+ Add to Library
+ Add to Library

C4

Parehong kumuha ng kursong Engineering sina Alex at Nique kaya magkaklase silang dalawa habang sina Kathara naman at Ven ay kumuha ng kursong Marketing.

Pangalawang araw nila ngayon bilang second year college kaya wala pa masyado silang kakilala sa kanilang mga kaklase. Kahapun ang unang araw ngunit pareho silang hindi pumasok sa mga subjects nila dahil alam nilang paulit-ulit lang silang magpapakilala sa kanilang mga kaklase at ayaw nila sa ganun kaya buong maghapun silang tumambay sa cafeteria.

"Bye girls!" masiglang sambit ni Nique. Nag wave lang ng kamay ang tatlo at saka ito naghiwalay. Pumasok sina Nique at Alex sa kanilang classroom at nadatnan nila ang kanilang mga kaklase na nagkukwentuhan. Mayroong ibang nagpapakilala sa isat-isat at mayroon namang natutulog.

"Gosh! Hindi pa ba tapos ang kanilang pagpapakilala?" Nakataas kilay na tanong ni Nique sabay flip ng kanyang buhok. Pumunta ito sa harap ng board habang si Alex naman ay walang ingay na dumiretso sa hulihan kung saan may dalawang bakanteng upuan.

"Guys?!" malakas na sabi ni Nique. Napailing-iling na lamang si Alex. Alam niya kasi kung ano ang gagawin ng kaibigan. Napatingin ang iba nilang kaklase sa kanya ngunit ang iba ay tumingin lang sa kanya sandali at kaagad ring ibinaling ang tingin sa kani-kanilang mga kausap.

"Guys?!" pag-uulit ni Nique. Sa ikalawang pagkakataon ay linakasan na ni Nique ang pagtawag kaya kahit ang mga natutulog ay nagising dahil sa lakas ng boses niya. Nag flip ito ng kanyang buhok at ngumiti bago nagsalita.

"By the way, I'm Francie Vonique Otowa," she paused at sandaling umikot. "Your future Engineer!" saka nag heart sign. Natawa ang iba nitong mga kaklase at mayroon namang nainis habang si Alex ay napatakip na lamang sa kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan sa pinaggagagawa ng kaibigan.

"You can call me Francie." Dugtong niya pa sabay pakita ng kanyang nakakabighaning ngiti. "Oh! At siya naman ang kaibigan ko." Sabay turo niya kay Alex na nakaupo sa likuran.

Nanlaki ang mga mata ni Alex nang makitang nakatingin ang karamihan sa kanya. "Her name is Alexandra Chun, but you can call her Alex." Tumingin ito kay Alex at nakita niyang nakatingin ito ng masama sa kanya. "I mean, you can call her Xandra." Saka pilit na ngumiti.

Napag-usapan kasi nila na silang magkakaibigan lang ang pwedeng tumawag sa kanila ng kanilang totoong palayaw. Kaya ayaw ni Alex na tawagin siyang Alex ng mga taong hindi niya kilala o kaibigan ganun rin ang tatlo.

"Tama na 'yan! Miss? Please go back to your seat!" saysay ng isang babaeng biglang pumasok. May dala itong isang libro at isang chalk. Sa suot pa lang at sa awra ay alam na nilang iyon ang kanilang professor sa unang asignatura kaya isa-isa silang bumalik sa kanilang mga upuan.

Sa ibang silid naman, naunang pumasok si Kathara sa kanilang classroom at sumunod naman si Ven. Katulad nina Alex at Nique ay nadatnan rin nilang nagkukwentuhan ang kanilang mga bagong kaklase.

Dumiretso sila sa likurang bahagi at doon umupo. Nakaramdam ng antok si Ven dahil hindi ito nakatulog ng maayos kagabi matapos ang nangyari kaya isinandal nito ang kanyang ulo sa upuan upang umidlip habang si Kathara naman ay nag-suot ng headset upang makinig ng music habang nakatingin sa labas.

Habang nakikinig ng music ay napansin ni Kathara ang mahinang pagbagsak-bagsak ng nakakuyom na kamay ni Ven sa upuan. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito kaya tiningnan niya ang paligid saka ibinaling muli ang tingin sa nakapikit na kaibigan.

