+ Add to Library
+ Add to Library

C11 Doubt

Faye’s Point of View.

The vacation is over. College na kami ngayong pasukan. Kinuha ko ang course na tourism since it was my dream of becoming a flight attendant. Ganoon din si Hazel, nahiwalay naman sa amin si Ella dahil engineering ang kinuha niya.

"Beb, susunduin ka ba mamaya ni Marco?" tanong ni Hazel.

Oo nga pala, isang taon na rin pala nang maging kami ni Marco. Magda-dalawang taon na nga halos. Ang bilis ng panahon. Pansin ko nitong nakaraan ang pagiging mailap niya. The last time I checked, we're fine. Walang away or tampuhan. Napailing na lang ako sa naiisip, baka busy lang siya dahil magtatapos na rin siya ng college ngayong taon.

"Hindi, beb. Busy raw siya," sagot ko na lang kay Hazel.

"Tsk. 'Yan na nga ba sinasabi ko, sa una lang 'yan magaling-"

"Beb, stop it. Please. . ."

"Whatever. But don't tell me that I didn't warn you," aniya pa bago naunang umuwi.

Hindi sasabay sa akin ngayon 'yong dalawa kong best friend. Saktong pauwi na ako nang matanaw ko sa Cafeteria si Marco, nagce-cellphone habang nakangiti. May ka-chat yata? Hindi naman ako 'yong kausap niya kasi naka-off yung phone ko. Pasimple akong pumasok sa Cafeteria na 'yon at nilapitan siya nang kaonti para malaman kung sino 'yong ka-chat niya.

Aimee Salvador: See you tomorrow at Starbucks around 3:30 PM!

Marco: See you tomorrow.

Ano raw? Tama ba ang pagkakabasa ko? See you tomorrow? May papuso pa? At wait, Aimee Salvador? Is that my. . . classmate back in third year high school to fourth year? Kailan pa siya nakabalik? As far as I know nag-abroad siya.

"Aimee?" Naisambit ko.

Nagulat bigla si Marco nang marinig ang boses ko kaya kaagad siyang napalingon sa akin at ibinulsa ang phone niya.

"B-Baby! Nandito ka pala!"

"Who's Aimee?" I asked.

"She's just a friend, baby. Don't overthink, please."

I just nodded. Nakaramdam ako ng kakaiba. Nararamdaman kong may mali. Nararamdaman kong may tinatago sa akin si Marco. I wish I was wrong.

"Hatid na kita sa inyo?" yaya niya.

Kunot-noo ko siyang binalingan. "I thought you can't drive me home because you were busy? That's what you texted me earlier."

"U-Uh, tapos na, baby. I was about to send you a text but you're already here so. . ."

"Let's just go," I cut him off then hopped in the car.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nagpaalam lang siya at umalis din kaagad. Habang ako ay ilang minuto nang nakatayo sa harap ng bahay, nakatanaw sa kotse niya hanggang sa makalayo at tuluyan na mawala sa paningin ko. I want to know what he was hiding. I want to find out the truth with my own eyes and hear it with my both ears.

I'm giving you the benefit of the doubt because I know you can't do this to me, Marco. So, please tell me I just wronged you and come clean.

***

Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa kung ano bang nangyayari kay Marco. Pansin kong lagi na lang siyang busy. Ni hindi siya sumasagot sa mga chat, text at tawag ko. Kung magre-reply man siya ay sobrang ikli lang at late pa. Hindi naman siya ganoon dati.

"Ano 'yang itsura mo? May problema ka, ano?" usisa ni Ella.

Magkasama kami ngayon sa Cafeteria. Free time namin pareho. Wala si Hazel dahil may family dinner daw sila. Umiling ako kaagad.

"Kwento mo na, beb. Dali, makikinig ako." pamimilit niya pa.

"Si Marco kasi. . ." Napasinghap ako. "Si Marco kasi nitong mga nakaraang araw parang nag-iiba na siya, ewan ko ba. Hindi naman kami nag-away, we're good. But I feel like something's off, para bang may tinatago siya sa akin."

