C8 The Godmother - Season 1
Natakot si Rafael at ramdam niya na hindi nanaman siya ligtas sa pinuntahan niyang bahay na balak niya sanang tumakas pero dumating na si Rodolfo at nahuli din niya sa wakas ang bata na takot na takot sa kanya.
“Tama na!! nakikiusap ako sa inyo!” hindi na niya mapigilan ang sumandal sa cabinet at biglang nawalan ng malay.
Masayang-masaya si Rodolfo na nahuli din nila ang bata at inakap ang babae na iyon pala ay asawa niya.
“Buti na lang hindi na natin magiging problema yan. Kakailanganin natin yung batang yan para sa negosyo natin.”
Tumango agad ang babae at nginitian siya. “Ngayon pwede mo ng tawagin ang boss mo dahil nahanap na natin siya.”
“Magiging masaya ang balita para sa kanya.”
Habang nakikikain si Jendel kina Stela ay nag-aalala siya dahil hindi parin bumabalik si Glen para may oras din siyang makaalis sa kanila pero mukhang imposible na.
“Sigurado ba kayong ayos lang na nandito ako sa inyo?” pag-aalalang tanong ni Jendel at biglang di mapigilan ni Stela ang mapatawa sa kanya.
“Kung hindi ano pang ginagawa mo dito?” tanong ni Stela at kaagad niya hinaplos ang mukha ng lalaki.
“Alam mo ba’t di mo na kami aliwin para di ka lang nakaupo sa tabi namin, sumayaw ka.”
Napanganga si Jendel at hindi siya makapaniwala. “Ano?”
“Hindi ka naman siguro bingi diba, rinig na rinig mo! Bilis na.” sabi ni Martin, at tumayo kaagad si Jendel para sumunod sa sinabi niya.
Pumunta sa lalaki sa harap nila at nilagay ni Stela ang isang upuan sa likuran niya at nilipat ang kanyang upuan sa harap niya, dahil mas gusto niyang maaliw sa lalaki.
“Paaliwin mo kami, gusto ko yung malibang kaming lahat lalo na ko.” ngiting-ngiti si Stela na may pag-nanasa sa lalaki.
“Pasensiya na pero wala akong alam na kahit anong gawin.” Mas lalong kinakabahan si Jendel sa mga titig ni Stela.
“Di ko naman sinabing kailangan mong sumayaw, pero alam mo naman ang ibig sabihin ng aliwin mo kami, diba?”
Nalilito parin si Jendel sa gagawin niya at pinakita ni Jinno sa kanya ang klaseng gesture na gusto nilang ipakita kay Stela. Sumayaw si Jinno ng may pakembot na tila may kasamang pang-aakit na iyon ang ginaya ng lalaki at biglang natuwa ang babae.
“Yan ang sinasabi ko.” mas napangiti si Stela nung sinimulan ni Jendel hubarin ang dapat niya at nagsialiwan silang lahat.
Mabagal na sinimulan ng lalaki na aliwin silang lahat sa pagsasayaw niya at mabagal siyang ginigiling-giling ang kanyang bewang para akitin ang babae, natulala si Stela sa mga galawan niya at nung pagbalik ni Glen ay nakita niyang nakatingin lang sila kay Jendel at pinapanood siyang sumasayaw.
Naghahanap ng armas ang lalaki para palayain si Malya pero narinig niya na may sumugaw sa loob ng office ni Velma.
“Rosa, ikaw ba yan?!” sigaw ni Glen at sinubukan niyang buksan ang pintuan pero nakalock ito at paulit-ulit niyang tinulak ang pintuan ay walang nangyayari.
“Tulungan niyo ko!”
Napatigil si Stela at pinuntahan lalaki dahil sa ingay na narinig niya, sinuntok niya ng malakas si Glen dahil sa galit ng walang dahilan.
“Ikaw nanaman! Pati pa naman ang office mismo ng nanay ko gusto mo na rin pasukan!” galit na galit si Stela na ganon din si Glen.
“Kinulong niyo si Rosa na hindi man namin alam! Anong klaseng parusa yung ginagawa niyong yan! Hindi pa ba sapat sa inyo yung nangyari kay Malya, kahit pa bata kaya niyong patulan!”
