C10 School Trip
Faye’s Point of View.
"All right, class. At dahil malapit nang magtapos ang klase niyo, we're having an educational trip tomorrow. Sa California, bale a week tayong mag-stay doon. Malayo pero ganoon talaga, minsan lang tayo mabigyan ng ganitong opportunity sa ibang bansa at wala naman tayong kahit anong babayaran. You're not required to wear your school uniforms but please wear your ID. Kapag sumama kayo, may plus ang grades niyo. Pero 'yong mga hindi sasama at hinding papayagang sumama, I understand. I'll give you a project," ani Professor. "Class dismissed."
"Uy, California daw!"
"Hala! Ang layo!"
"Sasama kayo?"
Reaction ng ilan sa mga kaklase namin. Nilingon ko sina Hazel at Ella.
"Beb, sasama ka?" tanong niya sa akin.
"Kung para sa grades naman, why not? saka travel din 'yon," sagot ko.
"Ikaw, Ella?"
"Of course, sasama ako. Ayoko nga ng project. Sakit sa ulo!" anito. Natawa kami.
"You have a point," pagsang-ayon ni Hazel. "Shopping na lang tayo ng foods and drinks mamaya, ha?"
"Magpapaalam na lang ako kala Mom and Dad pati kay Marco," saad ko.
"Nga pala, beb. Kamusta na kayo ni Marco?" Tanong ni Ella.
Napangiti naman ako kaagad. "We're doing good. Never kaming nag-away. Pagkatapos nga ng birthday ko ay mas naging sweet siya lalo."
"Well, sana nga hindi lang siya sa umpisa magaling," ngisi ni Hazel.
"Stop it, beb. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nagtitiwala kay Marco?"
"Wala akong tiwala sa kaniya. Iba feeling ko, e. And I trust my guts. Hindi lahat ng pangako natutupad, 'yong iba napapako. Nag-iiba ang tao kada segundo."
Umiling ako. "Iba si Marco, beb. Naniniwala akong lahat ng ipinangako niya sa akin ay tutuparin niya."
"I hope so. I just don't want him to hurt you. Baka sa sobrang pagtitiwala at pagmamahal mo sa kaniya, baka 'yon ang ikasira mo balang araw."
Natigilan ako sa sinabi niya pero agaran kong binalewala 'yon. No, alam kong hindi sisirain ni Marco ang tiwala ko. Naniniwala ako sa kaniya.
"Enough, girls. Huwag na nating pag-usapan pa si Marco." awat ni Ella.
Biglang tumunog ang phone ko kaya nabaling roon ang atensyon ko. Mom is calling. Sinabi ko kala Ella na hintayin na lang nila ako sa Cafeteria para sabay-sabay kaming mag-shopping mamaya.
"Hello, Mom?" Pagsagot ko sa tawag.
"I heard may educational trip daw kayo tomorrow sa California. I'll book you a flight."
"No need na po, Mom. I just need your approval."
"It's okay, hija."
"But Mom, how about my classmates?"
"May sarili silang plane, Faye. Sa atin ang airport na gagamitin mo bukas. Isama mo doon sina Hazel at Ella, pati na rin si Marco. Padadalhan ka na lang ng Daddy mo mamaya ng kakailanganin mo. We miss you anak, take care."
Then she ended the call. Napabuntong hininga ako. They are spoiling me. But anyway, at least pinayagan ako ni Mommy. Nang mahanap ko ang kotse ni Marco ay agad ko siyang nilapitan.
"Hi, baby," nakangiting bungad ni Marco.
"Uh, baby, magsho-shopping nga pala kami nila Hazel at Ella mamaya para sa educational trip namin bukas." paalam ko.
"Go ahead. So hindi na kita ihahatid sa inyo?"
Umiling ako. "Hindi na, si Manong Raul na lang maghahatid sa akin pauwi. At nga pala, pinapasama ka sa amin ni Mommy bukas."
"Saan ba ang retreat niyo?"
"Sa California."
"All right, then. Susunduin kita bukas, okay?"
"Okay, text ko na lang sa 'yo kung anong oras bukas."
"I love you." He kissed me on my forehead.