"Relax! Unang araw nating pumasok remember?" Pagpapaalala niya sa kaibigan.

Ibinuka ni Ven ang kanyang mga mata at matigas na nagsalita.

"I don't care!" saysay niya habang nakatitig sa kesame. Ibinagsak niya ng malakas ang kanyang nakakuyom na kamay sa kanyang upuan sabay tayo nito at galit na tiningnan ang mga kaklase. Magsasalita na sana ito nang biglang...

"Shut up!!" Sigaw ng isang lalaki na ikinatahimik at ikinatakot ng lahat. Tiningnan ni Kathara at Ven kung sino ang lalaking sumigaw at nang makita nila ito ay napanganga sila sa sobrang gulat. Nakaupo ito sa hulihan katulad nina Kathara at Ven ngunit nasa kabilang side ito ng room.

Hinawakan ni Kathara ang braso ni Ven at dahan-dahan itong hinila paupo sa kanyang upuan. Nang makaupo ang kaibigan ay kaagad niya itong binulungan.

"Siya ba 'yung lalaki kahapun? 'Yung anak ni Don Feliciano?" she whispered.

"Basi sa pananalita at pagiging arogante nito malamang siya nga iyon!" pabulong na sagot ni Ven habang kasalukuyan paring nakatingin sa nakatayong lalaki.

Umusbong ang bulong-bulungan ng ibang kaklase nina Kathara at Ven matapos sumigaw si Uno.

"Sino ba siya?" tanong ng isang lalaki sa katabi nito.

"Balita ko siya ang pangalawang anak ni Don Feliciano," sagot ng katabi nito.

"Nakakatakot naman."

"Balita ko siya ang bagong leader ng Code Zero Gang at marami na siyang pinatay. Nakakatakot ang mga titig niya grabe!."

"Ang gwapo niya!"

Iilan lamang sa mga bulong-bulongang narinig nina Kathara at Ven mula sa kanilang mga kaklase. Matapos patahimikin ang mga kaklase ay kaagad bumalik sa pagkakaupo si Uno at isinandal ang muli ang ulo sa upuan saka pumikit.

"Kaya pala galit siya. Siguro ay gusto niyang matulog pero hindi siya makatulog dahil sa sobrang ingay. Well, sino ba namang hindi magagalit pag ganun," wika ni Ven.

Ilang minuto ang dumaan at dumating na ang kanilang professor. Isa itong nasa katandaan nang lalaki at sa unang tingin pa lang ay alam mo na agad na masungit ito. Inilapag niya ang kanyang dalang libro sa mesa at inilibot ang tingin sa buong classroom.

"Boy at the back!" Sigaw niya. Napatingin ang lahat sa gawi kung saan nakatingin ang prof.

"Patay!" bulong ni Kathara sa katabi.

Ang lalaki kasing tinutukoy ng professor ay walang iba kundi ang natutulog na si Uno. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at tiningnan ang professor. Bakas sa mukha nito ang pagkairita.

"Walang modong lalaki! Hindi ka pumunta sa paaralan upang matulog naiintindihan mo?! Pumunta ka rito upang mag-aral kaya huwag kang matulog rito!" galit na galit na sigaw ng professor. Ang iba ay napatingin kay Uno habang ang iba naman ay nakayuko dahil sa sobrang takot. Natatakot sa kanilang dalawa.

Isinandal muli ni Uno ang kanyang ulo sa upuan at pumikit muli.

"Kaya kong ipasa ang asignaturang ito kahit matulog ako sa buong klase kaya huwag kayong mag-alala," kalmadong sambit ni Uno habang nakapikit.

"Paano ka papasa kung isa kang irresponsibleng estudyante! Hindi ako tumatanggap ng aroganteng estudyante! Lumabas ka! Get out! Huwag ka ng pumasok sa klase ko dahil ngayon pa lang ibabagsak na kita!"

Napayuko ang lahat dahil sa sinabi ng professor. Napatakip naman ng mukha sina Ven at Kathara.

"Naku!" sambit ni Ven.

"Patay kang bata ka," wika naman ni Kathara.