Pinagtuturo niya si Glen gamit ang daliri niya ng may pagdiin. “Kung mas nasusunod ako kesa sa nanay ko, hindi lang yan ang kaya kong gawin.”
Napailing si Glen at iniwasan na patulan pa siya gusto niyang layasan siya pero hinila siya pabalik.
“Sinabi ko bang aalis ka na! Sumama ka sa’min, meron pa kayong gagawin ni Jendel, kasi nawawala na yung mga tagalinis namin.”
Hinila niya ang lalaki papunta sa dining area na wala na naman magawa si Glen at naiwan nanaman niya sa loob ng office si Rosa.
Nung lumipas ang hapon ng mga 2 PM, nakaupo parin ng mag-isa si Jon sa isang kwarto sa bar kung saan may mga malaswang litrato na decoration sa pader, isang pulang kama na makapal ang kumot at unan na intensyon gawing theme na sensyual ang kwarto para sa customer.
“Mga bwisit kayo!” sabi ni Jon na nilabas ang kanyang inis.
Bigla niyang narinig ang pagbukas ng pintuan at itulak ng mga lalaki si Rafael ng walang kamalay-malay, may bibit ang isang lalaki na upuan para paupuin si Velma sa harap ng lalaki.
“Anong ginawa niyo sa kapatid ko!” inis na sabi ni Jon na gusto niya sanang sugurin ang matanda pero agad niyang pinaupo sa ka na pinautos niya sa tauhan niya.
“Sabihin mo yan sa nanay mong marunong gumawa ng kalokohan, akala niya madili niyo kong matatakasan sa mga plano niyo. Lalo na yang kapatid mo!” tinuro ni Velma si Rafael na nakahiga lang sa sahig, walang malay.
“Ba’t kailangan mo siyang isama dito? Di rin ako ligtas dito, inaabuso ako ng isang kasama mong lalaki! Yung may ari nito!”
“Hindi ko na kasalanan kung kailangan niyang makulong dito, pasalamat ka dahil hindi ko naisip na ipakain ang mga laman-loob niya sa mga kagaya niyong pulubi…”
Ngiting-ngiti ang matanda na biglang tumawa ng malakas na kaagad sinugod ni Jon sa sobrang galit na nasuntok niya sa mukha at natumba si Velma at kaagad naglabas ng baril ang tauhan niya.
“Wag, hindi pa ko tapos sa kanya.” Tinulingan ng mga lalaki na tumayo si Velma at paupuin ulit siya sa upuan at tinago ulit ang baril.
“Sobra-sobra na yung kababuyang ginagawa niyo sa’min! Hindi pa ba kayo masaya sa ginagawa niyo, ha!” inis na inis si Jon at lalo lang tumawa si Velma.
“Kung susunod lang kayo sa mga utos ko, edi sana hindi kayo mahihirapan pa.”
Ahhh!!!
Napatayo si Jon sa gigil niya at hindi niya ito mapigilan pa na magalit na tila nadidiin na ng dailiri niya ang kanyang mga matutulis na kuko.
“Kapag nalaman ko kung anong ginawa mo sa nanay ko! Sinisigurado ko sayo!! mamamatay ka!” sabi ni Jon na may kasamang pagbabanta.
“Ngayon alam niyo na ang parusa kung tatakasan niyo pa ko. Kita mo yung batang yan, kahit papano, may oras pa siyang mabuhay kasama ka, basta alam niya kung anong gagawin niya sa mga customer ko.”
“Nakakadiri ka! Mas ko na napalayo siya sa siraulo mong anak! Kung ano-ano na lang nasa utak ni Stela, mga duwag din kayo na takot din magpakita sa pulis.”
Tawang-tawa si Velma at tumayo siya para lapitan si Jon, nung agad siyang dinuraan ng lalaki si mukha ay nagalit ang babae at kaagad siyang sinuntok nito ng malakas, habang meron siyang hawak na isang brass knuckles.
“Yan na ang huling palalampasin ko galing sayo. Kung gusto mong mabuhay pa yung kapatid mo, kumita kayo ng mas mataas pa sa 500!” sabi ni Velma at napailing si Jon na hindi makapaniwala sa demand niya.
