The Hidden Pregnancy/C2 Chapter 2 - LOVE
+ Add to Library
The Hidden Pregnancy/C2 Chapter 2 - LOVE
+ Add to Library

C2 Chapter 2 - LOVE

Patrisse's POV

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng manok ng aming kapit bahay. Nakakarindi, pero malaki ang naitutulong lalo na sa katulad kong palaging nale-late sa eskuwelahan noon maging sa trabaho.

Bumangon ako at chineck ang cellphone ko, I have one unread message but I didn't open it dahil nakita ko ang kapatid kong nakatayo sa pintuan ng kuwarto ko. Anong ginagawa nito rito? Ganitong oras?

"Harissa, ano ang ginagawa mo riyan?" kumaway lang siya sa 'kin na ipinagtaka ko. Ngayon ko lang napagtantong nasa hospital na pala sila ni Mama at tanging si LJ na lang ang kasama ko ngayon rito sa bahay, tinawagan ko kasi siya no'ng umalis sila Mama para may kasama ako dito sa bahay.

"Pat, bakit mo tinatawag si Harissa? E hindi ba nasa hospital siya?" tumitig ako sa kaniya na may pagkagulat sa mukha.

"O-oo nga! Pero maniwala ka, I saw her. Nandiyan siya sa pintuan ko at kumaway sa 'kin." natakot ako bigla, ewan ko ba!

Lumingon naman si LJ sa pinto ng kuwarto ko. Magkatabi lang kasi ang kuwarto kung saan natutulog si LJ at ang kuwarto ko.

"Nako, Dai. It's not a good sign. Sabi ng mga matatanda kapag ka nakita mo raw ang isang tao sa iyong bahay o kahit saan man at alam mo namang nasa ospital siya ay isang sign daw na namamaalam 'yong tao sa'yo," hindi. Imposible. Imposibleng hindi tatawag si Mama kung kritikal ang sitwasyon ng kapatid ko.

"Kung ano-ano ang sinasabi mo riyan! Tss. Magsaing ka na nga lang ron at mag pprito lang ako ng isda at itlog, Ano ang gusto mong kape? Nang maipagtimpla kita." itinali ko ang buhok ko at dumiretso sa kusina. Maliit lamang ang bahay namin, at ang kuwarto naming tatlo ay nasa itaas na bahagi, ganon rin ang kuwarto ni LJ.

Pagbaba mo galing sa kuwarto ay sala agad ang makikita mo, mayroong sinaunang upuan at maliit na flatscreen na TV. Tapos kapag dumiretso ka ay nasa kusina ka na.

"May stock ba kayo ng kapeng barako? Kung wala e aba, mukhang kailangang mag grocery. Kailangan nating pareho ang ganong klase kape." Aniya. Ano ba ang mayroon sa kapeng barako at gustong gusto ng nakararami? Hindi ko maintindihan, kasi ako hindi ko rin gusto ang kapeng iyon.

"Oo nga pala! Mag sstart na ang trabaho ko bilang isang Assistant Secretary sa J and J Fashion. Baka matatagalan ako sa pag uwi mamaya dahil kailangan kong mag overtime para madagdagan kahit papaano ang kikitain ko. Kakausapin ko ang boss ko na kung maaari ay mag overtime ako." Sabi ko. Hinahanda ko ang isdang nasa ref, kailangan ko pa itong e slice ng para sa dalawang tao lang. Ulong parte ang kay LJ at buntot ang sa 'kin, napakamapili ko sa pagkain. Hindi ko rin alam kung bakit.

"You mean, J&J Fashion? Ang boss mo ba roon ay si Jairus Jimenez?" nanlaki ang mata ni LJ nang marinig niyang sa J&J Fashion ako mag tratrabaho.

"Siguro, hindi ko rin alam. Hindi pa kami nagkikita eh!" napatili si LJ na halos ikasunog na ng kamay ko, paano ba naman kasi, nilalagay ko ang isda sa kalan at bigla siyang tumili, kamuntik pa akong matalsikan ng mantika. Letse talaga ang isang 'to, bukod sa napakainosente ng kaniyang mukha ay ubod pa ng ingay. Nakakarindi!

