The Oath Of Love/C2 Family Dinner
+ Add to Library
The Oath Of Love/C2 Family Dinner
+ Add to Library

C2 Family Dinner

(After Seven years)

“Mommy pasok na po ako sa school, tapos na po ako kumain eh” sabi nang aking Anak na si Tanisha ng pitong taong gulang lamang, kaagad itong lumapit sa akin at tumalikod, pinasuot ko kaagad sa likuran niya ang bag niya.

Kaagad naman akong lumuhod para mahalikan siya sa pisngi at ganon din ang ginawa niya sa akin.

“Ba bye Mommy, i love you” sabi nito at tumalikod at tumakbo ito palabas ng bahay.

“I love you too Anak” sabi ko dito dahilan ng paghinto niya sa paglalakad, at lumingon ito sa akin, at ngumisi ito, pagkatapos niya iyung gawin ay nagpatuloy ito sa paglalakad, kaagad naman akong sumunod dito, at noong nasa pintuan na ko ng bahay namin ay tumayo lamang ako at pinagmamasdan ang Mag Ama ko, nakita ko si Ace na lumuhod at si Tanisha ay yumakap sa kanyang ama ng maabutan niya ito, kaagad namang binuksan ni Ace ang pintuan ng kotse at pinasakay ito dito, kaaagad namang tumayo si Ace at naglakad ito at sasakay na sana ito ng biglang napansin niya ako na nakamasid sa kanila.

Nagsalita ito ng pabulong at nabasa ko sa labi niya ang sinabi niya na, “I love you!” at ngumiti ito sa akin, nagsalita din naman ako ng pabulong dito at ang sinabi ko sa kanya ay “I love you too!”

Pumasok din ito sa loob ng kotse, at pinaandar ito at nakita ako ni Tanisha na nakaupo sa kotse at nakasilip sa bintana, nakangiti ito sa akin, dahilan ng pag ngiti ko rin dito, hindi nagtagal ay nakaalis na sila, kaagad naman akong pumunta sa kusina para kainin ang cupcakes na bi-nake ko, kasi noong pinanganak ko si Tanisha ay ang aking naging negosyo ay ang pag Ba-bake, at huminto ako sa aking pagtratrabaho, habang kumakain ako ng cupcakes ay biglang tumunog ang Cellphone ko.

Kaagad ko naman itong kinuha sa aking bulsa at sinagot ko ito

[Hello pa!] sabi ko sa kabilang linya

[Ay hello Anak may sasabihin lang sana ako sa iyo tungkol sa kapatid mo na si Ivonne]

[Bakit pa yung tungkol kay Ivonne?]

[Inimbitahan ko kasi siya mamayang gabi na pumunta dito sa bahay, para mas makilala mo pa siya, pati narin ang mag ama mo at syempre pati na rin ng Mama mo]

[Ganon ba Pa sige, anong oras kami pupunta diyan?]

[Mamayang alasyete ng gabi]

[Sige pa noted]

Natapos narin ang usapan namin ni Papa at by the way si Ivonne nga pala ang half sister ko, maraming taon na ang nakakaraan, nang iwan ni Papa si Ivonne at ang Mama nito. Dahil nalaman niya na ipinagbubuntis na ako ni Mama, si Mama nga pala dati ang kalaguyo ni Papa, anak lang ako sa labas, nang iwan ni Papa sila Ivonne ay napunta sa Mental ang mama ni Ivonne, habang si Ivonne naman ay pinag papasa pasa lamang ng mga kamag anak nito sa madaling salita ay nasira ang pamilya nila dahil sa amin, kung hindi sana sa akin maaring buo parin ang pamilya nila.

Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa aking mga mata sa totoo lang tuwing naaalala ko ang nangyari kay Ivonne at sa Mama nito ay napapaluha ako at bumibigat ang damdamin ko dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko kung bakit nasira ang pamilya nila Ivonne.

