C81 Chapter 81: Drunkard Denise
AGAD na pinara ni Ivana ang dumaan na taxi sa kinatatayuan niya. Mabigat ang loob na sumakay siya rito at mabilis na sinabi sa taxi driver ang address ng condominium niya. Matapos bumaba nanlulumong naglakad siya papasok ng unit. Sumalampak siya ng upo sa sofa ng living room at hinayaang muling umagos ang masaganang luha.
Naalala niya ang cellphone. Mabilis na inilabas ito mula sa purse
