C8 Chapter 8
TUMAYO ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa biglaang pagsulpot ng tao na iyon. Hindi ko alam kung bakit. . . pero nakaramdam ako ng kakaibang takot. Hindi ko rin napansin na napigil ko na ang hininga ko.
"S-Sino ka?" nauutal na tanong ko. Nanginginig man ang mga tuhod ay nilakasan ko ang loob ko at nilingon siya
