C3
Galing sa kanilang mansyon ay dumiretso si Uno sa night club kung saan pagmamay-ari rin ng kanyang ama. Palagi siyang nagpapalipas ng gabi rito kapag masama ang buong araw niya. Nag utos siya sa waiter na dalhan siya ng napakaraming beer at sinabi nitong huwag munang palalapitin sa kanya ang mga babae dahil gusto niyang mapag-isa.
Pagkalapag na pagkalapag ng waiter ng napakaraming inumin sa kanyang harapan ay kaagad niyang kinuha ang isa at ininom ito nang hindi man lang gumagamit ng baso. Ilang minuto siyang nanatiling ganun hanggang sa dumating si Zuko. Lumapit ito sa mesa kung nasaan siya at umupo sabay kuha ng isang boteng beer at kaagad rin itong nilagok.
"Pasensiya na kanina," mahinahon na wika ni Zuko. Hindi naman sumagot si Uno sa halip ay lumagok lamang ito ng inumin. "Pero seryoso papatayin mo talaga ako?" natatawang dugtong ni Zuko.
Ipinatong ni Uno ang kanyang hawak na bote sa mesa at gamit ang kanyang namumulang mga mata bunga ng kanyang maraming nainom ay tiningnan niya ng seryoso ang kaibigan.
"Alam mo kung anong ginawa ko sa isang guro sa Eastern City dahil sa ibinagsak niya ako sa kanyang asignatura, hindi ba? Huwag mo akong susubukan dahil kayang-kaya kitang patayin," aniya nito sa kaibigan.
Isa sa mga rason kung bakit umuwi si Uno sa Northern City ay dahil pinapatay niya ang isa sa kanyang guro matapos siyang ibagsak nito sa kanyang asignatura. Matalino si Uno at kaya niyang ipasa ang isang asignatura kahit paman ilang araw niya itong hindi pasukan. Kaya nagalit ito nang malaman niyang ibinagsak siya ng guro kaya niya ito pinapatay. Ang ama ni Zuko ang nagmamay-ari sa paaralan kung saan nagtatrabaho ang guro kaya hindi nakulong ang lalaki.
Ngumiti lamang si Zuko matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. Naalala niya noong una silang nagkita ni Uno. Papunta siya sa kanilang paaralan nun sakay sa kanyang mamahaling sasakyan nang harangan siya ng mga taong kalaban ng kanyang ama. Nasa sampu ang mga taong humarang sa kanya kaya natagalan siyang patumbahin silang lahat.
Biglang dumating si Uno ng panahong iyon at walang sabi-sabi ay tinulungan niya si Zuko. Natalo ang sampu at napagpasyahan nilang umatras at doon sila nagkakilala. Alam niyang hindi siya magagawang patayin ni Uno maliban na lamang kung ang kanyang kapatid ang nakataya.
Nagpatuloy sila sa pag-iinuman hanggang sa napagpasyahan na nilang kumuha ng mga babae para makasamang iminom sa kanilang mesa.
_________
Nagpaalam sa isat-isa ang apat na magkaibigan matapos ang kanilang klase.
Matapos makapag paalam sa mga kaibigan ay kaagad sumakay si Ven sa kanyang sasakyan ganun rin si Alex kasama si Kathara. Nadadaanan lang kasi ni Alex ang bahay ni Kathara kaya sa kanya ito palagi sumasakay. Habang si Nique naman ay sumakay ng taxi dahil makikipagkita pa umano ito sa kanyang bagong boyfriend.
Ayaw kasi ng kanyang mga magulang na nagpapalit-palit siya ng lalaki kaya kapag nakikipagkita siya sa mga ito ay iniiwan niya ang kanyang sasakyan sa paaralan at sumasakay lamang siya ng taxi at babalikan niya ito sa oras na uuwi na siya.
Naunang dumating sa kanilang bahay si Kathara. Naabutan niya ang kanyang ina na nagbibihis dahil papasok na ito sa bar. Inilapag niya ang kanyang bag sa mesa saka umupo.
"Ma? Kailangan mo ba talagang gawin 'yan? Sapat naman na 'yung kita natin sa tindahan ah?" She asked.
Natawa ang kanyang ina sa kanyang sinabi.
"Gusto ko 'tong ginagawa ko kaya hayaan mo nalang ako." nakangiting wika ng kanyang ina.
"Ma naman! Ako 'yung nahihirapan e! Lagi nalang-" hindi nito itinuloy ang kanyang dapat sasabihin.
Humarap sa kanya ang ina na nakataas ang kilay.
"Lagi nalang ano?" tanong ng ina.
Dinampot niya ang kanyang bag na inilagay niya kanina sa mesa at tumayo.
"Wala!" Saka siya naglakad papunta sa kanyang kwarto. Nag kibit-balikat lang ang kanyang ina at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng sarili.
