C2 1 - She and her friends
"Zero ako kanina sa Gen Math", imporma ko sabay kagat sa sandwich.
"Maka reklamo, bakit nag-review ka ba?" bara ni Amy sabay inom ng Chuckie.
"Nagreklamo ako? Sinabi ko lang na zero ako, pero hindi ako nagreklamo"
"I told you gurl, pa-tutor ka kay Ash. Matalino na, gwapo pa and besides, you like him diba? So it's like hitting two birds in one stone." suggest ni Keila habang busy sa paglalagay ng blush on sa mukha.
"Oo nga bakla paturo ka, tapos hingin mo number nya tas text text kayo, then suggest mo na sa bahay nila kayo mag-aral para getting to know his family na agad." pagsang-ayon ni Amy na palinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap, malamang gwapo na naman. Masyadong advance talaga ang babaeng 'to
Asher Agustin Ferrer is our Student Council President. Gwapo, matalino, mayaman at boyfriend material. Kaya nga crush ko sya since grade 7, magkaklase din kami simula pa noon. Kaso parang hindi naman ako nag-e-exist sa kanya, though nag-usap na kami isang beses pero hindi na nasundan. Maraming may gusto sa kanya sa school namin pero wala pa akong nababalitaan na nagkaroon sya ng girlfriend, at mas lalo ko syang nagustuhan dahil dun.
"Wag na nakakahiya, at alam mo naman na masyado mailap yun. Baka tangkain ko palang na lumapit, mag walk-out agad." saad ko habang patuloy na kumakain. Isa pa pala, hindi din sya approachable kaya wala ding tumatangkang lumapit sa kanya maliban sa mga kasama nya sa Council.
"How would you get a chance if hindi ka magme-make ng move? Galaw galaw besh", sabi ni Keila habang nagli-liptint.
Kasalukuyan kaming tumatambay sa ilalim ng puno dito sa field dahil vacant namin, kanina pa kami dito actually. Si Keila ay busy sa pag-aayos ng mukha, marahil ay nagpapaganda na naman para sa crush nya. Si Amy ay tinitingnan ang bawat studyante sa field, malamang naghahanap ng pwedeng maging crush, habang hawak sa kaliwang kamay ang paborito nyang inumin, Chuckie. At ako naman ay busy sa pagkain.
"Mga bakla tingnan nyo yun", biglang sabi ni Amy habang may tinuturo kung saan. "Ang gwapo shemay."
"Asan dyan?" tanong ko.
May mga estudyante din dito maliban sa amin siguro wala din klase. Friday kasi ngayon kaya maraming vacant.
"Yung naka-upo sa may kaliwa, yung may hawak ng gitara tapos naka mask." describe nya sa lalaki.
"Di mo sure~", sabi Keila habang nililigpit na ang gamit nya, "Saka mo na i-tell na gwapo pag niremove na niya ang mask."
Masyadong judgemental, pero may point nga naman. Tinitingnan parin namin ang lalaki at nagbabakasakaling tanggalin nya nya ang mask para magka-alaman na. Maganda kasi ang mata ng lalaki kasi singkit.
"Ayan na ayan na", parang batang nae-excite sa candy'ng sabi ni Amy.
Binigyan ang lalaki ng pagkain ng kasama nya kaya hinawakan na nito ang mask para tanggalin. Para naman kaming nanonood ng inaabangang telenobela sa hapon na nakaabang sa mga susunod na mangyayari. At ayan na nga, tinanggal nya na ang mask at--at--
"Ay chaka", nasabi ko bigla. Hindi naman sa judgemental ako pero kasi nag-expect ako na gwapo talaga sya since gwapo sya pag naka-mask, well I guess gwapo lang sya pag naka mask.
"Told you."
"Grabe naman kayo, hindi naman sya pangit... hindi lang talaga sya gwapo."
Ganun din yun.
"Anyways, mas bet ko yung nagvo-volleyball", sabay turo ko sa bandang kanan malapit sa amin kung nasaan ang mga nagvo-volleyball.
