C7 Chapter 7
"ANO 'yan? Basahan?" tanong ni Anastasia sa akin habang nakataas ang kilay nito.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang baba, tila hinuhusgahan ang suot at itsura ko. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit tinawag niyang basahan ang damit ko dahil sobrang simple lang nito.
Ang suot niya ay isang lila na gown na hanggang talampakan ang haba. Maganda si Anastasia