_______
Pagkatapos idaan ni Alex si Kathara sa bahay nito ay dumiretso na ito sa kanilang bahay ngunit habang nagmamaneho ay may natanggap itong text mula sa kanyang ina. Pinahinto niya ang kotse sa gilid ng daan saka binasa ang mensaheng galing sa ina.
"CZ, Sun Street"
Kaagad niyang pinaliko ang kotse at mabilis na pumunta sa lugar na nabanggit sa text ngunit bago paman ito tuluyang makarating sa lugar ay dumaan muna ito sa isang public toilet upang magbihis. Ang mensaheng natanggap niya ay isang code kung saan silang tatlo lamang ng kanyang ina at ama ang nakakaalam sa totoo nitong kahulugan.
Ipinahinto ni Alex ang kanyang sasakyan sa labas ng isang mahabang tunnel. Tiningnan niya ang paligid upang siguraduhing ito ang lugar na sinasabi ng kanyang ina. Matapos masigurong iyon nga ang lugar ay kaagad niyang isinuot ang kulay itim na mask at kulay itim na cap na palagi niyang isinusuot kapag may ginagawa siyang misyon. Ang kanyang damit na suot kanina sa paaralan ay pinalitan niya ng kulay itim na damit at sinapawan ng coat at itim ding fitted pants and boots. Pagkatapos ihanda ang sarili ay pinaandar na niya ang kotse at tuluyang pumasok sa loob ng tunnel.
Nasa isang oras ang itinagal nito sa loob bago ito lumusot sa dulo ng tunnel sakay parin sa kanyang kotse. Walang nakakaalam kung ano ang ginawa niya sa loob ng madilim na tunnel sa loob ng isang oras na iyon. Habang nagmamaneho pauwi ay may natanggap siyang tawag. Nagmula ito sa kanyang ama.
"Good job!" rinig niyang sambit ng ama.
Napangiti ang dalaga sa narinig.
"As always," she replied.
"Dumiretso ka sa bahay ipinagluto ka ng Mama mo nang paborito mong pagkain."
"Copy."
______
Sa kabilang dako naman ay nadatnan ni Ven ang kanyang mga kapatid na nakaupo sa labas ng pintuan habang umiiyak. Pagkakita niya rito ay alam kaagad niya ang nangyari kaya dahan-dahan niyang nilapitan ang dalawa niyang umiiyak na kapatid at niyakap.
"Nag-aaway na naman ba sina Mama?"
Tumango lamang ang dalawang bata. Simula ng mag-asawa ulit ang ina ni Ven ay hindi na natahimik ang kanilang bahay. Palagi niya nalang nadadatnan ang mga ito na nag-aaway kaya kung minsan ay hinahayaan nalang sila ni Ven at pumapasok na lamang ito sa kanyang kwarto. Ngunit nagagalit ang dalaga sa tuwing nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga kapatid.
Binigyan niya ng pera ang dalawang bata at inutusang bumili ng kanilang makakain sa tindahan. Sinabihan niya itong bumalik pagkalipas ng sampung minuto. Ngumiti ang dalawa at kaagad na tumakbo papunta sa tindahan at nang makita ni Ven na malayo na sila ay saka lamang ito pumasok sa kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto ay agad sumalubong sa kanya ang malalakas na boses ng kanyang mga magulang.
"Aba! Akala mo naman kung anong naiambag mo sa bahay na ito! Lagi ka nga lang lasing! Wala kang kwenta!" sigaw ng kanyang ina sa kabiyak.
Isinara ni Ven ang pinto at tumayo sa harap ng kanyang mga magulang ngunit hindi siya napansin ng mga ito. Tuloy parin ang pagsisigawan nito sa isat-isa.
"Naglalasing ako dahil sa'yo! Dahil diyan sa kakaratrat mo sa akin! Kahit ano nalang ang pinagsasabi mo, nakakasawa ka!" Her father shouted back.
"Stop!" Mariin nitong sabi sa dalawa ngunit hindi parin ito tumitigil.
"Nagsasawa kana? Sige! Lumayas ka! Tingnan lang natin kung mabubuhay kang batugan ka!"
"I said stop! Ano ba! Pwede bang tumahimik naman kayo kahit minsan?" Sigaw ng dalaga. Parehong napatingin sa kanya ang kanyang mga magulang.
Natawa ang kanyang ama nang marinig ang sinabi nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Ven saka nagsalita. Hindi maiwasang mapatakip si Ven sa kanyang ilong dahil sa amoy ng alak na naamoy niya sa tuwing ibibubuka ng ama ang kanyang bibig.
"Bakit ikaw? Ano bang naiambag mo sa bahay na ito?!" Tumawa siya at sinampal si Ven.
