C9 The Godmother - Season 1
Nakita ni Malya ang pagdating ni Velma na ngiting-ngiti ito na makita silang tatlo na nasa labas, nagdurusa sa lamig at nagtitiis. Hindi na mapigilan ni Malya ang magalit basta makita lang ang matanda.
Napansin nina Jendel at Glen ang kanyang mood at nakita din si Velma.
“Siguro mananahimik kayo kahit papano. Buong araw kong maririnig na tungkol sa pagtakas ay mawawala na rin sa wakas.” sabi ni Velma at nginitian siya ni Malya.
“Kung nagawa mo na rin pala yung gusto mo, ano pang silbi ng ginagawa namin dito?”
“Kaya nga.” dagdag ni Glen.
“Simula ngayon hindi niyo na makikita si Rafael dahil nasa pangangalaga ko siya.”
Biglang nagising ang diwa ni Malya nung marinig niya ang pangalan ng anak niya at bigla siya lalong nagalit na halos gustong-gusto niyang sigurin si Velma pero di niya magawa dahil sa higpit ng tali sa bewang niya.
“Kapag nalaman kong pinahirapan mo siya don! Hinding-hindi kita mapapatawad!” galit na galit na sabi ni Malya.
“Tinatanggap na namin yung parusa niyo, pakawalan niyo na yung bata!” pag-alalang sabi ni Glen na sumunod ang tawa ni Velma.
“Tignan mo nga naman, nasaan na kayo yung tapang niyo? Parang nabawasan na kayo ng isa.”
“Ba’t di ka na lang mamatay!” galit na sabi ni Jendel at inawat kaagad ni Velma ang tauhan niya na gusto niya sanang bigyan ng disiplina ang lalaki.
“Kung ayaw niyong matulad kay Rafael, siguraduhin niyong magpapakabait kayo sa bahay ko. Hindi niyo ba naiisip ang bait ko?”
Napailing si Malya nung maisip niya ang rason ng babae. “Walang kahit sino naging mabait sa inyo! Lahat na lang sa’min papahirapan niyo!”
“Anong balak niyong gawin sa kapatid ko?” tanong ni Jendel at ngiting-ngiti si Velma sa mga reaskyon nila.
“Wala ka ng pakialam non.”
“Papano naman si Rosa? Anong ginawa mo sa kanya!”
“Kalma bata, ako na ang bahala sa batang yan…hindi ko na problema pa kung anong magiging parusa sa inyo.”
Nung iniwan nanaman sila ng matanda ay di mapigilan ni Jendel ang magalit kaya kumalabog ang upuan nila ni Glen.
“Wala na ba tayong gagawin? Ganon na lang yon!” inis na tinanong ni Jendel ang dalawa.
“Mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon natin ngayon, kaya hindi mo kami masisisi niyan.”
Huminga siya ng malalim at kumalma, naisip niyang wala rin mapupunta ang inis niya dahil magdamag lang silang nasa labas.
Nung nakahiga si Rosa malapit sa cabinet di niya magawang makatayo ng dahil sa bigat ng upuan. Mga ilang segundo lamang ay narinig niya ang tunog ng tapak ng isang paglalakad papunta sa kanya at biglang may nagtayo sa upuan niya na hinarap ni Velma ang mukha niya sa mukha din nito.
“Ipapasyal kita sa labas bukas, pero dito ka muna.” sabi ni Velma at malungkot lang na napailing si Rosa. “Magiging masaya ka bukas dahil meron kang gagawin kaysa dito.”
“Pwede niyo bang tanggalin na lang yung tali sa’kin, ate? Mas gugustuhin kong matulog sa sapin, tsaka uhaw na uhaw na din ako.”
Napatiklop ang kamay ng matanda sa magkabilang bulsa niya. “Anong tingin mo sa’kin utusan? Hindi ako mag-aaksaya ngayon ng tubig dahil ilang biyahe pa ko naglakad at aatupagin ko yan…”
“Kahit na maghati tayo, di ako magrereklamo.”
