C48 Chapter 48: He Can’t Let Her Go
Lumipas ang ilang sandali at hindi umiimik si Brielle. Nabigla siya sa naging reaksyon niya at nasaktan niya ulit si Ivana. Dala ng labis na selos at galit, muli na namang humulagpos ang damdamin niya. Tumayo si Ivana at hindi siya tinitingnan, naglakad siya patungo sa banyo at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob niya hanggang sa mapagod siya
