The Power Of Love/C5 CHAPTER 5
+ Add to Library
The Power Of Love/C5 CHAPTER 5
+ Add to Library

C5 CHAPTER 5

ESTELLA'S POV

Saan na ba si Xatana? Kanina pa namin iniintay ang babaeng yun.

*toktok*

May narinig akong kumakatok sa pintuan at natatakot akong buksan yun. Baka sila Mom or Tita ang nasa labas. Haynako, baka naman si Xatana na? Bahala na...

Pumunta na ako at bubuksan ko na sana ang pintuan nang magsalita ang tatlong ito.

"Baka naman sila Mom na yan?" Nanginginig na sabi ni Ria.

"Baka naman si Xatana na. Ang OA nyo." Kalmadong ani nitong si Van.

"Baka yan na yung pina-order ko hehe." Nagulat kami sa sinabi ni Ame.

"PINA-ORDER MO?!" Sigaw naming lahat.

*toktok*

Ayan na naman...

"Hoy mga babaita kayo bakit ayaw nyong buksan ang pinto?!" Sigaw ng nasalabas.

"Xatana?!" Gulat na tanong naming tatlo nila Ria, Ame, at Ako.

"See? Mga OA lang talaga kayo." At umalis ito.

Hayst, binuksan ko na ang pinto at bumungad samin si Xatana na galit na galit.

"Ano bang iniisip nyo bakit ang tagal nyong buksan! Nagugutom na kaya a..."

"Hehe tama na yan Xatana. May niluto si Ria, kain na tayo?"

"Bakit nandito ka Ame?!" Halatang hindi alam ni Xatana na nandito ang makulit na babae.

"Uhm, kasi wala ako don? Hehehe."

Biglang nagbulungan kami sa sagot ni Ame.

'Ok, lagot na sya.' -Ria

'Hindi lagot, patay na yan. Tignan nyo mamaya hindi na lalabas yan.' -Van

'Sinabi mo pa. Ano iwan na natin yan?' -Me

'Oo, iwan na yan.' - Van

'Ayokong madamay sa gagawin ni Xatana. Sibat na tayo.' -Ria

Umalis na kami habang si Ame nanginginig na ang tuhod. Hindi na ata makagalaw yun. Hindi ako magugulat ganun talaga yun. Hirap banggain sa ugali nun simula ng nagbago sya.

Haynako, kawawang Ametrine.

XATANA'S POV

Ang ayoko sa lahat, pilosopo. Ayoko sa lahat, minamaldita ako. Ayoko sa lahat, ginagalit ako!

Kumuha ako ng pamalo. Saktong-sakto hanger, parang palo lang ng Nanay.

"Ame, na miss kita. Alam mo? Dahil dyan... HALIKA DITONG BABAITA KA!"

Sinugod ko naman ito at hinanda ang pamalo ko.

Humanda ka sakin Ame, peste na nga pagkakakita ko sa gunggong na lalaking yun sasali ka pa?!

"Halika dito!"

"Xa-xatana naman hehe jo-joke lang naman y-yun."

"Tumahimik ka! Kapag nahabol kita humanda ka sakin."

"Wahhhh Xatana wag yung beautiful face ko. O...My...Goshhh!"

"Wag mo'kong ma O.My.Gosh dyan!"

Hinabol ko sya ng hinabol. Pumupunta sya ng kusina, sa sofa, sa kwarto ng tatlo at nagtatago kung saan-saan.

"Hayaan mo na yang si Ame, sabi mo gutom kana kanina d'ba? Kain na muna tayo. Hayaang mong magtago yang si Ame ng hindi makakain. Kanina pa yan, pinepeste din kami."

Mga mukha nila parang may something.

-_- -Van & Stel

>_< -Ria

Galit ata yung dalawa? Pft, biktima din pala ni Ame ang dalawang to.

Osya, sige hindi na. Saan ba nagtago yun? I lock nyo-.-

"Akong bahala sa lock. Peste sya!" -Stel

Natawa naman ako. Haha, mukhang may iiyak ngayon.

"Sige na, doon na tayo at mag-ayos ng pagkain." -Ria

Pumunta na kaming kusina at inayos na ang pagkain na kakainin namin.