“Anong tingin mo sa’min laruan?! wala na kong ibang ginawa dito kundi pasiyahin yung mga taong nanood sa’min! Kahit din yung mga lalaking gusto kaming patulan kahit ayoko!”
“Aba ikaw mamili kung anong gusto mong mangyari sa kapatid mo, akala mo siguro nakikipagbiruan ako sayo.”
Tinignan ni Jon ang kapatid niyang nakahiga sa sahig ng walang kamalay-malay.
“Wala akong pakialam kung problema mo na yung kapatid mo, pero na sayo na yan kung susubukan niyo pa kong takasan, dahil pwede kong patayin ang kapatid mo sa harap mo mismo.”
Walang magawa si Jon kundi pumayag sa gusto niya pero sa isang sarili niyang kondisyon.
“Papayag muna ko kung kaya mong ipangako sa’kin na wag na wag mong sasaktan ang nanay ko, lalo na yung iba kong mga kapatid. Sabihin mo muna sa’kin na kaya mong ipangako iyon.”
Napatingin ang mga lalaki kay Velma nung napaisip-isip siya pero nginitian lang siya.
“Wala akong pangako na magagawa.”
“Kung ganon, hindi ko magagawa yung gusto mo.” sabi ni Jon.
Bahagyang natawa ang babae. “Kung ganon, di ko na poproblemahin kung papatayin ko pa yung kapatid mo sa harap mo. Masarap makakita ng pagtalsik ng kanyang dugo sayo. Para palagi mo siyang maalala, diba?”
Hindi na sumagot ang lalaki at mas lalo siyang nagalit. Iniwan ulit siya sa kwarto at hinampas ni Jon ang kamay niya sa pinto pagkatapos para ilabas ang lahat ng galit niya.
Sa isang dining area sa mansion, nakatali sina Glen at Jendel sa magkabilang upuan gamit ang lubid, wala silang magawang pareho dahil mahigpit ang pagkakatali sa kanila kahit sa mga kamay at paa nila.
“Ano bang ginawa mo ba’t naisipan nila tayong itali ng ganito!” iritadong tanong ni Jendel at di niya masyadong maigalaw ang kamay niya kahit ilang beses niyang sinubukan ito.
“Tinulungan ko lang ang kapatid mo, kinulong sila sa kwarto ng matanda.” sabi ni Glen.
“Tinulungan pero sinusubukan mo daw manira ng pinto?” sarkastikong napangiti si Jinno sa kanila.
“Sabihin niyo nga sa’min kung nasaan si Stela? Anong balak niyang gawin sa’min ngayon!”
Natawa ang lahat nung marinig nila ang tanong ni Glen kahit ang dalawa ay hindi naman natawa sa kanila.
“Seryoso kami dito? Nakikiusap kami na tigil-tigilan niyo na kami! Ba’t hindi niyo na lang kami pauwiin?”
“Hindi ba kayo masyadong makapag-antay? Pag-handaan niyo muna ang mga sarili niyo.” sabi ni Mario.
“Pasalamat ka dahil buhay ka pa!”
Nilapit ni Mario ang kanyang ulo kay Glen. “Ganon din kay Malya, buhay na buhay pa.”
“Balita ko baka meron pang balak gawin si Stela kay Malya, nabitin pa siya dun sa labanan nila ni Gemma.” Dagdag pa ni Jinno.
“Tama na! Pinapahirapan niyo na masyado ang kaibigan ko.” inis na sabi ni Glen at agad nanlisik ang mga mata ni Mario.
“Hindi pa sapat yung ginawa niya sa’kin! Dapat sa kanya magdurusa siya habang-buhay!”
“Kailan ba kayo titigil?” sabat agad ni Jendel.
“Kung kinakailangan!”
“Anong klaseng sagot yan….” pabulong na sabi niya pabalik.
Saktong dumating si Stela na meron dalang pamalo na kahoy, chain at isang lubid na binigay niya ang dalawang natira kina Jinno at Mario.
“Hindi mo na kami titigilan paglaruan. Tigilan mo na yan!”
