+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Chapter 1

Nagbibihis si Patrisse dahil pupunta sila ng NMH upang ipa check up ang kaniyang kapatid na si Harissa.

"Anak, ang tagal mo! Baka hindi tayo papasukin ni Julianna niyan." Sabi ni Marissa ang nanay ni Patrisse at Harissa. Nagsusuklay ng buhok si Patrisse nang sumagot siya sa kaniyang ina.

"Opo, Ma. Andiyan na!" nagmadali siyang bumaba ng hagdan ngunit bago pa man siya makababa ay nakita niyang iika-ikang maglakad ang kaniyang kapatid kaya imbes na maghintay sila sa labas ng bahay nila ng Taxi ay nag boluntaryo si Patrisse na maghintay na lang dahil hirap ang kapatid nito sa pag tayo.

Pagdating ng taxi ay agad na tinawag ni Patrisse ang kaniyang ina at saka inalalayan ang kapatid nito pasakay ng taxi. Bata pa lamang si Harissa ng magkaroon siya ng sakit sa spinal chord, naoperahan rin siya noon dahil sa tumor na tumbo sa gitnang bahagi ng Spinal Chord nito. Naninibago lang sila dahil noon, ang Papa nila ang kasama nilang pumupunta ng hospital kapag may check up si Harissa ngunit ngayon ay hindi na dahil naghiwalay ang kanilang magulang. Nasa abroad noon si Marissa at palagi siyang nagpapadala ng pera para pang gastos ng kaniyang mga anak ngunit naubos din ang lahat ng iyon ng biglang magkasakit si Harissa. At sa kasamaang palad, nahuli rin nitong may babae ang tatay ng kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang litrato. Pinadala di umano ito ng babaeng kinakasama ng kaniyang asawa magpa hanggang ngayon.

"Saan po tayo Ma'am?" tanong ni Manong driver, nakaupo si Pat sa harapan dahil hindi naman niya kayang alalayan ang kapatid dahil medyo may katabaan ito.

"Sa Nasrullah Medical Hospital po." tumango ang taxi driver. Si Patrisee ay busy katitingin ng emails sa cellphone na hiniram lamang nito sa kaibigang si LJ dahil may extra phone naman ito, maya't maya rin niyang tinatanong ang kapatid kung kumusta ang lagay niya at nag tathumbs up naman ang kapatid nitong babae.

Kung si Harissa ay medyo mataba, si Patrisse naman ay mapayat, matangkad at morena. Hindi mo rin siya makikitaan ng emosyon sa kahit na anong sitwasyon, maliban na lang siguro kung sobrang sakit na ng pinagdadaan nito.

Makalipas ang dalawangput minuto ay nakarating na rin sila sa NMH at agad na tinawagan ni Marissa ang sekretarya ng doctor ni Harissa. Dumiretso sila sa clinic ng nasabing doctor at kinausap naman ni Patrisse ang sekretarya na kung maaari ay papasukin silang agad para makapag desisyon na si Doctora Ignacio kung ano ba ang gagawin sa kapatid nito. Ni request ng doctor ng maghanda sila dahil ngayong araw mismo ay magpapa CT-SCAN si Harissa at kailangan din niyang magpa laboratory para ma examine siya sa dugo at iba pa.

Pagkalabas ng resulta ay agad silang bumalik sa doctors clinic pero nauna munang bumalik sina Harissa dahil naghahanap pa ng CR si Patrisse. Kanina pa ito nagpipigil ngunit wala siyang nakitang cr sa clinic ni Dra Ignacio kaya iikot siya sa buong hospital para lang mailabas kung ano man ang kaniyang ilalabas.

"Ouch! Puwede bang tumingin ka sa dinaraanan mo Miss? My mother is sick here tapos mambabangga ka?" hindi na nakapagsalita pa si Pat dahil nagmamadali rin itong pumunta sa cr. Ihing ihi na siya at kaunti na lang ay lalabas na ito

Dinig na dinig niya ang pagsigawi ng lalaki ng BASTOS. Gustuhin man niya itong balikan ay wala siyang magagawa, kailangan rin niyang magmadali dahil naghihintay sa kaniya ang doctor bago basahin ang resulta.