Pumunta si Velma sa banyo at naiwan parin si Rosa na nakatali sa upuan. Maaga pa lang ay nagising si Malya na narinig niya na may nagkakaladkad ng upuan at nasasaktan na boses ng bata, na alam niyang si Rosa iyon.
“Rosa! Rosa!” pilit na tinawag ni Malya ang anak at nagising rin sina Jendel at Glen at sinubukan nilang lumingon at nakita rin ang bata.
“Anong balak mong gawin sa anak ko?!” inis na tinignan ni Malya ang mga lalaking bitbit na bitbit kay Rosa.
Hindi siya sinagot ng mga lalaki at patuloy siya nilagay malapit sa hukay kung saan ginawa nila yon sa magiging parusa sa kanila, dumating si Stela kasama na ang mga kapatid niya para simulan silang pahirapang apat.
“Unang araw ng parusa sa inyo, ay dapat niyong tanggapin, para magkaroon ng hustisya ang ginawa niyo kay Mario. Ang pinag-usapan ay dapat sundin hindi kalimutan, ngayon niyo pa lang matitikman ang isang malaking parusa galing sa mga Gatzambide.”
Dumating si Velma at ng mga tauhan niyang lalaki, meron siyang dalang crossbow na hawak-hawak niya, mas lalong kinabahan si Malya sa pwedeng susunod na mangyari.
“Kahit papano, hindi kayo maiinip kahit sino pa ang uunahan ko sa inyo.” ngiting-ngiti si Velma habang tinitignan niya paisa-isa sina Rosa, Malya, Jendel at Glen.
“Siguraduhin mo lang na wag mo silang masyadong sasaktan.” sabi ni Malya na may halong pag-aalala.
“Pakiusap, wag naman ganito.” sabi ni Glen.
Mabilis na pinana ni Velma ang paa ni Rosa na bago pa man ito tumama ng malalim sa balat niya ang matulis na pana, ay napaurong siya at nahulog sa hukay.
“Rosa! Sinabi ko sayong ako na lang!” pag-mamakaawa ni Malya at pilit niyang magpiglas kahit na hindi siya makaalis sa tali, at hindi niya mapigilan na mapaiyak.
“Wag niyo ng saktan ang kapatid ko.” sabi ni Jendel at masaya silang tinitignan ng pamilya.
Binigay ni Velma ang kanyang crossbow sa mga lalaki at nilabas ang kanyang lighter na galing sa bulsa niya, bigla na lang siyang natuwa sa ngiti dahil sa gagawin niyang panibagong pagpaparusa sa kanila.
“Balak niyo ba silang sunugin lahat, Ma. Baka mamatay naman sila agad niyan?” pagtataka ni Jinno at napailing lang si Malya sa iniisip niya.
“Mas lalo nilang matitikman ang sakit ng parusa sa ganitong paraan.” sabi ni Velma at agad niyang nilapitan si Jendel na kaagad siyang nilapitan ni Stela para ibulong sa kanya kung anong gusto niyang ipagawa sa nanay niya.
“Anong binubulong niyo?” nag-aalala si Glen nung mahuli silang dalawa na nasa likuran lang niya ang dalawa.
“Pakiusap, wag matagal!” natakot si Jendel nung nilapit ni Velma ang lighter sa mukha niya.
“Ngayon humingi kayo ng tawad sa mga ginawa niyong mali kay, Mario. Sabihin niyo, bilis!” sabi ni Stela at tinuro niya si Mario.
“Ako na lang ang gagawa non!” sumabat agad si Malya at nung tinignan siya ni Stella sinuntok siya nito agad.
Kitang-kita ni Velma sa kanila kaya agad niya munang hinubaran ang short ng lalaki at binuksan ang lighter na nagliyab ito ng apoy.
Sinunog niya ito sa pinakamesalan ng parte ng katawan ng lalaki at napasigaw siya sa sakit. Sinagad pa ito ng matanda ng umabot sa puntong nagwawala na si Jendel sa sobrang sakit, tipong masusunog na ang kanyang balat.
Ayoko na!!! ayoko ko na!!!!!
