C2 CHAPTER 2
ESTELLA'S POV
"Gising na girls, panibagong umaga na naman!"
Ginising ko na silang tatlo at ayun, jusko mga tulog pa sila. Sigawan ko nga ulit.
Kumuha ako ng kawali at sandok. Alam nyo ba ginawa ko?
Pinukpok ko lang naman yung sandok sa kawali at yun, beng! "Hoyyy! Gumising na kayong tatlo. Limang araw na mga tulog parin kayo! Gisinggg!"
Nakita ko silang tatlo tinakpan nila ang mga tenga nila at ang nakakatawa puro mga mura sinasabi nila. Yan kasi mga mantika kung matulog.
"Peste! Bakit ba nag-iingay ka Estella! Ang aga-aga nakooo!"
Bulyaw naman ni Van sa'kin. Luh, amnesia?
"May pasok tayo tangek! Ano sa akala mo, 'di ko kayo gigisingin?!"
Biglang nag iba ang mukha ng dalawa. Si Ria at Van lang naman.
"Damn you Stel! Wala kaming pasok ngayon!"
Lumaki mata ko sa sigaw ni Ria.
"Hi-hindi ba ngayon pasok n'yo?"
Napailing na lang si Ria sa tanong ko.
"Nako nako Stel. Wala kaming pasok ngayon bukas ulit sa'min. Magkasama kaya kami sa work."
Sabi nitong si Van habang naka cross arm pa s'ya.
"Tama na yan, Stel mag ayos na tayong dalawa. Ako may pasok ngayon kaya ok lang yan."
Ani nitong si Xat at umalis. Napaka sungit talaga. Kung hindi lang maingay, masungit naman.
Sumunod na ako kay Xat. Mamaya maging dragon pa yan walang kalaban laban ang cute na kuting like me.
Nag-ayos na kami ni Xat para sa trabaho namin.
XATANA'S POV
Ok na ako, pwede na akong pumunta ng office.
Lumabas na ako at pinuntahan si Stel. Para sabay na kaming lumabas.
"Stel ok ka na ba? Sabay na tayong lumabas hanggang gate."
"Sige Xat, teka lang kunin ko lang gamit ko."
Tumango na lang ako sa kanya at kinuha na n'ya ang gamit n'ya.
"Halika na."
Lumabas na kaming dalawa. Habang naglalakad kami, nagpaalam na yung dalawang kanina lang naiinis sa pag gising sa kanila ni Stel.
"Hanggang dito na lang tayo sa may gate. Bye Xat! See you na lang later!"
Umalis na si Stel pero pinigilan ko muna s'ya.
"Sorry kung ganun ang inasta nila Van at Ria kanina."
Natawa naman ito sa sinabi ko. May nakakatawa ba?
"Ano ka ba naman Xat. Ok lang yun, sanay na ako sa kanilang dalawa."
Sa ilang taong magkakasama na kaming apat. Kung ilan kami ganung taon na rin kaming magkakasama. Apat na taon rin yun still solid parin ang samahan namin.
"Sige na bye na!"
At tuluyan na nga s'yang umalis. Makulit, mabait at minsan pasaway si Stel pero alam nya kung paano makitungo sa ibang tao sa pamamaraan na totoong tao s'ya hindi dahil sa pinaplastik ka n'ya.
Haynako, makapunta na nga sa trabaho.
Kagaya kahapon, naglakad na naman ako. 15 mins. rin akong naglakad at nakarating na nga ako dito.
"Good morning Xatana!"
Masiglang bati nito sa akin.
"Good morning too, Drixie."
Naglalakad parin ako hanggang sa tapat na ako ng opisina namin ni Mr. CEO.
Binuksan ko na ang pintuan pero wala parin si Mr. CEO kaya gagawin ko muna ang trabaho ko. Malamang sa papers parin. Wala naman s'yang pinapa-trabahong iba.
Umabot ng 30 minutes ay nakarating na rin si Mr. CEO dito at alam nyo ba bungad nya?
"Ms. Secretary Lockwood. May pupuntahan tayo. Bilisan mo d'yan."
Ewan ko kung anong meron at may pupuntahan kami. Hindi kaya may partnership s'yang pupuntahan?
"Yes Mr. CEO, ready na ako ngayon. Tapos na mga papeles."
"That's great, good job. Let's go."
Lumabas na si Mr. CEO habang ako naman sumusunod lang sa tabi n'ya.
"Mr. CEO saan tayo pupunta?"
May ibinigay s'yang letter. Binasa ko naman ito at nagulat ako.
Invitation? Galing saan?
"I want you to be my partner. Invitation yan galing kay Grandma and Grandpa. Meeting regarding to our company."
