The Stay-In Tutor/C8 CHAPTER 8
+ Add to Library
The Stay-In Tutor/C8 CHAPTER 8
+ Add to Library

C8 CHAPTER 8

Nang magsimula na ang pagsasalo-salo sa pagkain ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito.

"Safirah, sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence.

"Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya.

"Oh, okay. By the way, have you seen Terence? I haven't noticed him since lunchtime."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina.

"He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan.

"Ganun ba?"

"Yes, Tita. Pabalik na rin sila."

Tumango na lamang si Mrs. Villanueva at umalis na ito.

Lumapit sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.

Bumulong ito sa kanya. "They continue their argument outside the camp. Believe me, you'll see one of them with busted lips."

Napanganga siya sa sinabi nito. "W-what? How?"

"Relax, Safirah. It's normal among men to argue about a beautiful woman like you by throwing punches at each other."

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinasabi nito. Gusto niyang umalis sa mga oras na iyon at puntahan kung saan man ito naroroon pero pinigilan siya ni Amanda sa braso.

"I have to stop them, Amanda."

Nagkibit ito ng balikat. "They already have. They'll be here any moment."

Nagsisimula nang dumilim ang paligid ay hindi pa rin niya nakikita si Terence. Isa pa sa kinaiinis niya sa mga oras na iyon ay kung bakit nakakaramdam siya ng pag-aalala sa isang lalaki. Gusto niyang sisihin ang kanyang sarili sa nangyayari. Bakit kailangan siyang pag awayan ng mga lalaki? Ano bang meron sa kanya?

Para hindi siya mag isip ng kung anu-ano ay minabuti niyang tumulong na lamang na magligpit ng ilang kalat nang sa ganoon ay matuon sa ibang bagay ang atensyon niya. Habang pinupulot niya ang ilang disposable cup ay may kung anong presensya siyang naramdaman sa kanyang likuran. Muntik pa siyang mapasigaw nang makita niya ang lasing na anyo ni Terence habang nakatayo ito at nakatunghay sa kanya.

Dahan-dahan niya itong nilapitan. "Terence."

Hindi ito umimik.

"Anong nangyari? Sabi ni Am-"

"Nothing to worry about. I just need some time to release my anger."

"P-pero"

"Jasper wants to apologize to you," anito sa malamig ngunit galit na boses. "I know you'll not forgive him and so do I."

"Look, Terence. I want to say thank you for defending me against him, but it's not going to be resolved by hurting another person."

"It's because you don't deserve to be disrespected by anyone. Even if that anyone happens to be my cousin or any family member."

Marahang natawa si Safirah. "Should I be flattered or something?"

"Up to you."

Naguguluhan na talaga siya sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang sumigaw at sampalin ang sarili para magising siya.

"Where is he?"

Ngumisi ito sa tanong niya. "You're asking me now where is that moron? Well, I send him home. I don't want to see his face here. I don't want to be associated with people who are trying to take what's already mine."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Safirah. "What's that supposed to mean?"

"Safirah!"

Napalingon siya sa kung sinong tumawag sa kanya. Nakita niyang palapit si Nina sa kanya.

"Oh, did I interrupt something?"

Tumingin sandali si Safirah kay Terence at bumaling muli kay Nina. "Not at all, Nina. What's wrong?"

"Gusto ka sana namin yayain sa night swimming mamaya kasama ang ilan naming relatives. Gusto ka nila makilala kanina pa. Don't worry, hot spring ang pupuntahan natin kaya hindi ka giginawin at malapit lang iyon rito. Kaunting lakaran lang iyon. Ano, game?"

"Ha? Ah-"

"Go ahead. Join them. I'll tell my men to guard the tent while Coleen is sleeping," sabat ni Terence.

"Pleeeeease," pagmamakaawa ni Nina.

"Okay, sure."

"Yes! That's great. Everyone is dying to meet you. They are mesmerized by your beauty."

Not again.

"Dying to meet me? Why? Am I some kind of God, celebrity, or something? Why is everyone so curious about me? I'm just simply a nanny. I don't get it."

