C2
Sabay na napatigil ang tatlo sa kanilang ginagawa at napatingin sa lalaki habang si Nique naman ay hindi alam kung ano ang isasagot. Isa-isa silang tiningnan ng dalawang lalaki habang naghihintay sa sagot ng mga ito.
Naramdaman ni Kathara na hindi makapag-isip ng isasagot ang kanyang mga kaibigan kaya siya ang naglakas loob na sumagot. Tumayo ito kaya naibaling sa kanya ang tingin ng lahat.
"Hindi! Siguro mali lang ang pagkakarinig mo," nakangiting wika ni Kathara. Tumango naman ang tatlo upang mas lalong mapaniwala ang dalawang lalaki.
"Regular akong bumibisita sa Doctor kaya sigurado ako sa narinig ko!" mariin na sagot ng lalaki.
"Baka naman kasi bumibisita ka lang at hindi ka naman talaga nagpapalinis ng taenga!" Pabirong saysay ni Ven sabay tawa nilang apat.
Nainis ang lalaki kaya malakas niyang ibinagsak ang kanyang kamay sa mesa dahilan upang mapatigil sa pagtawa ang apat at mapatingin ang lahat ng taong nasa cafeteria sa gawi nila.
"At sino ka para biruin ako ng ganyan?!" Linapit niya ang mukha niya sa mukha ni Ven kaya dahan-dahang napaupo ang babae. "Sa susunod na maririnig ko ang pangalan ng Daddy ko galing sa mga bibig ninyo papatayin ko kayong lahat!" Tiningnan niya ng masama ang apat na babae bago ito naglakad at tuluyang umalis sa kanilang mesa.
Naiwan ang apat na babae na mistulang tulala at hindi nakapaniwala sa nangyari.
"Siya kaya ang anak na lalaki ni Don Feliciano?" pabulong na tanong ni Nique.
"Narinig mo naman 'di ba? Tinawag niyang Daddy si Don Feliciano kaya malamang siya ang sinasabi mo," sagot ni Alex.
"Ibig sabihin ay dito nag-aaral ang pangalawang anak ni Don Feliciano?" Ven asked.
Napabuntong hininga na lamang si Kathara matapos ang nangyari.
"Hindi natin siya nakita noon kaya siguro kalilipat niya lang sa eskwelahang ito. Teka bakit ka nagtataka? Remember? Si Don Feliciano ang may-ari ng eskwelahang ito ngunit ipinagkatiwala niya lang sa isa sa kanyang tauhan kaya malamang dito mag-aaral ang anak niya." Ven explained.
Napatango-tango naman si Nique habang ang dalawa ay tahimik lang.
________
Sa Mansyon ni Don Feliciano ay ipinatawag niya ang kanyang anak at ang kaibigan nitong lalaki.
"Uno, kamusta ang paaralan ko?" tanong ni Don Feliciano matapos makapasok sa kanyang Opisina ang kanyang anak at ang kasama. Nakaupo ito sa kanyang upuan habang nakatalikod sa dalawa.
"Okay naman Dad! Magaling ang taong pinagkatiwalaan mo," may galang na sagot ng binata sa kanyang ama.
Si Uno ang pangalawang anak ni Don Feliciano at ang bagong leader ng Code Zero Gang. Isa at kalahating taon matapos mawala si Mia ay muling nagdalang tao ang kanyang asawa at pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ito ng isang lalaki. Hindi ipinaalam ni Don Feliciano sa buong Cardinal na nagsilang muli ng anak ang kanyang asawa dahil natatakot siyang baka mangyari ulit ang nangyari noon sa kanilang unang anak na si Mia. Dahil dito kaya nagpagpasyahan ng mag asawa na sa Eastern City palalakihin at pag-aaralin si Uno ngunit nagpumilit itong bumalik sa lugar ng kanyang ama upang dito mag-aral ng kolehiyo.
"Zuko, kamusta ang paghahanap mo sa anak ko?" sunod na tanong nito sa lalaking kasama ni Uno.
Zackary Mickael Alfonso, ang tagapagmana sa buong kalupaan ng Eastern City. Nagkakilala sila ni Uno noong nagpunta si Uno sa Eastern City upang doon mag-aral. Nalaman niya ang nangyari sa kapatid nito kaya hiningi niya sa kaibigan na iharap siya sa ama nito upang personal niyang masabi kay Don Feliciano na hahanapin niya ang nawawalang anak nito ngunit sa isang kondisyon. Sa kanya magpapakasal ang babae at mapupunta sa kanya ang lahat ng negosyo ni Don Feliciano na naroroon sa Eastern City.
Hindi pumayag si Don Feliciano pati na rin si Uno sa inalok ni Zuko kaya binago ng binata ang kanyang kondisyon. Sa halip na mapupunta sa kanya ang lahat ng mga negosyo ni Don Feliciano na nasa Eastern City ay binago nito at sinabing ipapasakamay niya nalang kay Don Feliciano ang desisyon kung ano ang ibibigay nito sa kanya bilang kanyang gantimpala ngunit hindi parin nagbabago ang kanyang sinabing sa kanya ipapakasal ang babae.
Sa pagkakataong iyon ay pumayag si Don Feliciano sa inalok ng lalaki kaya simula nun ay palagi na silang magkasama ni Uno. Napag desisyonan ni Uno na bigyan siya ng mataas na posisyon sa gang kaya ginawa niya itong leader ng Code Zero Gang na nakabase sa kanyang kalupaan- sa Eastern City.
"Sa ngayon wala parin kaming balita sa kanya. Sa tagal ng panahon na hindi parin siya nakikita, hindi kaya pinatay siya ng araw na iyon?" lakas loob na sambit ng lalaki.
Napatingin sa kanya si Uno matapos marinig ang sinabi nito. Habang si Don Feliciano naman ay nananatili paring nakaupo sa kanyang upuan habang nakatalikod sa dalawa.
"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan para sabihin 'yan sa anak ko?!" sigaw ni Don Feliciano. Napayuko naman sa sobrang gulat si Zuko. Hindi niya akalaing magagalit si Don Feliciano sa kanyang sinabi.
"Nagpalipad ako ng napakaraming drone na makaka detect sa mga buto ng anak ko kung sakaling pinatay nga ito. Ngunit walang kahit anong natagpuan. Alam kong buhay siya! Kaya kapag marinig ko ang mga salitang 'yan muli galing sa mga bibig mo papatayin ko ang buo mong angkan!" pagbabanta ni Don Feliciano.
Kung kanina ay nakayuko lamang si Zuko sa puntong ito ay lumuhod na ito.
"Pasensiya na po, Master! Hindi na po mauulit!" malakas niyang sabi. Inangat niya ang kanyang ulo upang tingnan si Uno at upang humingi ng tulong rito ngunit sa halip na tulungan ang kaibigan ay tinitigan lamang siya nito ng masama na lubos na ipinagtataka ni Zuko.
"Kakalimutan kong sinabi mo 'yan sa harap ko ngayon ngunit kapag pinatay mo ulit ang kapatid ko gamit ang mga salita mo, ako mismo ang papatay sayo!" sambit ng galit na si Uno.
Pagkatapos niyang sabihin iyon sa kaibigang si Zuko ay kaagad itong lumabas ng Opisina ng kanyang ama. Naiwan naman sa loob si Zuko na nakaluhod parin at patuloy sa paghingi ng tawad kay Don Feliciano.
Mahal ni Uno ang kanyang kapatid katulad rin ng pagmamahal ni Don Feliciano rito kaya nagagalit ito kapag may naririnig itong sa tingin niya ay ikakasakit ng damdamin ng kanyang kapatid.