"Faye, kailangan niyong mag-usap. Itanong mo sa kaniya kung anong problema. Baka may problema kayong hindi mo nalalaman."

"Pero may nahuli akong ka-chat niya. Si Aimee."

"Sino naman 'yon?" Umangat ang kilay niya. "Wait! Si Aimee na kaklase natin noong 3rd year to 4th year high school ba? Hindi ba ay nasa abroad 'yon?"

"Iyon din ang alam ko. Iniisip ko kung paano sila nagkakilala."

"Beb, don't jump into conclusions. Malay mo ibang Aimee naman 'yon o kaya ay baka friend lang talaga niya."

"May magkaibigan bang pumupuso?" tanong ko pa.

"Siya ang kausapin mo, beb. Kayo ang mag-settle n'yan dahil kapag nalaman ni Hazel na niloloko ka niya, paniguradong makakalbo 'yon. If you're doubting him, that means you don't trust him enough."

"No, beb. I trust him. You're right, kailangan lang namin mag-usap para magkalinawan kami. This is just a misunderstanding."

I texted Marco to meet me at the Cafeteria later. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagre-reply. Ni ha, ni ho ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Naalala kong magkikita nga pala sila noong Aimee sa Starbucks ngayong araw. Binalingan ko ang oras sa relo ko. Time check: 3:30. Around 3:30 PM pala sila magkikita. Makakaabot pa ako. Gusto kong malaman kung 'yong Aimee na kilala ko at nahuli kong ka-chat niya kahapon ay iisa.

Nagmadali akong tumungo sa meeting place nila. Naabutan ko si Marco na umiinom ng frappe at halatang may hinihintay. Napalingon siya sa pwesto ko. Huli na bago pa ako makapagtago. Nagulat siya kaya bigla siyang napatayo sa upuan niya at dali-daling lumapit sa akin.

"B-Baby? What are you doing here?" natatarantang tanong niya.

"I should be the one asking you that. Anong ginagawa mo rito?"

"U-Uh. Nagpa-frappe," pagsisinungaling niya kahit nahuli ko na siya sa akto na may kausap. Napahinga ako nang malalim.

"Ganoon ba? Kaya pala kanina pa ako chat nang chat at text nang text sa 'yo pero hindi mo man lang ako magawang replyan kahit isang beses? Kanina ka pa nga nakatutok sa phone mo."

Napayuko siya. "I'm sorry, baby. . ."

"What's your problem, Marco? Do we have a problem?"

"Don't think like that. We're good."

"Then, bakit bigla ka na lang nagiging mailag sa akin?" Hindi ko na napigilan ang pangilidan ng luha.

"Marami lang talaga akong ginagawa–"

"Palagi mong excuse sa akin 'yan."

"Please, try to understand me, baby. Busy lang talaga ako."

"I'm always trying to understand you, Marco. I put you first before anything." I ranted. "Aminin mo nga sa akin, may tinatago ka ba?"

Kaagad siyang nag-angat ng tingin nang itanong ko 'yon, at doon biglang tumulo ang luha ko.

"B-Baby, what are you saying? W-Wala akong tinatago sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "I told you I'm just busy, okay? Kapag natapos ang lahat ng ginagawa ko ay babawi ako sa 'yo."

"Ang mga ginagawa mo lang ba ang matatapos o pati tayo?" mahinang tanong ko.

"Faye, huwag kang mag-isip nang kung ano-ano, please? You know me."

"I'm trusting you, Marco. Don't ever break it," banta ko saka umiwas ng tingin. "Uuwi na ako," paalam ko at tuluyang nag-walk out.

Kailangan ko ng hangin. Gusto kong makapaghinga nang maayos. Gusto kong makapagmuni-muni. I don't know what to do anymore. Palabas na sana ako ng mall na 'yon nang may nakabangga ako.

"S-Sorry," sabay naming sabi.

Napaangat ang paningin ko sa nakabangga ko. Natigilan ako at parehong nanlaki ang mata namin.

"Faye?"

"Aimee?"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height