"May pumunta ditong lalaki, friend ata ni Ria yun." Panimula ni Van.

"Oh? Sino naman ang kawawang lalaki na iyon?" Pagbibiro ko.

"Grabe ka sakin Xatana!" Pag rereklamo ni Ria sakin.

"Haha bakit hindi ko nakita yun?" Pagsulpot ni Stel bigla.

"Ok na ba Stel?" Tinutukoy ko yung pagkulong kay Ame sa tinataguan nya.

"Haha oo naman, tignan mo sumisigaw na ang bruha." Tawang sabi nito.

"Wahhh buksan nyo to! Huhuhu girls buksan nyo naman, ayoko dito huhuhu!" Hagulgol ni Ame.

Hahaha, hinayaan namin sya. Buksan na lang namin after naming kumain.

AESTHERIA'S POV

Kawawang Ametrine, natapos na kaming kumain at si Xatana na ang nagbukas ng pinto sa kung saan nagtatago si Ame kanina.

Sabi namin may kailangan syang malaman. Tungkol sa pesteng arrange marriage na yun.

"Sorry na girls, hindi na mauulit. Huwag nyo na akong ikulong don huhu." Nangingiyak na sabi nito.

Haha bagay naman sayo yan.

"Nga pala Xatana, hindi ba tayo makikita nila Mom at Tita dito?" Seryosong tanong ni Van.

"Hindi, private mansion ko ito. No one knows about this." Sagot ni Xatana.

"Kung ganun, safe naman tayo kahit papaano." -Me

"Bakit, may problema ba?" -Xatana

"Sila Mommy and Tita nag post na sa mga social media tungkol sa atin. Twitter, Instagram, Facebook, pati sa YouTube, tapos sa Google pa at mas matindi nasa News na rin tayo. Balita na sa ibang lugar." -Stel

"Sino ba mga lalaking pakakasalan nyo dapat? Kilala nyo ba?" -Xatana

"Nope" -Lahat kami.

"Hmm...sakin hindi ko rin kilala kung sino. May ka-arrange marriage din ba si Ame?" -Xatana

"Yup, hindi ko love yung guy na yun and I'm dalaga pa. Gusto ko pa shopping then gusto nila akong magpakasal. No way!" -Ame.

"Dami mong sinabi." -Stel

"Huwag lang kayong basta-basta gagamit ng pangalan ng bawat isa sating lima. Mahirap ng ma-track nila tayo dito." -Xatana

Mahahanap kami gamit ang name namin?

"Sa paanong paraan?" -Me

"Aestheria, madali lang kung gagamitin nyo ang card na meron kayo. Maaaring ma track nila kung saan tayo bumibili ng kailangan natin." -Xatana

"Wait speaking of Card, may credit card tayo dba? Bakit hindi tayo tinatanggal ng pera sa card natin?" -Van

"Magandang tanong, Van. Hindi bakit kundi PAANONG hindi nila tayo tinatanggal ng pera. Ang credit card na meron kayo walang connection sa magulang natin. Ibig-sabihin, hindi nila maaaring ma-access ang card na mismong ako ang gumawa *wink* dahil ako lang makaka access dyan. Pwera lang kung sa tracking device nila Mom." -Xatana

Naalala ko, simula ng nagdalaga kaming lima si Xatana ang nagbigay ng credit card namin. Kasi sila Mom ayaw akong bigyan. Gusto nila na nakatutok ako sa pag-aaral ko noon. Ngayon na wala na kaming school. Si Xatana na ang nag provide ng credit card namin.

Ngayon ko lang naalala...

"Kaya pala..." Nagsitanguan na lang silang tatlo sa sinabi ni Xatana.

Matalino si Xatana, katulad ng Mom and Dad nito. May kanya-kanya kaming personality. Depende na lang kung anong tingin nyo sa bawat isa samin.

Sa pag-ibig lang sya hindi matalino. Inuuna nya ang puso nya kesa isipin ang gagawin nya. Maging ang strategy magaling ito hindi lang sa mga lalaking minahal nito.

