C3 2 - Nightmare
Run
That's the only thing I have in mind right now.
Kailangan kong tumakbo, kailangan naming tumakbo. Maaabutan na nila kami, hindi pwede.
Masukal ang daan dahil nasa may parteng gubat na kami. Delikado kung sa kalsada kami dadaan dahil nandoon sila at sobrang dami nila. Mahigpit na hawak ni kuya Clove ang kamay ko habang patuloy kaming tumatakbo.
Isa, dalawa, tatlo, apat
Apat na putok ng baril. Dugo. Maraming dugo. Tama ng bala. Hindi, hindi maaari.
Bigla akong napabangon sa kama habang hinihingal at pinagpapawisan kasabay ng kulog at kidlat na naaninag ko sa labas mula sa aking bintana, mukang umuulan pa rin. Malakas ang aircon pero para akong tumakbo ng milya ang layo dahil sa pawis at hingal na nararamdaman ko.
Ito na naman. Ang bagay na pilit ko nang kinakalimutan, unti-unting bumabalik. Wala na akong masyadong maalala sa nangyaring iyon, ngunit ang sakit at trauma ay nandito pa din. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Nawala ang antok ko kaya nagdesisyon akong bumaba para uminom ng gatas sa pagbabakasakaling bumalik ang antok ko. It's 2 in the morning kaya siguradong tulog na ang mga maids. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina at ang ilaw lang sa ref ang nagsilbi kong liwanag. Kumuha ako ng fresh milk at isinalin ito sa baso. Diretsahan kong ininom at inilapag ang baso sa mesa.
Medjo matagal na noong huli kong napanaginipan iyon. Pilit ko iyong kinakalimutan ngunit ngayon ay bumabalik na naman, hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa aking sentido dahil medjo sumasakit ang ulo ko.
Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama, pinikit ko ang mata sa pagbabakasakaling makatulog ulit ako. Tuwing napapanaginipan ko ang bagay na iyon ay lagi akong tinatabihan ni tita Amelia at kinakantahan ng lullaby para makatulog ulit. Pero noon yun, noong nasa bahay pa nila kami nakatira. Simula noong mag 18 si kuya ay nagdesisiyon siyang sa bahay na namin tumira, sa bahay ng mga magulang namin.
Noong una ay hindi ko alam kung bakit mas gusto ni kuya na sa dating bahay namin tumira. Ngunit ngayon ay naiintindihan ko na, nandito sa bahay na ito ang mga alaala namin noong nabubuhay pa sila mommy at daddy.
Mula ng mamatay sila, ay sina tito James at tita Amelia na ang tumayong magulang namin. Tatlo silang magkakapatid. Si tito James ang panganay na mas matanda ng isang taon kay daddy. Samantalang ang bunso, which is tita Jazz, ay mas bata ng 10 years kay dad. Tita Jazz is currently residing in Paris kaya hindi namin siya madalas nakakasama and also dahil din sa hindi sila magkasundo ni tito.
Buti nalang at hindi katulad nila tita Amelia at tito James ang mga nakikita ko sa palabas. Yung tipong aalilain ang anak ng kapatid nilang namatay. Tapos gagawing alipin at kukunin lahat ng yaman para sa sarili nilang luho. Tapos ang bida maghihiganti balang araw. Magta-transform from alila to bitch para pahirapan ang mga nang-api sa kanya.
Hindi sila ganoon dahil mabait silang pareho. Ni minsan hindi sila naghangad na kunin ang yaman namin o saktan kami. Wala silang anak kasi walang kakayahan si tita Amelia para mag-buntis. Tinuring nila kaming parang kanila and I'm very thankful for that.
TUMAMA ANG sinag ng araw sa mukha ko galing sa sliding glass door papuntang balcony. Umaga na at maganda na rin ang panahon. Bumangon na ako at agad napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Hindi na ako nakatulog ulit kagabi, or more like kaninang madaling araw, kaya sumakit na namang ang ulo ko.
