinignan ang kanyang manikin.
“Hayaan mo, magkakasama tayo ulit pagkatapos nito.”
“Wag niyo ng idamay yung kapatid ko!” pagmamakaawa ni Rosa at bago umalis ang matanda ay tinawanan lang siya ng matanda at ni lock siya sa office.
Ano ba!!
Walang nakarinig sa sigaw ng bata at nakakulong siya sa office ni Velma ng walang nakakaalam, Nung natapos sina Glen sa pagluluto kasama si Jendel ay hinanda nilang lahat ng pagkain sa dining area kung saan nandoon sina Jinno pati na ang iba niyang mga kapatid.
“Sasama ba si mama sa’tin kumain?” tanong ni Jinno at kaagad na niya kinuha ang bagong lutong manok na walang pasabi, umiling kaagad si Stela.
“Malay ko ba, nasa kanya ang desisyon.”
Paalis na sana sina Jendel at Glen pero bigla silang tinawag ng babae.
“Hoy! Sa’n kayo pupunta? Wala akong sinabing aalis na kayong dalawa.”
“Meron pa kaming lilinisin sa kusina pero kung may kailangan kayo edi pwede niyo naman utusan si Jendel. Babantayan niya kayo diyan.”
Nagulat si Jendel sa sinabi niya na pilit niyang tinignan ng matagal si Glen at mabilis niyang tinignan pabalik ang mga kumakain sa harapan niya.
“May punto naman siya, ako na muna yung bahala sa inyo.” sabi ni Jendel at nagkaroon din ng oras si Glen para makapunta sa kusina para kumuha ng pagkain at inumin para bigyan si Malya.
“Ngayon masaya ka na ngayon, nakahinga-hinga ka ngayon sa labas ng kwarto.” sarcastikong napangiti si Jinno at tumango kaagad ang lalaki.
“Oo naman at kamusta na ang iyong labi.”
Natawa si Jinno nung napansin agad ng lalaki ang kanyang labi. “Aba sa dami mong pwedeng pansinin ang labi ko talaga! Yung nanay mo kasi kung ano na lang naiisip gawin.”
“Pasensiyahan niyo na ang nanay ko, nagawa niya yon dahil siguro sa sobrang gutom. May mga bagay tayong hindi inaasahan na gawin lalo na kapag di tayo nakakain ng maayos, naranasan ko din yan nung madalas kaming natutulog sa daan.”
Hindi mapigilan ng lahat na mapatawa sila sa sinabi ng lalaki kahit ilang beses ng huminga ng malalim si Jendel para maiwasan niyang matakot sa kanila.
“Minsan kahit papano nagustuhan ko yung pambobola mo sa’min ah.” ngiting-ngiti si Mario sa kanya at nginitian din siya ni Jinno.
“Ba’t di niyo bigyan siya ng sobrang upuan para makapagkwentuhan tayo? Gusto ko rin naman ng ibang kausap kahit papano. Para din naman malibang ka sa’min, gusto mo.” sabi ni Stela at binigyan agad ni Jinno ng sobrang upuan ang babae para ibigay kay Jendel.
“Halika na dito, tumabi ka sa’min.” tinawag siya ni Stela gamit ang hand gesture at sumunod si Jendel sa gusto niya at nakikain sa kanila.
Nakatulong na si Malya sa isang madilim na lugar pero naputol ang kanyang tulog nung marinig niya na may naglakad malapit sa presensiya niya, inakala nanaman niyang binalikan siya ni Jinno, pero nung lumapit ang lalaki ay si Glen na pala ito, na meron dalang tinapay, saging at tubig.
“Buti naman dumating ka, akala ko mamamatay akong mag-isa dito.” sabi ni Malya na kaagad siyang sinuway ni Glen.
“Wag mong sasabihin yan, nandito pa yung dalawang anak mo kailangan pa natin silang iligtas. Sa ngayon magpalakas ka muna kaya dinalhan kita ng pagkain pero di pwedeng magtagal ako dito.”
Agad niyang sinubukan ng tinapay si Malya para pakainin siya tapos ay kaagad na niyang pinainom ng tubig, na nakalagay lang sa isang bote ng wine.