Napahawak naman si Ven sa pisngi niya dahil sa sobrang sakit resulta ng malakas na pagkakasampal. "Dagdag ka nga lang sa palamunin dito e tapos ganyan kapa kung magsalita?!" sigaw ng lalaki. Itinaas niyang muli ang kanyang kamay upang sampaling ulit si Ven ngunit agad na yumuko at umiyak ang dalaga kaya hindi niya itinuloy ang pagsampal.
Kinabukasan naunang dumating sa paaralan sina Kathara at Alex. May isang oras pa silang bakante bago magsisimula ang kanilang unang subject kaya napagpasyahan muna nilang maupo sa mahabang hagdanan sa entrance ng Northern Hemisphere University at upang doon na rin hihintayin ang dalawa pa nilang mga kaibigan.
Habang nakaupo ay napatingin si Kathara sa bisig ni Alex. May maliit na sugat kasi ito sa kanyang kaliwang bisig. Masyadong maalaga si Alex pagdating sa kanyang katawan. Ayaw niyang nasusugatan siya kahit maliit lang kaya hangga't kaya niyang iwasang magkasugat ay iniiwasan niya kaya nagtaka si Kathara sa nakita.
"Parang uulan yata. Teka anong nangyari diyan?" Sabay turo niya sa bisig ni Alex gamit ang kanyang nguso. Napatingin naman si Alex sa braso nito.
"Hindi ko alam. Siguro nasugatan ng screen kagabi nang gawan ko ng kulungan ang mga rabbit na alaga ni Mama," mahinahon niyang saysay. Hinimas-himas niya ito. "May band-Aid ka?" tanong niya kay Kathara.
Kaagad namang nanghalungkat si Kathara ng band-Aid sa kanyang bag at nang may makita ay agad niya itong ibinigay sa kaibigan.
"Good morning, guys!"
Malayo pa lang ay sumigaw na si Nique sa kanyang mga kaibigan kaya sabay napatingin ang dalawa rito. Nakasuot ito ng white longsleeve at maikling skirt. Naka tali ang buhok nito na parang buhok ng isang kikay at malapad ang ngiti habang papalapit sa kanila. Malamang may nangyari na naman kagabi.
"Morning!" maikling sagot ni Kathara nang makalapit si Nique.
"Where's Ven?" Nique asked. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa dalawa.
Nagkatinginan naman sina Alex at Kathara at sabay nagkibit balikat. Si Ven kasi ang palaging nauunang pumasok sa kanilang apat. Palagi itong maaga dahil sabi pa niya ay nilalagnat siya kapag nanatili siya sa kanilang bahay ng matagal kaya hindi pa gising ang kanyang mga magulang ay pumupunta na ito sa paaralan.
Minsan ay dumideretso siya sa convenience store upang bumili ng pang agahan. Ngunit sa pagkakataong ito ay nahuli si Ven ng punta sa paaralan kaya ipinagtataka ito ng kanyang mga kaibigan.
"Ako ba ang hanap niyo?" Sabay silang napalingon sa likod nang biglang magsalita si Ven. Nakasuot ito ng black fitted jeans at simpleng damit. Maysuot rin itong sunglasses.
"Anong nakain mo para magsuot ng sunglasses kahit ang dilim ng paligid? Hindi mo ba napapansin na parang bubuhos na ang ulan?" nagtatakang tanong ni Nique. Napatingin sina Nique, Kathara, at Alex sa paligid at nakita nila ang ibang estudyanteng tumatawa habang nakatingin kay Ven. Malamang dahil ito sa suot niyang sunglasses.
Hindi nagsalita si Ven sa halip ay umupo lang ito sa gilid ng mga kaibigan at matapos makaupo ay tinanggal niya ang kanyang suot na sunglasses saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan at isinuot rin ito pabalik.
"Ngayon alam niyo na?" Ven asked matapos ipakita ang kanyang mga mata sa mga kaibigan.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit nagka black-eye ka?" Alex asked.
"Gwapong lalaki ba ang gumawa niyan sa'yo kaya hindi mo nagawang patumbahin?" hirit naman ni Nique.
"Hindi! Malamang sinampal na naman siya ng mabait niyang amain. Tama?" Tumingin silang tatlo kay Ven na ngayon ay nakayuko.
"Yeah," tanging sagot nito. Linapitan ito ni Nique saka hinimas-himas ang likod sabay sabi "ayos lang 'yan."
"Bakit hindi mo patumbahin gamit ang nalalaman mo sa taekwondo? Kung hindi mo kaya ako na ang magtumba para sa'yo." pag-aalok ni Alex.
"Hindi na! Kaya ko pa naman e. Basta't huwag niya lang sasaktan at iiwan ang mga kapatid ko," malungkot nitong wika.
Napagpasyahan ng apat na pumasok na sa loob dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang unang klase.