+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Seven

Pagkatapos nilang kumain ay hiningi nito ang bill nila at binayaran 'yon. Pagkatapos nitong magbayad ay hawak na hawak nito ang palad niya palabas ng old French restaurant na 'yon. Siya man ay nabigla sa sitwasyong 'yon na hinawakan nito ang palad niya ng mahigpit, katulad na lamang ng panahong pinag-aagawan nila ang natirang La Ultimo Memorias book in Mccollen Bookstore.

Ang init ng palad nito ay sapat para pukawin ang munting damdamin niya at mas lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya na mistulang tambol at halos nabingi siya while she's hearing to her own heartbeat. Nakayuko siya at nahiya sa mga tao na ang mga mata ng mga ito ay nasa kanila, sino ba naman ang hindi nagtataka lalo na't hawak na hawak nito ang palad niya, binatang anak ng isang Worldwide billionaire.

She swallowed repeatedly at sinubukang maglagay ng ngiti sa kanyang mga labi.

She can't let go of his hand dahil mahigpit ang pagkahawak nito sa palad niya, at sa bawat segundong lumipas ay mas lalo niyang nararamdaman ang init ng palad nito at siya ay napawisan.

Hindi magawang magtutol si Zev, or magreklamo, sa halip ay pinabigyan na lamang niya ang trip nito. Si Zev na tinuring na Bisexual nang mga nakilala sa kaniya ay normal na bagay lamang 'yon, sanay na siya sa mga ganon. Moderna ang pananaw ng dalaga sa mga bagay-bagay pero pagdating sa iniingatang dangal ay reserbado pa rin siya.

Pero nakatingin pa rin sa kanila, at sa kanilang mga kamay ang mga taong nakasalubong nila. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis sila sa lugar na 'yon. She shook his hands. She's felt a little bit of pain caused by his tight grip, namumula ang mga palad niya. Nang mapadaan sila sa Aijaxlife bar ay inihinto nito ang kotse. Binalingan siya nito "Hihintayin mo ako rito."

Tumango siya bilang tugon sa sinasabi nito. Mabilis na kumilos ang binata. Lumabas ng kotse at mabilis itong pumasok sa loob ng bar.

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at tiningnan ang palad niya. Oh heaven, ay hindi pa nawawala ang pagmumula niyon. Her fingers trembled. Pero kahit nasasaktan siya ay may parte rin ng pagkatao niya ang pabor don. She loved the way that their skin pressed together.

Makalipas ang tatlong minuto ay nagbalik ito, may dala itong kinseng beer in can. Walang ideya si Zev kung para saan ang mga 'yon. Yayain ba siya nitong uminom or what?

Muli nitong binuhay ang makina ng kotse at lumayo sa lugar na 'yon. Inihinto nito ang kotse sa isang medyo madilim na lugar a few meters away from the bar. Alam niya kung ano ang gusto nito. Kausap, oo, kailangan ng binata ang matinong kausap na handang makinig sa mga kabiguan at sakit na tumutupok dito. Siya ang napili nito at handa siyang makinig kay Reese. kung ano man ang gustong ilabas ng binata ay kailangan niyang intindihin 'yon.

Napatingin siya sa tahimik na mukha nito, nakikita niya ang lungkot sa mukha ng binata.

Maya maya Inabot siya nito ng beer sa lata at bukas na 'yon.

Noong una ay tumanggi siya maliban sa rasong hindi siya sanay uminom, ay natakot ang dalaga dahil sa katotohanang hindi pa niya masyadong kilala ang lalaki at maaring may gawin ito sa kanya habang lasing siya.

But he's gentle and kind sapat na 'yon para tanggapin ang alok nitong beer, at isa pa ay ayaw niyang tawagin siyang 'Killjoy' kaya kinuha na niya 'yon. Napangiti siya. "Thanks," aniya.

Sinubukan niyang lasahin ang lasa niyon pero di sinadyang naparami ang nainom niya kaya naisuka niya 'yon.

