+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 1

(Brad)

"Shut your filthy mouth Cooper! " saway niya as he drove.

Tumingin siya sa rear view mirror to check on his nephew. Mabuti na lang busy ito sa ipad niya. Siya ang inutusan ng ina na maghatid sa iskwelahan dahil nasa conference at second honeymoon ang mga magulang nito. Anak si Josh ng kuya Noah niya. Iniiwan ng mga ito ang maglilimang taon na bata sa bahay ng parents nila kapag may biyahe ang mag-asawa sa ibang bansa.

“ He can't hear us. Watch and listen." sabi ni Cooper na nakangising aso.

“Wow! I can see a big red bee! Do you want burger and fries Josh?" malakas na tanong ng kaibigan ng madaanan nila ang isang kilalang fast food restaurant.

Hindi man lang nag-react si Josh because he is engrossed with the game he is playing.

"Sabi ko sayo dude eh! Kahit anong lumbas sa bibig ko dedma lang siya! Kita mo ngang super busy! So huwag ka nang ma-highblood! " mas lumapad ang ngising sabi ni Cooper.

"Just shut up! Besides you are just talking nonsense!" he rasped.

Cooper has been talking about Althea na ilang beses na siyang iniistalk. Iniiwasan na nga niya ang modelo pero makulit talaga ito. Kagabi lang, she hid inside his car para lang iseduce siya. She was in a very revealing mini dress and she suggested they do it in his car but of course, he refused. Muntik na niyang bugbugin si Cooper ng malaman niya na kasabwat pala ito. His stupid friend thought that he wanted to get laid. Babanatan na talaga sana niya ito pero nanaig pa din ang pagiging magkaibigan nila. Hindi niya maitapon ito kahit madalas, gustong-gusto na niyang itakwil ito.Mahirap pagpagin ito. Daig pa ang alimango, alimasag at talangka kung makakakapit.

"I don't fucking understand why I befriended you! Hindi ako kagaya mo na sobrang manyak sa babae! I choose who I fuck unlike you! Tira lang ng tira! " inis na sabi niya.

“Grabe ka namang magsalita dude! Masama daw ang tumatanggi sa grasya! Ayaw ko lang na makasakit ng damdamin ng babae kaya wala akong tinatanggihan!” may himig pang tampo na sabi ni Cooper.

Nakapagmura siya ng mahina. His friend is really hopeless. Malala na ang kamanyakan nito.

“For fuck’s sake! You even justify your actions! I was probably not in my right mind when I befriended you! Our fathers hated each other so why did we become friends?!” tila tanong niya sa sarili.

"Hey! Dati ‘yon dude. Our dads are okay now and don’t forget that our grandfathers were the best of friends. At yung sa mga tatay natin, nadelay lang. Kita mo naman ngayon, Team Lopez and Team Aguas forever!” Cooper joked.

Naiiling na ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng private school na pinapasukan ng pamangkin. Wala ding pupuntahan ang usapan nila kaya siya na mismo ang puputol sa walang kwentang topic nila.

"Josh, we're here. " sabi niya sa bata. He glowered at Cooper nang mapansin niya na lalabas din ito ng sasakyan.

"Stay here! Baka dito ka pa magkalat at manyakin mo pa ang mga teachers dito! " saway niya.

"Fuck dude! Ano naman ang akala mo sa akin?" kunway na hurt na sabi nito.

"Asshole! That’s what you are Cooper Aguas! " He angrily threw him his empty coffee cup.

"Josh! You didn't hear that, okay?! " sabi ni Cooper sa bata na ngumiti lang nang malapad.

"Fack asyhol!" ulit nito bago bumaba na ikinalakas ng tawa ng kaibigan.

“Fuck!” mahinang mura niya.

Naiiling na bumaba na lang din siya. He is dead meat again. Malamang mapagalitan na naman siya ng mama niya. Pihadong uulit-ulitin ng pamangkin ang mga salitang yun.Kung may iba lang na pagkakatiwalaan ang mama niya, he knows hindi siya ang papakiusapan nito na maghatid sa pamangkin.

***

"Sir, ID po." sabi ng gwardiya sa kanya ng tumapat sila dito which made him frown.

What the fuck..?

Bakit siya hinahanapan ng ID pero ang mga nauna sa kanya hindi?

