The Power Of Love/C4 CHAPTER 4
+ Add to Library
The Power Of Love/C4 CHAPTER 4
+ Add to Library

C4 CHAPTER 4

CRIMERCIA'S POV

"Argh that fucking slut! Nakakainis! Sino ba s'ya sa akala nya!"

Ikot lang ako ng ikot dito. Ewan basta nabwibwiset ako sa babaeng yun. Pagkatapos kong pumunta doon nakaraan at ipagtatabuyan nila ako at ang nakakainis, si Granger din pinagtabuyan ako. Anong akala nila, basta-basta na lang ako mananahimik dito?!

Tsk, humanda ka saking babae ka. Kung sino ka man mapapaaga ang gulo sa buhay mo tandaan mo yan!

Mom's calling...

Tsk, ano naman kayang kailangan ni Mom ngayon.

Kinuha ko na ang phone ko at sinagot ito.

"Hello Mom, what do you want?"

Wala akong galang right? Well, I don't care anyway. Wala silang magagawa sa ugali ko.

[Cia, did you know where is your sister?]

Aba hanapan ba ako ng nawawalang paboritong anak?

"Tsk, I don't care about her."

[Cia, don't talk to me like that. I'm your mother!]

"Blah blah blah, just shut the hell up, bye."

*tot*tot*tot*

Yes, I know galit kayo sakin. Ano naman dba? Wala akong pake kung gusto man nila ako or hindi. Para sakin nakukuha ko ang gusto ko. That's it.

"Ms. Lee ok na po ang pagkain."

Singit ng yaya ko.

"Tsk, lumayas kana dito ayokong makita yang panget mong mukha. Shooo!"

"O-ok po Ms. Lee."

Good, umalis na sya. Wala ng peste sa paligid ko.

Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako. Ngayon kailangan kong magpaayos dahil maraming mayayaman at gusto ko ako lang ang mapansin nila, wala ng iba pa dapat ako lang!

"Manang!"

Tawag ko sa matandang yaya dito. Wala akong pake sa mga pangalan nila. Basta mga peste lang sila. Yun ang alam ko.

"Ye-yes Ms. Lee?"

Tsk, ang bagal kumilos.

"Huwag kayong babagal-bagal kumilos! Bigyan nyo ako ng magandang dress na isusuot ko mamaya. Make sure magugustuhan ko yan."

Yumuko na ito at nagsalita ng "Yes Ms. Lee." kaya umalis na ito.

Ngayon naman ay kailangan ko ng magpaayos pero kakain muna ako.

Bumaba na ako at nakita ko silang nakahilera na sa lamesa at nakatayo. Good, mabuti ng mabibilis silang kumilos. Ayoko ng lampa, mabagal at lalamya-lamya dito.

"Where's the water? Kailangan kong maghugas ng kamay."

Nagsikilos naman sila. Yung iba inayos na ang makakain ko at yung iba naglilinis ng mansion. Yes, I have mansion. Anong akala nyo sakin mahirap ako? Duh, I have my own car, house, maids, butler, money and so on.

"Ano ba, ang babagal nyo!"

Peste ang tagal kukunin lang yung tubig umabot na ng syam-syam.

"Sorry Ms. Lee, ito na po."

Binabad ko na ang kamay ko sa tubig at ilang minuto pununasan ko na ito gamit ang tuwalya. Naglagay na rin ako para sa dibdib ko para hindi ako madumihan kapag kumain.

Nagsimula na akong kumain. Maraming handa dito. Malamang maiingit kayo sa sobrang dami at sarap ng mga nakahain dito. Tsk, wala kayo nito d'ba? Kawawa naman kayo.

Hayst, nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa...

Nasamid ata ako. "Gi-give me water...I said...GI-GIVE ME...WATER!" Nagpatuloy lang ang pag-ubo ko at sila naman mga nagpanic na.

Tsk, stupid idiots!

"Ito na po Ms. Lee."

Agad ko namang kinuha ang binigay nilang baso na may tubig sakin. Hanggang sa naging ok na ako.

"What the heck! Anong gusto nyo mamatay ako?! Sinabihan na kayo ang babagal nyo!"

Ano bang mga klaseng maid kinuha ni Mom dito sa Mansion. Mga walang kwenta! Sayang pinapasahod sa mga ito. Mga walang silbi!

"Kayong lahat, umalis nga kayo sa paningin ko...ano! Sabi ko alis!!"

Pero ang bibilis tumakbo kapag pinapaalis. Pesteng buhay 'to!

"Pft, ang agang init ng ulo mo babaita ka."

Biglang may boses babaeng sumulpot sa likod ko.

