+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1

Naging usap-usapan sa buong Cardinal ang pagkawala ng isang batang babae. Ang kaisa-isang anak ni Don Feliciano Santañel, ang pinakamayan at nagmamay ari sa pinaka malaking hacienda sa buong Northern City.

Ang Cardinal ay maihahalintulad Pilipinas. Ito ay nahahati rin sa tatlong bahagi, ang Northern City, Southern City at Eastern City.

Si Don Feliciano ang pinakamayaman sa buong kalupaan ng Northern City. At nababalita ring siya ang leader ng tinaguriang pinakamalaking gang sa buong kalupaan. Ang Code Zero Gang. Habang ang kanyang asawa naman, si Keisha Leen, isang sikat na modelo ay kilala naman sa Southern City.

May problema sa pangangatawan si Don Feliciano kaya kahit ilang taon na silang ikinasal ng kanyang asawa ay hindi parin ito nagkakaroon ng anak.

Sa edad na tatlumpo ay pumunta siya kasama ang kanyang asawa sa tatlong bahagi ng Cardinal upang magpagamot sa pinakamagaling na manggagamot ngunit hindi parin ito nagkaanak.

Hanggang sa isang araw sa edad na forty ay bigla na lamang nahimatay ang kanyang asawa habang nasa trabaho ito kaya dali-dali nila itong isinugod sa Ospital at napag-alaman ng Doctor na buntis ang babae. Dahil sa sobrang saya ay inutos ni Don Feliciano sa kanyang mga tauhan na ipaalam sa buong Cardinal ang himalang nangyari sa kanilang pamilya. Nagdiwang ang buong Northern at Southern City dahil sa balitang iyon.

Lumipas ang mga buwan at dumating na ang araw ng panganganak ng kanyang asawa. Isinilang nito ang isang napakaganda at napakalusog na batang babae. Pinangalanan nila itong Mia Avery Santañel.

Simula nang isilang ng asawa ni Don Feliciano ang kanilang anak ay palagi na lamang itong nasa kanilang mansyon upang bantayan at alagaan ang kanyang anak pati na rin ang asawa at ibinilin muna nito sa kanyang mga katiwala ang kanyang mga negosyo.

Ngunit isang araw kinailangang pumunta ni Don Feliciano at ng kanyang asawa sa isang pagtitipon na ginanap sa palasyo ng Pangulo upang pag-usapan ang ilang mga mahahalagang bagay kaya ibinilin ni Don Feliciano sa kanyang tatlumpong kasambahay na bantayang mabuti ang kanyang kasisilang pa lamang na anak.

Limang oras ang itatagal ng pagtitipon na iyon kaya umalis ng kanilang mansyon si Don Feliciano at ang kanyang asawa kasama ang mga tauhan nito ng alas sais ng gabi at inaasahang makakauwi ng alas dose ng umaga.

Habang nagsasaya ang mag-asawa sa pagtitipon ay hindi nila alam na sa oras ring iyon ay sinugod pala ng kanyang kalabang pangkat ang kanilang mansyon. Nagdala ang leader ng grupong ito ng doble ang dami kaysa sa mga tauhan ni Don Feliciano na nakabantay sa kanyang mansyon kaya natalo ang mga ito at walang itinirang buhay sa kanilang lahat.

Napaluhod na lamang si Don Feliciano sa lupa at natulala matapos madatnan ang kanyang mansyon na napapalibutan nang dugo ng kanyang mga tauhan at kasambahay.

Kaagad niyang inutos sa kanyang mga kasamahang tauhan na hanapin ang kanyang anak sa buong mansyon ngunit kahit anino nito o kahit bangkay ng bata ay hindi nila nakita.

Nagwala sa sobrang galit si Don Feliciano habang ang asawa naman nito ay nawalan ng malay dahil sa sobrang lungkot at pag-aalala. Kaagad inalerto ni Don Feliciano ang kanyang buong pangkat at sinabing bibigyan niya ng malaking pera na lalampas sa inaakala nito ang sino mang makakakita at makakapagsauli sa kanyang anak.

Dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Don Feliciano kaya ilang araw lamang matapos ang nangyari ay kaagad nahuli at iniharap sa kanya ang leader ng kalabang grupo. Umuusok sa galit niya itong hinarap at ginawa ang lahat ng pagpapahirap para lamang sabihin nito kung saan niya dinala at kung ano ang ginawa niya sa bata ngunit nalagutan na lamang ito ng hininga ay wala itong kahit na anong sinabi.