"Ano ba, Leo Jane! 'Wag ka ngang sumigaw jan ng basta-basta hindi mo ba nakikitang nag pprito ako ng isda? At saka, ano ang itinitili mo riyan?" inis kong sabi. Nakasimangot siya at ngumusong tumingin sa akin.

"Ang suwerte mo naman, makikilala mo na ang ultimate crush ko! Alam mo bang ubod ng guwapo at kamatchohan ang isang 'yon?" ibinigay ko sa kaniya ang kapeng gusto niya. Opposite kami ng gusto pagdating sa kape, ako kasi 3 in 1 coffee lang ang iniinom ko, sinusubukan ko namang uminom ng kapeng barako ngunit hindi ko talaga kinakaya ang pait at ang masaklap pa ay parang may kung anong buhangin ang naroon na hate na hate ko.

"Tangina, ang landi mo rin talaga! Hoy makinig ka. Hindi pag lalandi ang kukunin at gagawin ko ron kundi ang magtrabaho. Wala akong pakialam kung guwapo o matcho ang boss ko basta ako magtatrabaho lang. Kailangan kong tulungan si Mama, alam mo ang sitwasyong meron kami ngayon LJ." Hindi na siya nagsalita pang muli.

Maya maya lang ay kumain kami at pagkatapos ay naligo na rin ako at naghanda para makapasok sa trabaho. Kailangan hindi ako mahuli sa trabaho, unang araw ko ito, kailangan ay productive ako.

Dala-dala ang maliit na bag pack na may lamang kanin at ulam na baon ko, ay nagpaalam ako kay LJ na aalis na ako at siya na munang bahala rito sa bahay, total, day off naman niya.

Lumabas ako sa bahay at naglakad papunta sa kanto para makasakay ng pampasaherong dyip, hindi ko afford magkaroon ng sariling sasakyan pero marunong akong mag drive dahil nong nag-aaral pa lamang ako ay tinuruan na ako ng kaklase kong si Deither kung paano magdrive ng parehong manual at automatic, sa hirap ng buhay namin, kahit afford ko pang bumili ng sasakyan ay hindi ko gagawin, mas pipiliin ko pa rin ang makakabuti kay mama at kay Harissa. Si Papa naman ay nasa ibang bansa, kumakayod! Halos sampong taon na rin si Papa doon, hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon.

Pagdating ko sa J&J Fashions ay agad kong kinausap ang guard at itinanong kung ano ang pangalan ng silid na papasukan ko, sinabi ko rin na natanggap ako bilang Assistant Secretary kaya agad niyang itinuro sa 'kin kung saan ako dapat pumunta.

Huminga ako ng malalim at saka naglakad papunta sa elevator. Paakyat ako sa 8th floor. Dito raw ang opisina ko, kinakabahan man ako ay tumuloy pa rin ako. Pagbukas ko ng pinto ay siya ring paglabas ng isang lalaking matangkad, maputi, naka sunglasses at ang macho niya sa suot niyang coat at mukhang may lakad

"Excuse me, nagkamali ka ata ng napasukang opisina. And your face looks new to me. Who are you?" ang brusko ng boses niya, ang kaba sa dibdib ko ay tumodo. Diyos ko! Tulungan niyo po ako.

"Good morning, Sir! My name is Patrisse Luisa Fuentejo, at narito po ako para magtrabaho bilang Assistant Secretary." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pero bakit? May something ba sa mukha ko?

Napahanap ako bigla ng salamin sa bag ko at tiningnan kung anong meron sa mukha ko. Napahagalpak ng tawa ang lalaki.

"Tumuloy ka, I am your boss. My name is Jairus Jemenez, you can call me Sir Jai o puwede rin namang LOVE if you want," Ibinaba niya ang salamin at saka ngumiti sa akin "Kidding aside. May pupunta rito mamaya, matandang lalaki at ikaw na ang bahalang mag asikaso muna sa kaniya. I'll be back at 11am may pupuntahan lang along emergency.

Tumango lang ako at pinagmasdan ang paglalakad niya at may bigla akong naalala. Siya ba 'yon o namamalikmata lang ako?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height