Tapos ay sinubukan ni Glen na hilain ang tali para palayain si Malya pero walang nangyayari at napailing si Malya na kita niyang desperado lang ang lalaki na palayain siya.
“Wag mo ng subukan.” sabi ni Malya at tigilan ni Glen ang kanyang ginagawa kahit desperado na siyang tulungan ang babae.
“Alam ko ma paraan pa para makalaya ka, pwede naman kitang balikan ulit, kapag nadala ko yung gamit pangputol sa bakal.”
Umiling agad ang babae. “Wag mo ng pilitin, sobra kong saya na naisipan mo kong tulungan. Nagpapasalamat ako sa mga ginawa mo para sa anak ko, pinapangako ko sa inyo na di ko makakalimutan si Gemma pati ikaw na abalang inaalagaan ako.”
Masayang nginitian siya ni Glen at hinaplos ang kanyang ulo. “Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari sa’tin, hindi tayo mag-iiwanan.”
Tumango lang si Malya matapos ay nakainom ulit siya ng tubig at nakaramdam ulit ng kahit konting lakas ng katawan dahil sa uhaw na nabawi niya sa katawan.
Sa isang bar kung saan nasa kwarto si Jon at napansin nagmamadaling umalis si Rodolfo na hinila ng sapilitan para maliwanagan siya.
“Sabihin mo sa’kin, kailan ko makikita yung kapatid ko? Ilang araw na kong walang balita sa kanila, kahit man lang sa nanay ko. Sige na nakikiusap ako, sabihin niyo sa’kin kung ano yung lagay nila.”
Napailing si Rodolfo na parang hindi makapaniwala sa bata. “Ikaw na malapit ng mag-binata, parang asal bata ka pa! Malamang buhay pa sila.”
“Gusto ko lang tawagan sila, pakiusapan ako dun sa mansion na makausap ko sila kahit saglit lang.”
“Manahimik ka nga! Ngayon isa ka na sa parte ng pamilyang Gatzambide, ngayon kung tatakas ka, patay kang bata ka pati buong pamilya mo, naiintindihan mo? Ang dali lang ng gagawin mo dito, lahat ng kikitain natin para ‘to kay Godmother, naiintindihan mo!”
Bigla niyang sinuntok si Rodolfo sa mukha at sumunod sa dalawang mukha hanggang sa lumaban din si Rodolfo at tinulak siya sa pader para hampasin ang ulo niya na kinabaksak matapos ay siniko niya sa dibdib at dumating ang mga bodyguard dahil sa nangyari.
“Hindi porket kasama ka na sa’min pwede ka na mag-maang-maangan diyan! Kapag wala tayong kikitain ngayon, malilintikan ka sa’kin!”
Binuhat ng mga bodyguard si Jon para ikulong siya sa kwarto habang pilit siyang nagwawala para makatakas sa kanila, pero wala siyang nagawa.
“Ano ba! Di mo ba naiintindihan! Gusto ko makausap ang nanay ko!!” sigaw ni Jon pero hindi nakinig si Rofoldo at patuloy parin siyang umalis.
Mga ilang oras ay lumabas ng basura si Rafael dahil sa buong araw na siyang nagtatago at naalala bigla ang nangyari sa kanya nung mga nakalipas na gabing iyon.
Nung nakalabas siya ng mansion ay nagtago siya sa malaking puno sa isang madamong lugar at kita niyang maraming lalaking pakalat-kalat sa lugar habang hinahanap siya.
“Hindi lang pwedeng nandito tayong lahat, mas lalong makakatakas yung batang yon.” sabi ng lalaking bantay na panay sa kakatingin bawat sulok para makita si Rafael.
“Sabihin mo nasa syudad na sigurado yan, nakarating.” sabi ng isa pang lalaki.
Sa isang truck ay patagong sumakay si Rafael sa likod kung saan nandoon ang mga lalagyan ng mga inumin para maideliver sa mansion, nung bumalik ang realidad niya na nasa may gilid na siya ngayon ng basurahan ay kaagad siyang pumunta sa tindahan para makahanap ng makakain.