"Asan dyan?" tanong ni Amy. Apat kasi silang naglalaro, dalawa kada team, hindi sya pormal na laro at parang trip lang talaga nilang mag-volleyball.
"Yung naka puti", sabay silang napatingin sa akin.
"Gaga, lahat sila nakaputi. Pero infairness lahat sila gwapo. Basta akin yung may bandana, ang hot baks." Sabi ni Amy habang hawak parin ang Chuckie na feeling ko wala nang laman.
"You like boys, but you don't want a boyfriend. You want them to notice you, but you're not making a move. Like duh, you have to do something for them to notice you, noh." maarteng turan ni Keila kay Amy.
"Like duh din, my pride is so mataas para unang magpapansin noh", panggagaya ni Amy sa tono ni Keila. "At tsaka ayokong magka-boyfriend because I can't find gwapo na if there's someone na magse-selos, noh."
"Like okay, that's your choice naman, edi go."
"Like may klase pa tayo noh. We have to go na because baka ma-late tayo noh." Hindi naman siguro OA yung pagno-noh ko noh? Iba talaga pag may conyo kang friend, pati ako nahahawaan na.
"Ang aga pa, pero tara na", sabay tayo ni Amy at sumunod naman kaming dalawa sa kanya.
Malaki ang school namin kaya medjo malayo-layong lakaran ito lalo pa't malayo ang room namin sa kung nasaang bahagi kami ng field ngayon. Kung bakit ba naman kasi dito pa napiling tumambay, kaso... ako pala nag-suggest hehe.
Marami namang pwedeng tambayan dito sa campus, pero mas pinili namin na dito nalang kasi karamihan ng gwapo dito tumatambay, you know--sarap sa eyes. Pero kahit madami akong gwapong nakikita sa araw-araw ay number one parin sa puso ko si Ash bebe.
Speaking of my bebe labs, nakikita ko sya ngayon palabas ng isang building habang may hawak na mga folder. At mukhang hindi lang ako ang nabibighani sa kanya dahil halos lahat ng babae na nandito ay nakatitig din sa kanya. Sino ba namang hindi? Sa paghawi nya ng kanyang buhok, sa paghawak sa salaming natatakpan ang singkit at mapupungay nyang mga mata, sa braso nyang malalaki, pati ang mahahaba nyang biyas. Parang ginawa nyang runway ang daan. Pwede syang model ng uniform--ay hindi, model ng folder at uniform.
Parang nags-slowmo ang paglalakad nya papalapit sa akin. Palapit nang palapit hanggang tumigil sya sa harapan ko. Nagakatitigan kami at nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang mukha sa akin, tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa titig nyang tagos hanggang kaluluwa. Bumaba ang tingin nya sa labi ko at mas inilapit pa ang mukha sa akin. Hahalikan nya ako! Mygad hahalikan nya ako! Wait lang di ako ready!! Charot, ready na pala ako. Mas inilapit nya pa ang mukha at konting galaw nalang ay magdidikit na ang mga labi namin at---
"Hoy, HOY!" untag sa akin ni Amy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, "Sabi ko tara na, kanina pa kita tinatawag kasi kanina pa nakalagpas si Ash. Tsaka anong nginu-nguso-nguso ko dyan ha?"
"H-ha? A-anong nguso? Ano--ano kasi nagpa-pout lang hehe, oo tama. Kasi ano.... ahm... nagpa-pacute kasi alam mo na....nandito si Ash hehe." Kanina pa pala nakalagpas, bakit di ko napansin? Masyado akong nadala sa pagde-daydream ko. Buti nalang mukhang naniwala naman sila sa palusot ko kasi tumango lang si Amy at nalakad na.
Mas okay na na sabihin kong nagpa-cute ako, kesa naman sabihin kong kaya ako naka-nguso ay dahil ini-imagine kong hahalikan ako ni Ash. Siguradong tatawanan ako ng dalawa pag yun ang sinabi ko, kaya wag nalang.
---
"My driver is here na guys, so mauna na ako. Bye bye, see you tomorrow." Nag flying kiss pa si Keila bago pumasok sa kotse nila.