Tinawanan siya nito habang hinihimas nito ang likod niya.

"Lo siento (Sorry) Pero masanay ka niyan mamaya"

Tama nga si Reese, nang ikalawang pagkakataon na subukan niya 'yon ay napasarap siya sa lasa niyon kaya tinungga niya 'yon hanggang sa huling patak.

Reese clapped his hands. "Sabi ko diba?"

"Yup," Sagot niya.

"Taga Las Piñas ka am I right?" He asked.

"Yeah. How did you find out?"

"Find out isn't the right word, stupid. Hindi ako Investigator."

"Paano mo nga nalaman."

"Matt told me."

"One more por favor," aniya pagka-ubos ng laman ng beer na hawak niya.

"So you guys are related?" He used to ask that question kay Matt.

"Kababayan nga"

"Since taga Las Piñas ka bakit ka pala kumuha ng apartment dito?" Naalalang itanong nito.

"Third year Medical Student ako sa Bezos International University. Pero madalas naman ang pag-uwi ko sa Las Piñas." Paliwanag niya.

"Wow, ang yaman." komento nito. Bezos International University is most expensive University in the country.

Ngiti lang ang naging sagot niya sa sinabi nito.

"Tibo kaba talaga?" muling tanong nito.

"Interview ba ito?" ngumisi siya.

"Just answer my question." Reese insisted.

"Questions"

"Just answer it then"

"Marami akong barkadang lalaki. Masarap kasi ang makipag-kaibigan sa mga lalaki they aren't made in China," aniya. In her mind Moira's Dela Torre Song played kahit na ako ay titibo-tibo ang puso ko ay titibok-tibok parin sayo.

"Bat ka ngumisi d'yan." puna ni Mr. Reese.

May biglang naalala si Zev. "Siyanga, may nabasa akong article, an article that talks about you as a youngest billionaire, a youngest CEO and Im not against with it. But honestly mukhang di ka bilyonaryo, Bro. I mean napaka-simple mo," she said sincerely. Ang naging isang bagay na nagustuhan niya sa binata, ay ang pagiging humble nito.

"Dark horse. I bet to stay simple." he smiled.

"So how about the direct attack of Patterson sa MMC's. I think the Patterson Airlines CEO tryin' to ruin the reputation of the Company." naalala niya ang Patterson Airlines ay naka-base sa San Francisco California USA, at pagmamay-ari 'yon ng Patterson family.

"Speaking of that. Yes, Patterson try all the means, Hard. Hindi naman namin kinontra ang Patterson airlines, were good of them. By the way Clyde Patterson the CEO of Patterson airlines is my step brother." He sounded as if he didn't care.

"W-what Your step brother? Tama ba ang naririnig ko?" Gusto niya ang explanation from Reese.

"Yes, anak siya ni Mommy sa isang Amerikanong sumira sa Pamilya namin. Soy Hijo Unico, paano kasi paslit pa lang ako when Mom left Dad for another man. Everyday I was suffered, electrified by insecurities and envy kapag nakakita ako ng kompletong Pamilya. Dad Love Mom very much at hindi siya makapaniwalang niloloko siya ni Mommy." Huminto muna ito at pinahid ang mga luhang nagsisiunang pumatak. "Napaka-unfortunate ko talaga. Dad and Mom ends up badly at nag-iwan iyon ng pilat sa aking pagkatao. Im wounded, left scarred and broken."

"Go ahead Im listening." buong pusong sambit niya.