Sabado ngayon at walang pasok kaya humiga ako ulit at ipinatong ang braso sa noo. Gusto kong bumangon para isara ang kurtina pero mabigat ang pakiramdam ko dahil sa wala akong maayos na tulog at sa napanaginipan ko kagabi.
Bakit? Bakit bumabalik na naman? Kung kailan unti-unti ko nang kinakalimutan, saka naman unti-unting bumabalik.
Pero ayoko munang isipin yun, sa ngayon ay mag-iisip muna ako ng dapat gawin para malibang ang sarili ko. Hindi ko pwedeng ayain si kuya kasi for sure busy yun, kaya ang dalawa ko munang beshiwap ang guguluhin ko.
I reached for my phone on my bedside table to call them. I first called Keila.
"Yes, hello Cane?", bungad niya.
"Hey Kei, are you busy?"
"Yep. I'm helping my cousins decorate the venue for our lolo and lola's anniversary. I don't know nga why we need to do this, eh. May kinuha naman sila para mag-decorate nito. Like duuhh." Maarteng reklamo niya. I can imagine her rolling her eyes and flipping her hair while talking to the phone. "Why do you ask nga pala?"
"Wala naman. Wala kasi akong magawa, gala sana tayong tatlo. Pero it's okay kung busy ka, I'll ask Amy nalang."
"Yeah, yeah you should ask Amanda. I'm sorry I can't go. I can't ditch this because may magagalit tapos sasabihing walang ambag, like hello~ I'm not aware na may ambagan pala."
" It's okay, Kei. Bye"
"Bye. Sorry talaga, bawi nalang ako next time."
"Sure, sure", I ended the call.
This time ay si Amy naman ang tinawagan ko. I just hope na wala siyang gagawin ngayong araw.
"Amy"
"Oh bakla, napatawag ka?"
"May gagawin ka ba?" tanong ko.
"Oo eh. Sasama ako kila mama at auntie mag-shopping."
"Oh talaga? After niyo mag-shopping pwede ba gala tayo? O di kaya naman sama nalang ako." Okay lang naman na sumama ako sa kanila, kasi kilala naman ako ng mama niya at minsan ay simasama nila akong mag-shopping.
"Hindi pwede baks, eh. Malayo kasi 'to, at andito na kami."
"Asan ba kayo? Sunod nalang ako, kung pwede." suggest ko. Gusto kong sumama, ayokong mag-stay lang dito sa bahay.
"Japan", bumaba ang balikat ko sa sinabi niya. "Nasa Japan kami ngayon bakla. Bakit kasi ngayon ka lang nagsabi. Sana kagabi pa para naka-abot ka."
"Ang layo nga. Eh hindi ko naman alam na pupunta kayong Japan." malungkot kong sabi.
"Si Keila ayain mo. Pwedeng pwede yun."
"Tinawagan ko na kanina. Hindi din daw siya pwede. Busy din."
"Ay ganun ba? Edi gala ka muna mag-isa. O kung gusto mo languyin mo mula Pilipinas hanggang Japan para makasama ka samin."
"Ano akala mo sa'kin, isda?" narinig ko ang malakas niyang tawa.
"Pero seryoso gurl pasensya na. Next time nalang siguro."
I sighed, "Sige baks. Babay na, dalhan mo nalang ako pasalubong."
"Sige ba. Okay naman na siguro sayo ang dahon, diba? Dahon galing Japan."
"Gaga ka."
"At least galing Japan, imported na dahon. Ayaw mo nun?"
"Ewan ko sayo. Pag ako talaga nangibam-bansa, paper bag lang dadalhin ko para sayo." tawa parin siya ng tawa kaya binabaan ko na siya ng telepono.
Hindi naman siya magagalit dahil dun, kasi lagi niya rin akong binababaan ng tawag. Minsan nagsasalita ako tapos binabaan niya na pala ako.
