The Power Of Love/C3 CHAPTER 3
+ Add to Library
The Power Of Love/C3 CHAPTER 3
+ Add to Library

C3 CHAPTER 3

AESTHERIA'S POV

"Van halika dito, tignan mo yung balita ngayon."

Seryosong sabi ko. Nandito kami ngayon sa tinitirhan namin. Wala kami sa puder ng mga magulang namin. Why? Malamang naghiwalay kami sa mga parents namin because of that fucking...

"Ria, ano bang balita ngayon bakit ganyan ka ang seryoso naman masyado."

Tsk, speaking of balita...

"You know naman na may ginawa na sila Tita about sa mga marriage natin right? Here, tignan mo naman sila sa balita. Tsk, hinahanap tayo nila Mom."

Tinignan ni Van kung anong nasa balita ngayon. Ang headline ay...

ANG PAGLAYAS NG APAT NA TAGAPAGMANA.

Pinakinggan namin kung anong nasa balita.

"Nalaman lang ngayon na ang apat na tagapagmana ng tatlong pamilya ay naglayas sa kanilang tahanan. Nandito ang magulang ng isang tagapagmana."

Nagtinginan naman kaming dalawa ni Van.

"D'ba si Mom mo yan Van?"

Umiling s'ya at umalis. Bago yun nagsalita s'ya.

"Psh, hayaan mo sila sa gusto nila. Hanapin man nila tayo. Wala naman silang pag-asa na makikita nila tayo."

Napaisip ako sa sinabi n'ya.

"Teka nga Van. Anong tinutukoy mo?"

"Hindi nila tayo makikita kasi busy naman sila sa company so what para mag-alala pa sa kanila? Tsk!"

At tuluyan na nga s'yang umalis.

Naka arrange marriage kami sa mga lalaking hindi naman namin mahal. Ni hindi nga namin kilala kung SINO mga yun. Kaya lumayas kami sa amin at yun na nga ang sinasabi ko kanina.

Kaming apat ang pinakamayaman at kilala dahil sa dugo na rin na nananalaytay sa'min.

Hanggang sa nagkasundo ang mga magulang namin sa ibang pamilya.

"Ria, may naghahanap sa'yo."

May naghahanap sa'kin? Sino naman?

Tumayo na ako at doon nakita ko ang pinakakinaiinisan kong tao.

"Hi Baby! *smirk*"

What the? Paano n'ya na lamang nandito ako?

"Nakakita ka ata ng gwapo hahaha."

Tsk "Ikaw tigilan mo'ko sa kalokohan mong lalaki ka! Stalker ka 'no?"

Lumapit naman ito sa'kin kaya napa-atras ako ng bahagya.

"Yes, stalker mo'ko. May problema ba dun Baby?"

Argh!! Ahhh, mababaliw na ako sa isang 'to! Peste, peste, peste!

"Ria ano ba yan...oh may bisita ka?"

Hindi ko yan bisita, Van. Bwisita yan!

"Pasok ka dito. Sorry nag-aayos pa lang kasi ako. Ria, ipaghanda mo kaya yung bisita mo."

Walang pagdadalawang isip na pumasok nga ito at ang walang hiya nginitian pa ang kaibigan ko.

Umupo na ito sa may sofa namin. Ako naman umalis na para magluto. Mag tanghali na rin kasi kaya need talaga magluto. Wala kaming makakain ni Van kapag 'di ako nagluto.

Binuksan ko yung refrigerator at nakita kong merong manok. Mag adobo kaya ako? Sige para hanggang mamayang gabi kapag umuwi sila Xat at Stel.

Naghanap ako ng mga ingredients para sa adobong manok pero nawalan ako ng ganang maghanap ng nasa tabi ko yung bwiset na bisita ko daw.

"Nagluluto ka pala?"

Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. Anong akala nya sakin 'di ako sanay mag luto? Chef ang pamilya namin. Ang company namin ay tungkol sa mga pagkain, duhhh!

"Hahaha hindi naman mabiro. Tulungan kita sa pagluluto mo. Ano?"

Sabay ngiti nito sakin. Cute naman sya kapag ngumingiti pero teka pinupuri ko itong hinayupak nato? Pwe!

"Hmm sige, pero siguraduhin mong tutulong ka hindi yung mangbwibwiset ka sakin."

Tinaas nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Promise Baby."

At yun na nga, binatukan ko sya.

"Kasasabi ko lang d'ba?!"

Tumawa naman ito ng malakas. "Sige, hindi na nga hahaha."

Mababaliw na ako sa lalaking to.

Hinayaan ko na sya hanggang sa kumilos naman na s'ya ng normal. Tinutulungan naman nya ako sa pagluluto. Kung anong sabihin ko ginagawa nya at kung may ipapasuyo ako ginagawa nya.

Ilang oras lang ok na yung gawa namin.

"Pwedeng tikman ko luto mo?"

