The Groom's Tale/C12 Eleven
+ Add to Library
The Groom's Tale/C12 Eleven
+ Add to Library

C12 Eleven

ZEV was shocked noon lang niya nalaman na kaya pala bumisita ang CEO ng Patterson Airlines sa kanilang University ay dahil nagpirma ito ng kontrata para sa partnership ng University at ang Patterson Airlines. Doon mag-iintern ang future pilot at stewardesses ng Bezos IU. Nabubuwisit niyang tinungga ang laman ng shot glass niya. Kasalukuyan silang nasa Aijaxlife Bar kasama ang maarteng kaibigan niyang si Collen.

"Bakit apektado ka kapag naririnig mo ang pangalan ng binata?" tanong nitong puno ng kuryosidad ang mga mata. "Speaking of Mr. Patterson, look there." She added pointing her fingers at the VIP section.

"That sleazebag!" she murmured.

"Mabait naman siya ah, guwapo, mayaman" komento ni Collen habang nakatingin sa kinauupuan ni Mr. Patterson. "At higit sa lahat he's damn hot."

"You don't know him," sambit niya.

"So you know him?" She asked her.

"Stepbrother siya ni Reese, but he's very different with Reese. He's mean, arrogant, and a real klutz."

"And speaking of your boyfriend. Ye, sweetheart I would like to congratulate you, you win him. Nilalandi mo ba ang crush ko?" pabirong sabi nito.

"Paano kasi ang landi. Like this", she flipped her hair and she pretend to caress her own body like a lady who have been eaten or drunk an Aphrodisiacal drug.

"Ganiyan nga Mare," She said, laughing.

"Marunong ka pala hah. Teka lang hah, nagse-sex na ba kayo ni Reese. Masarap ba siya sa kama, Mare?"

"Gago sinasabi mo? 'wag kang bastos. You know me. A total innocent. Birhen na birhen." she chuckled.

"Pero ang laman ng Utak mo super worldly." Malakas ang naging sampal nito sa balikat niya. Ewan nga niya sa kaibigan kung bakit palagi siya nitong sinampal sa balikat niya kapag tumawa ito, tawang halos ikakamatay at ikakapaos nito. Sampal dito, sampal doon. Crazy.

"Alam ba ni Reese na nandito ka?"

Napailing siya. Halos isang linggo na pala simula ng lumabas sila ng binata at nagdate sila sa Rizal park, ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito dahil sa pagiging gentleman at pagiging mabait ng binata. She was safe and free from danger sa tuwing kasama niya ito.

"What if he finds it out na-"

"He will. He's Matt's friend." turo niya sa bartender na nakatingin sa kanila.

"Hay naku basta ang guwapo ni, Clyde." malayong sagot nito na muling tumingin sa kinaroroonan ng binata. "He will like me. By all means, I'll seduce him," She said licking her lips.

"Gaga, siyempre six above the ground ang pangarap mo, napaka-malnourish naman ng pangarap mo. Pataasin mo naman." kontra niya.

"Wait and see!" She said seriously.

"Sige nga." biro niya.

Nabigla siya sa ginagawa ng kaibigan ng tumayo ito sa kinauupuan nito at humakbang sa kinauupuan ni Patterson. She walk sexily. Zev tried to stop her pero hindi niya ito kaya. Wala siyang magawa kundi ang obserbahin na lang ang ginagawa ng kaibigan.

Napailing na lamang si Zev nang makitang nag-uusap na ang dalawa. Siyempre may epekto ang galawang Aphrodite ng kaibigan. They talked and laughed. Maya maya ay kinawayan siya ng dalawa at sinenyasang lumapit siya sa mga ito. Naiinis man ay wala siyang magawa. She needs to stay humble lalo na't may kasalanan siya sa lalaki nang nabangga niya ito noong nakaraang linggo. Pero hindi naman niya 'yon sinadya.

Nakayuko ang ulong umupo si Zev sa bakanteng sofa. She forced herself to smile kahit di bukal sa loob. When she feels na na-out of place siya ay inabala niya ang sarili sa pag-iinom ng alak. Kahit ayaw niya ang dulceng moment ni Clyde and Collen ay wala talaga siyang magawa, ang tanging hiling lamang niya ay walang masamang gawin ang dalawa at sa harap pa niya mismo. How romantic the scene was. She was probably watching a romantic film now. The two were too bold to do that in front of her, kissing, hugging, etc. She wanted to walk out there but she seemed to be nailed to where she was sitting. Huminga siya ng malalim at patuloy ang ginagawa niyang pag-iinom. She's comforting herself.

Walang ideya si Zev na inoobserba siya ni Matt at binantayan ang bawat galaw nila.

REESE again drowned in his own thought alam niyang malapit na ang pag-alis niya. Oo, buo na ang desisyon ng binata na pansamantalang bumalik muna ng Madrid at 'yon ang di alam ni Zev. Ayaw niyang ipa-alam ang plano at desisyon niyang 'yon. Ang pag-alis niya ay hindi nangahulugang paghihiwalay nila. Dahil babalik at babalik din siya.