Kumaway ako sa kaniya. Pag-alis ni Marco ay dumiretso na ako sa Cafeteria. Nandoon sina Hazel at Ella.
"Ano? Let's go?" yaya ni Ella.
"Let's go."
Pagkarating namin sa mall ay bumili kaagad kami ng mga pagkain. Chocolates, junk foods at can drinks lang ang mga binili ko. Sunod ay sa boutique shop. Namili kami ng mga dress at sinukat din namin. In fairness, fit naman lahat sa akin. After naming bayaran, kumain kami sa isang fast food restaurant.
"Ay, beb, tutal nakapagpaalam na kami kala Mommy. Mags-sleep over kami ni Ella sa inyo, ha?" ani Hazel.
"Sure, anytime. Kayo pa, malakas kayo sa akin. Kahit doon na nga rin kayo tumira walang problema."
Natuwa sila. "'Yon!"
Pagkatapos naming kumain, hinatid na kami ni Manong sa bahay. Nahiga kaagad kaming tatlo sa sofa nang makapasok sa loob at nag-umpisa nang mag-ayos ng gamit.
Alas-otso na ng gabi nang natapos kami sa pagpe-prepare. Patulog na rin sana kami pero sandaling nag-online para tignan sa group chat kung anong oras dapat nasa airport bukas
Group Chat
Class President: Guys, 8:00 AM daw dapat nasa airport na bukas, okay? 10:00 ang alin natin. See you all tomorrow.
Matapos mabasa 'yon ay naalala ko bigla si Marco. Itetext ko pa nga pala siya.
Me: Baby, 10:00 AM daw ang alis bukas. Iba ang plane natin sa plane ng mga kaklase ko pero 'yon din ang oras ng flight na ni-book ni Mommy. 8:00 daw dapat nandoon na, okay?
Marco: Got it, baby. Matulog ka na at maaga pa tayong aalis bukas. Goodnight, I love you.
Faye: Goodnight, I love you too.
Then I turned off my cell phone. Humiga na ako sa kama ko at bumaling sa dalawa.
"Girls, maaga raw tayong susunduin ni Marco," sabi ko.
"Huh? Bakit si Marco?" Tanong ni Ella.
"Sabi kasi ni Mommy may private plane tayo para bukas. 10:00 AM din ang nakabook sa flight kaya dapat 8:00 pa lang nandoon na tayo. Pinasama rin si Marco so siya na ang magsusundo sa atin."
Nagpaantok lang kaming tatlo pagkatapos ay nakatulog na rin. Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 5:30 AM na. Nilingon ko ang kama nila Hazel at Ella. Wala na sila? Nauna pa silang nagising kaysa sa akin? Bumangon na ako kaagad sa kama at nagligpit bago ako bumaba. Naabutan ko silang dalawa sa kitchen.
"Anong oras kayo nagising at nauna pa kayo sa akin?" Tanong ko.
"Mga 4:00 AM," sagot ni Ella.
Nagulat ako. "Ang aga naman."
"Excited, e." natatawang ani Hazel.
"Syempre naman, 'no. Alam niyo namang mahilig tayong mag-travel," saad pa ni Ella.
"Yeah, right." Sabay naming sabi ni Hazel saka kami natawa pareho.
Pagkatapos naming mag breakfast ay isa-isa na kaming naligo. Ako ang nauna, sunod si Hazel, last si Ella. Kakatapos ko lang maligo nang may mag ring sa cellphone ko. Tumatawag si Marco.
"Hello?" pagsagot ko.
"Good morning, baby."
Napangiti ako. "Good morning."
"Nagre-ready na ba kayo?"
"Tapos na, baby."
"Malapit na ako d'yan. By the way, I'm wearing the couple shirt we bought last week."
"Got it! Ingat!"
Then I ended the call. Nagpalit ako ng damit. Kanina ay naka-dress ako pero ngayon ay nakapantalon na ako at white na rubber shoes, pati 'yong couple t-shirt namin. May tatak na 'I love California'. Sabagay, eksakto 'yon sa pupuntahan namin.
Natapos na kaming tatlo magbihis. Si Hazel nakapantalon at off-shoulder. Si Ella naman ay naka-skirt na yellow with blazer.