" Hindi ba ang students ang dapat may ID? Why do you need mine? " he asked irritably.

" Ngayon ko lang po kayo nakita dito sir. Pasensya na po." Magalang na sabi nito habang nakatingin sa mga tattoo niya.

“Wala! Iniwan ko sa kotse.Malalate na ang pamangkin ko at ako din! May trabaho pa ako kaya papasukin mo na kami!” may inis na sabi niya sa gwardiya.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok sir. Patingin po muna ng ID niyo." makulit na sabi nito.

"Manong guard, he is my uncle.He's not a gang leader. Please let us in." sabi ni Josh sa gwardiya bago tumakbo past the gate,leaving him with his bag.

Susundan sana niya ito pero humarang ang guard. Hndi man lang ito natatakot sa mga tattoo niya. Sa laki ng katawan at tangkad niya kahit sino matatakot pero hindi ang gwardya. Nabilib siya bigla dito dahil pinapanindigan nito ang trabaho.

"You heard him. Tito niya ako. " sabi niya sa gwardya. This time wala na ang inis sa boses niya.

"Kahit na po sir. Pakita niyo po muna ng ID niyo. First time niyo po yatang naghatid eh."

"Pwede ba mister? Ang dami nang naghihintay na makapasok! Just do what kuya Kulas said! " dinig niyang sabi ng babae na galing sa kabilang linya.

She has a very alluring voice. He looked at her and his brows knitted. Galit na nakatingin sa kanya ang so far, pinaka-magandang babae na nakita niya.Hindi lang ang boses nito ang maganda. The woman is really gorgeous. Total package!

"Look!" turo nito sa likod niya. “A lot of people are waiting on line!”

Kunot pa din ang noo, he turned his head to look behind him. Nakita niya na ang haba na nga pala ng pila sa likod niya. He had no clue dahil wala namang nagrereklamo. Halos mga babae ang mga nasa pila and they are looking dreamily at his tall frame and back side kaya siguro walang umaangal.Ibinalik niya ang tingin sa mataray na babae pero nakaalis na ito. He got his wallet from his pocket to get his ID. Gusto niyang sundan ang babae.

***

(Amara)

She is checking her phone nang pumasok si Iris, ang kaibigan niya na teacher ng prep pupils.

"Akala ko kung ano ang commotion sa labas! Yun pala may sikat na dumating! Grabe! Ang hunk niya lalo sa personal! Siya yata ang pinakaguwapo sa kanilang magkakapatid! Ang astig ng mga tattoo! Super hot! " kilig na sabi nito as she she sits on the chair opposite her.

She didn't even react. Nakakunot ang noo niya dahil may text ang isa sa teacher nila.

"Hoy Miss Amara Clarisse Alcantara! Are you even listening to me? " tanong ni Iris.

"Sorry . Binabasa ko kasi ang text ni Miss Olivares. " sabi niya bago tumayo.

"I don't know why you stress yourself like that. I have a good guess na hindi papasok ang babaeng yan dahil malamang tinatamad. She is for sure making a lot of excuses again! Ewan ko ba sayo Amara! Ang dami ng absences ng babaeng yan and you have the right to fire her imbes na pinoproblema mo siya! You are the owner of this school at dapat sayo nagrerelax! Hindi nagpapa-stress! Sa totoo lang naman kahit hindi ka naman magwork dahil sa yaman ng pamilya mo, you can live like a princess. You are only 24 years old Amara! You should be enjoying yourself.." pumalatak na sabi ng kaibigan.

"Ilang beses na nating napagusapan yan Iris. Di ka pa nagsasawa sa topic na yan? Wala namang nagbabago sa sagot ko di ba? " she asked na nakangiti.

"Ay ewan ko sayo! Bahala ka nga nga! Sige change topic na tayo! Birthday ng kuya ko kaya labas tayo mamaya. Pinapaimbita ka niya." sabi nito.

She chewed the inside of her cheek.

"Biglaan naman yan. I need to ask my dad first. Alam mo naman ‘yon..." She said bago kunin ang libro na nasa lamesa.

Iris made a sound at the back of her throat. " Grabe as in over! Ano ba yang si uncle Nick?! Okay lang sana if jowa mo ang nagbabawal eh! Ang higpit naman talaga masyado ng daddy mo! " umiiling na sabi nito na tumayo na din.