Yes, mga lalaki. Simula ng bata si Xatana madami na syang naranasan sa buhay pag-ibig. Ayokong magmula sa akin. Kayo ng bahala mag-usisa kay Xatana. Wala ako sa posisyong pangunahan sya.

-Kinabukasan-

VANNESA'S POV

Hayst, may work na naman. Oras na para mag trabaho kami nila Ria, Xat, at Stel.

"Riaaaaaaaa!"

Sigaw ko dito sa babaitang 'to. Kanina pa sya nag-aayos sa sarili nya, napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa tagal nyang mag-ayos. Daig pa nya si Ametrine.

"Bakit ba Van!' Wag mo akong sigawan ang lapit lang ng kwarto ko sa kwarto mo!"

"Aba wag mo rin akong sigawan Ria baka nakakalimutan mong kanina pa tayo late! Lagot ka sa boss mo-.-"

"Kahit kailan talaga sobrang mean mo!"

"Wala akong magagawa kasi ang kulit nyo!"

"HOY MANAHIMIK KAYO, MARAMI PANG NATUTULOG MGA BAKLANG TO-_-!"

Natigilan kami sa pagsigaw ni Xatana. Oh no. Nagising bigla yung dragon haha.

"Why so ingay kasi? Like you make some lakas ng boses to the point na parang may gera."

"Ikaw Ametrine bawasan mo pagka conyo mo nakakairita, grrr."

Haynako sila naman ang umingay. Makapag ayos na nga at lalayas na'ko este aalis na'ko sa bahay na'to.

"Saan ka pupunta Vannesa? Lalayasan mo na kami? Iiwan mo na ba kami?"

Ang OA ni Estella, pwedeng artista talaga 'to.

"Tsk! 'Di ako lalayas, may trabaho kami."

Napakamot naman ng ulo si Estella.

"Ay oo nga pala hehehe. Sige ingat."

Napailing na lang ako.

"Sige na alis na kami ni Vannesa. Bibili na lang kami para mamayang pagkauwi may makain tayo." Sabi ni Aestheria

"I want to kain-kain ice cream ha! Don't kalimutan that!"

Napasapo na lang kaming lahat sa noo namin. Parang awa mo na Ametrine nakakabulol ka!-_-

Umalis na nga kami ni Aestheria. Kailangan pa naming sumakay ng kotse para makarating doon.

Hindi ko pala nasabi sa inyo. May kanya-kanyang business ang parents namin.

Ipapakilala ko si Xatana Lockwood sa inyo, s'ya ang babaeng sobrang suplada, mainitin ang ulo at magulo kausap. I mean sya yung moody ganun. May-ari sila ng Company. Sa pagkakaalala ko sa Modeling sya.

Si Estella Diaz at si Aestheria Diaz naman, magkapatid sila. Oo, tama kayo. May kapatid pa silang isang babae kaso nga lang hindi sila masyadong closed dahil sa favorite ng Mom nila ang Ate nilang si Kylie Malfoy Diaz. Ewan ko ba bakit may Malfoy ang isa sa kapatid nila pero alam ko kasi sa ibang Ina naman yun kaya magkaiba sila.

Sa kanilang tatlo si Estella yung mabait, humble at matulungin. Kahit na sigawan mo yan ok lang sa kanya. Masyadong mabait hindi ako sanay. Magkaiba naman sila ni Aestheria, seryosong babae yun tapos mabait at minsan childish alam nyo yung nakaraan na pumunta si Zamora dito? Haynako parang bata, kinilig lang yan haha.

Ang dalawang yan magkahiwalay sa gusto. Si Aestheria hilig sa pagkain, baking, sa beverages, sa pagluluto at iba pa. Si Estella naman mahilig sa mga bata, gusto nyang magkaroon ng company for kids or as a teacher.

Si Ametrine Lee naman isa sa makulit, pasaway, mabait naman, maunawain pero minsan lang kung sumipag. Ang company naman nila ay nasa transportation.

Hmm sa akin? Haynako walang interesting sa buhay ko. Minsan maingay, minsan naman tahimik. Minsan adviser nila sa problems nila at higit sa lahat pikunin at mabait naman ako kahit papaano. About company namin? Ayoko sa gusto nilang ibigay sakin. Company namin selling products. Wala akong pake dun, gusto ko for environment-.-

"Vannesa! Wohhhoooo! Kanina pa tayo dito saang world ka napadpad ha?"