Biglang minulat ni Uno ang kanyang mga mata matapos marinig ang sigaw ng professor. Tumayo ito at saka tinitigan ang matandang lalaki. Inakala ng lahat na magsasalita ito at sisigawan ang matandang professor ngunit tinitigan niya lang ito at pagkaraan ng ilang segundo ay may dinukot ito sa kanyang bulsa at nang ilabas niya ito ay isa itong cellphone.

"Hello? I have a question. Anong mas gusto mo, tatanggalin mo 'tong matandang ito o ikaw ang tatanggalin ko sa trabaho?" sambit nito sa kausap.

Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase ni Kathara nang marinig ang sinabi ni Uno sa kausap. Habang ang professor ay tumawa lang. Mukhang hindi ito natinag sa sinabi ng binata siguro ay dahil akala niya ay nagbibiro lamang ito at gusto lamang siyang takutin.

Pagkababa ni Uno ng kanyang cellphone ay kaagad dumating ang Presidente ng Northern Hemisphere University at may kasama itong dalawang gwardiya.

Nawala ang ngiti ng professor nang makita ang Presidente na nakatayo sa pintuan ng classroom habang bigong nakatingin sa kanya. Dito niya lamang naintindihan ang mga nangyayari. Natataranta at nakakunot noo niyang tiningnan si Uno at nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya habang kasalukuyan paring nakatayo.

"Sino ka?" the professor asked.

"I'm Kervon Yurin Dominique Santañel. Ang pangalawang anak ni Don Feliciano at ang tagapagmana sa eskwelahang ito!"

Napaluhod sa sobrang gulat ang matandang professor. Hindi niya aakalaing ang lalaking sinigawan at pinahiya niya kanina ay siya palang susunod na magmamay-ari sa eskwelahang kanyang pinagtatrabahuan.

Lumapit sa nakaluhod at nakatulalang professor ang dalawang guards na kasama ng Presidente upang samahan itong kumuha ng kanyang mga gamit at para tuluyan ng umalis sa NHU. Nang akma na siyang hahawakan ng mga gwardiya ay kinabig niya ang kamay ng mga ito at mabilis na tumayo at naglakad papalapit sa binatang sinigawan niya kanina.

"Pasensiya na sa nagawa ko. Buong buhay ko rito na ako nagtuturo kaya please, give me one more chance," pagmamakaawa ng professor.

"Paalisin niyo na siya," utos naman ng binata sa mga gwardiya.

"Please! Nagmamakaawa ako." Lumuhod na ito sa paanan ng binata.

Napapikit na lamang ang ibang estudyante pati na ang Presidente dahil sa kanilang nasaksihan. Wala silang magagawa dahil alam nilang papaalisin rin sila ng binata kung sakaling makikialam ang mga ito.

"Fine! Bibigyan kita ng pagpipilian." Uno said.

Natuwa ang professor kaya tumayo ito at nagpasalamat habang si Uno naman ay nanatili paring seryoso.

"Pumili ka, aalis ka o mananatili ka rito ngunit hindi ka na magtuturo. Magiging isa kang janitor. Lilinisan mo ang buong NHU kasama ng iba pang tagalinis. Ano deal?"

Napanganga ang matandang professor.

Inilapit ni Uno ang mukha sa mukha ng professor at saka bumulong.

"Kung ako sa'yo mas pipiliin kong umalis nalang dahil kapag mananatili ka, habang buhay kitang papahirapan." Bulong nito pagkatapos ay kinindatan ang matanda at agad ng naglakad palabas.

Napaluhod muli ang matanda sa binulong ni Uno. Humagulgol ito ng iyak na parang batang inagawan ng laruan. Bigla namang umingay ang buong classroom matapos makalabas si Uno. Mayroong ibang naawa sa professor at mayroon namang natuwa dahil sa ginawa ng binata dahil sa tingin nila ay sobra ang ginawang pamamahiya ng professor kay Uno.

Napagpasyahan ng professor na umalis na lang sa paaralang iyon. Tumayo ito at matamlay na lumabas ng silid. Habang sina Kathara at Ven naman ay masyadong nagulat sa nangyari kaya napag desisyonan nilang lumabas ng classroom upang magpahangin tutal wala na namang klaseng magaganap.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height