"Well, that's my dad.. " she smiled.

"Mag-wish ka na lang nang taimtim na hindi ka magka-jowa na kaugali ng daddy mo. Dahil kung hindi, baka ang saksakan ng ganda at sexy na prinsesa ikulong na lang sa tore para walang ibang makakita! Rapunzel ang peg! “ humahagikgik na sabi pa nito. “ Sige mauna ka na, mag-babanyo lang ako." Dagdag nito na nakangiti pa din nang malapad.

" Alam mo kung ano ang over, Iris? You and your imagination! " she said to her friendwhile shaking her head before going out.

***

Hinahanap niya ang bookmark na inipit niya sa libro nang bumunggo siya sa matigas na bagay. Nahulog ang dala niyang story book. Kukunin sana niya ito pero kamay at braso na tadtad ng tattoo ang pumulot dito.

Napaawang ang bibig niya when the man stood up straight and looked at her while handing her the book.

Ito ang lalaki kanina sa gate.

Intimidating....very tall and super hot.... Those are her description of him.

Ngayon lang niya nakita ang mukha nito nang maayos dahil nagmamadali siya kanina. She felt her heart thumped when she saw how he is looking at her.

"Here." sabi lang nito.

His voice suits him. It’s deep and sexy like him. She almost shook her head to clear it.

Ano ba ang pinag-iisip niya?

"Thank you." she said matapos kunin ang libro.

She raised her left brow at him. Hindi ito tuminag sa pagkakatayo. His tall and hunky frame is blocking her way. Titig na titig pa din ito sa kanya. She decided to step to her left to walk past him pero iniharang nito ang katawan.

" Excuse me. " she said in a cold voice.

Tumaas ulit ang kilay niya.

"I am not chivalrous so you should be elated that I picked up your book ." he drawled .

She saw his lips twitched upward to one side.

"Nag-thank you na ako. Now move!" inis na sabi niya.

" It will take more than a thank you to show your appreciation." nakangising sabi nito as he stares at her.

Kung hindi lang may pinapangalagaan siyang reputasyon, malamang nabato na niya ito nang hawak niyang hardbound picture book. He may look intimidating with his tattoos, tallness and his muscles pero hindi siya takot dito. Ayaw niya lang na makita siya ng mga bata na maging bayolente at sa loob pa mandin ng eskwelahan.

" Mister, I don't know where you came from pero sa civilized na lugar like this, what you said and your behavior are unacceptable." she said na itinaas pa nang bahagya ang baba.

That made him chuckle. Even his light laugh is sexy pero hindi ganito ang tipo niyang lalake. He is too intimidating and she has to admit, very hot even with his tattoos for her peace of mind. Ipinilig niya ang ulo. She really should stop her thoughts. Her dad will never ever approve of someone like this man.

"From where I came from Miss Amara Alcantara, beautiful women like you are ravished. " sabi nito as his eyes roam on her face down her breasts.

Kahit na disente ang suot niya and she is not showing any cleavage, namula siya.

"Bastos!"

"I am just appreciating your beauty. At wala namang masama dun.." he said in his bedroom voice.

Itinaas niya ang kamay to slap him pero natigilan siya.

"Miss Amara!" Tawag ng bata na tumakbo palapit sa kanila.

She clenched her hand at mabilis na ibinaba ito. She glowered at him but the man just winked at her. Inilipat niya ang mga mata sa bata.

"Hi Josh. Good morning."bati niya dito na nakangiti ng matamis.

Hinawakan ng mayabang at bastos na lalake ang kamay nito.

" I think I am actually very lucky today. I am positive that I will see you very often. If you must know Miss Amara, ako ang maghahatid at susundo sa pamangkin ko for a couple of weeks. His parents are on a holiday outside the country. So don’t worry if you can’t thank me properly today. Anyway, madami pa namang ibang araw. Basta ihanda mo na ang sarili mo. Remember...you owe me at wala kang ligtas. I want my reward anytime soon. " sabi nito na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Oh God.." She thought.

Sa hitsura at tono nito, alam niya na seryoso ito sa sinabi. Naramdaman na lang niya na nagka-goose bumps siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height