Halos marinig nilang lahat ang sigaw ni Jendel at mas lalong nagsasaktan si Malya na naririnig ang anak niyang nagdudusa.
“Tama na! Alam kong nagkamali kami! Hindi namin tinatanggi yon!! Tama na!!!” Hindi mapigilan ni Malya mapagisaw sa sobrang mangungulila sa anak niya pati na rin ang kanyang mga kasama.
“Ngayon alam niyo na ang pakiramdam, ng ni-isa sa inyo merong mananakit sa pamilya ko. Kailangan niyong matuto kapag nandito kayo. Ngayon iisa-isahin ko kayong lahat.” Galit na sabi ni Velma at ngayon ay pumunta naman siya kay Glen.
“Kung saan niyo man lang dinala si Rafael, wag niyo sana siyang parusahan ng ganito, lalo na si Rosa, pakiusap.” Pagmamakaawa ni Glen na may malungkot na kasama ang mukha niya.
“Mamili kayo kung saan niyo gustong sunugin?” tanong ni Velma sa mga anak niya at kita niyang tinuro kaagad nina Jinno, Mario at Stela sa mukha habang si Martin ay tinuro niya sa paa.
“Mas maganda na yung sa mukha, Martin.” sabi ni Jinno na may kasamang ngiti na tila nagkokompetensya sila.
“Hindi niyo ba naisip na pwede niyang sunugin ng todo hangga’t sa pwede natin matikman kung gaano kasarap yung balat niya. Siguro paghahatian pa natin yung paa niya. Kasi mas malaki kaysa sa mukha niya.”
Nagsitawa ang mga magkakapatid at kahit nasa ilalim ng hukay si Rosa ay takot na takot siyang maparusahan at pilit niyang ipikit ang mga mata niya hanggang sa matapos ang araw. Si Malya naman ay hindi na niya mapigilan na magalit sa mga tawa nila.
“Tigil-tigilan niyo na ang pagtawa niyo! Tama na!!” Desperadong galit na si Malya at tumigil na sila sa kakatawa.
“Ah…ikaw na pabida, sa tingin mo magiging simple din yung sayo? Ngayon wala ng mapapala yung iyak-iyak niyong yan!” sabi ni Martin at nanlisik ang mata ng babae.
Tinuloy ni Velma ang parusa kay Glen na ito naman ay sumigaw sa sakit. Mga limang oras nang lumipas ay malapit ng mag-gabi, bumalik ulit si Jon sa kwarto na meron dalang pagkain at binigyan niya si Rafael ng kalahati.
Patuloy lang kumain ang lalaki at nagtataka si Rafael sa kanyang mga kinikilos at napapansin niyang wala siyang kahit anong pag-aalala sa pamilya nila.
“Kuya, di mo na naiisip yung mga iba natin kapatid? Wala na tayong balita sa kanila.” sabi ni Rafael at inisnaban siya ni Jon.
“Ako pang may kasalanan niyan?”
“Hindi naman sa ganon kuya, baka kasi hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanila.”
Huminga siya ng malalim sa galit. “Aba! Buti na lang ngayon mo naisip yan ah!”
“Sige na, tulungan na natin siya!”
Dahil sa galit nilunok muna ni Jon ang kinakain niyang ulam na nakalagay sa plato at binaba muna sa mesa.
“Ba’t di mo gawin!”
Di na nakakibo ang kapatid niya kaya mas lalong nainis si Jon at pumunta na kaagad sa pintuan para kumatok ng sagad sa paghampas ng pagpaparinig sa mga tauhan ni Rodolfo, may bumukas sa pintuan na nagalit din sa ingay.
“Ano nanaman yung problema niyong dalawa?” Iritadong sabi ng lalaki habang naninigarilyo ito at tinititigan ang dalawang lalaki.
“Gusto kasi ni Rafael maka-usap sina Mama, kung pwede lang sana.”
“Balikan ko kayo, wag kayong aalis!”
Sinara kaagad ng lalaki ang pintuan para hanapin ang kanyang boss, naghintay siya ng ilang minuto at bumukas ulit ang pintuan na makita naman nila si Rodolfo.