Alam ko kapag partner parang may party. Tama ba ako?
"Alam ko na, pupunta tayo ng mall right? Para makapag ayos ako."
Umiling ito sa sinabi ko.
"Nope, you're already beautiful."
Seryosong sabi nito. Tinitigan ko s'ya pero walang emosyon ang mukha nya. Biro ba yon o seryoso talaga s'ya?
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang s'ya.
Nakarating na kami sa may parking lot at doon sumakay na kami ng kotse nya.
Habang tumatagal parang na awkward ako sa katahimikan namin. I don't know but it's kinda weird.
Wow, ako pa talaga ang na wirduhan.
Wala pala akong number nila Van, Ria at Stel, para sana makamusta ko sila. Lalo na yung dalawa na nasa bahay.
Pinagmasdan ko na lang ang nakikita ko dito sa bintana ng kotse ni Mr. CEO. Musta na rin kaya sila Tita sa mansyon?
"Ngayon lang ba ang unang experience mo as secretary?"
Ay aba nagsalita si Mr. CEO pero about my experience as secretary...
"Wala, pero nakapag take na ako." Since I have my own company dati.
Tumango na lang ito. Malamang 'di ko naman sinabi yung may company ako. Kasi dati lang naman yun. Hindi naman n'ya kailangang malaman yun.
"We're here."
Sumilip agad ako sa labas at nakita kong nasa may gate na kami ng isang mansyon. Wow, ang laki.
Musta naman kaya mansyon namin kesa d'yan?
"Lumabas ka na d'yan."
Dahil sa masunurin ako edi lumabas na ako.
Pagkalabas namin ayan na mga maids nya nagpuntahan sa amin at gumawa ng daan. Nagsabi rin sila ng "Welcome home Mr. Hunt."
Dumaan lang ito ng parang walang taong nakapaligid sa kanya. Sinundan ko lang s'ya. Pumunta kami ng second floor at doon nakita ko ang magagarang chandelier. Mahal mga ito base sa kung saan sila ginawa. More on diamonds.
Hindi ko alam kung saan na kami papunta pero bahala na basta sunod na lang ako kung saan s'ya pupunta.
"Hello Mom."
May nakasalubong kaming babae at hindi mo mapapansing may edad na. Parang wala pa sa pagkakatanda.
Mom n'ya pala ito. Ngayon ko lang nakita. Parang hindi sila magkamukha?
"Buti at dumating ka, sino naman s'ya?"
Grabe ang taray, taasan daw ba ako ng kilay.
"Nandito ako para sa invitation ni Grandma and Grandpa."
Natatanga ako dito alam n'yo yung parang imbestigador yung Mom ni Mr. CEO, ikaw ba naman ikutin. Umiikot kasi s'ya sa akin, parang tinitignan yung buong katawan ko.
"Hmm sige na pumunta na kayo sa kwarto nila at magpapahanda lang ako kila Manang."
Sabi nito at umalis rin. Bakit ganun parang mga wala silang pake sa isa't-isa?
Biglang iniwan naman ako ni Mr. CEO dito. Lakad lang kami ulit at doon huminto na kami sa may tapat ng isang pinto.
Kakabahan na ba ako? Baka masungit or what?
Kumatok na si Mr. CEO at binuksan ang pintuan.
Pagkabukas nito ay...
"Stupid! Get out!"
Bulyaw agad ng matanda ang narinig ko. Bumalot na ang sigaw dito sa kwarto.
"Sorry Sir, hindi ko po sinasadya."
Mahinahong pagpapaumanhin ng isang babae. Halata sa boses nito ang takot at hiya. Naawa tuloy ako.
"I said, get out! Now!"
Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Ganito ba s'ya mag trato ng maid niya? The heck!
Biglang hinarangan ni Mr. CEO ang kamay nito sa harapan ko. Senyas na pinapatigil n'ya ako. Susugurin ko sana. Hindi na ako makapagpigil.
"Shhh, chill Xatana. Let's go."
Naglakad na si Mr. CEO at sumunod naman ako. Paraan para mapansin kami ng matanda.
"Cristy, you may leave now."
Yumuko ito at nagsalita.
"Yes Mr. Hunt."
At umalis na s'ya pero napansin kong nakita n'ya ako at nginitian ako.
Huh? Ano daw? Bakit ngumiti sa'kin?
"Oh hello my grandson, I'm happy you're here."
Niyakap n'ya ito at napansin ang presence ko kaya nagtanong ito.
"Who is she?"
Hinawakan naman ni Mr. CEO ang kamay ko.
"My beautiful partner. S'ya ang makakasama ko sa party."
