C5
Kinabukasan habang hinihintay ng apat ang kanilang unang klase ay napagpasyahan nilang tumambay muna sa labas ng engineering building. Maraming puno rito at bawat puno ay mayroong mga upuan kaya ito ang lugar na unang maiisip ng mga estudyante kung gusto nilang tumambay at magpalipas oras.
"Nabalitaan ko 'yung nangyari kahapon sa isang professor. Grabe! Ang lala ng anak ni Don Feliciano," bulalas ni Nique.
"Sumobra nga e! May amats yata 'yung lalaking 'yun," dugtong naman ni Kathara.
"Napaka arogante!" Aniya ni Alex.
"Palibhasa kasi lumaking mayaman kaya basta-basta nalang mangtatanggal ng mga empleyado. Tsk! Ayaw ko talaga sa mga mayayaman!" Wika ni Ven saka umiling-iling.
"Noong isang araw pinag-uusapan ninyo ang Daddy ko ngayon ako na naman ang pinag-uusapan ninyo? Zuko? sabihin mo nga, sobrang sikat na ba talaga namin para palaging pag-usapan?"
Napatigil silang apat nang biglang lumapit sa kanilang kinauupuan si Uno at ang kaibigan. Nanginig sa takot si Nique habang ang tatlo ay nagtinginan lang sa isat-isa. Umiiling-iling si Zuko habang walang ganang nakatingin sa apat.
"I don't know!" sagot nito.
"Wala ako sa mood ngayon para mang kick out ng mga walang kwentang estudyante kaya sa halip na papaalisin ko kayo ay papalinisan ko nalang sa inyo ang buong library."
"Libra… what?!!" malakas na sabi ni Nique.
"Siguraduhin ninyong wala akong makikitang kahit maliit na basura dahil kung meron, alam niyo na ang mangyayari." Uno continued as he played with his finger.
"Bakit namin 'yun gagawin? Wala naman kaming ginawang mali ah? Wala naman kaming nilapag na batas!" bulalas ni Ven. Tumango naman si Kathara.
"Wala?" Tumawa ito ng marahan. "First, tinawag niyo akong malala, may amats, at arogante. Second, hinusgahan niyo ako dahil sa ginawa ko kahapun. Para sa kaalaman ninyo hindi ko tinanggal ang matandang 'yun dahil lang sa sinigawan at inistorbo niya ang pagtulog ko. Ginawa ko sa kanya 'yun dahil ang mga katulad niyang mataas ang tingin sa sarili ay hindi dapat nagtuturo sa paaralan ko."
Naguluhan ang apat na babae sa sinabi ni Uno kaya nagtinginan ito sa isat-isa.
Humakbang si Uno papalapit sa apat kaya parang nanigas ang mga ito.
"Tatawagin mong irresponsible ang isang estudyante dahil lang naabutan mo itong natutulog sa classroom?" He laughed. "At sa halip na ipapatawag at kakausapin ang isang estudyante sa pribadong lugar ay sinigawan niya ako at sinabihang ibagbagsak sa kanyang asignatura! For me, hindi iyon ang dapat ginagawa ng mga matitinong guro. He scolded me not because he wants to teach me a lesson. Ginawa niya iyon upang ipahiya ako dahil kung totoong gusto niya akong turuan sana ipinatawag niya ako in his office at kinausap o kahit pinagalitan pero hindi niya ginawa. That's what his pure intention. Ang ipahiya ang mga estudyante," Uno explained.
Pagkatapos niyang magsalita ay isat-isa niyang tiningnan sa mata ang apat na babae. Nakayuko ang mga ito at hindi magawang tumingin kay Uno at sa kaibigan. Aminado silang nanghusga sila sa isang tao dahil sa ginawa nito kahit hindi nila alam ang totoong dahilan.
"Now! Pumili kayo, maglilinis kayo buong araw sa library o eki-kick out ko kayong apat?"
"Sa tingin ko mas gusto nilang umalis nalang sa eskwelahang ito. Ano ihahatid ko na ba?" Panggagatong ni Zuko sa kaibigan.
Nagulat si Alex sa sinabi ng dalawa. May mission siyang kailangan tapusin sa eskwelahang ito, at isa pa pangarap ng kanyang mga kaibigan na dito sa eskwelahang ito makapagtapos ng pag-aaral kaya hindi sila dapat ma kick out. Kaagad niyang dinampot ang kanyang mga gamit.
"Kumilos na kayo! Ang laki pa ng lilinisan natin," Utos ni Alex sa mga kaibigan. Napangiti naman si Zuko sa narinig habang si Uno ay seryoso parin ang mukha. Kaagad dinampot ng tatlo ang kani-kanilang mga gamit at walang sabi-sabing umalis.