Angal ni Stela. “Talaga lang ah, dapat matagal ko na sa inyo ‘to ginawa. Di ako papayag na meron kayong sasaktan sa pamilya namin.”
Nagsimula ng umikot si Stela kina Glen at Jendel at nakangiti siya ng may masamang binabalak.
“Kayo ay matutong gumalang at rumespeto sa’min simula ngayon!” tinaas na ni Stela ang pamalo na handang-handa na niyang parusahan ang dalawang lalaki na nakatingin sa kanila.
“Anong pinagsasabi mo?!” inis na sabi ni Glen at nahampas siya ng kahoy sa dibdib at pinigilan niyang sumigaw sa sakit.
“Hindi yan ang gusto kong marinig!”
Umikot naman siya banda kay Jendel kung saan, siya naman ang papaluin niya.
“Nakikiusap lang ako, wag mo na kong idamay…ginawa ko na lahat yung gusto mo. Hindi ka pa ba naaliw don!” sabi ni Jendel na may halong takot.
Hinampas siya ni Stela sa paa at napasigaw siya sa sakit, lumapit naman si Mario kay Glen haawak-hawak niya ang chain, pamalo sa kanila.
“Hindi naman kita sasaktan ng walang dahilan! Dapat lang yon sayo kasi sumosobra na kayo! Puro na lang kalandian ang alam niyong gawin sa’min!” galit na sabi ni Glen.
Hinampas siya ng chain ng dalawang beses sa magkabilang braso niya at hindi niya mapigilan na mag-react dahil sa sobrang sakit nag pagkakahampas.
“Dapat sa inyo parusahan hangga’t pagtanda!” gigil na biglang sinakal ni Mario si Glen gamit ang chain at naririnig na ni Jendel na hindi siya makahinga ay agad siyang nag-alala.
“Anong ginagawa niyo sa kanya, tigilan niyo yan!” pakiusap niya.
“Bagay lang sa kanya yan.” sabi ni Stela
Malikot na pagalaw-galaw ang mga kamay ni Glen dahil nawawalan na siya ng hininga sa pagkakasakal kay Mario, mas lalong hindi mapakali si Jendel sa kalikod niya.
“Tama na!”
Hinampas siya ni Stela sa kanyang mga hita at napasigaw siya sa sakit. “Walang kwenta kung magiging taga bawal!”
“Alam ko kung anong pwede niyong gawin sa’min!”
Agad na pinakawalan ni Mario sa pagkakasakal si Glen at nakahinga ng maluwag ang lalaki.
“Sabihin mo ano!” galit na galit na tinitigan ni Mario sina Glen at Jendel.
“Katulad ng sinabi niya, lahat ng gusto niyo gawin niyo na pero pakawalan niyo na si Malya at hayaan niyo na siya magpahinga. Ako ang may kasalanan kung bakit ginawa namin iyon ni Malya, magtitiis ako kahit isang linggo sa pagpaparusa niyo sa’kin basta pagkatapos non palayain niyo siya…”
Napayuko si Glen at sobrang desperado niya sa pagmamakaawa sa buong pamilya at kahit pinagtatawanan na siya ay hindi na niya magawang magalit sa kanila.
“Talaga lang? Akala mo ba makakagawa ka ng paraan para makalusot sa dahilan mo, sa tingin mo maloloko mo na kami niyan?” sarkastikong napailing si Stela.
“Hindi ko na kayo lolokohin, sige na. Papatunayan ko na yung totoong pustahan sa inyo, walang dayaan, walang takasan, walang barilan, walang patayan. Saktan niyo na kami sa gusto niyo parusa pero wag niyo kaming patayin.”
Napatingin agad si Jinno kay Stela na napaisip siya bigla ng ideya. “Kung gagawin natin yan dapat napapanood namin kayo ni Malya lampasan yung mga ipapagawa namin sa inyo.”
Napatango si Glen ng sapilitan dahil wala na siyang ibang natitirang option kundi isipin na lang si Malya. Lumingon din ang mata ni Stela kay Glen at bumalik ang tingin kay Jinno.
“Wag mong sabihing nakikinig ka sa kanya.” sabi ni Stela at nag-alala si Jinno sa pagiging galitin niya.
