C1 CHAPTER 1

Ciara's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata.

'Teka na saan ako ngayon?'

Yun na lamang ang nasabi ko. Na saan ako ngayon at anong ginagawa ko dito?

Tumayo na ako at pinakatitigan ang kwarto kung na saan ako. Tama, nasa kwarto ako pero kaninong kwarto ito?

Ginala ko ang aking mga mata sa kwartong ito at may mga bagay na nakikita akong pang babae.

Babae ang may-ari ng kwartong ito?

Patuloy lang ako sa paglibot sa kwarto ng bigla akong nagutom. Teka, diba pinalayas ako ni Azeleah? So ibang kwarto talaga 'to. Lumabas ako ng kwarto at may mga nakitang maids na kung anu-ano ang ginagawa.

"Hala Iha, magpahinga ka muna sa kwarto at baka kung anong mangyare sa iyo."

Pag-aalalang sabi nito sa akin, nakakahiya naman, sila ba yung nag-alaga sakin?

"Hala sorry po, sorry nakakaistorbo ata ako sa inyo. Sorry po, uhm aalis na po ako dito. Ok na po ako, maraming salamat sa pag-aalaga n'yo po sa akin, utang na loob ko po sa inyo ang lahat. Nakakahiya naman po sa inyo, aalis na po ako. Salamat po."

Bumaba na ako ng hagdan kasi nasa second floor pala yung kwarto, jusmiyoooo! Nasa baba na ako at nakikita kong lahat ng maids na pumunta sa akin ay gumawa ng daan para ipakita kung na saan ang pinto.

"Manang, don't let her go. Walang aalis dito."

Bigla naman akong natigilan sa boses na iyon. Lumingon ako kung na saan siya at nang makita ko.

Ahhhh jusmeeee ang gwafuuu. Yung ang gwapo nya. Ang laki ng katawan at saktong-sakto sa kanya yung naka sando lang. Ahhhh, bakit may gwapooo dito?!

Haynako Ara, 'wag kang malandi nakakita lang ng gwapo eh. Kaso totoo naman hahaha.

"Done starring at me?"

Napatingin ako sa ibang lugar na akala mo may hinahanap. Baka mamaya tumutulo na pala laway ko.

"Young Master, gusto raw niyang umalis."

Hala ka young master daw? Kung sabagay mukha naman talaga siyang young. Pero mga ilang taon na kaya siya?

"Is she alright?" Tanong n'ya kay Manang.

"Yes, Young Master. Pero may mga kailangan pa siya dahil sa sobrang panghihina niya ay dapat na mabawi niya iyon."

Panghihina? Ok naman ang katawan ko ah. Tyaka sa nangyare lang yun nung pinalayas ako ni Azeleah sa bahay nila. Ang hirap lang isipin na ganun ang sabihin sa'kin ni Azeleah...na yun ang tingin nya sa'kin.

"Ok, then cook her breakfast." Bigla naman akong nagsalita sa sinabi n'ya.

"No need na, kaya ko naman sarili ko. Nakakaabala na ako sa inyo."

Hayst, bakit naman kasi napabayaan ko sarili ko sa oras na 'yun. Nakakalungkot naman kasi na ipagtabuyan ka ng dahil sa maling paniniwala.

"Manang, pakibigay na lang 'yan mamaya."

"Masusunod po Young Master."

Young Master talaga?

Umalis na si Manang dito at ginawa yung pinapasabi nung lalaki na ito.

"You, sleepy head, follow me."

Huh? May natutulog na ulo dito? Teka ang creepy naman no'n.

"Ano? Sinong sleepy head?"

Nakakatakot kaya, paano kaya kung pugot ulo pala 'no? Hala, 'wag yun!

"Psh, slow. It's you."

Abat inirapan ako? Bakla ba ang isang 'to? Hala 'di sya guwapo, maganda pala hahaha.

"Huy, ano ba! Bakit mo ako iniwan, aiyst!"

Grabe s'ya iniwan ba naman ako? Ang sama pala ng ugali nito, haynako 'wag na nga magreklamo sabi nya follow edi follow.