"Hindi lang naman ako nagluto pati ikaw. Sige na tikman mo."

Kumuha ito ng kutsara at kumuha s'ya ng sabaw galing sa adobo at tinikman.

"Hmmm..." Nilalasahan pa nya ito at naging seryoso ang mukha nya.

"Te-teka, pangit ba lasa ng adobo?"

Tinitigan ako nito ng seryoso at...

"Sorry pero

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mas masarap pa s'ya sa inaakala ko *smirk* Actually, pwede na para sa magiging ina ng mga anak ko *wink*"

At dahil sa napikon na ako bigla ko s'yang nahampas ng sandok.

"Aray! Parang biro lang naman. Ang sakit kaya."

Tsk! Umalis na ako doon at pinaghanda na ang ulam kasama ang kanin.

"Oh tapos na pala. Teka lang bababa na ako d'yan."

Sabi ni Van at bumaba na nga ito.

"Gusto mong sumabay na sa amin kumain?"

Tanong naman nito sa lalaking bisita ko daw.

"Yes, kung maaari."

Umupo na kami sa mga upuan namin at nagsimula ng kumain.

Habang busy ako sa pagnguya nagtanong naman s'ya sa lalaki.

"Hello ako nga pala si Vanessa, ikaw anong pangalan mo?"

"Hello, I'm Zamora Sy. Just call me Zam if you want."

Tsk!

"So saan kayo nagkakilala ni Ria?"

Nag-isip pa kuware si Zamora kung saan kami nagkakilala.

"She's my secretary hehe."

Nabuga ko naman yung nasa bibig ko.

"Kadiri ka Ria! Bakit ka ba..."

Tumayo ako at hinampas ang lamesa. "For your information hindi mo ako secretary! Ang kapal ng mukha."

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko upang pakalmahin. Natigilan ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kamay namin. Bumalik lang ako sa dati nung magsalita na ito.

"Hahaha chill, yeah hindi nga pero s'ya nagtuturo sakin about baking. Akala ko baking lang alam nya. Hindi pala."

Tinitigan ako ng masama ni Van kaya umupo na ako.

"Ah kaya pala, hindi kayo closed tama ba ako?"

"Not yet but soon magiging-closed na rin kami."

Natawa naman si Van sa sagot ni Zam.

"Hahaha sana hindi ka magsisi d'yan."

Lumingon naman sa akin si Zam at matamis na ngumiti sakin at ang sabi pa nito.

"Yeah, hindi ako magsisising nakilala ko s'ya."

Namula naman ang pisnge ko sa sinabi nyang iyon.

"Teka anong sabi mo?"

"Ahh ang sabi ko, hindi naman. Masarap nga s'yang asarin hahaha."

Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko hanggang sa matapos na ako at umakyat na sa kwarto ko.

"Shittttt! Easy ka lang Ria. Ganyan talaga magbiro yun! Baka hindi nga biro iyon. Sabi niya kanina masarap akong asarin?!"

Ahhh kainis na Zamora ka! Peste!

VANNESA'S POV

Parang ewan lang si Ria kanina.

Napasapo na lang ako ng noo ko dahil sa nangyare kanina. Haynako Ria ikaw talaga.

"Maraming salamat sa pagbisita kay Ria. Sorry sa inasta nya kanina. Ewan ko ba dun. Sorry talaga."

Umiling lang ito at nagsalita. "Ok lang, siguro ay uuwi na ako. Anong oras na rin kasi baka hinahanap na ako sa amin."

Tumango na lang ako at nagsabing "Sige, maghahapon na rin naman. Maraming salamat sa pagbisita."

At umalis na nga ito. Ako naman dito nag-iintay sa kung anong mangyayare.

Umakyat na ako sa kuwarto ko para sana matulog pero may narinig akong tumatawag sa telepono kaya sinagot ko naman ito.

"Hello? Sino ito?"

Hindi pa ito nagsalita hanggang sa bumaba na si Ria mula sa kwarto nya.

"Umalis na ba yung hinayupak na yun?"

Inirapan ko na lamang ito.

[Good afternoon, Ms. Vanessa Monterey.]

Parang kilala ko yung boses.

"Wait ikaw ba yan..."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumagot na ito.

[I guess nakilala mo na ako?]

What the?!

"Riaaaaaaaaa!"

Sigaw ko sa pangalan ni Ria.

"Oh bakit?"

"Si...si...si..."

Bigla namang hinablot ni Ria ang telepono at pinindot ang loudspeaker.

"Hoy, sino ka ba?!"

Walang pag-aalinlangang tanong nito.

[Gosh, don't shout at me Ria! Hindi ako binge, grrr!]

Nakita ko ang reaksyon ni Ria na gulat na gulat ito sa narinig.

"Ametrine?! Damn you! Akala ko kung anong ikinauutal ng babaeng 'to! Ikaw lang pala!"

[Whatever, where's Xatana my friend?]