Pero hindi niya malabanan ang isiping magiging malungkot ito. Reese knows in himself that Zev needs him. Dahil gano'n din siya ay kailangan niya ang dalaga. Sinakop ng lungkot ang buong sistema niya habang iniisip ang maaring mangyari sa mga sumusunod na buwan, o tila kay bilis ng mga araw. Nasasaktan siya sa magiging kalagayan ng dalaga. Napapikit si Reese, his eyes were wet with tears. Sumikip ang dibdib niya. Hindi pa siya naka-alis ay parang sinasakal na siya ng imahe ni Zev na naglalaro sa kaniyang utak.

Ang pag-ring ng kaniyang cellphone ang pumukaw sa kaniya, napilitan siyang magmulat ng mga mata. Si Matt ang nakarehistro sa caller ID ng cellphone niya.

"Bro?"

"Nasaan ka ba ngayon?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Sa office. May problema?"

"Overtime? It was about Zev, she was here together with Collen and the stepbrother of yours-Clyde"

"What the fuck, bastard!" He cursed at agad ibinaba ang cellphone niya. Halos tumakbo siya papuntang Elevator.

Pagdating niya ng Aijaxlife Bar ay agad siyang lumabas ng sasakyan at halos tumakbo sa loob ng bar. Agad niyang Nakita ang kaibigan ni Zev na si Collen. His eyes were looking for Zev. Bigla siyang nabuhayan ng galit nang makita si Zev. She was on the dancefloor at nakipagsayawan kay Patterson.

Mahina ang katawan nito at pagiwang-giwang halatang lasing na lasing na ito, at tila napilitan lang ito, hindi niya alam kung alam nito ang ginagawa nito, obviously she was under alcohol influence. Clyde's hands caressed her back down to her butt and he was about to kiss her, pero mabilis niyang itinulak ang binata ng malakas na ikinatutumba nito.

Gusto na talaga niyang bigyan ng leksiyon ito at pagsuntukin sa mukha nito. Pero ayaw niyang mageskandalo lalo na't doon nagtrabaho ang kaibigang si Matt.

Nagtatagis ang bagang niya, he clenched his fist on his lap. Kung walang tao ay malamang bugbugin niya ito. "Don't you dare, Asshole." He hissed.

Inaalayan niya si Zev at lumabas sila roon. Napabuntong-hininga siya nang maipasok at maikabit ang seatbelt sa dalaga. Muli siyang pumasok sa loob ng Bar upang i-check ang kalagayan ni Collen. Natagapuan niya itong nag-uusap sila ng kinaiinisan niyang stepbrother niya. Simula nang nasa Quezon ang binata ay palaging uminit ang ulo ni Reese. He hates him, he wished na babalik na ito sa San Francisco USA, dahil habang nandito pa ito ay hindi matatahimik ang kaluluwa ni Reese.

Sinenyasan niya si Matt na nasa counter to have an eye for Collen, saka lumabas na ang binata. Napatingin si Reese sa natutulog na kasintahan dulot iyon ng alak na naiinom nito. 'Yun ang hindi niya gustong mangyari habang nasa Madrid siya. Napailing siyang binuhay ang makina ng kotse.

Pagdating sa labas ng mansion ay bumusina si Reese nang mahina, sapat na iyon upang pukawin ang atensiyon ng guwardiya nila. Maya maya ay bumukas ang gate. He drove in. Inihinto niya ang kotse sa parking area at lumabas na ng sasakyan at buksan ang pinto sa tabi ng dalaga. Kinalag niya ang seatbelt nito, saka buong ingat na hinila niya ito palabas ng sasakyan. Pinangko ni Reese ang hindi gumagalaw na katawan ni Zev papasok sa loob ng Mansion. Buong ingat din niyang ibinaba ang dalaga sa long sofa na nasa loob ng kaniyang silid.

"Rk Te Quiero (I love you)" she murmured.

Tumingin siya rito at unti-unti itong gumalaw, nagmulat ito ng mga mata. He took off her shoes at walang salitang hinila niya ito papasok sa loob ng banyo.

Napapikit si Zev nang maramdaman ang lamig ng tubig na mula sa shower na bumuhos sa ulo at katawan niya. Niyakap siya ni Reese mula sa kaniyang likuran, mahigpit ang yakap nito na tila ayaw siya nitong pakawalan. Nararamdaman niya ang init na nagmula sa walang saplot na katawan ng binata. Humarap siya rito at gumanti siya ng yakap, and a rhythm of sweet melody play, she heard it from the lips of their hearts that pasted together and became one. Sang the same song, compost sublime symphony, a heart that beat for the same thing.

"Huwag mo na uulitin iyon hah." he pleaded and he lowered his head into her shoulder. "Baka mapaano ka" Dagdag nitong halos ibulong lamang.

Isang malaking ngiti ang naging sagot ni Zev sa sinabi ng binata.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height