Lumipas ang ilang buwan at taon ngunit hindi parin nahahanap ang kaisa-isang anak ni Don Feliciano kahit paman ginawa na niya ang lahat at ipinakalat na niya sa buong Cardinal ang nangyari. Dahil sa madugong pangyayaring iyon kaya malimit na lamang kung lumabas si Don Feliciano sa kanyang mansyon. Tanging mga tauhan na lamang niya ang nag-aasikaso sa lahat ng kanyang negosyo at linggo-linggo niya itong pinapaulat sa kanya. Hanggang lumipas ang ilang taon at patuloy parin ang paghahanap sa kanyang anak.

_______

Sa kabilang dako naman, naglalakad si Kathara sa coridor ng Northern Hemisphere University papuntang cafeteria at naabutan nito ang kanyang tatlong mga kaibigan habang kumakain at nagkukwentuhan. Ang tatlo ay sina Nique, Alex, at Ven. Lumapit ito kung saan nakaupo ang tatlo at umupo sa bakanteng upuan na inilaan sa kanya ng mga kaibigan.

"Ano na namang pinag-uusapan ninyo?" Tanong nito sa mga kaibigan sabay lapag ng mga gamit niya sa mesa. Napatingin naman ang mga ito sa kanya.

Nagkakilala ang apat na magkaibigan matapos silang magkita sa sementeryo kung saan inilibing ang ama ni Kathara. Pumunta si Kathara sa sementeryo sa araw kung kailan pinatay ang kanyang ama upang dalawin ang puntod nito at hindi niya inaasahang makikilala niya roon ang tatlo na sa bandang huli ay naging kaibigan niya. Na diskobrehan niyang katulad niya ay pinatay rin pala ang ama ng tatlo kaya ito dumalaw sa sementeryo sa araw ring iyon.

Kathara Venice Asuncion ang kanyang buong pangalan. Matangos ang kanyang ilong, kulay asul ang kanyang mga mata at maganda ang pangangatawan. Sinabi ng kanyang ina na bata pa lamang siya nang patayin ang kanyang ama kaya lumaki siyang ang kanyang ina lamang ang nag-aalaga sa kanya at ang palagi niyang kasama.

Mayroon silang maliit na tindahan kung saan ito ang kinukuhanan nila nang kanyang ina ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Kapag umaga ay nagbabantay ng tindahan ang kanyang ina habang siya ay pumapasok sa eskwela at kapag gabi naman ay namamasukan bilang bartender ang kanyang ina sa isang club. Si Kathara ang pinakamatalino sa kanilang apat.

Humarap si Nique sa kanya na may bahid ng excitement ang mukha.

Francie Vonique Otowa ang totoong pangalan ni Nique at sa kanilang tatlo ay siya ang mahilig sa mga lalaki. Siya rin ang pinakamaingay sa kanilang apat.

Kulot ang buhok nito at may singkit na mga mata. Bata pa lamang siya ay alam niya nang ang itinuturing niyang ama at ina ay hindi niya totoong mga magulang. Inampon lamang siya ng mga ito matapos siyang dalhin ng kanilang mga kapitbahay sa isang bahay ampunan matapos patayin ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay namatay noong ipinanganak siya.

May ipinapatakbong malaking restaurant ang kanilang pamilya kaya minsan ay tumutulong siya rito.

"Alam mo bang may isa pa palang anak si Don Feliciano?" Tanong nito kay Kathara habang kumikisap-kisap ang mga mata.

"Hindi!" pabagsak na sagot ng dalaga nang hindi man lang tumitingin sa kanyang kaibigan. Kasalukuyan kasi itong nanghahalungkat sa kanyang bag.

"Balita ko pagkatapos mawala ng kanyang babaeng anak ay nagkaanak muli ang kanyang asawa at isa itong lalaki," nakangiti ito habang nakatingin kay Kathara na para bang nagpapahiwatig ng kanyang pagka interesado sa lalaking anak ni Don Feliciano.

"Oh tapos? Huwag mong sabihing isasali mo sa listahan ng mga lalaki mo ang anak ni Don Feliciano?!" sambit naman ni Ven.

Vendra Arielle Santin, ang tinaguriang tigasin sa kanilang apat. Mahaba ang buhok nito at may mapupungay na mga mata. May maganda itong pangangatawan ngunit hindi ito basta-basta nalalapitan ng mga lalaki lalo na ng mga masasamang tao dahil sa kanyang angking galing sa taekwondo.