"Nakakainis, kumuha ka nga ng maayos na maid yung mabilis kumilos!"

"Oh chill lang, psh. Aalis tayo kaya dapat maayos ka. Oh ito may binili akong dress alam kong magugustuhan mo ito."

Pinakita nya sakin ang isang kulay red na dress, backless ito at off shoulder pa. Maganda ang pagkakagawa at ang tela nito. Kasama na rin sa design mukhang kalalabas lang nito.

"I love the style. Magaling ka talagang pumili kapag sa mga dress."

"Ms. Lee ito na po yung dress na..."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

"No, I don't like that! Just throw it. Ito na lang dala nya ang gagamitin ko...Ano hindi ka makaintindi ng english? Sabi ko ayoko n'yan!"

"Ye-yes Ms. Lee"

Minasahe ko na lang ang ulo ko dahil sa sobrang inis.

"Oh, ayan ka na naman. Sabing tama na, papanget ka na n'yan."

"No way, ako lang ang maganda dito wala ng iba.

"Oh sya kumain kana d'yan at aalis tayo para makapagpaayos ka. Dadalhin ko na lang yung dress sa car then sila Beks na bahala sa ibang susuotin mo. Ok?"

"Fine, after kong maligo na rin. Just wait."

Umalis na ito kaya kumain na ako.

XATANA'S POV

O.O

"Morpheus?"

"Xatana?"

Parehas kaming nagulat pero hindi ko pinahalata baka isipin nyang apektado parin ako ngayon.

Bakit s'ya nandito?! After so many years, bakit hanggang ngayon masakit parin?

Si Morpheus, s'ya ang dati kong Ex-Boyfriend. Nakakainis lang na hanggang ngayon naaalala ko yung panahon kung paano nya ako saktan at iparamdam na kaya nya akong palitan!

"Long time no see Xatana, musta ka na?"

Sasagutin ko ba o hahayaan ko na lang s'ya?

"Oh ikaw pala, sorry I need to go now. May pupuntahan lang ako."

Sabi ko naman at umalis na. Ayokong makita ang mukha nya. Sa dinami-raming lalaki na pwede kong makita bakit s'ya pa?!

"Hmm..."

May narinig akong boses galing sa kung saan. Balak kong hanapin kung na saan yun pero bahala na, mahirap kalabanin ang curiosity kaya hinanap ko kung na saan yun.

Sa hindi kalayuan, may nakita akong lalaki. Parang may kausap sa telepono at feeling ko naiinis sya.

"Naririnig kita Mom. Hindi ko sya kilala so why I need to find her? I'm not interested, ok? Bye, Mom."

Teka si Mr. CEO ito. Kausap nya Mommy nya? Wow, walang galang si Mr. CEO.

"Pft..."

Napalingon si Mr. CEO at nakita nya ako. Opss, narinig nya ba?

"Kanina ka pa dyan?"

Lumapit s'ya ng onti sakin. Humakbang naman ako tyaka nagsalita.

"Hindi naman gaano. Sorry kung nakikinig ako. Don't worry, last na sentences mo lang ang narinig ko."

Umiling naman ito ng parang matatawa pa.

"No need to say sorry. Anyway, why you're here? Dapat hindi ka lumabas. Ayaw mo ba sa loob?"

Yumuko ako at nagsalita. "Nope, may panahon lang na parang hindi ako bagay sa ganitong lugar. Maraming tao, hindi ako sanay."

Naglakad ito papunta sa labas. Nakasandal lang sya at nakatingin sa labas.

"Kailangan mong masanay. Hindi naman sa araw-araw ganito. May mga pagkakataon lang na sasama ka sa party kagaya nito."

Hmm ayoko lang na makita pa ulit ang lalaking yun. Siguro huli na yun para magpakatanga ako. Dapat kalimutan ang nakaraan at kasama s'ya sa nakaraan ko.

"Any problem, Xatana?"

Ngumiti ako at ipinakita sa kanya na maayos ako. "Wala Mr. CEO, uhm pasok na tayo sa loob. Baka hinahanap na nila tayo."

Hahakbang na sana ako ng magsalita sya.

"Stop calling me Mr. CEO, you can call me Granger."

At s'ya naman ang umalis. Ay, nakalimutan ko. Wala daw kami sa office kaya huwag na Mr. CEO itawag ko sa kanya bakit kasi nakalimutan ko.

Hayst, sinundan ko na lang sya at pumasok na kami sa loob.

AMETRINE'S POV

Nandito kami ngayon nila Van, Stel at Ria, naka upo. Si Stel nakauwi na and nalaman kong she's working na pala and ang cheap right? Dapat sila yung amo then now hindi na oh my gosh magiging ganun na rin ba ako? No way!