"Wow, kapag kay Xat, my friend tapos sa amin normal na name lang namin!" -Ria

Ayan na naman si Ria. Malakas talaga manigaw yan kahit na malapit lang kausap nyan-_-

Natawa ako ng mag-iba ang expression ni Ria.

"Ehem, sorry for interrupting you girls pero si Xatana mamayang gabi pa yun same as Estella. May work silang pareho."

Tumahimik naman silang dalawa.

Teka hapon na pala hindi pa kami nakakapag ayos ng iba pa dito sa bahay.

"Ametrine, bakit ka naman napatawag sa amin. Anong kailangan mo?"

Seryoso talaga ako magsalita. Minsan naman kahawig ko si Xatana sa ibang paraan like tumatahimik ako pero kapag trip ko ng mag-ingay or makipag sigawan. Well sumasabay ako.

[About that thing, arrange marriage. Totoo ba iyon?]

Parehas kaming nagtitigan ni Ria.

"Umabot na pala sayo?"

[Paanong hindi ko malalaman. Maging sila Tita ay tinawagan si Mom. So I ask her then sabi ni Mom na lumayas pala kayo sa mansion. So anong aakalain nyo d'ba?]

Tsk, oo nga naman, hindi ba titigil sila Mom sa paghahanap samin. I thought magiging busy sila sa business nila then now malalaman kong hinahanap nila kami?

Wait what? Call ito right?

"Shit! Don't tell me tinawagan mo kami dahil utos nila Mom kay Tita ito? The heck! Malalaman nila kung saan kami?!"

Nagulat si Ria sa sinabi ko.

"Oo nga Ame! Hindi na talaga tayo magkaibigan. Damn you!"

Tumahimik bigla ang boses. The fuck! Ame!

[Mga utak nyo talaga! Of course hindi ko gagawin yun. Actually gusto kong mag join dyan kung na saan kayo.]

May tanong sa isip namin ni Ria.

S'ya? Sasama dito?

[Ok, ok, fine. Sasama ako dahil same tayo ng situation. That bullshit arrange marriage!]

Tumango kami ni Ria sa reaksyon nito mukhang ayaw nya sa magiging asawa nya dapat.

"If that so, tatakas ka rin?"

Sa tanong ni Ria, kakayanin kaya ni Ame yun? Mukhang hindi. Mahina sa takasan ang isang ito.

[Anong akala nyo sakin bata pa? Well nandito na ako sa labas nyo, tsk.]

Natawa na naman kami ni Ria. Haha sya nandito? Wow, hindi nya kami mauuto.

[Hindi kayo naniniwala? Well, kakatok na lang ako.]

At iyon na nga, pagkatapos nun pinatay na nito ang tawag kasabay ng pagkatok mula sa pintuan.

Para naman kaming ewan na umiikot dito sa bahay.

"Seryoso?!" Parehas naming sigaw.

Nagmadali kaming pumunta ng pintuan kung na saan ay nag-uusap pa kami mata sa mata kung nagloloko lang ba ang isang 'to.

Binuksan ko na ang pintuan ng biglang...

"Tsk, kanina pa ako nandito sa labas nyo. Kung hindi ko lang napansin yung lalaki kanina na kausap mo hindi ko mai-sure kung dito talaga bahay nyo!"

Napanganga kami ni Ria. Ang dami kasing sinabi ng babaitang ito.

"Bakit naman kasi tumawag ka pang babaita ka sana kumatok kana dito kanina pa!"

Sigaw rin pabalik ni Ria. So ayun, mag iingay na naman dito. Nakakairita minsan.

"Bahala kayo dyan. Tandaan nyo pauwi na sila Stel at Xat mamaya baka tayo naman mabungangaan ni Xat. Alam nyong lahing dragon yun."

Napaisip naman yung dalawa.

"Ria ano? Magluto na dali, anong oras na kaya. Ako ng bahala sa hugasan at pag-aayos sa ibang pagkakainan."

Nag crossed arm naman si Ame kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Oh natuto rin kayong maging responsible ha. Buti naman. Teka saan yung kwarto ko?"

Nakangiting tanong nito at biglang nag-init ang ulo ko.

-_- -Me

?_? -Ria

^_^ -Ame

"Argh! Ria ikaw na ngang bahala kay Ame. Bwiset!"

Nagdabog naman akong umalis doon. Peste! Bahala sya, kumukulo dugo ko. Malamang hindi sya sanay mag-linis. Peste! Huwag lang talaga, argh! Subukan nyang huwag kumilos!

Hindi ko na lang sya iisipin. Kailangan ko ng maghugas ng plato para mamaya onti na lang ang lilinisin.

Tatawagin ko ba si Estella at Xatana? Huwag na siguro, uuwi naman mga yun. Baka busy din lalo na si Xatana. Pag work, work lang talaga ayaw nya ng may istorbo. Nakakatakot din yun minsan, haynako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height