C95 Chapter 95: Telling His Father About His Problem
PAGDATING sa terrace agad na pinindot ni Brent ang answer button.
“Brielle?!” aniya.
Mahabang katahimikan ang sumalubong kay Brent. Walang salitang namutawi sa bibig ni Brielle ng marinig ang boses ng ama. Kahit gusto niyang ilihim dito ang nangyari sa kanila ni Ivana, wala siyang ibang matakbuhan kundi ito lang.
“Brielle, say it! Dad is listening to you