Matapos ang paglalakad namin ay este pagsunod ko sa kanya nakarating na kami sa hindi ko alam pero baka office n'ya?

Pumasok na sya sa loob at sumunod naman ako sa loob.

Wow, ang ganda dito sa loob. Maraming books at malaki ang space dito, tapos mahaba at malaki rin ang lamesa at upuan dito. Siguro sala at pagkainan ang dalawang ito.

"This is my Office."

Ohh sabi na diba, office n'ya nga hahaha.

"I have dinning area, kitchen area, restroom etc. Hmmm anyway, what's your name?"

Hala pangalan ko? Teka baka maniningil s'ya sakin sa pagtulong nila sa akin?

"Uhm ako nga pala si Ciara Ramirez Allizalde or Ara para maikli na lang o pwede namang Cia. Sorry sa istorbo, salamat sa mga maids mo sa pag-aalaga nila sa'kin." Mabuti may mga mabubuting puso sa panahon ngayon.

"Hmm no need to say thank you."

Pero magpapasalamat parin ako kasi tinulungan nila ako. Tiyaka siya rin dahil sa pagpapatuloy niya sa'kin para matulungan nila ako.

"Ahh oo nga, kung may magagawa lang sana akong paraan para makabawi. Hindi naman kasi matutumbasan ng thank you ang pagtulong nila sakin."

Dapat yung kaya ko lang hahaha.

"Young Master, ito na po yung pagkain."

Si Manang pala yung nagsalita. Siguro mas maganda magpasalamat ulit ako sa kanila.

"Manang, maraming salamat po sa tulong n'yo sakin, sa pag-aalaga n'yo sa akin."

"Huwag ka samin magpasalamat. Kay Young Master ka mag thank you. S'ya ang nagbantay, nag-alaga at tumulong sa iyo ng nahimatay ka sa kalsada."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Manang sa'kin.

"A-ano po?!"

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na walang expression ang mukha na nakatingin din sa akin.

"Hala sorry, akala ko kasi kayo Manang ang nag-alaga sakin." Paghingi ko ng tawad. Humarap naman ako sa lalaki. "Uhm, ma-maraming salamat sa iyo."

Nahihiyang sabi ko, grabe akala ko mga yaya nya kasi hindi ko naman aakalaing siya yun. Sa ganyang kayaman. Mag sasayang pa ba sya ng oras para sakin d'ba? DIBA? Wahhh, nakakahiya!

"Hahaha sige na iha, aalis na ako. Young Master, nakahain na ang mga pagkain sa baba."

"Thank you Manang. You may go now."

Umalis na si Manang pero ang tahimik namin. Ayokong magsalita kasi nakakahiya. Puro bukam bibig ko pa naman yung mga maids.

Pero bahala na nga, kesa naman nakakaboring dba?

"After breakfast you can go home."

Seryosong sabi nito pero doon ako natigilan sa sinabi nya.

"Why? Any problem?"

Sasabihin ko ba? Sabihin ko na nga.

"Wa-wala na kasi akong mauuwian. Pinalayas ako nila Tita sa bahay...pe-pero ok lang ayoko namang maging pabigat sa inyo."

Sabi ko tiyaka umalis na doon at hinanap kung na saan ang dinning area para makakain na. Nagugutom na talaga kasi ako.

"After nito Ara, magiging palaboy kana. Hayst, bahala na. Kung saan man ako mapunta."

Hmmm sarap ng pagkain ah. Ang daming nakahanda. Pagkababa ko parang piyesta yung mga pagkain sa sobrang dami. Talagang babawi ako ng lakas ngayon sa dami nito, ewan ko na lang kung hindi pa ako lumakas.

"Ahh Iha, bakit nasa kalsada ka at ang katawan mo sobrang drain. Wala kang kalakas-lakas. Buti no'ng nakita ka ni Young Master naipasok kana n'ya sa kotse. Paulan na kaya yun, buti rin at kasama ako nun."

Nag-aalala talaga si Manang sa'kin. Tinignan ko naman itong lalaking ito at tahimik lang na kumakain. Hindi siya gaanong masalitain. Ang tahimik niya pa kanina, tapos magsasalita lang kapag may sasabihin s'ya.

