The Hidden Pregnancy/C4 Chapter 4 - The Zamoras
+ Add to Library
The Hidden Pregnancy/C4 Chapter 4 - The Zamoras
+ Add to Library

C4 Chapter 4 - The Zamoras

Kasalukuyang nagtatrabaho si Patrisse nang maka-receive ito ng tawag. Nag-aalanganin pa ito kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi dahil siya ay may trabaho.

“It’s disturbing, can’t you answer it? Hindi ako makafocus because of that. Answer and tell them to stop calling when it’s office time.” dinig nitong sabi ng kaniyang Boss at agad naman nitong kinuha ang cellphone sa kaniyang bag at pabulong na sinagot ito.

“Hello?” Sagot ng Patrisse.

“Nasa operating room na si Harissa, Patrisse. Natatakot ako dahil sabi ng doctor ay anim na oras ang itatagal niya roon, hindi rin natin alam kung makaka survive siya o hindi.” bigla naman itongnalungkot nang malaman niya iyon, sa totoo lang, maging sia ay nahihirapan na ring mag isip kung ano ang kahihinatnan ng operasyon ng kapatid niya, sana ay kayanin niya.

“Wrong timing naman po ang pag tawag niyo Ma, nasa trabaho po ako at narito po ang boss ko. Nakakahiya!” Aniya. Tiningnan naman nito ang boss niyang nakahawak sa noo at busy sa tinitingnan papeles.

“Miss Fuentejo, pakihanap ng files ng babaeng ito rito, NOW!” Awtomatikong naibaba ni Patrisse ang telepono mabuti na lamang at napatay niya ito kung hindi ay maririnig ng kaniyang ina kung ano ang ipinag-uutos ng kaniyang boss.

“O-opo,Sir Jai.” nakayuko itong pumunta sa pinaglalagyan ng files at saka kinuha ang lahat ng folder na nagsisimula sa Z.

Sa isip ni Patrisse, bakit kaya ipinapahanap ni Jairus ang file ng isang ‘to?

“Sir, Alin po sa dalawa? A.Zamora? o S. Zamora? Dalawa po ang file na Zamora rito.” Nalilito niyang sabi.

“Both, give it to me. I need to check something,” tumango naman si Patrisse at agad na dinala ang dalawang folders na kaniyang nahanap.

“Sit down. Diyan ka lang at ‘wag kang aalis, may iiuutos ako sayo.”

He said without looking. Dahan dahan namang umupo si Patrisse sa upuan at nakaupong pandekwatro, makikita ang makinis na legs nito sa uniform na kaniyang suot. Naka suot siya ng coat at puting longsleeve sa loob at maikling palda. Hindi maiwasan ni Jairus ang tingnan ang legs na iyon ni Patrisse, tila ba hinihila siya nito papalapit ngunit umiling siya at hindi na lamang inisip ang bagay na iyon.

“I want you to go somewhere, pero huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at si Dorita, hindi kami bababa ng sasakyan, only you so be careful. All you have to do is to talk to the old Zamora and tell him na hinahanap siya ng matandang Jemenez. Understood?” tumango si Patrisse ngunit mayroong pag-aalinlangan sa kan’yang mukha at hindi ito napapansin ni Jairus.

“Be ready, after I ate my lunch aalis na tayo.” tumango lang si Patrisse at pumunta sa kaniyang mesa. Iniisip nito kung bakit kailangang siya pa ang napiling isama ng kaniyang amo sa lakad niya, nag-aalala rin siya dahil sinabihan siya ng amo niya ng ‘be careful’ ang naiisip nito ay mukhang delikado ang lakad nila. Kailangan niyang sumunod sa lahat ng utos ng amo niya or else hindi niya makukuha ang sweldo niyang pinaghirapan niya.

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na si Patrisse, nag-re-touch ito ng kaniyang mukha, she made sure that she is still pretty well she really is. Si Patrisse ay maputi, payat at magandang babae na kung aakalain mo ay isa lamang mahinang babae ngunit hindi, siya ay isang malakas at masipag sa lahat ng bagay, natutunan niyang maging matapang simula nang hindi na umuwi ang kaniyang ama, bilang panganay sa dalawang magkakapatid, siya na ang nagtaguyod sa kanilang pamilya, ang nanay niya ay nagtitinda lamang ng ulam tuwing tanghali. Sa madaling salita, hindi na mahihirapan pa si Patrisse kung sakali mang siya ay magkakaroon na ng asawa sa murang edad.

“Lets go?” Sabi ni Jairus. Tumango lang si Patrisse rito, makikita mo ang kaba sa kaniyang mukha.

Pinauna nitong lumabas ng pinto ang kaniyang sekretarya.

“Iyon lang po ba ang gagawin ko ro’n, Sir? Sino po ba si Armando Zamora?” tanong nito habang naglalakad sila papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang kasama nilang si Dorita na isang bakla, baklang mapanganib at hindi mo gugustuhing makalaban kailanman dahil sa taglay nitong lakas.

“I will tell you later, bilisan mo. Someone is looking after us! ‘Wag kang magpapahalatang alam mo na nakasunod at nakatingin siya sa atin, kuha mo?” tumango si Patrisse at nagmadali na lang itong maglakad.

Pagkarating nila sa parking lot ay agad na pinasakay ni Jairus si Patrisse sa tabi niya, sa kanang bahagi ay si Dorita ang nakaupo, pinang gigitnaan nila ang pinakamayaman at ubod ng guwapong lalaki sa buong siyudad.

“Here’s the answer to your questions, Patrisse. Armando Zamora is a rich man who is against to be a good man, isa siyang drug lord. It’s super easy for him to kill a person kahit pa ito ay miyembro ng kaniyang pamilya. He killed his own wife dahil hindi nito sinusunod ang gusto niya, he wants her wife to sell drugs sa mga kumare niya which is hindi gusto ng asawa niya, tumakas siya rito ngunit hindi pa man siya nakakarating sa gate ay nawalan na ito ng buhay.” nanlaki ang mata ni Patrisse sa narinig, mas lalong nadagdagan ang kaba sa kaniyang dib-dib, hindi niya alam ang kaniyang gagawin, gusto niyang umatras ngunit natatakot naman siyang baka mawalan siya ng trabaho.

“Why me?” She suddenly asked without hesitations, nagulat siya no’ng marealise niya ang kaniyang sinabi.

“Because I know that you can, please remember na nasa likuran mo kami. Hindi ka namin pababayaan lalong-lalo na at nandito ang aking kanang kamay na si Dorita. Mukhang hate ka niya pero he’ll I mean she’ll help you, am I right Dorita?” ngumiti siya kaya ang matigas na bakla ay nanlambot.

“Ofcourse, I will. At saka, eversince na maliit pa itong si Jairus, sa kanila na ako nakatira dahil ang papa ko noon ang escort ng kaniyang amang si Dominic Jimenez. Kaya ngayon, narito ako para tuparin ang ipinangako ko kay Papa bago siya mawala.”

Hindi pa rin mawala ang takot nito kahit ano pa ang sabihin ng mga kasama niya. Ilang oras pa ay pumasok na sila sa bayan ng Adlivun, isa itong pribadong lugar, tanging ang mga mayayaman lang ang may access sa code na ilalagay para makapasok sa lugar na ito. Ilang bahay rin ang nakita nila pagpasok ngunit isa lang ang nakagtatak sa mata ni Patrisse.

Ito ay ang mansyon ni Armando Zamora.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height