"Sana bago ginawa 'yon ni Mom sana ay inisip niya ang magiging kalagayan ko. Hindi mabibili ng salapi ang tunay na kaligayahan. I never wish to be known in the world, hindi ko hinangad ang buhay ko ngayon. Never kong ginusto ang magiging isang bilyonaryo. Sapat na ang kompletong pamilya, a complete family is what Im wishing for. Sa Buong Pilipinas alam kong hindi lang ako nag-iisa. I'm not the only one na produkto ng broken family. Can you imagine mga kabataang produkto ng broken family. Buti nga ako. But how about them? You can't imagine how they lived their lives. They live in the dark. Their parents separate at hindi na nila iniisip ang magiging kalagayan ng anak nila. Hindi iniisip ng mga magulang nila kung makapag-aral ng mabuti ang anak nila. Pero alam ko namang may rason ang bawat magulang. Pero hindi natin ma deny na mahihirapan ang anak at napilitan silang magtrabaho sa murang edad nila." his voice broke in lament.

"Alam mo proud ako sayo. Isa kang matatag na tao. Lalaki ka nga," sabi niyang nakangiti.

He smiled bitterly.

"Alam kong nakakalungkot ang maging isang produkto ng isang broken family. Nakakalungkot, lalo na't sa binanggit mo. Super depressing for a child. Kabataan na umaasa pa sa magulang. Parent separate their ways, at naiwan ang bata solo ang lahat ng paghihirap. And for your part, Yeah, alam kong hindi lang ang pagiging produkto ng broken family ang problema mo, alam kong marami pa, natural na ata 'yon sa buhay ng tao. Pero palagi kitang nakitang matatag sa buhay, ang unos ng hangin ay parang wala lang sayo. How strong and resilience you are," Sabi niya at muling tumungga ng alak.

" 'Yun naman ang dapat. Nahihiya ako pero kailangan kong sabihin na halos dalawang beses akong niloloko ng mga babae." sabi nito. Wala talagang ideya si Reese na alam niya lahat 'yon.

Ngumiti siya sa sinabi nito at muling binuksan ang isang lata ng beer. Hindi niya alam kung ilang oras na sila sa lugar na 'yon.

"Estaba muy Rico (It was really good)" sambit niya pagkaubos ng laman ng lata.

"But I warned you na huwag uminom ng mag-isa hindi 'yon ugali ng babae." Seryosong sabi nito.

Tumawa siya. "Hhindi naman ako bhabae ah." medyo slang na ang pananalita niya.

"That's disgusting. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Oh, hayan iba na ang tono ng pananalita mo!" Kumunot ang noo nito.

"One more Mr. Medel." Hindi na niya alam kung ilang beer na ang naubos niya. Pito na yata, o siyam? Hindi niya matandaan. Ang nararamdaman lamang niya ay ang pagsakit ng ulo niya at ang unti-unting pag-ikot ng paligid niya.

"Lasing ka na ba?" tanong ni Reese nang napansin nitong namumula ang mga pisngi niya.

"Hhindi pha," agap niya kahit ang totoo ay kanina pa siya nahihilo."Hhindi pha akho lashing" dagdag niya at nakatingin siya ng matalim sa binata, singkit na singkit ang mga mata niya.

"Oh so fierce like a tiger crouching ready for a bound and surprising the innocent victim," he said.

"Flee for your life if you don't want to dhie. Leave mhe ahlonne." She hissed.

Napailing na lamang ito.

"Alam mo Reese-" hindi na niya dinugtungan ang sinabi niyang 'yon. Tinungga niya ang laman ng last beer. Pagkatapos ay walang salitang ipinatong ang ulo sa balikat ni Reese at sa ilang sandali ay yumakap na siya rito.

"Zev?" Sinubukan nitong gisingin siya. He was gazing at her lips at parang may magneto at hindi niya maalis ang pagtitig nito sa mga labi ng dalaga. She murmured something like a magic spell at nawala sa katinuan ang binata, and while later ay sakop na ng labi nito ang mga labi ni Zev.

He give her a mouthful kiss. Hindi nito alam kung ano ang nagtulak sa uhaw nitong mga labi at hinagkan ang dalaga sa mga labi. Ang tanging dipensa nito ay wala ito sa katinuan. He's under alcohol influence. But his kiss was full of love, so intimate.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height