“May problema nanaman kayong dalawa?” tanong niya at tinuro kaagad ni Jon si Rafael.
“Siya ang may problema sa’kin, gusto niyang makausap ko si Mama kung pwede lang sana.”
Sumama mag-isa si Jon kay Rodolfo at pumunta sila sa office para tawagan si Velma, nung may sumagot naman sa telepono ay kaagad naman itong binigay kay Jon.
“Pwede ko bang malaman kung buhay pa rin ba yung nanay ko?”
*laughs “Buhay na buhay naman. Dapat mas mahalaga sa ngayon yung kikitain mo dahil meron kang isang isang linggo para taasan yung kikitain mo.”
Iniwasan ni Jon na mainis at huminga siya ng malalim.
“Hindi madaling kumita ng pera sa pinapagawa niyo. Kailangan ko pa din magpahinga.”
“Problema ko pa ba yon! Di pwedeng 500 a day ang kikitain mo! Nandyan ko lahat kukunin ang mga gastusin ko! Kung di mo gagawin ng paraan yan, iisa-isahin ko lahat ng pamilya mo, isa pa, bawal mo silang kamustahin sa pagtawag mo.”
“Gusto lang ni Rafael na kamustahin ang nanay ko, kung papayagan niyo siyang padalhan ng sulat diyan, sisiguraduhin kong magtatrabaho siya para kumita kami ng maayos.”
Napaisip si Velma ng malalim habang napainom siya ng wine at napatango siya.
“Siguraduhin mo lang na tutuparin mo yung sasabihin mo kundi alam mo na kung anong pwedeng mangyari.”
“Yes, madam.”
*call ended
Nung madaling araw ay punong-puno ng mga pasa, sugat sina Malya dahil sa mga parusa na naranasan nila sa pamilya ng mga Gatzambide. Habang natutulog si Malya ay nagising siya sa tunog ng isang lagari na kaagad naalarma sina Glen at Jendel.
Ahhh!!
Sumigaw sila nung makita na may dalang lagari si Stela na may tumatawa ito.
“Pakiusap, tigilan mo yan!” takot si Glen sa tunog ng lagaring palapit sa kanya.
Nilapit pa ni Stela ang lagari sa dalawang lalaki at halatang tuwang-tuwa siya sa sobrang saya. “Mas gugustuhin ko na kayong kainin lahat!”
Mas lalo niyang todong pinaandar ang lagare nilapit sa ulo nina Glen at Jendel na nagtalsikan ang mga dugo sa buong mukha at leeg ni Stela na napasigaw si Malya sa takot.
“WAG!!!!!!!” sigaw niya sa takot at kita niyang dinilat ni Stela ang dugo sa mukha niya na nasarapan ito ng sobra.
Palapit na sana si Stela pero lumitaw si Gemma at tinulak siya naitapon niya ang lagari at pinalo niya si Stela ng martilyo sa ulo.
“Gemma…”
Nakita niya ulit ang babae na duguan na biglang nagising si Malya sa realidad na kitang-kita niya na pawis na pawis na siya, nagulat siya nung nasa harapan niya si Mario.
“Hindi ka makatulog?” tanong niya at umiling ang babae.
“Wala akong ibang inisip kundi yung mga anak ko, ito lang ang sasabihin ko sayo matapos ang isang linggo. Palayin mo na lang ang mga anak ko, at ako na lang ang patayin mo. Ikaw na ang bahala kung anong gusto mong gawin sa’kin.”
Tawang-tawa ang lalaki na tinititigan niya si Malya ng pagnanasa. Nagising din si Glen sa kanya at nararamdaman niyang hindi maganda ang kinikilos niya.
“Paki-usap, hayaan niyo muna kaming magpahinga.” mahinahon na sabi ni Glen at napatingin si Mario sa na napangisi ito.
“Sayang naman kung ganon, meron pa namang padalang sulat sayo galing kay Rafael.”
Pinakita niya ang sulat na agad nanlaki ang mga mata ni Malya at wala siyang magawa kundi mas bigyan ng atensyon ngayon si Mario.