“Anong nakikinig? Naisip ko mas lalo tayong ma-eenganyo kung anong klaseng parusa ang matitikman nila simula ngayon, ba’t di pa natin palayain si Malya.”
Napasigaw si Stela sa galit. “Anong papalayain!”
“Hindi nakakatuwa yan, Jinno!” dagdag pa ni Mario at galit din.
“Sandali, wag niyo kong pag-initan dalawa. Nagsabi lang ako ng pwede nating gawin kaysa nakatali lang sila buong magdamag.”
“Sabihin mo na kung ano yon?” tanong agad ni Martin.
“Pag-usapan muna natin sa labas.”
Tumango si Stela at pinasunod niya ang iba niyang kapatid na lumabas din para pag-usapan ang kanyang ideya. Mas lalong nag-aalala si Jendel sa mga kinikilos nila.
“Kuya, ano nanaman ang gagawin nila sa nanay ko? Hindi pwedeng masaktan siya. Kailangan gumawa na tayo ng paraan!” galit na sabi niya.
“Wala na tayong magagawa, mas lalo nila tayong pahihirapan kung tatakasan na natin sila dahil ilang beses na nila tayong napaghalataan na tumatakas. Kaya nagdudusa na tayo ngayon!”
Huminga ng malalim ang lalaki para maiwasan niyang manggigil. “Anong hindi tatakas? Ilang araw pa nila tayo sasaktan?! hindi mo ba naisip na nagsasawa na ko!”
“Mas nagsasawa na din ako!” gumalaw ang upuan nilang dalawa dahil sa galit ni Glen na parang gusto niyang sumabog sa sobrang galit niya.
Napayuko na lang si Jendel sa sobra niyang pag-aalala niya sa kanyang nanay kung anong susunod nilang gagawin sa kanila.
Pumasok kaagad sa loob ng barn si Stela para pakawalan si Malya na nakatali parin sa isang chain, nanghihina, sinusubukan niya na lang itulog para magkaroon pa siya ng lakas pero na istorbo siya nung hinila ang kanang kamay niya.
“Pasalamat ka, meron pang nag-iisip para sayo na palayain ka.” sabi ni Stela at binuksan ni Malya ang mga mata niya, hindi niya inaasahan ang pagdating niya.
Natumba si Malya sa dibdib niya nung natanggal ang isang tali sa kanang kamay niya at tinulak siya ng pabalik, ngumiti lang si Malya na wala siyang pakialam kung anong gagawin niya.
“Hindi pa ba kayo pagod? Buti naman kung ganon?” sarkastikong napailing si Malya at tinawanan lang siya ni Stela.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? Buti naman kinakaya mo pa.”
“Sana lang kayanin mo din Stela, baka pagdating ng araw di natin alam kung sino yung masusunod sa’ting mamamatay, malay mo ikaw, si Jinno.”
Nginitian din siya ni Stela ng pabalik pagkatapos ay lumabas kaagad ang kanyang galit na biglang nag-iba ang kanyang mood. Nung natanggal na ang tali ay hinigpit niya ang hawak-hawak niyang dalawang kamay ni Malya na nakapatalikod habang palabas sila ng barn.
Nung pinalabas siya sa pintuan ay natumba siya dahil parin sa panghihina at kita niyang nakatali ang dalawang lalaki na magkabilaan sa upuan sa labas.
“Malya!” sigaw ni Glen ng may pag-aalala at agad naman bumangon ang ulo ng babae nung marinig ang boses niya.
“Wag mo na ‘kong alalahanin.”
Tinulungan ni Martin at Jinno na ilagay si Malya sa puno at itali don. Mas lalong napaisip si Jendel na parang mas malala ang parusa niya.
“Diba ba pwedeng itali na lang yung nanay ko sa upuan! Paano kung magkasakit siya sa ginagawa niyo, kahit papano comfortable naman kami dito sa upuan basta di lang kami tatagal umupo.” sabi ni Jendel at sigaw ni Stela sa inis.
“Diba ang sabi niyo lang sa’kin walang dayaan, walang takasan , walang patayan, walang barilan, walang saksakan, eto na nga binibigay ko! Bawal ng magdagdag ng gusto niyo!”
