C89 Chapter 89: Brielle’s Anger
WALANG sapat na salitang lumabas sa bibig ni Harold ng marinig ang sinabi ng boss niya. Alam niyang may punto ang sinabi nito. Kitang-kita niya sa mukha ni Brielle ang sakit na nararamdaman ng tumingin siyang muli rito. Pigil nito ang damdamin at tila bigla itong tumanda ng ilang taon sa paningin niya