“Kung ano man yung nasa sulat, ipabasa mo na lang sa’kin. Hindi ko na ipapabasa sa iba.” huminga ng malalim si Malya at tinitigan mabuti ang bitbit niyang sulat.
“Sige na nga.”
Binuksan niya ang sulat na hawak niya at pinakita kay Malya ito para mabasa niya ng mabuti.
Mama, gusto ko lang sabihin sa inyo na kasama ko naman si Rafael at pinasulat ko ito sa boss namin sa bar. Kung sakaling hindi na tayo magkikita pa, gusto ko lang sabihin sa inyo na magiging mabuti naman kami dito ni Rafael, walang mangyayaring masama sa’min.
Matapos basahin ni Malya ang sulat, di parin niya maiwasan na mag-alala at isipin sila.
“Anong ginagawa nila don? Sino ba yung boss na sinasabi niya?” pagtataka ni Malya at napangisi si Mario.
“Bakit? Importante ba yon sayo?”
“Oo! Basta malaman ko lang yung nangyayari sa anak ko sapat na!”
“Basta sabihin mo na lang sa kanya kung ano yung nangyayari sa kanila, ganon lang kasimple, walang paligoy-ligoy!” inis na sabi ni Glen at kaagad na lumingon si Mario na ramdam niyang nainsulto siya ng lalaki.
“Ano, pinagtutulungan niyo nanaman ako!”
“Ako ang harapin mo hindi siya! Wala kang kinakatakutan diba, tulad ng sinabi na sawa na ako sa paligoy-ligoy mo! Tigil-tigilan mo na ang pagiging sunod-sunuran sa mga kapatid mo!”
Biglang nagulat si Glen sa sinabi niya. “Malya…”
Sa inis ni Mario ay agad hinampas niya ng malakas ang ulo ni Malya pero biglang nginitian siya kaagad nito ng masama.
“Ano ganyan ka din kapag may kasama ka matapang ka!”Agad niyang hinawakan ang mukha ng babae ng may pagkakadiin sa kanyang kuko at napangiti lang si Malya makitang galit siya.
“Diba parehas lang tayo, pare-parehas din kayong magpapamilya na matapang kapag kompleto kayo ngayon mag-isa ka na!”
“Ganon ba!”
Nung papalapit na si Mario kay Jendel at biglang natakot ang lalaki.
“Anong balak mong gawin sa’kin!” mas lalong natatakot si Jendel at gusto niyang mapalayo dahil sa kinikilos ni Mario.
Dahil sa takot biglang napatayo si Glen at sa lakas ng katawan niya ay nahampas ang katawan ni Jendel kaya nilabas niya sa bulsa ang kutsilyo kung saan nasaksak si Jendel at napasigaw si Malya nung makita iyon.
“Tama na!!”
Tiniis ni Jendel ang sakit at nung nahulog silang parehas ay kinagat niya sa leeg si Mario hangga’t sa matanggal niya ang balat nito dahil bumangon si Glen sa kanyang upuan at sinubukan labanan si Mario sa likuran ng upuan niya.
Hinawakan ni Mario ang leeg niya na nagpupusit na ito ng maraming dugo. “Akala niyo magpapatalo pa ko.”
Napatalo siya ng upuan at nauntog ang kanyang ulo sa sahig na bigla siyang nawalan ng malay, naririnig parin ni Rosa ang buong ingay sa kanila at walang magawa kundi matakot.
“Rosa, hindi mo na kailangan kaming alalahanin dito. Magiging maayos lang ang lahat.” tumingin si Malya sa hukay kung saan narinig niya doon ang boses ni Rosa.
Naramdaman ni Malya na may nagtanggal ng tali sa puno kaya nakalaya siya, kita niyang nasa bibig ni Glen ang kutsilyo para matanggal ang lubid na nakapatali sa kanya.
Kinuha kaagad ni Malya ang kutsilyo para lapitan kaagad si Mario, mabilis niyang pinagsasaksak ito sa ulo hangga’t sa magkaroon din siya ng mga dugo sa buong kamay niya sa galit.