“Gusto lang namin ipaalala sa inyo na sana wag ninyo kaming dayain sa pinag-usapan natin.”
“Parang hindi rin ginawa ng nanay mo ah.” sabi ni Martin.
“Hindi niyo na kailangan mag-away, wala na kong pakialam kung gusto niyo pa kong pahirapan.” napangisi si Malya at kita niyang galit parin si Stela sa kanya.
Pinakita ni Jinno na meron pa rin silang bitbit na dalang kahoy at mas lalong nag-alala sa kanya.
“Ako na mauuna, sige na…pabayaan niyo na siya!” pag-aalalang sabi ni Glen at kinuha agad ni Stela ang hawak ni Jinno na kahoy at nilapitan si Malya.
Nasigaw si Malya sa sakit nung hampasin siya ni Stela ng makapal na kahoy na ginamit niyang pamalo. Lumapit na din sina Martin, Jinno at Mario para parusahan din sina Jendel at Glen.
Nung gabi ay nagising na lang si Rafael na nasa pulang kami at di siya makapaniwalang nasa ibang lugar nanaman siya, agad siyang nalungkot nung nalaman niyang nasa ibang lugar nanaman siya na di pamilyar sa kanya.
Ilang segundo lang ay pumasok si Jon sa kwarto na may dalang pagkain at agad niyang nilapitan ang kapatid.
“Anong nangyari? Bakit ka nila nahuli?” pagtataka ni Jon.
“Pinatakas ako ni Kuya Glen, pero may isang babae na tinulungan ako nung nagtatago ako sa basurahan tapos pinapasok ako sa bahay, pagkatapos non, pinaligo at pinakain ako, tapos nakita ko yung mga litrato natin dun sa kwarto niya aalis sana ako non pero bigla na lang ako nahilo, tapos…”
Hindi na pinatapos ni Jon ang sasabihin ni Rafael at agad niyang sinampal ito sa kaliwang mukha. “Ang tanga-tanga mo talaga! Sinayang mo pa yung pagkakataon! Nagtiwala ka kaagad!”
“Kuya, hinang-hina na ko sa gutom. Bakit kailangan mo pa kong sisihin?”
“Hindi mo ba naisip yung mama natin?! masyado na siyang pinapahirapan don!”
“Pa’no naman ikaw kuya? Paano ka napunta dito?”
Naalala bigla ni Jon nung mga oras na iyon ay nakasakay siya sa isang van na nakapark sila sa likod ng isang malaking bar na kung saan biglang tinanggal nila ang sako na nakatakpan kay Jon na kaagad siyang pinapasok ng mga lalaki don.
Nung pinapasok siya sa isang bar, nakita niyang maraming mga lalaki don ang mga nang-aaliw sa mga customer at agad siyang di naging comfortable sa lugar.
“Bakit dito niyo ko dadalhin?!” inis na tanong niya at pilit na hinila siya ni Rodolfo dahil balak niyang lumabas.
“Matutulungan mo na kong kumita sa negosyo ko. Mas maganda dito kaysa magkulong ka sa mansion, pagpasensiyahan mo na yung mahabang biyahe pero masarap din tumira dito. Basta sumunod ka lang ng maayos, sinisigurado ko sayong hindi ka masasaktan.”
Napahampas si Jon sa ulo. “Wala akong tiwala sa inyo!”
Pilit ni Rodolfo at ng mga kasama niya na hilain si Jon sa kwarto niya at ikulong don. Biglang bumalik siya sa atensiyon ni Rafael nung matapos niyang maalala yon.
“Kung sana nakatakas ka, ikaw na sana yung pag-asa ko!” Sigaw ni Jon at binato niya ang unan sa bata.
“Bakit kailangan mong magalit, kuya? Inamin ko naman na nagkamali ako ako.”
“Yun na nga! Maganda sana kung nakatakas ka na pero wala! Parehas lang tayong nakulong dito!”
Hindi mapigilan ni Rafael na mapaiyak pero mas lalong nagalit si Jon at napayuko na lang ang lalaki sa hiya.