At nang mahanap nga niya ang CR ay agad siyang umihi pero bago pa man siya makatayo ay tumunog ang cellphone niya. Hudyat na may nag email sa kaniya.

Bago niya buksan ang email ay naghugas muna siya ng kamay at inilagay ito sa blower na nagpapatuyo ng kamay.

From: J&J FASHION AND COMPANY

SUBJECT: APPLICATION FOR THE POSITION OF ASSISTANT SECRETARY

Dear Miss Fuentejo, we would like to say Congratulations because you're hired for the position of Assistant Secretary. For the meantime, please prepare yourself for your job and please go to the office on time for signing of your contract. Thankyou and godbless!

J&J FASHION

"OH MY GOD! Is this for real?" Halos madulas na si Pat sa banyo dahil sa katatalon nito.

Hindi pa rin siya makapaniwalang sa loob ng tatlong taon, finally nagkaroon na rin siya ng trabaho, alam niyang hindi niya forte ang A.S ngunit para sa kaniya ay kahit gaano pa ito kahirap ay kakayanin niya para sa pagpapagamot ng kaniyang kapatid.

Masaya siyang bumalik sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid at nagsimula na ring mag salita ang doctor.

"Okay, the long wait is over." napayuko si Patrisse dahil sa kahihiyan, tinapik ng kaniyang ina ang balikat nito sa ka siya nginitian nito. Makikita ang kalungkutan sa mata ng kaniyang ina.

" I need to say something important to the both of you. We need to undergo operation as soon as possible bago pa mangyari ang kinatatakutan ko." hindi malaman ni Patrisse kung ano ang kaniyang mararamdaman dahil una, hindi niya inexpect na ooperahan ulit ang kapatid niya.

"Ano po ang meron doc?" Sabi ni Patrisse. Natahimik silang lahat maging ang doctor at tiningnan sila isa-isa.

"Idadirect to the point ko na kayo ma'am, meron po akong nakitang apat na bukol sa ulo ng anak ninyo na kailangang matanggal sa lalong madaling panahon, baka kasi pumutok." Parang binuhusan ng mainit na tubig si Patrisse pati ang kaniyang ina. Nakikita rin ang pamumutla at panginginig ni Harissa nang dahil sa narinig nito. Mukhang ngayon pa lamang ay natatakot na siya.

"You have to prepare atleast 2 million. Package na iyon. Kailangan ko ring operahan muna ang spinal chord niya dahil tinubuan din ito ng tatlong tumor at kailangang tanggalin ang mga ito para maging okay ang paglalakad niya." 2 million? Wika ni Pat sa kaniyang isip, hindi nila alam kung saan sila makakakuha ng ganong halaga ng pera e nagtitinda lang naman sila ng mga ulam at kanin.

"O-okay doc. Mga kailan siya puwedeng e admit?" utal na tanong ni Marissa.

"Bukas mismo, mag uusap muna kami ng doctor nya sa spinal chord at anesthesiologist niya para sa prosesong gagawin sa kaniya." tumango ang dalawa ganon rin si Harissa na hindi maipinta ang mukha. Umalis ang mag iina sa clinic at sabay sabay silang napaupo sa iisang upuan at nag iyakan dahil hindi nila alam kung paano sila makakakuha ng dalawang milyon ng ganon ganon lang?

"Ma, na hire ako sa J & J Fahsion! Nag email sa 'kin ang isang staff nila at makakapag umisa na raw ako sa lunes, alam kong kaunti lang ang makukuha kong sahod ro'n pero makakatulong 'yon sa mga gastusin sa hospital. At tungkol sa dalawang milyon, sisikapin kong maging okay ang trabaho ko at mag oovertime lagi para madali tayong makaipon." Wika ni Pat habang nagpupunas ng luhang kanina pa nag uunahan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height