"Ame kailan ka pa nakarating dito at paano ka nakapunta dito?"

Nako girl tinanong ako ng pang tanga na tanong.

"Of course gumamit ako ng airplane you know? Duh, nawalan ba kayo ng memory to know that?"

Nakita kong kinuyom ni Stel ang kamay nito kaya alam kong nainis ito sakin.

"Oh no, ano na naman ba? I'm telling you. Don't sundok me ok? Nakakaawa ang beautiful kong face."

"Ahh beautiful face pala ha. Itong sayo!"

*pakkk*

"Oh...my...goshhh! Why did you slap my face, Stel! Huhuhu"

Ang sakit ng face ko huhu how dare you Stel, akala ko mag best friend kami huhuhu.

"Ako naiinis na ako sayo Ame ha baka gusto mong makatikim ka rin sakin?! Umayos ka nga, sinabi nya paanong nakapunta ka dito kung bantay sarado ka sa inyo. Ano yun tinakasan mo sila? Ganun ang tinutukoy nya!"

Aba malay ko ba, sana kasi nilinaw nila dba?

"Hayaan mo na Van. Ano ba talagang ginawa mo Ame, paanong nakapunta ka dito. Huwag mong sabihin na pinalayas ka?"

Natawa naman ako sa tanong ni Ria.

"Bakit ka tumatawa?"

Napangiti ako at tinitigan silang tatlo.

"Bakit ako palalayasin kung ako lang naman ang anak nila."

Nagulat naman silang tatlo sa sinabi ko. Haha hindi mo alam kung matatawa ka rin ba o hindi sa reaksyon nila haha.

O.O -Sila

^_^ -Me

"Kung ganun, hindi nila alam na nandito ka?"

Tumango naman ako sa tanong ni Ria.

"You know what, my Mom wants to give me that oh so called arrange marriage, so I don't know what to do and then after days she tell me that you all are missing."

Ako kasi ang unika-hija nila. Ako lang ang babaeng anak nila. So ako ang nag-iisang tagapagmana ng company namin and I hate that. Ayoko mag handle ng ganun and besides I'm not into business matters. Ayoko lang na sabihin nilang ipinabagsak ko ang company if I knew naman na hindi ko talaga kaya.

"Edi same lang rin pala ng situation tayong lahat? We all know, wala naman tayong ginagawang masama para bigyan tayo ng arrange marriage dba? And sa pagkakaalam ko kasi wala namang problema ang company nating lahat?" -Van

"Yeah, hindi rin naman tayo basta-basta na lang papayag. Duh, ayoko ng sila ang magdedesisyon lalo na sa love life ko like what the hell? Hindi naman sila ang pakakasalan duh." -Me

"Paano kung mahanap tayo? Paano kapag nalaman nila kung na saan tayo?" -Ria

"Hindi naman siguro, kasi nakapangalan naman kay Xatana ang house na ito. Wala ding alam sila Tita tungkol dito." -Stel

Napaisip ako sa sinabi ni Stel. Kay Xat ang mansion na ito? Paano nya naipagawa ito ng hindi alam nila Tita at Tito?

"As expected, they will find us. Look, naka post na sa social media lahat tungkol satin! Instagram, twitter, facebook, maging sa news and may nasa google na." -Van

"Wait let me see, ok?" -Me

"Sure, no problem." -Van

Ibinigay naman sa akin ni Van yung phone nya at tinignan ko kung anong nakasulat.

"Gosh oo nga, tignan nyo girls sa accounts nyo with tag pa nating lima! Kasama na ako?!" -Me

Agad nilang binuksan ang lahat ng cellphone nila at nagulat din sila sa nalaman nila.

"Paano na yan? Baka mag hire sila ng private investigator para sa atin?" -Ria

"Sana lang hindi nila malaman ang mansion na pinagawa ni Xatana. Kundi lagot tayo nito!" -Stel

Lahat kami na lungkot, kung mahahanap kami. Wala na kaming takas dahil kapag ganito. Hihigpitan na nila ang security para sa amin!

Ayoko pang magpakasal, gusto ko sa talagang mahal ko. Like paano ang future namin kung hindi naman namin love ang isa't-isa right? Tapos mag-aaway kami or worse saktan pa nya ako. Huhubels!

Magagalit naman sila Mom lalo na si Dad dahil gusto nya talaga yung family nung guy. Of course rich kaya yung guy, malaman rich kami kaya dapat rich din kunin nila.

Pero ayoko talaga ng kasal-kasal na yun, wahhhh!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height