Great. Just great. Lahat sila may gagawin. Wala naman akong ibang pwedeng tawagan dahil sila lang ang pinaka-close ko. Okay naman ako sa iba kong mga kaklase, pero hindi kami masyado close. Wala akong pinsan sa father side dahil parehong walang anak sila tito James at tita Jazz. Yung mga second cousin ko naman, hindi ko close. Ang mga pinsan ko sa mother side, nasa ibang bansa.
Gagala nalang ako mag-isa.
Bumangon na ako and tiningnan ang oras. It's 9:21. Grabe, kaya pala ang sakit ng ulo ko. Sobrang tagal ko palang nakahiga. Ayokong nagpapagising tuwing sabado kaya hindi ako kinakatok ng mga maids.
Pumunta akong banyo para mag-jogging, charot. Para maligo syempre.
Habang naliligo ay nag-iisip ako ng magandang lugar na pwedeng puntahan o tambayan. Somewhere na pwede kong ituon ang atensyon ko and relaxing at the same time.
Sa mall kaya? Hindi, masyado maraming tao. I hate crowded places. At saka ayokong pumunta sa mall nang mag-isa. Mag Tagaytay kaya ako? Hindi din pwede. Ayaw ko nga pumunta sa mall ng mag-isa, sa Tagaytay pa kaya?
Ay alam ko na, doon na lang sa burol kung saan ako laging tumatambay. Nandito lang din yun sa lugar namin, sa Luacan. May malaking puno sa tuktok ng burol kaya kahit mainit ay hindi ka maaarawan. Hindi ganon kataas ang burol pero nasa mataas kasi siyang parte kaya mahangin at kita ang City lights tuwing gabi and the best place for stargazing. Doon ako madalas tumatambay lalo na kung gusto kong mag-relax o kung hindi maganda ang mood ko. Marami kasi kaming memories doon nila mommy noong nabubuhay pa sila. Ang burol na iyon actually ang reason kung bakit dito napili nila daddy mag tayo ng bahay.
Tama, doon ako pupunta.
Naka tapis ako habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya nang lumabas ako ng banyo. I checked my phone dahil baka nag-text si kuya, pero wala. Dumiretso sa walk-in closet at pumili ng susuotin. I chose black printed loose shirt for top, highwaist baggy jeans for bottom and I paired it with black sneakers. Hindi na ako nagdala ng bag dahil phone lang naman ang dala ko. Hindi na ako magdadala ng pera since malapit lang din naman iyon dito.
Bumaba na ako at naabutan kong naglilinis ang mga maids sa sala.
"Ate Beth, asan si manang?" tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
Tumigil siya sa pagwawalis para sagutin ang tanong ko, "Nasa kusina mam".
Pumunta akong kusina para magpaalam kay manang na aalis ako. Naabutan ko siyang naghuhugas ng kamay.
"Manang, aalis po ako."
Pinunasan niya ang kamay at humarap sa akin. "Saan ka pupunta?"
"Diyan lang ho sa tabi-tabi." Ayokong sabihin kung saan ako pupunta dahil pinagbawalan na nila akong pumunta sa burol simula noong mangyari ang insidente. Ang ginagawa ko ay pumupunta ako doon ng palihim at hindi nila alam. Minsan tuwing gabi, kung gusto kong mag-stargazing tumatalon ako galing sa balcony ng kwarto ko. Kaya ko namang umakyat ulit dahil sanay na ako.
"Hindi ka ba muna kakain? Aba'y malapit na maluto areng ulam." sabi niya habang tinitingnan kung luto na ba ang niluluto niya.
Gutom na ako kaya kakain muna ako bago umalis. "Sige po."
Umupo muna ako habang pinapanood si manang sa ginagawa niya. Nakatalikod siya akin dahil busy siya sa kanyang niluluto. Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang napanaginipan ko kagabi.
"Manang... may... sasabihin sana ako", panimula ko.
"Ano iyon?" tanong niya nang hindi ako nililingon.
"Kasi... ano... adobo po ba yang niluluto ninyo?" Sa huli ay hindi ko pa rin nasabi.