Nang makalayo ang apat ay saka lamang humalakhak ng tawa si Zuko.
"Mukhang masyado ka namang naging mahigpit sa kanila," natatawang bulalas nito.
"They deserved it!" Saka naglakad. Nagkibit balikat lang si Zuko at saka hinabol ang naunang naglakad na kaibigan. "By the way, anong update sa ipinadala nating mga tauhan sa 49?" Uno asked habang naglalakad papunta sa cafeteria.
"Bad news! Naubos silang lahat. Walang kahit isang nakabalik!" Zuko uttered.
"Magpadala ka ulit! Doblehin mo ang dami! Kailangan natin iyong makuha," utos ni Uno sa kanya.
Upang mapangalagaan ang Code Zero Gang at ang mga negosyong hawak nito ay binago nila ang mga pangalan ng bawat lugar na hawak nila. Imbes na tawagin ang lugar sa kung ano ang tawag ng mga tao rito ay tinatawag nila ito gamit ang mga numero. Kung ano ang pagkakasunod-sunod ng lugar ay sya rin ang pagkasunod-sunod ng numero nito. At dahil hawak ng CZG ang buong Northern City kaya ang pinakaunang lugar na makikita mo kapag pumasok ka sa kalupaan na ito ay syang tinawag nilang 1.
Dumiretso sina Zuko at Uno sa cafeteria upang kumain. Pagdating nila ay kakaonti lamang ang nandodoong mga estudyante dahil ang iba ay pumasok na sa kanilang klase. Dumiretso ang dalawa sa kanilang mesa kung saan may nakatatak na CZG. Ang mesang ito ay para lamang sa kanilang dalawa, walang nangahas na umupo rito dahil kapag nakita ito ng dalawa ay siguradong pagsisisihan niya ang kanyang ginawa. Kung ang iba kapag gustong kumain ay sila mismo ang pumupunta sa counter at umoorder sa kanila ni Uno naman bilang tagapagmana ng eskwelahang iyon ay pinagsisilbihan siya ng mga nagbebenta roon. Mayroon silang sariling waiter na nagsisilbi sa kanila sa lahat ng oras kapag gusto nilang kumain.
"Oo nga pala, nabanggit mo na may maliit na marka si Mia sa kaliwang balikat, hindi ba?" Zuko asked.
"Yun 'yung sabi ni Mommy," kalmadong sagot naman ni Uno.
Habang nag-uusap ay may babaeng biglang lumapit sa kanila. Nakalugay ang buhok nito at kulot ang dulo. Nakasuot ito ng off shoulder at napakaiksing skirt. Nakangiti itong lumapait sa kanila kaya nginitian ito ni Zuko pabalik habang si Uno naman ay tinitigan lang siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tinaasan ng kilay.
"Hi! Balita ko katatransfer niyo lang." Ngumiti ito ng napakalapad sa dalawa.
"Yes, why?" Zuko asked.
"Ah! By the way, I'm Kimiya Cha…"
"What do you want?" pambabara ni Uno. Sandali itong napatigil ngunit kaagad ring ngumiti ulit at humarap sa lalaki.
"Nothing important. Gusto ko lang makipag kaibigan sa inyo," saysay ng babae.
"Hindi kita gustong maging kaibigan kaya, leave! Now!" pamimilosopo ni Uno. Tinaasan pa niya ito ng kilay na para bang sinasabing umalis na siya.
"Relax bro!" saad naman ni Zuko sa kaibigan. "Huwag mo siyang pansinin. Gusto mong sumabay sa amin? You can seat here." Mas lalong lumapad ang ngiti ng babae matapos marinig ang sinabi ni Zuko.
"Kung gusto mo siyang makasama at maging kaibigan pwede ka na ring umalis," Seryoso sambit ni Uno ngunit hindi ito pinansin ni Zuko. Pati ang babae ay hindi rin umalis. "Kung ayaw niyong umalis, ako nalang ang aalis!" Kaagad itong tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.
Susundan sana ng babae si Uno nang maglakad ito palayo ngunit pinigilan siya ni Zuko.
"Huwag mo siyang sundan," pagpipigil ni Zuko sa dalaga. Hindi maintindihan ni Kimiya kung ano ang ibig sabihin ni Zuko kaya tinaasan niya ito ng kilay.
"Why?"
"Kasi kapag sinundan mo siya siguradong hindi kana makakabalik dito bukas," kalmadong saysay ni Zuko habang nilalaro ang pagkaing nasa kanyang harapan. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang dalaga.