"Pano, mauna na din ako, Cane. Kita nalang tayo bukas", kumaway muna sakin si Amy at kumaway din ako sa kanya pabalik bago siya tumalikod at naglakad pauwi. Umupo muna ako dito sa bench malapit sa gate habang hinihintay ang sundo ko.
Malapit lang ang bahay nila Amy sa school, at kahit na mayaman sila at may mga sasakyan ay mas gusto nya paring maglakad. Hindi naman sya ganyan dati kasi lagi yang may sundo noon. Nagsimula lang nung naglakad sya papuntang school isang beses kasi ayaw nyang sumabay sa kuya nya, tapos simula nung araw na yun, ayan lagi nang naglalakad pauwi.
Kaya nga gusto ko ang mga kaibigan ko e. Kahit mga mayayaman ay hindi maarte. Maarte tingnan si Keila pero kumakain yan ng street foods nang walang arte, ganun din si Amy at ako syempre. Bihira sa mayaman ang ganun. And take note, hindi lang basta mayaman kundi sobrang yaman.
Ang mga Andrada ay kilala sa larangan ng medisina, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa Asya. Kaya gusto ng mga magulang ni Keila na related sa medicine ang kunin niyang kurso dahil halos lahat sa pamilya nila ay doktor.
Ang pamilya ni Amanda, o Amy kung tawagin namin, ay kilala naman sa business world. Ang mga Yap ay maraming pinapatakbong negosyo sa buong Asya, at sa pagkakaalam ko mayroon nadin sila sa labas ng Asya. Siguro dahil sa pagkakaroon ng lahing Chinese ng pamilya nila kaya magaling sila sa larangan ng negosyo.
Ang pamilya naman namin, o ang mga Villegas ay sa construction naman. Isa ang kumpanya namin sa mga pinagkakatiwalaang construction company sa Pilipinas, at mayroon na ring mga projects all over Asia na pinapatakbo ngayon ng kuya ko. Wala na kasi ang mga magulang ko. They died when I was 8 and my brother's 13. Since then, my tito James took care of us together with his wife, tita Amelia.
Nandito na ang sundo ko kaya tumayo na ako sa pagkakaupo. Pinagbuksan ako ng pinto ng personal driver ko at pumasok na sa kotse.
"Pasensya na mam ngayon lang. Medyo trapik kasi tapos may iniutos pa si bossing sa akin kasi may sakit si Kanor." sabi niya nang nakapasok na kami sa kotse.
"It's okay kuya Bert, hindi naman ako matagal naghintay."
Dati ay si kuya ang sumusundo at naghahatid sa akin sa school. Pero simula noong siya na ang nag-manage ng kumpanya namin ay mas naging busy sya kaya hindi nya na ako masundo.
Noong una ay sinisingit nya ang paghatid at pagsundo sa akin sa schedule nya. Pero minsan ay late nya na akong nasusundo dahil hindi nya din maiwan ang trabaho nya. Pag hinahatid nya naman ako tuwing umaga ay halata sa mukha nya ang pagod at walang tulog. Ayaw niya namang mag-commute ako kaya nag-decide nalang kami pareho na kumuha ng personal driver ko. Noong una ay ayaw niya pa kasi gusto niya daw na siya talaga ang sumundo at maghatid sakin, pero kalaunan ay napapayag ko rin siya. Pati ang pagkuha ng sarili niyang driver ay ako din ang nag suggest. Hindi niya kasi kakayanin kung siya pa ang magda-drive lalo na kapag binibisita niya ang planta dahil malayo ito sa mismong kumpanya namin.
Sinuot ko ang airpods at nag patugtog ng mellow music habang nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Hindi pa gabi pero medyo madilim na ang paligid dahil sa nagbabadyang ulan. Pinagmamasdan ko ang mga ilaw sa labas galing sa mga sasakyan at mga kabahayan, nakahinto ang sasakyan namin dahil traffic.
Minsan naiisip ko, pano kaya kung buhay pa sila daddy? Ano kaya ang buhay namin ngayon? Katulad din kaya kami ng ibang pamilya na kumpleto at masaya?