"Wala ka ng pake dun Ria. Halika na nga."

Hinayaan ko na sya at nandito na kami sa work namin. Si Aestheria kasama nya pala yung Zamora kasi yun ang tinuturuan nya. Yun ang Boss nya pero sakin? Tsk, nakakabwiset na boss.

"Hey Baby!"

Sigaw ng isang lalaki, mukhang si Zamora na yan.

Agad na nagtago sa likuran ko ang babaitang ito. Nako naman.

"Tsk, magsimula na kayo."

Yan naman ang lalaking boss ko. Masyadong seryoso sarap sikmuraan nako, nako, nakakagigil!

"Kalma lang Vannesa ang puso mo."

Nako Ria Kung pwede lang pasabugin ang mukha ng lalaking ito kanina ko pa...ay mali, nakaraan ko ng dapat ginawa!

"Baby, hindi moko pinapansin haha!" -Zamora

"Wag mokong ma baby-baby dyan 'di moko anak!" -Aestheria

"Yeah you're not but for me, ang baby is kailangan kong alagaan at protektahan. Right Cooper?" -Zamora

"Tsk, wag mo akong kausapin." -Cooper

"May dalaw ka na naman dude? Haha!" -Zamora

Pft dalaw means regla? Napatakip naman ako sa bibig ko.

"Hahaha! Ops, sorry." -Me

"Argh, leave me alone Zam!" -Cooper

Haha nagalit, umalis na ang mokong.

"Leave me alone, leave me alone ka dyan! Huwag mo akong sungitan! Porke crush mo si Vannesa tsk, torpe!" -Zamora

Hindi ko alam huling sinabi ni Zamora.

"Hey baby 'wag mo naman akong iwan!" Sus mukhang isip bata ang Zamora na ito o makulit lang talaga.

Makabalik na nga sa work...

-Fastforward-

"Yes Sir...Sige po ihahatid ko na dyan ang papers...Yes Sir...Mga 5 mins nandyan na ako...copy Sir...bye."

Tumawag kasi yung kausap ni Mr. Zamora, ang sabi kasi papuntahin ko doon yung papers. Dapat ako daw, haynako.

Naglakad na ako para ihatid sana yung papeles kaso nakasalubong ko si Mr. Cooper.

"What's that?"

"Papers Sir."

"Tsk, for what?"

"For Mr. Hunt Sir."

Inilahad naman nito ang kamay nya.

"Give me that..."

"No Sir, ako daw magbibigay sabi ni Mr. Hunt."

"Then I'm your boss, huwag kang makulit."

Tsk ganun? Porke boss dapat s'ya masunod? Baka awayin ako ni Mr. Hunt kapag iba nagbigay sa kanya ng papeles.

Biglang kinuha sakin ni Mr. Cooper ang mga papel at nagulat ako dun. Shocks, muntik ng mapunit!

At ayun, bigla akong iniwan dito. Like what happened? Grabe, anyare dun?

So weird ha.

"Mr. Cooper? Mr. Cooper? Pumunta ka dito lalaking may dalaw! Dali!"

Dinig na dinig ko ang boses ni Mr. Zamora sa may speaker ah, haha gandang tawag naman dun. Ay teka, paano yan umalis nga pala sya. Ako na lang magsabi.

Pumunta ako ng office nilang dalawa. Sa office nila Mr. Zamora at Mr. Cooper.

"Bakit nandito ka? Hanap mo ba boss mo?"

"Uhm hindi, kasi alam kong wala naman sya dito sa building. Kaya nga gusto kong sabihin na hindi s'ya darating dito."

"At na saan ang lalaking may dalaw na yun?"

"Uhm pumunta s'ya kay Mr. Hunt, sya na lang daw magbibigay nung papers."

"Hahaha! Ayaw n'yang ipagsabi, nako dude."

Ok anong ibig nyang sabihin?

"Ayy sige haha makakaalis kana."

Umalis na ako pero ayun pa rin sya. Tawa ng tawa, baliw na ba yun?

Balik na nga lang ako sa work ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height