“Sisiguraduhin kong isusunod ko rin yung mga ibang baliw!” kinalkal ni Malya ang bulsa at wala na siyang nakitang pwedeng gamitin.
“Malya, hanapin mo muna si Rosa…” sabi ni Glen at nag-aalala kaagad si Malya.
“Paano kayong dalawa ni Jendel?”
“Unahin mo muna siya baka kung anong gawin sa kanya.”
Naging mabilis ang pagtakbo ni Malya para kunin si Rosa sa hukay at hinila si Mario sa hukay at kinuha ang mga damit niya para suotin ito dahil naisip niya bigla na hindi siya kaagad makita ng mga nagbabantay sa labas.
“Anong nangyari kay Rafael?” tanong ni Rosa na may halong pag-aalala.
“Sa ngayon hindi ko pa alam anak, ang alam ko lang nasa ibang lugar siya pero di ibig sabihin non ligtas na siya.” tinanggal ni Malya ang pagkabuhol-buhol na tali para makaalis siya sa upuan.
“Paano sina kuya?”
“Aasikasuhin din natin sila, basta marami akong kailangan gawin, Rosa.”
Nung natanggal na niya ang tali kay Rosa ay sinilip niya ng mabuti ang paligid at ramdam niya na meron nanaman paparating.
“Kailangan kong umalis, babalikan ko kayo. Dyan ka lang sa katawan ng lalaking yan para madepensahan mo yung sarili mo.”
Mabilis na tumayo kaagad si Malya para umakyat sa puno, doon ay nakahanda na ang kutsilyo niya at para bantayan sina Glen at Jendel.
Nung paparating na ang lalaki ay napansin niyang nawala si Malya sa puno.
“Wala kaming alam kung nasaan siya, basta ang alam ko dinala siya ni Mario kung saan! Pero hindi ko alam!” sabi ni Glen na nagkunwaring nag-panic para hindi agad makita si Malya.
“Imposibleng mawawala kaagad ng ganon si Mario!” galit na sabi ng lalaki.
“Ba’t ayaw niyo pang maniwala sa’min?” dagdag pa ni Jendel.
Nung palapit na ang lalaki sa kanila, naglabas ito ng baril at doon bumaba si Malya at sinaksak ang likod ng lalaki hangga’t sa nababa ng kanyang kutsilyo pababa ng kanyang likod at napasigaw ito, humarap ang lalaki pero mabilis din siyang sinaksak ni Malya sa leeg at natumba ito.
“Ngayon, ano yung balak niyong gawin, mama?” tanong ni Jendel.
“Basta.”
Kinalkal ng babae ang mga bulsa nito at panloob na damit niya, kinuha niya ang baril at maliit na kutsilyo. Naisip niyang kailangan niyang mabaril ang upuan nila para makalaya sila.
“Dapat sirain ko yung upuan niyo para makalaya kayo parehas sa pagkakatali.” sabi ni Malya sa kanya at kaagad nag-alala si Glen.
“Sa paggamit mo pa lang ng baril, mas lalo silang maaalarma. Lalo na wala na si Mario. Mga ilang minuto, hahanapin din siya ng mga magbabantay dito.”
“Wala na akong ibang paraan, kapag natanggal bilisan niyo.”
Tinutok niya ang baril sa tali at pinutok ito kaya natanggal ang tali, sa lakas ng putok ay narinig ni Stela habang umiinom siya ng whiskey sa kusina.
“Jinno!” tawag niya at kaagad binaba ang baso sa kitchen counter. “Ano ba! JINNO!”
Dumating si Jinno habang napakati na lang ito sa ulo. “Bakit ba?”
“Hindi mo ba narinig yung nasa labas? Anong ginagawa don ni Mario!”
Agad nalito si Jinno sa kanyang tanong. “Aba yan ang hindi ko alam, malay mo siguro pinatay na niya yung mga nandoon.”
Randam ni Stela na hindi ganon ang nangyari at nung malapit na siya sa pinto palabas sana sa mansion ay biglang may bumaril banda sa kanyang bewang at natumba ito, agad siyang naglabas ng baril kahit kita lang niyang may butas ang binta nilang babasagin.