7:00 P.M.

Naandito kami sa bahay nila Papa at nakaupo sa lamesa, katabi ko ang asawa ko habang si Papa naman ay buhat buhat si Tanisha habang si Mama naman ay nagluluto sa kusina.

“Uhm Love?” sabi ni Ace sa akin dahilan ng pag tingin ko dito.

“Bakit yun Love?” nakangising tanong ko dito

“Sa tingin mo yung kapatid mo na si Ivonne, napatawad niya na siguro ang Papa mo?” tanong ni Ace sa akin, sa tanong ni Ace ay napaisip din ako sa tanong niya.

“Uhm noong tinanong naman siya ni Papa dati kung napatawad niya na ba siya ay ang sagot naman nito ay Oo daw napatawad niya na daw si Papa” sambit ko dito, hindi nagtagal ay nakaupo na kaming lahat sa upuan habang hinihintay parin namin si Ivonne hindi nagtagal ay may nag doorbell at alam namin na siya na yun kaya naman dali daling pumunta si Papa at binuksan ang pintuan at sumalubong sa amin ang magandang mukha ni Ivonne.

“Hi!” sabi nito at umupo sa upuan kung saan ay katapat ko siya

“Anak ito nga pala si Faith siya yung kapatid mo” pagpapakilala ni Papa sa akin kay Ivonne, pagkasabi noon ni Papa ay tumingin sa akin si Ivonne at sumeryoso ito dahilan ng pagtaka ko, ngunit kaagad naman itong ngumiti sa akin.

“Oh Hi Faith, how are you!” nakangising sabi nito sa akin

“Uhm im fine, how about you?” sabi ko rin dito

“Thank you for asking, by the way im fine” sambit nito habang nanatili ang malapad na ngiti nito sa kanyang mga labi.

“Anak Ivonne ito nga pala si Flora siya ang Nanay ni Faith, siya rin ang asawa ko” pagpapakilala ni Papa

“Oh hi Tita!” nakangising sabi niya

Ngunit ningitian lamang siya ni Mama.

“Oo nga pala anak ito ang asawa ng kapatid mo na si Ace ito rin yung anak nila na si Tanisha, pamangkin mo rin siya” sambit ni Papa.

“Hello little cutie” nakangising sabi nito habang nakatingin sa anak kong si Tanisha.

“Oh hi Ace” pagbati ni Ivonne sa asawa ko ngunit ningitian lamang siya nito, mukhang napatawad na nga ni Ivonne si Papa pati kami maaring napatawad niya na kami.

Hindi nagtagal ay kumakain kami hanggang sa matapos kami kumain at nagkuwentuhan kami, hanggang sa maisingit ko ang tungkol sa Mama ni Ivonne, gusto ko lang kasing malaman kung ayos lang ang Mama niya.

“Ivonne?”

“Hmm ano yun” sabi nito at tumingin sa akin.

“Kamusta na nga pala ang Mama mo?” tanong ko dito, dahilan ng pagtulo ng mga luha niya.

“Uhm sorry Ivonne, hindi ko intensyong-” bago ko man matapos ang sinasabi ko ay kaagad itong nagsalita.

“Nahh it's okay, naluluha nalang talaga ako tuwing pinag uusapan ang tungkol kay Mommy, by the way, My Mom just passed away last 2 years,” pagkasabi non ni Ivonne ay nabigla ako dahil hindi lamang nabanggit ni Papa ito sa akin.

“Ivonne sorry talaga” sabi ko dito

“No it's fine” nakangising sabi nito habang pinupunas niya ang mga luha niya sa kanyang mga mata, kaagad namang binago ni Papa ang usapan hanggang sa makalimutan namin ang pag uusap namin ni Ivonne tungkol sa kanyang Mama.

Third Person P.O.V.

Sa pagpasok ni Ivonne sa buhay nila Faith, ano ang magiging epekto nito sa kanila?.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height