Sa tingin ko mas okay na din na hindi muna. Matapos nang nangyari halos siyam na taon na ang nakakaraan ay lagi kong napapanaginipan ang bagay na iyon. Paulit-ulit, at laging ang eksaktong scene lang na iyon ang malinaw sa napapanaginipan ko, yung iba Malabo at hindi ko na naaalala paggising ko. Natigil lang nitong magdalaga na ako. Pero ito na naman bumabalik, hindi ko alam kung bakit.
"Oo, hija. Alam kong iyon ang paborito mo kaya iyon talaga ang isa sa mga niluto ko." Kumuha siya ng kutsara at mangkok at nilagyan ng konting adobo. "Heto tikman mo". Ibinigay niya sa akin ang mangkok.
"Hmm sarap. Da best talaga adobo mo manang." sabi ko pagkatapos tikman ang niluto niya.
"Syempre naman iha, sinarapan ko talaga yan para sayo."
At dahil masarap talaga ay sumubo pa ulit ako hanggang maubos ko na ang nasa mangkok. Gusto ko pa.
Umalis ako sa pagkaka-upo at pumunta kay manang. Iniabot ko sa kanya ang mangkok gamit ang dalawang kamay sabay pout na para bang bata na nanghihingi pa ng pagkain sa nanay niya. "Gusto ko pa po", I said in my cutest voice. Pag adobo talaga ulam, kahit walang rice keri lang.
Tumawa si manang sabay kuha ng mangkok sa kamay ko. "Hahahaha bata talagang are. Hala siya sige, maupo ka na doon sa lamesa at ipaghahanda kita." Iginaya niya ako papunta sa dining area at tinawag ang mga maids. "Beth, Juday ihanda niyo na ang hapag."
Pinapanood ko ang mga maids habang inaayos nila ang lamesa nang biglang tumunog ang cellphone sa kamay ko. Nag-chat si Amy sa group chat naming tatlo ng picture ng kamay niyang may hawak na paperbag na may tatak ng mamahaling brand.
Keila: Wait. So you two went shopping? My god I'm so inggit.
Amanda: Nope. Ako lang, hindi kasama si Cane.
Keila: Why naman? I thought you two make gala together.
Cane: SANA. Kaso hindi pwede.
Amanda: Nasa Japan kami ngayon Kei.
Keila: WHAT?! Now I'm more inggit.
Amanda: :p
Cane: Sanaol nalang
Keila: Where are you right now @Cane?
Cane: Nasa bahay, kakain palang.
Keila: I really want to alis here and hang out with you Cind, but I can't.
Cane: It's okay Kei, maybe next time. Punta tayong Paris tapos hindi natin isama ang nasa Japan ngayon.
Amanda: Diwaw
Amanda: Aalis na kami.
Cane: Kakain na rin ako.
Keila: They're calling me na din. Brb
Nakaupo si manang sa center sa kaliwa at si kuya ang laging umuupo sa center sa kanan ko. But since wala pa si kuya ay bakante ang upuan na iyon. Si manang ang nag-lead ng prayer at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
MAGPAPAHATID SANA ako kay kuya Bert papuntang burol. Kaso hindi niya alam na pumupunta ako doon, baka isumbong ako. May sakit din ang personal driver ni kuya kaya si kuya Bert muna ang nagsilbing driver niya. Lalakarin ko nalang papunta doon. Medjo malayo ang burol sa bahay namin pero pwede namang lakarin.
Nakapagpaalam na ako kay manang kaya umalis na ako. Medjo malayo pa ang lalakarin bago makarating sa mismong gate namin. May fountain sa gitna at malawak ang garden sa mag kabilang gilid nito sa harap ng bahay namin. Mahilig sa bulaklak si mommy kaya pinasadya niya talaga ito. Nagmistulang maze (na hanggang baywang) ng mga bulaklak ang Garden kaya kaakit-akit tingnan lalo na kung may bisita. Kahit wala na si mommy ay lagi parin itong nililinis at pinapaganda.