"Believe me. I don't get it either. Anyway, see you later. Adults are waiting for the kids to sleep. Wear something sexy."

"Sexy?"

"See ya! Bye!"

"Nina, wait!"

Agad itong nawala sa paningin niya.

"My cousins seem to like you, huh."

Muli niyang hinarap si Terence. "Do you need something for the hangover and a med kit for the busted eyebrow?"

Huminga ito ng malalim. "Yes, please."

Iniwan niya ito para kumuha ng first aid kit at nagluto rin siya ng instant corn soup. Pagkatapos ng ilang minuto ay binalikan niya ito. Napatigil siya nang makita niya itong nakahiga sa isang folding bed habang nakapikit.

"Terence?"

"Mmm?" pilit nitong minulat ang mga mata. Nang makita siya nito ay sinubukan nitong umupo ng maayos.

"Take this. Be careful, it's still hot," aniya at kinuha nito sa kamay niya ang isang tasa ng corn soup. Agad nito iyong hinigop. Hindi man lang alintana rito ang init ng sabaw.

"Thank you," malamig nitong saad.

Tumango lamang siya bilang sagot. Sunod niyang pinagtuunan ng pansin ang sugat nito sa gilid ng kilay nito. Maliban doon ay wala na itong ibang galos sa mukha. Kailangan niyang linisan ang natuyong dugo sa gilid ng mata nito. Kinuha niya ang isang basang tela at lumapit kay Terence.

Ininda niya ang nararamdamang kaba ng mga oras na iyon. "Just lay your head back and relax. It'll be quick."

Sumunod ito sa kanya. Pumikit ito at hinintay siyang linisan niya ang sugat nito. Marahan naman niyang dinampian ang sugat nito.

Hindi niya alam kung ilang beses siyang lumunok sa sobrang kaba nang lumapat ang kamay niya sa mukha nito. Iyon ang unang pagkakataon na mamasdan ang gwapong mukha nito ng malapitan. Mabuti na lamang ay nakapikit ito kaya hindi nito nakikita ang pagkailang niya o di kaya ang pamumula ng kanyang mukha.

Sunod niyang nilagyan ng betadine ang sugat nito hanggang sa hindi niya namalayang madiin pala ang pagkakadampi niya dahilan para masaktan ito at muling dumilat ng mga mata.

"Argh."

Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya nang magtama ang kanilang mga mata. Lalo siyang hindi makagalaw sa pagkakayuko rito ng tila manigas ang buo niyang katawan dahil sa titig nito sa kanya. Doon niya lang nakita kung gaano kaganda ang mga mata nito at kung gaano kahaba ang pilik-mata nito.

"I'm so sorry."

"Your hand is shaking," anito.

Doon lamang siya natauhan nang magsalita ito. Agad siyang lumayo rito at kunwari ay may hinahanap sa med kit para hindi nito makita ang namumula niyang mga pisngi.

"If Coleen is already in bed, you can join others to go on a night swimming. Don't worry, they're nice people."

Hindi siya agad nakasagot.

Tumayo ito at muling humigop ng corn soup at inubos iyon bago nito ininom ang pain reliever tablet at tubig. "Thank you for the soup and meds. I'll rest now and sleep. Take your time and enjoy yourself out there."

Napabuga siya ng hangin nang mawala na ito sa paningin niya. Tila naibsan ang nararamdaman niyang kaba at hiya kanina. Napakamot siya ng ulo.

============

"AKALA namin hindi ka na sasama," ani Nina nang makita siya nito na palapit sa kanila.

Ngumisi si Safirah. "Actually, nagdadalawang isip ako pero tinuloy ko na kasi bihira lang naman ito. Salamat sa pag imbita."

"You're welcome. Halika, ipapakilala kita sa kanila."

Hinila siya nito at nagpatianod naman siya. Isa-isa nitong pinakilala sa kanya ang iba nila kaanak at ilang kaibigan ng mga ito. Lahat ay pare-pareho lang ang sinasabi, na maganda siya. Sa dami ng binanggit na pangalan ay ni isa ay wala siyang natandaan. Panay ngiti lang siya at tanggap sa pakikipagkamay ng mga ito.