“Sobra-sobra na talaga paghihinayang ko dito, makikisali ka pa! Lahat kayo ganyan! Hinahayaan niyo na lang ang sarili niyo mag-paapi sa kanila, problema kasi sa inyo yan!”
“Pwede naman magtulungan tayong umalis dito, diba kuya?”
Umiling kaagad si Jon at iniwasan ang tingin sa kapatid. “Wag na, dagdag problema ka lang.”
Umupo ang lalaki sa kama at tumalikod siya, ayaw niya parin tignan ang kapatid niya ng dahil sa galit niya.
Nung magsisimula na ang gabi ay dumating na sina Velma at ng kanyang mga bagong tauhan galing sa byahe na nakabalik ulit sila sa mansion. Sa loob ng mansion ay napansin niyang, medyo naging makalat ang sala na kinairita niya.
Kita niyang nakaupo sa sala si Jinno na walang damit at nakikinig sa radyo ng lumang kanta habang nilalaruan niya ang hawak-hawak niyang oras na kinuha lang niya sa mesa.
“Jinno, nasaan si Stela? Bakit walang naglilinis dito?” inis na tanong ni Velma nung tinignan siya ng lalaki biglang natakot si Jinno at tinigilan ang hinahawakan niya.
“Ma, kami na nagparusa sa kanila. Ang tagal mo dumating eh.”
“Ako talaga ngayon ang may problema dito! Ngayon, na’san si Stela!”
“Hayun binabantayan niya si Rosa, na sa may tapat lang siya ng pintuan.”
Pinuntahan kaagad ni Velma si Stela na nakatambay sa pintuan kung saan nandoon ang office niya.
“Ma, buti na lang nakarating ka na. Akala ko hanggang isang araw pa ko mag-hihintay.”kampanteng napangiti si Stela at nantaas lang ang kilay ng matanda.
“Balita ko na ikaw na nagparusa sa mga utusan natin sa bahay.”
Huminga ng malalim si Stela. “Alangan naman hahayaan ko silang tumakas at maghihinayang nanaman tayo tulad nung pagtakas ng batang yon.”
Bahagyang natawa ang nanay dahil alam niya kung ano talaga ang hinahangad ni Stela.
“Alam ko gustong-gusto mong ibalik ko si Rafael pero mas magandang nasa pangangalaga ko siya ngayon. Hindi na siya makakatakas dahil kapag ginawa niya yon, meron na lang siyang natitirang araw para mabuhay.”
Napangiti ng sobra si Stela na tila bumalik ang kanyang pag-asa na makita ang bata. “Ma, di niyo siya kailangan patayin. May balak pa akong asawain siya.”
Hindi mapigilan ni Velma na mapangiti ng sobra ng walang dahilan.
“Stela, mangyayari lang yung gusto mo kung ni-isa sa inyong lahat, mabibigyan niyo ako ng susunod na henerasyon. Lilipas din ang panahon tatanda na ako, dapat mabuhay parin ang pamilyang Gatzambide.”
Napailing si Stela na may pagkasarkastiko ang ngiti. “Binigyan ko na kayo niyan ni Jinno, nasa pangangalaga din ni Rodolfo, diba? Yan parin ba ang gusto niyo, Ma?”
“Oo bakit! Natatagalan ako sa paglaki ng anak mo, hindi sapat yon!”
Nung marinig niya ang boses niyang galit ay napayuko si Stela at tumango siya kaagad.
“Ma, gusto niyo ganon din gawin nina Jinno sa iba, si Mario sa iba, pwede kayong humanap basta wag sa mga pulubing yan.”
“Di ko sinabing kailangan nilang anakan si Malya o si Rosa, basta yung makakapag-bigay sa’tin ng bagong henerasyon para mas lumakas ang pamilya natin. Dapat matutunan mo yan.”
Tumango lang si Stela at naintindihan niya. “Alam ko, hindi namin sisirain yung gusto niyang matupad, dadami pa tayong pamilya.”
Tuwang-tuwa si Velma sa narinig niya at inakap niya ng mahigpit si Stela. Na isa sa kanyang panganay at nag-iisang babaeng anak, na mas pinakatitiwalaan niya.