Hindi nagkulang sa amin ni kuya sila tito. Tinuring nila kaming parang tunay nilang mga anak, pero iba parin ang pagmamahal ng tunay na magulang, ng isang tunay na ina at ama.
Habang nasa malalim akong pag-iisip ay biglang bumuhos ang ulan na para bang nakikiisa sa nararamdaman ko. Bawat patak ng ulan sa bintana ay parang nakikidalamhati sa lungkot at pangungulilang nadarama ko ngayon. Pero kahit ganon ay dapat magpasalamat parin ako dahil kahit paano ay may kuya akong natatawag, at may tita at titong laging maaasahan, hindi katulad ng iba na talagang wala nang kasama sa buhay at nag-iisa nalang.
"NANDITO NA po ako." I announced as I entered our house.
"Oh hija, andito ka na", nagmano ako bago hinalikan ang kanyang pisngi. "May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita", manang Rosa offered.
"Wala po, hindi ako gutom."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Maliban kina tito ay isa rin si manang sa tumayong magulang namin ni kuya. Matagal nang naninilbihan si manang sa pamilya namin, binata palang si papa noong una siyang namasukan kaya nasaksihan niya ang mga pangyayari sa pamilya namin. Sampung taon lang ang pagitan ng edad nila ni daddy at hindi na siya nakapag-asawa dahil hindi niya naman daw kailangan ng lalaki sa buhay niya. Mas gusto niyang alagaan kami dahil nangako siya kila mommy na hindi niya kami pababayaan bago sila namatay.
"Wala pa po si kuya?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Umuwi kanina, pero umalis din. May emergency daw sa isa sa mga planta. Baka mag-hotel nalang daw siya kasi malayo yun dito."
Lagi nalang siyang busy. Sana may oras pa siya para magpahinga.
"Ahh ganun po ba? Sige akyat na po ako."
"Sige, anong gusto mong hapunan?"
"Adobo po at sinigang", sagot ko habang umaakyat ng hagdan.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong dumapa sa kama. Kung buhay ba sila daddy, hindi ganito ka busy si kuya? Siguro oo, bata pa lang siya pero nakaatang na sa kanya ang responsibilidad na i-manage ang kumpanya. Ginagabayan siya ni tito pero mas gusto niyang mag-focus nalang si tito sa sarili niyang kumpanya. Noong hindi pa si kuya ang nagma-manage ay si tito James ang nagpapatakbo ng kumpanya at sa mga panahong iyon ay tinuturuan niya na si kuya kung paano patakbuhin ang kumpanya namin. Kaya ngayon mas gusto ni kuya na siya na ang bahala dahil malaki na ang naitulong ni tito.
Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako. "Po?"
"Kakain na po mam. Bumaba ka na daw po sabi ni manang", the person outside the door answered.
"Opo bababa na."
Nagbihis muna ako dahil suot ko parin ang uniform ko. Habang pababa ng hagdan ay tumunog ang phone sa kamay ko, kuya's calling. I immediately answered the call.
"Hello kuya", sagot ko sa tawag habang naglalakad papuntang kusina.
"Hey princess kumain ka na?" tanong ni kuya Clove.
"Kakain palang po. Ikaw? 'Wag kang magpapagutom, take time to rest, wag puro trabaho." umupo na ako sa hapag at naamoy ang masarap na pagkain, mas lalo akong nagutom.
"Opo kakain na. Makapagsalita ka naman para kang girlfriend ko hahahaha", biro ni kuya.
"Concern lang ako kuya. Lately kasi lagi ka na lang busy, baka napapabayaan mo na sarili mo."
"Thanks for your concern sis, but I'm okay. I can handle myself."
"Sir may tumatawag po", may nagsalita sa kabilang linya. May isinagot pa si kuya pero hindi ko na masyado marinig.
"Sige na Cane, I have to go. I just called to check on you."
"Opo", yan nalang ang masagot ko dahil binabaan na niya ako ng tawag.
Binaba ko na ang phone at nagsimulang kumain. Masyado na siyang busy, I hope nakakapagpahinga pa siya. If only I could do something to help him.