“Tawagan mo lahat ng mga nasa bahay, Jinno!” sigaw ni Stela habang naging alerto siya sa paligid.
“Paano naman ikaw, ate?”
“Kapag sinabi kong tawagan mo, gawin mo na!”
Kaagad natakot si Jinno, at sinunod ang gusto ng kapatid niya. Nabaril si Stela ulit para sa dibdib naman kaya lumapit na rin siya sa kanyang mga pamilya.
Lumabas si Velma sa kanyang office at nilock ito dahil napapansin niyang walang lumalapit na tauhan sa kanya, pero kaagad siyang nilapitan ni Jinno.
“Ma, kailangan natin ng doctor. Duguan si Stela!” pag-aalala ni Jinno at kaagad nainis si Velma.
“May mananagot sa inyo pagkatapos, naiintindihan niyo!”
Umalis ang matanda para puntahan si Malya sa labas at ganon din si Jinno, hindi nila alam na pumasok na sa loob ng kusina sina Malya, Glen at Jendel tsaka mabilis din kumuha si Glen ng makapal na kutsilyo.
“Dapat mas magandang bigyan natin sila ng konting panahon para makatakas tayong lahat pero nandoon parin si Rosa sa hukay, dapat sinugin na natin yung mansion na ‘to.” sabi ni Malya at dahan-dahan silang umilalim sa dining area sa kainan.
Nung pinuntahan nina Velma at Jinno ang lugar kung saan nandoon ang garden nakita niyang wala ng nakatali sa upuan, puno at kaagad nagalit ang babae at sumigaw ito.
“Ano ba kayo!!! walang mga mata! Pati sila hindi niyo kayang bantayan!” galit na galit si Velma at nasampal niya ng malakas si Jinno.
Umiyak bigla ang lalaki at napaluhod sa kanya. “Patawarin mo ko mama, araw-araw inaalay ko ang lahat sayo.”
Sinuntok niya ulit ang kanyang anak ng dahil sa galit. “Anong patawarin ang pinagsasabi mo! Hindi madadala yan ng pagpapatawad!”
Sa sigaw ng matanda ay natatakot na si Rosa dahil baka mabigyan siya ng atensyon, kaya dahan-dahan niyang inusog ang bangkay at tumayo ito ng parang walang nangyari. Nung lumabas sina Martin at Stela sa sala ay biglang may bumaril sa tuhod ng lalaki at nainis ito kaagad.
“Sino ba yon!!” reklamo niya.
“Sino pa ba! Sina Malya nakalaya na yon panigurado!”
“Tawag na tayo ng tulog, di pwedeng mamatay tayong lahat dito.”
Tumango si Stela at umalis kaagad. Babarilin sana siya ni Malya pero wala na siyang bala.
“Paano naman si Rosa?” pag-aalalang tanong ni Jendel.
Napaisip din sina Glen at Malya sa sinabi niya at habang mabagal ng patakas si Rosa ay nahuli siya nina Velma at Jinno.
“Paano ka nakaalis sa upuan! Nasaan yung mga kasama mo?!” galit na galit si Velma at agad na niyang nilabas ang baril niya na kinatakot ni Rosa. “Tinatanong kita!!”
“Hindi ko alam! Ang sinabi nila sa’kin wag akong aalis dito!”
“Lumapit ka dito!”
Mabagal na lumapit si Rosa sa kanya pero huminto siya dahil sa takot. Mas lalong nagalit ang matanda.
“Gusto mong patayin kita!”
Huminga ng malalim ang bata at mas lalong nabawasan ang takot niya. “Gawin mo! Mauubos na rin kayong lahat, namatay na nga yung isang lalaki diyan eh.”
Nagulat si Jinno sa sinabi ni Rosa. “Anong pinagsasabi mo?”
Agad ng lumapit silang dalawa at naking nakahubad si Mario sa hukay, patay na. Hinila ni Velma ang kamay ni Rosa at sapilitan siyang pinaluhod sa harap niya.
Agad niyang tinutukan ng baril ang bata sa galit.