C144 Chapter 144: Finding Traces -1
HINDI agad siya makasagot sa sinabi nito. Alam niyang tama ang lahat ng sinabi nito laban sa kanya.
"Samahan mo ako bukas hahanapin natin ang asawa ko,"
"Oo na. Takot ko lang sayo. Pero ngayon pa lang isipin mo na kung paano ka makikiusap doon. Saka tandaan mo, galit si Tita Shantal kay Ivana. Dumagdag pa ang paglilihim ninyo ng Daddy mo, lalong sisiklab ang galit non," paalala nito sa kanya