Nakalabas na ako ng gate at pupunta na sa burol. Kahit mag-a-alas onse na ng hapon ay hindi ganoon kaiinit dahil makakapal ang ulap na nakaharang sa araw, pero mukhang hindi naman uulan.
Habang naglalakad ay nakita kong may mga nagbubuhat ng gamit papasok sa isang bahay galing sa truck. May bagong lipat. Tapos na pala ang pinapagawang bahay dito. Nasa kabilang bahagi ako ng kalsada at itinuon nalang ang pansin sa paglalakad.
Sa wakas ay nakarating na din ako. Pumunta agad ako sa tuktok at dinama ang hanging dumadampi sa balat ko habang naka-angat ang mga braso ko. Feeling ko ako si Rose ng Titanic kaso walang Jack.
Malawak ang lugar at pwedeng-pwede mag-picnic, buti nalang at walang tao maliban sa akin. Umupo ako at sumandal sa puno at ipinikit ang aking mga mata. Pagdilat ko ay nakita ko ang sariling hinahabol si kuya habang si daddy ay nag-iihaw at si mommy naman ay inaayos ang pagkain sa blanket.
"Kuya! Give me back my doll!" sigaw ko sa kanya habang pilit siyang hinahabol.
"Kunin mo kung kaya mo, bleeh", tumakbo siya patalikod kaya naka harap siya sa akin at benelatan ako.
Mahaba ang legs ni kuya kaya hindi ko talaga siya mahahabol, that's why I have no choice but to do the thing I always do to get what I want, cry.
"Clove, 'wag mo na paiyakin ang kapatid mo", saway ni daddy kay kuya.
Lumapit sa akin si kuya at lumuhod upang mag-pantay kami. Binigay niya ang doll ko at hinawakan ako sa balikat. "Shhh, don't cry. I'm just messing with you. I didn't mean to make you cry. I'm sorry." Hingi niya ng tawad sabay punas na luha ko. "I just want you to play with me."
"But when you're playing it means you are having fun. I'm not having fun." sabi ko habang sinisinok-sinok pa.
"Alright then, we'll do something fun." Tumayo si kuya at binuhat ako na parang sako at dinala kina mommy. Pinapalo ko siya sa likod habang tawa siya nang tawa, habang napapailing nalang si daddy dahil sa kalokohan ng panganay niya. The whole day was filled with laughter and joy.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang inaalala ang nakaraan. Nakakamiss. If only I could turn back the time, I definitely would. Kaso hindi, hindi na pwede. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata but this time nakahiga na ako sa damuhan habang may tumutulo paring luha sa mga mata ko.
Minulat ko ang mata ko nakitang madilim ang lugar. Bakit ang dilim. Teka, nasaan ako?
And then it hit me. SHIIIITTTTT. Gabi na pala at nandito parin ako sa burol. I checked my phone at nakita ko na may 68 missed calls galing kay kuya at 48 messages. 20 missed calls naman galing Keila. Shit na malupit galit si kuya. Tiningnan ko ang message niya at una siyang nag-text tatlong oras na ang nakalipas.
Kuya
5:15
Where are you? Wala ka sa bahay, manang said may pinuntahan ka daw?
5:48
Where are you?
6:30
Cane, where are you? You're not answering my calls. I'm worried.
7:51
CINDY CANE VILLEGAS, WHERE THE HELL ARE YOU?! ANSWER MY CALL!!
FUCK SHIT, Kailangan ko na umuwi. Dali dali akong tumayo at tumakbo pababa ng burol. May street lights naman kaya hindi ako nahirapan.
Daig ko pa ang hinahabol ng aso sa bilis ng takbo ko. At saktong pagliko ko sa kanan sa may intersection ay may nakasalubong akong motor. Dahil nga sa mabilis ang takbo ko ay hindi agad ako nakaiwas, mukhang nataranta din ang nagmo-motor dahil bigla niyang niliko ito sa kabilang direksyon ngunit sa kasamaang palad ay nahagip parin ako nito.
Pvta.