"Uhm kasi po Manang, nasa tirahan po ako ng Tita ko. Hindi ko po alam kung sinong mga magulang ko. Si Tita po ang nag-ampon sa akin kaso iba nila ako kung tratuhin. Parang basura lang sa bahay nila. Pinalayas ako ng anak nila na si Azeleah. Hindi ko alam pero nilandi ko daw boyfriend nya pe-pero! Hi-hindi naman talaga. Kaibigan ko silang dalawa kaya hindi ako gagawa ng kung anong makakasira sa kanila at sa akin."

Hindi ko maiwasang maluha sa naalala ko. Nami-miss din kaya nila ako? Haynako Ara, 'wag ka na mag isip ng ganun. Baka nga masaya pa sila dahil dun.

"Grabe naman sila sayo, wala kang matitirhan ngayon iha?"

Kumain na lang ako ng kumain. Tumango ako sa tinanong ni Manang, simula no'n tumahimik na si Manang.

Ilang minuto lang nagsalita yung lalaki at tumayo.

"I'm done eating. Excuse me."

Tumayo na ito at umalis.

"Young Master, sa kabila po ang daan papuntang restroom."

Nagulat naman s'ya sa sinabi ni Manang.

Palihim akong natawa, lutang? Namali pa ata ng daan.

"Ahh ok, thank you Manang."

Hmm parang may problema ah. Iba ang kutob ko sa kinikilos n'ya.

Nag iba na s'ya ng ruta at habang naglalakad s'ya. May napapansin ako. Tama nga ang nasa isip ko may mali. Tumayo ako at pumunta ako kung na saan s'ya.

"Sir----"

"Iha----"

Naputol ang sasabihin namin ni Manang ng biglang bumagsak sa sahig ang lalaki.

"Young Master!"

"Mister!"

Tumakbo agad ako sa kung saan nakahiga na s'ya sa sahig. Ipinatong ko ang aking kamay sa noo nya.

Shocks tama nga ako, masama pakiramdam nya!

"Manang! Pakuha ng tubig palagay sa palanggana at pahiram ng bimpo! Yung tubig po palagyan ng suka!"

Sabi ko agad, grabe ang taas ng lagnat n'ya!

"Gawin n'yo na pinapautos ni Ara, dali!!!"

Tarantang sigaw ni Manang sa mga katulong.

"Manang patulong po, saan po ang kwarto nya?"

"Ahh dito Iha, sige tulungan kita."

Inalalayan namin yung lalaki sa kwarto n'ya. Grabe ang bigat nyaaa! Ilang kilo kaya siya? Haynako saka na 'yan, kailangan n'yang magpagaling.

"Ito iha ang kwarto n'ya. Kukuha lang ako ng susi ni Young Master."

"Sige po Manang, salamat po."

Bumaba na si Manang at ako inaalalayan parin s'ya. Hayst, kung nilalagnat s'ya maaaring sumama ang pakiramdam n'ya nung niligtas n'ya ako. Paulan na daw no'n. Siguro umulan na nung tinulungan n'ya ako. Jusme, kasalanan ko ito!

"Ito Iha oh, teka bubuksan ko lang yung pinto."

Binuksan ni Manang ang pinto tyaka ako pumasok kasama si Manang at tinulungan ako. Pinahiga namin s'ya sa kama n'ya at inalalayan sa higaan nya. Wohhh, ang bigat nyaaa!

"Eto na po ang tubig na may bimpo at may suka na rin. Bababa na po kami."

Iniwan ng maid ang pinapasabi ko sa lamesa na katabi lang ng kama nito.

"Sige iha, ikaw muna rito at aayusin ko lang ang pinagkainan kanina."

"Ahh, sige po Manang."

"Maraming salamat Iha, paki-alagaan ang alaga ko."

"Masusunod po Manang."

Tumango naman s'ya at umalis na para bumaba. Kumuha ako ng bimpo at binasa ko ito. Inamoy ko ang tubig, tama may suka nga. Pwede kasing mabawasan ang init n'ya sa tubig na may suka. Piniga ko na yung bimpo at inilapat sa noo nito.