“Ate. Naghihingi po ng pagkain!” kumatok si Rafael sa pader ng tindahan ng ilang beses at narinig siya ng babae.
“Oh bata, kawawa ka naman!” nagulat ang babae na makita ang bata na hubad at sugatan ito kaya agad siyang lumabas ng tindahan para papasukin siya sa loob ng bahay.
Gumaan kaagad ang loob ng bata na makapasok siya sa isang simpleng bahay na hindi mukhang mansion kung titignan, kulay blue ang itsura at mala farm house tignan ang garden na bahay na may simpleng tindahan.
Sa loob ng bahay meron silang maliit na TV, radio at mga mamahaling vase, na biglang nakahinga ng maluwang ang bata dahil pakiramdam niya ay ligtas na siya.
“Gusto mo maligo ka muna, pangluluto muna kita ng pagkain.” sabi ng babae at tumango kaagad ang bata.
“Na’san mo ba yung banyo?”
“Dyan lang bata, tabi lang ng kusina.” tinuro ng babae ang banyo at pumunta kaagad ang bata sa banyo para maligo.
Masaya ang bata na naligo at pinunas na din ang kanyang katawan gamit ang malinis na twalya, nung tinali niya ang twalya sa kanyang bewang ay lumabas na siya ng banyo at naamoy kaagad ang niluto ng babae.
“Sige lang, pumunta ka na sa kwarto ko. May mga maliit na damit diyan, di ko na masusuot, sayo na yon. Ihahanda ko na yung pagkain mo.”
Nginitian siya kaagad ng babae at pumunta na ang bata sa pinto sa may tapat ng mahabang brown na sofa, sa loob ng kwarto ay malinis ang lugar ng atmosphere na naging comfortable ang bata sa nakikita niya, kumuha siya sa cabinet ng mga maliit na damit na pwedeng mag-kasya sa kanya at sinuot kaagad.
Narinig niya ang sasakyan na paparating sa labas ng bahay nila kaya sisilip sana siya sa bintana pero nung pagkalingon niya ay may nakita siya sa pader na nakadikit sa litrato nina Rossel, Tonyo at Gemma na naka- X ang bawat litrato nila.
Hindi maintindihan ni Rafael kung ano ang mga litratong nakikita niya.
Nung lumabas na siya sa kwarto at nasa sala ulit nakita siya ng babae at napansin niyang parang gulat na gulat ang bata.
“Anong meron bakit gulat na gulat ka?” Pagtataka ng babae at hindi parin makapaniwala ang bata sa nakita niya.
“Hindi po ba kayo nakapunta sa mansion, dun sa gubat?” pagtataka ni Rafael at nagsimula siyang magduda sa babae kahit ngayon niya lang nakita.
“Anong mansion ang sinasabi mo? Tara kumain ka muna dito.”
Mabagal na lumapit ang bata sa babae para pumunta sa kusina, nakita niya na nakahanda na ang juice at masarap na pagkain sa mesa, kumain siya ng madami dahil sa gutom na ilang araw niyang pagtatago.
“Hm…. sigurado akong gutom na gutom ka na, kung gusto mo tumira ka na din dito, kawawa ka naman kung mgiging palaboy ka sa daan.”
Umiling ang lalaki. “Bakit po nandoon yung litrato ng kapatid ko?”
Napangiti ang babae dahil alam niyang kaagad mapapansin iyon ni Rafael sa kwarto niya. “Sasabihin ko na lang yan kapag inubos mo yung pagkain mo.”
Mga ilang minuto ay sumakit ang ulo ng bata pagkatapos niyang inumin ang juice, hindi niya alam na meron na palang gamot na nakalagay doon na matapos ay nagmadali siyang umalis para balikan ang pinuntahan niyang kwarto.
Nagkalkal siya sa mga cabinet kung ano ang pwede niyang makita, nakita niya ang litrato ni Glen, Malya, Rosa, Jon, Jendel at kahit sarili niya na may buong pangalan ang bawat likod ng litrato na nakuha niya.