"Nand'yan na yata si Marco," sabi ni Ella nang marinig namin ang preno ng sasakyan.
Lumabas kaagad ako at binuksan ang gate. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.
"I missed you, baby. . ."
Natawa ako. "Kakakita lang natin kahapon. Hintay mo ako d'yan tatawagin ko lang sina Hazel."
Tinawag ko na sina Hazel at Ella palabas. Si Marco ang nagda-drive, nakaupo ako sa tabi nya. Nasa likod naman namin sina Hazel at Ella. Tahimik lang kaming bumabyahe. Nakatulog kasi 'yong dalawa dahil antok pa siguro. Ako din nakaramdam ng antok dahil sa aga namin nagising.
"Matulog ka muna, baby. Gigisingin na lang kita kapag nasa airport na tayo." ani Marco nang mapansing humikab ako.
Ngumiti ako. "Okay."
Dahil sa antok ay mabilis akong nakaidlip. Nagising na lang ako bigla sa tapik ni Marco sa balikat ko. Inayos ko ang itsura ko nang tumambad sa harapan ko ang mukha niya.
"We're here, baby," aniya saka tinanggal ang seatbelt ko.
Inalalayan niya kaming ibaba ang mga gamit namin. Natanaw ko ang mga kaklase ko. Saktong 8:00 AM nang makarating kami sa airport.
"Hi Faye, Hazel, Ella!" bati ni President. "Oh, hi, Marco!"
"Hello!" Sabay naming apat na sabi.
"Ay, wow! May pa-couple shirt! Sanaol!" puna ng mga kaklase ko at inaasar na kami. Napatawa na lang ako sa hiya.
Nang mag-10:00 AM na, pumasok na kaming apat sa private plane namin. Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi masyadong tirik ang araw, ang ganda rin ng mga ulap.
Ilang oras lang nang makarating kami sa California. Muli kaming nagkita-kita ng mga kaklase ko.
"Class, diretso tayo sa hotel na tutuluyan natin," anang Professor na sinunod namin.
Nang makatunton kami sa hotel, nag-assign kaagad si Professor kung sino ang magkakasama sa bawat kwarto dahil tatlo ang beds sa hotel na ito. Magkakasama kami nila Hazel at Ella. Kasama naman ni Marco ay si Allen at Gabriel.
"You can go to places you want to go but make sure you come back here safely and you won't be lost in the street. Bukas na lang natin pag-usapan ang mga activities na gagawin niyo para bukas." saad ng Professor.
Kumapit kaagad ako sa braso nina Ella at Hazel. Excited kami dahil marami kaming balak puntahan dito sa California.
"Girls, pasyal tayo!" yaya ko.
"Paano 'yong boyfriend mo? Kayo na muna mag-libot. Sasamahan na muna namin si Allen!" ani Ella.
"Mamaya mag-movie marathon na lang tayo, ha?" suggest ko since hindi ko sila makakasama.
"Noted! Enjoy!"
Nilapitan ko na si Marco at napagpasyahan naming maglibot-libot. Panay tawanan at picture lang kami sa daan.
"Marco…" biglang pagtawag ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin.
"What is it, baby?"
"Sana ganito na lang tayo palagi," wala sa sariling saad ko. "I want us to stay like this. I want us to stay in love."
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at ganoon ang sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging negative ako ngayon, which is unlikely me.
"We'll always be like this. We'll never tear apart. I'm not going to let you go, baby. So you have nothing to worry about." he held my hand. "I don't have plans of letting this hand go. I will hold onto this forever."
"Malay lang natin, hindi naman natin alam ang mangyayari bukas, sa susunod na araw at sa mga parating pa."
"I assure you that nothing will change. I'll do everything I can for you. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. I won't break your heart." he promised.
I looked up at the sky and noticed it was about to rain. Bumagsak ang paningin ko sa kamay naming magkahawak at sa labi niyang matamis ang ngiti sa akin kasabay ng unti-onting pagkirot ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
I hoped this feeling would last. But just like how fairytales didn't get to have their own happy endings in reality, there was no certainty of tomorrow in my lifetime with him.
Our love story that is supposed to be a fantasy has turned into something so tragic...
It came to an end.