The Hidden Pregnancy/C3 Chapter 3 - KICK THE BALL
+ Add to Library
The Hidden Pregnancy/C3 Chapter 3 - KICK THE BALL
+ Add to Library

C3 Chapter 3 - KICK THE BALL

Pumasok si Patrisse sa kaniyang opisina katabi ng isang silid, hindi mo ito maaaninag sa labas kahit na ito ay gawa sa salamin. Hindi alam ni Patrisse kung saan siya uupo dahil dalawa ang table roon ngunit nang makita niya ang lamesang may nakalagay na mga papeles ay roon siya umupo at prenteng isinabit ang bag niya sa likuran ng kaniyang upuan na akala mo'y nasa bahay lang.

Nakakita ito ng isang folder na nakalagay mesa kaya agad niya itong tiningnan, isa itong file na kung saan naglalaman ng isang mukha ng tao, babae, maganda, kulot ang buhok at may bangs. 'Sino naman kaya ang isang 'to?' tanong niya sa kaniyang sarili. Nilibot niya ang opisina, mayroon silang sariling CR at mayroon din itong shower area at ang ipinagtataka niya ay bakit may king size bed sa likod ng silid ng kaniyang amo? Iniisip nitong antukin ang kaniyang boss o kaya naman ay baka dito na siya nananatili sa opisina para mag trabaho.

"Ganon ba siya kasipag?" Saad niya.

"Who are you referring to?" Sabi ng isang lalaki, hindi kaagad niya ito nilingon.

"Oh, ang tahimik mo naman, Miss! Ganiyan ka rin ba katahimik pagdating sa kama?" hinawakan nito sa braso si Patrisse at dahil nga nakatalikod ito ay damang dama niya ang matigas na parte na nakatama sa kaniyang pwet kaya agad siyang humarap at sinipa ang parteng iyon na nakadikit sa kaniya.

"Bwakang Ina! Who told you to do that?” Sabi ng matandang lalaking ito.

"Me, myself, and I! At saka bwakang ina mo rin! Sino ka ba sa tingin mo para dikitan ako ng ganon ganon lang? Ang tanda niyo na pero wala kayong isip!" Akmang aalis na sana si Patrisse ngunit nagbukas bigla ang pinto at nakita niya roon ang kaniyang boss.

"What is happening here?" nagsasalubong ang kilay ni Pat, mukhang galit na galit siya at gusto pa niyang suntukin sa mukha ang matanda para matauhan.

"Ask that pervert, old man!" umupo siya sa upuan na kalapit ng kaniyang mesa at doon ikinalma ang sarili, nahihiya siya sa amo niya dahil unang araw pa lang niya rito ay napaaway na siya.

"What did you do with my secretary, Logan? Hindi ka pa rin ba tumitigil sa ginagawa mo sa mga sekretarya ng mga katrabaho mo? Huwag mo ng idamay pa ang sekretarya ko!" Ani Jairus.

"I didn't do anything, inabutan ko siya ritong naglilibot at nang makita kong nasa harap siya ng mesa mo at nakatingin sa likurang bahagi nito ay bigla siyang nagsalita at nang sagutin ko naman ay biglang sinipa ang Junior ko."

Humagalpak sa tawa si Jairus dahilan upang mapakamot ng ulo ang matanda.

"Kasalanan mo iyan, hindi naman gagawin sa'yo ng sekretarya ko iyan kung wala kang ginawang mali, hindi ba Miss Patrisse?" tumingin ng masama si Pat sa matanda saka nilingon ang kaniyang amo at sumagot.

"Paanong hindi ko siya sisipain eh idinikit niya ang kadiring ano niya sa likuran ko. Magpasalamat na lang siya at iyan lang ang nakuha niya sa 'kin." humalukipkip si Jairus at tumingin sa matanda, nasanay na siyang ganito ang ginagawa ng matanda ngunit napahanga siya nang sabihin ng sekretarya niya ang ginawa ng matanda.

"You deserve it then, by the way, dala mo na ba ang file na sinasabi ko?" tumango ang matanda at pumunta ito sa table ni Patrisse para kunin ang folder na kanina ay binuksan ni Patrisse

"Here. This is the second time na ginawa niya ito sa 'tin, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa isang iyan. Ayaw tumigil!" Sabi ng matanda.

"Patrisse, come here! I want you to call my lawyer and set an appointment tomorrow morning sa Rosa hotel, paki sabi na I need to talk to him right away." tumango si Patrisse at pumunta sa kanang bahagi at pumunta sa telepono ngunit hindi nito alam kung sino ang tatawagan kaya tumingin siyang muli kay Jairus habang kinakamot ang kaniyang ulo. Walang nag orient sa kaniya tungkol rito kaya naman hindi nito alam ang gagawin.

"Oh shucks! I forgot to tell Melissa na i orient ka sa mga bagay bagay dito at kung ano ang mga kailangan mo pang matutunan sa loob ng opisina. May log book riyan sa baba ng mesa, hanapin mo si Atty. Samonte at tawagan mo. Paki sabi kailangan ko siya bukas ng umaga, 8 o'clock sharp." tumango si Patrisse at tinawagan nga ang atty.

S A K A B I L A N G D A K O

Hindi maipinta ang saya sa mukha ng isang babae, pasikreto siyang nakasubaybay sa opisina ng mga Jimenez. Hindi niya narironig at nakikita ang mga nakakausap ni Jairus dahil tanging sa silid lamang ng lalaki ang nalagyan niya ng secret camera at microphone.

"Makakaganti rin ako sa ginawa ng iyong magaling na ama sa Papa ko. I'll make sure na pagsisisihan niyong lahat na binuhay niyo pa ako." tumawa siya ng napakalakas habang umiinom ng alak at magkakasabay na tumulo ang luha sa kaniyang mata.

Samantala, hindi alam ng babae ang pinaplano ni Jairus Jimenez para sa kaniya. Hindi niya maitatanggi na siya ay nag iingat dahil hindi madaling kalaban ang mga Jimenez lalong lalo na ang Jairus Jimenez na naging dahilan para kamuhian siya ng lahat ng kaibigan at mahal niya sa buhay.

Nag iisip ng paraan si Jairus upang mapuksa ang babaeng pilit na sumisira sa kanilang kompanya hindi niya ito nagugustuhan, tila kumukulo ang kaniyang dugo dahil sa ginagawang iyon ng babae. Ang laking perwisyo non sa mga namimili sa mall shop ng mga Jimenez.

Jairus immediately called her brother Trevor to say na kailangan nilang maghanda especially roon sa bahay nila dahil may kutob ito na isusunod ng babae ang pinakamatandang Jimenez at iyon nga ang ayaw mangyari ni Jairus, ang matunton kung nasaan ang kaniyang Amang si Dominic Jimenez na siyang naging dahilan ng pagkawatak watak ng isang masayang pamilya dahil sa ipinagbabawal na droga. Hindi nila kailanman ginusto na makawasak ng pamilya ngunit kailangan dahil isang GENERAL Dominic Jimenez.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height