Ilang sandali pa ay sinimulan nilang lakarin ang papunta sa isang talon. Mabuti na lang ay hindi masukal ang daan kaya hindi sila nahirapan. Mayroon pa namang mga poste sa gilid ng daan kaya hindi naman madilim ang buong paligid.

Nang makarating sila ay namangha silang lahat sa ganda ng lugar.

"Oh, how I love night swimming under the moonlight," ani Amanda habang nakatayo ito sa tabi ni Safirah. Agad nitong hinubad ang damit, naiwan lang rito ang one-piece swimsuit nito. Ganoon rin si Nina at iba pa nilang kasama samantalang siya ay nagsuot lamang ng itim na cycling short at crop top. Hindi kasi siya sanay mag swimsuit dahil hindi kasing taas ng confidence ni Amanda ang confidence niya.

Nilapag niya ang kanyang gamit na kasama ng mga gamit nito at tsaka siya lumubog sa tubig. Tama nga ang mga ito. Hindi ganoon kalamig ang tubig. Mararamdaman lamang ang lamig kapag umahon, kaya mas minabuti niyang nakalubog ang katawan niya sa tubig. Hindi rin iyon gaanong kalaliman.

Sa pagkakataong iyon ay nakalma ang buo niyang katawan. Napangiti siya nang simulang magharutan at maglaro ang kasama niya na para bang mga bata. Ang ilan ay naghahabulan, ang iba namang mag-partner ay mas piniling manatili kung saan bumubuhos ang tubig mula sa itaas na bahagi ng lupa. Doon kasi nanggagaling ang medyo mainit na tubig. Siya naman ay nasa isang sulok lang habang lumalangoy mag-isa na kung saan ay ayos lang sa kanya dahil sanay na talaga siyang mapag-isa. Mas gusto niya ang ganoon dahil mas nakakaramdam siya ng kapayapaan.

"Safirah!"

Lumingon siya at nakita si Amanda na nakangiti sa kanya. Lumangoy ito palapit sa kanya.

"Hi."

"Okay ka lang ba rito?" tanong nito. Sunod na lumapit sa kanila si Nina.

"You seem like you're enjoying your time alone, Safirah."

Marahan siyang natawa. "Okay lang ako. Nakakatuwa ang lugar."

"Indeed," ani Amanda.

"Sayang nga eh. Kung wala lang trabaho ang boyfriend ko eh sinama ko na yun rito," sabi ni Nina.

Napanatag ang loob niya sa dalawa kahit ngayong araw niya lang nakilala ang mga ito. Mukha naman kasi itong mababait na tao at napakakwela pa. At kahit hindi siya nito lubos na kilala ay natutuwa rin siya dahil tanggap agad siya ng mga ito na maging kaibigan.

Walang katapusan na kwentuhan at tawanan ang pinagsaluhan nila na halos hindi na nila namalayan ang oras. Isa-isa nang nagpaalam ang ilan sa kanilang mga kasama lalo na iyong may mga anak na kahit pa may mga nagbabantay naman sa mga ito. Isa na roon si Amanda. Kasama nito ang asawa nito at dalawang anak nito. Nagpaalam na rin ito sa kanila.

"Hindi ka pa ba babalik Safirah?" tanong ni Nina.

Lumingon siya sa paligid. Doon niya napansin na silang dalawa na lang pala ang naiwan.

"Mauna ka na. Gusto ko pa magrelax rito. Tsaka isa pa malapit lang naman ang camp. Susunod na rin ako maya-maya."

"Sigurado ka?"

Ngumiti siya. "Yeah, I'm sure."

"Kahit mag isa ka lang rito?" nag aalalang tanong ni Nina.

"Oo naman. Safe naman ang lugar dahil private property ito. At isa pa may cctv camera naman at maliwanag ang lugar dahil sa mga poste. Promise, I'll be fine. I just need more time to be alone. Few more minutes."

"O-okay, sige. Just scream when you need help."

"Yeah. I'll do it. Good night."

Ngumiti si Nina at kumaway sa kanya bago ito umahon sa tubig at naglakad palayo.