"Sa ngayon, ako muna nurse mo. Hanggat hindi ka nakaka-recover. Kapag ok kana, aalis na ako. Para ito sa utang na loob ko sayo. Sa pagtulong mo sakin."

*Kinabukasan*

"Araaaaa!"

"Po, Nanay Fe?"

"Anak, pakidala nga ito kay Ate Maria mo! Nagpapa delivery kasi s'ya ng spaghetti, kakanin at itong bilo-bilo. Sinabi ko ng ikaw ang magbibigay sa kanya para kilala n'ya pagkukuhanan n'ya." Tumango naman ako sa sinabi ni Nanay Fe.

Nga pala, si Nanay Fe s'ya ang amo ko. Oo nag apply akong mag trabaho kay Nanay Fe, kasi naman wala akong bahay na matutuluyan at pera na maiibigay mabuti na lang at mabuti ang puso ni Nanay Fe.

Sa ngayon, naka tatlong linggo na ako kay Nanay Fe na tumutulong sa kanya. Alam ko nag-iisip kayo tungkol sa lalaking tumulong sa akin noon, nung nahimatay ako.

Sasabihin ko sa inyo ang nangyare...

*Flashback*

Tatlong araw na ang nakakalipas ng lagnatin s'ya, yung lalaking tumulong sa akin.

"Hayst, kailan ka kaya magiging ok?"

"Illeana..."

Nagulat ako ng magsalita ang lalaki, nasa kwarto lang kami. Oo kami talaga, inaalagaan ko kasi s'ya ngayon, sila Manang kasi busy dito sa Mansion kaya ako muna nag-aalaga.

"Mister, may nararamdaman ka bang iba?"

"Illeana..."

Mahina ang boses nito at puro siya Illeana ng Illeana tapos bigla na lang pumasok si Manang.

"Iha, maaari ba kitang makausap?"

"Sige po Manang."

"Sa labas tayo."

Lumabas si Manang kaya sumunod na ako, nang makalabas na kami ay may sinabi s'ya sa akin.

"Iha, maaari ka ng makauwi. May nakausap na akong makakatulong sa iyo magkaroon ng bahay at pera. Ibibigay ko ang address ng tutulong sa iyo, ito oh."

May ibinigay sa akin si Manang na papel at may nakalagay na pangalan at address.

"Talaga po Manang? Wahhhh, salamat po Manang. Maraming Salamat po!"

"Walang anuman Iha, sige na at umuwi kana sa bago mong tutuluyan. May kinuha na kaming mag-aalaga kay Young Master."

"Ku-kung ganon po. Sige, uhmm a-aalis na po ako. Maraming salamat po Manang. Pasabi na rin po maraming salamat sa kaniya."

"Sige, sasabihin ko 'yan."

Tumango na lang ako, bumaba ako sa hagdag para umalis na.

'Maraming salamat sa inyo. Kahit ilang araw lang na nandito ako'

Sabi ko na lang sa isipan ko at patuloy na ngang umalis sa mansion na iyon.

*End of Flashback*

"Ate Maria, nandito na po yung pinapadeliver mo!"

Biglang may narinig akong pagbukas ng pinto. Nasa gate lang ako ngayon kaya sumisigaw ako kanina.

"Ayun, salamat Ara! Nagugutom na kasi sila Zefira eh. Haynako, sige na bye na at babalik na ako sa loob ha. Salamat ulit, ito yung bayad oh."

Inabot n'ya sa'kin yung pera kaya umalis na rin ako. After 30 minutes nakarating na ako rito.

"Nanay Feeeee! Nandito na po ako!"

"Ohh Ara nandito kana pala, may naghahanap sayong lala---"

"Nice to meeting you again."

Yung bo-boses na yun, parang ki-kilala ko yun ah. Tumingin ako kung na saan ang boses ng lalaki na narinig ko kanina at nang tuluyan ko ng makita kung sino ito ay natigilan ako...

"I-IKAW????"

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height