Sabi ko na hindi ito meeting, party talaga ito. Hayst, hindi talaga ako nagkakamali.
Kinilatis pa ata ako ng matanda mula ulo hanggang paa ko pero may napapansin akong mali. Isa ata ang napapansin n'ya, iba ang iniisip n'ya, at iba ang nasa utak n'ya.
Ano uupakan ko na ba? Kahit matanda nako baka mapatulan ko pa ito sa ugali n'yang manyak!
"Hmm, stop looking at her. Shall we go now?"
Napunta na ang atensyon ng matanda kay Mr. CEO, kinuha naman nito ang kamay ko at inilagay sa may braso nya. Kaya bilang patuloy hindi na ako nagreklamo. I know this, hindi naman ako galing sa bundok para hindi ko malaman ang ginagawa n'ya. Sumabay na ako sa kanya at lumabas na kami ng kwarto.
Ngayon naman ay papunta na kami ng kotse para pumunta sa kung saan man na hindi ko naman alam.
Nako, anong oras kaya ako makakauwi nito. Baka mag-intay sila mamaya ng matagal.
"Any problem, Xatana?"
Umiling lang ako. Siguro napansin n'ya ang pananahimik ko.
"Nothing Mr. CEO."
Nag-iba naman ang pagtingin ni Mr. CEO sa'kin.
"Wala tayo sa office so don't call me Mr. CEO, ngayon mag partner tayo so drop that word now."
Hindi ko alam pero ang awkward. Hindi na lang ako nagsalita.
Sumakay na kami, nasa likod ako at kasama n'ya. Yung driver naman n'ya malamang ang nag dra-drive.
"Teka, saan tayo pupunta?"
"Just wait."
Simpleng sagot naman n'ya kaya hinayaan ko na lang.
"Nandito na po tayo."
Nakita kong lumabas na ng kotse si Mr. CEO kaya sumunod na rin ako.
Ngayon ay naglalakad na kami kasama ang Grandpa nito at napansin ko ring kasama na ang Grandma at Mom n'ya.
"Let's go."
Kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay na naman n'ya ito sa braso nya. Kumapit na lamang ako dito.
Habang naglalakad kasi 'di ko maiwasang mag-isip ng may problema ba sa suot ko? May problema ba sa mukha ko o may problema sa katawan ko?
Halos lahat ng nandito sa labas tinitignan ako mula ulo hanggang dulo ng suot ko. Tsk, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Haynako.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami dito at ayan na naman sila sa pagtingin sa'kin pero may pabulong na s%ya ngayon.
Ewan ko ba sa mga tao dito bakit ganyan sila kung makatitig sa'kin.
"This way Ma'am/Sir."
Hindi ko napansin at hinila na lamang ako ni Mr. CEO sa kung saan. Natigil lang ang paghila n'ya sa'kin ng makarating na kami sa may harapan kung na saan ang stage.
"O...kay? Anong meron ba sa party n'yo?"
Biglang namatay ang mga ilaw at kasabay nito ang pagkakaroon ng magandang musika. Bumukas ang ilaw na pawang sumasayaw kasama ang kanta.
"Ngayon ang anniversary nila Grandma and Grandpa."
Napatango naman ako sa sinabi nito.
"Kaya halos lahat dito may partner. May mga dumalong mag-isa lang."
Biglang nawala ang musika at napalitan ito ng panibago. Dahil dito ay napunta ang paningin ko sa gitna ng kwartong ito. Hiningi ng Grandpa nito ang kamay ng Grandma ni Mr. CEO at nagsimula silang magsayaw.
Feel na feel mo yung pagsayaw nila. Akala mong nakakakita ka ng mga binata't dalaga parin dahil sa kanila.
"Excuse me for a while."
Pagpapaalam ni Mr. CEO kaya umalis na ito.
Pumunta na lamang ako sa isang lamesa kung saan walang tao at pinagmasdan ko lang ang dalawang sumasayaw sa gitna.
They are sweet like teenagers. They truly love each other. You know the word love? I know, love exist but I'm not that kind of woman who believe in forever.
Some of us wants to feel like we're in a love story, happy ending, butterflies and slow motion. Pero mahirap ng maniwala sa isang salita lang. Forever? Seven letters pero maraming umaasa sa word na yan. Love? Apat na letra pero million ang nasasaktan.
I'm not an expert at anything like this. Sadyang ayoko lang muling masaktan kagaya ng ginawa n'ya sa'kin.
"Hello Miss? Can I join you?"
Nakayuko ako kaya 'di ko kilala kung sino ito pero halatang lalaki s'ya. Hinayaan ko na lang s'ya pero nagulat ako kung sino ang katabi ko ngayon.