Ilang minutong naglunoy-lunoy si Safirah. Napangiti siya nang muli siyang tumingala at pagmasdan ang bilog na bilog na buwan. Nakadagdag iyon sa liwanag sa buong paligid bukod sa mga ilaw sa poste sa di kalayuan hanggang sa naisipan niyang mag floating, na mukha lang ang nakalitaw sa ibabaw ng tubig. Isa iyon sa natutunan niya noong highschool siya na kasama ang swimming lesson sa P.E subject nila noon.

Iniunat niya ang kanyang kamay at paa habang nakatingin sa langit at kinalma ang kanyang tiyan at huminga ng kalmado. At dahil nakalubog sa tubig ang kalahati ng ulo niya mula tainga hanggang batok ay wala siyang ibang naririnig kundi ang tunog ng tubig sa ilalim lalo na ang pag ragasa ng tubig mula sa itaas ng bundok pabagsak sa ibaba.

Pinikit niya ang mga mata at kinalma niya ang kanyang buong katawan lalo na ang kanyang isip. Inalis niya lahat ng negatibo sa kanyang isipan.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon nang bigla siyang dumilat dahil may kung ano siyang naramdaman na pumulupot sa kanyang baywang. Hindi niya naiwasang ma-ubo dahil sa tubig na pumasok sa kanyang ilong.

"Damn it, Safirah! I thought you're dead!"

"Terence?"

Napamulagat siya nang makita niya ito.

"Why are you still here and didn't go back with them?" nasa boses nito ang galit at pag aalala.

"I-I'm sorry. I told them I needed more time to be alone because I like it here. The water is making me relax. Why are you here?"

"I woke up because of some noises and I got up just to see your bed empty, and people were already in bed, so I asked Nina, and told me you're still here."

Napalunok si Safirah at yumuko. Doon niya lang napansin na nakapulupot pa rin ang braso nito sa baywang niya kaya agad siyang lumayo rito. Agad din naman nitong inalis ang braso nito at kahit ito ay bahagya ring nagtaka sa sarili.

"I-I'm sorry. I should go," aniya at tumalikod na rito at lumangoy palayo pero muli siya nitong tinawag.

"Safirah."

Nilingon niya ito.

Lumapit naman ito sa kanya.

Heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib niya. Para siyang mabibingi sa lakas niyon. Hindi niya alam kung ilang beses siyang lumunok dahil sa kaba lalo na nang unti-unti itong lumapit sa kanya.

"I just wanna apologize for what Jasper did to you earlier. I didn't get the chance to say even while you were tending to my wound. I should've known something like this would happen. It's my fault."

"No, it's not. It's his fault alone. Not anyone else. It's okay now."

Ilang sandali itong tumitig sa kanya ngunit hindi niya mabasa sa mga mata nito kung ano man ang iniisip nito. Kaya naman binasag niya ang sandaling katahimikang iyon.

"We should go back. It's pretty getting late."

"Okay," mahina nitong sagot. Sumunod ito sa kanya hanggang sa makarating sila sa mababaw na parte ng tubig kung saan naroon ang hagdan pataas. Ngunit dahil sa makapal na lumot ay nadulas siya at muling nahulog sa tubig. Agad naman siyang sinaklolohan ni Terence na sa isang iglap lang ay nakalapit sa kanya.

"Are you okay? Where does it hurt?"

Ilang beses siyang naubo dahil sa tubig. "I'm fine. You may let go of me now."

"No. I'll go first and I'll pull you up," anito sa boses na puno ng awtoridad pero nagmatigas siya at lumayo rito pero hindi nito binitawan ang kanyang baywang.

"I can do it on my own. I just didn't see the slippery rock."

"Exactly, so stop talking. Stay here and wait for me," mariin nitong utos.

"But-"

Nanigas ang buo niyang katawan nang siilin siya nito ng halik sa labi na nakapagpatahimik sa kanya. Halos sumabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Ramdam niya rin ang pag i-init ng kanyang buong mukha. Para siyang aatakihin sa puso sa mga oras na iyon.

"Talk again and I swear," anito sa mahinang boses habang magkadikit ang dulo ng kanilang ilong.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height