Bata pa kasi siya ay ipinasok na siya ng kanyang ama sa taekwondo school ngunit natigil ang pag eensayo nito matapos ring patayin ang kanyang ama. Nag asawang muli ang kanyang ina at nagkaroon siya ng dalawang kapatid sa kanyang ikalawang ama.

"Bakit bawal ba?" Sagot ni Nique sabay pakita ng kanyang nakakalokong ngiti. Napailing-iling na lamang si Ven.

"Gusto mo na bang mamatay Nique?! Nakalimutan mo na ba kung sino ang pumatay sa mga ama natin?" naiinis na wika ni Alex.

Bigla na lamang tumahimik ang paligid ng tatlo matapos magsalita si Alex. Iisa kasi ang pumatay sa kanilang ama at iyon ay si Don Feliciano.

Ang ama nilang apat ay parehong membro ng kalabang gang na sumugod at naging dahilan ng pagkawala ng anak ni Don Feliciano kaya noong ipinapahanap ni Don Feliciano ang mga pumatay sa mga tauhan at kumuha sa anak niya ay parehong nadakip at pinatay ang ama ng apat. Isa ito sa rason kung bakit nagkakaintindihan at naging magkaibigan silang apat dahil sa parehong sinapit ng kanilang ama.

Si Alexanda Chun ang pinakatahimik at pinaka misteryoso sa kanilang apat. Hindi ito nakikipag-usap sa mga taong hindi niya kilala at kaibigan. Kapag hindi nito kasama ang kanyang mga kaibigan ay lagi lamang itong nasa loob ng library at natutulog minsan ay nakikinig ito ng kanta gamit ang kanyang cellphone.

Si Alex ay iniwan ng kanyang ina noong bata pa dahil sa kadahilanang hindi niya gusto ang trabaho ng kanyang kabiyak kaya ito sumama sa ibang lalaki. Matapos mamatay ang kanyang ama ay inampon siya ng dalawang mag-asawang myembro rin ng gang at tanging nakaligtas sa nakakatakot na paghihiganti ni Don Feliciano.

"Fine! Hindi na," aniya ni Nique. Takot kasi ito kay Alex kaya isang sabi lang ay tumatahimik kaagad ito.

"Sshh! Pwede bang hinaan niyo 'yang boses niyo? Baka nakakalimutan ninyong tayo lang ang may alam sa nangyari sa mga ama natin at pati na rin sa ginawa ni Don Feliciano," pagpapaalala ni Kathara sa mga kaibigan. Lumingon-lingon ang mga ito.

Napatingin si Nique sa likuran ni Ven at nagtaka ang mga kaibigan nang mapansin nilang biglang tumahimik si Nique at parang nanginginig ito. Alam nilang tatlo na nanginginig lamang si Nique kapag may nakikita siyang matipuno at gwapong lalaki kaya sabay-sabay silang napatingin kung saan nakatingin si Nique.

At hindi nga sila nagkamali sa kanilang iniisip. May dalawang lalaking nakatayo sa likuran ni Ven at seryoso itong nakatingin sa kanila. Pareho ang tangkad ng dalawang lalaki at sa pangangatawan at tindig pa lamang ay mapapansin mo nang may alam ito sa pagdedepensa sa kanilang mga sarili.

Parehong kulay itim ang buhok ng mga ito ngunit ang isa ay may mahabang pilikmata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Nakasuot ito ng itim na coat at may necktie sa gitna. Habang ang isa naman ay may asul na mga mata, matangos ang ilong at nakasuot rin ng coat.

Unang beses pa lamang nilang nakita ang dalawang lalaking ito kaya kaagad ring yumuko ang tatlo at ibinaling ang pansin sa pagkaing nasa kanilang harapan. Alam kasi nilang kapag may lumalapit na lalaki na hindi nila kilala sa kanilang table ay dalawa lamang ang mangyayari. Manghihingi ang mga ito ng numero sa isa sa kanilang apat o hindi kaya ay sila ang mga bagong biktima ni Nique na inutusan niyang lumapit sa kanila para magpakilala.

Tumayo si Nique at nakangiting tinanong ang dalawang gwapong lalaki.

"May kailangan po ba kayo mga sir?" Malambing na tanong nito sabay kindat sa dalawa. Nginitian niya ito nang pagka tamis-tamis.

Seryoso siyang tinitigan ng lalaking may mapupulang labi kaya napatigil ito sa kanyang ginagawang pang-aakit.

"Narinig ko ang pangalan ng Daddy ko sa mesang ito! Pinag-uusapan niyo ba siya?" tanong ng lalaki.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height