C3 First Encounter
Faye’s Point of View.
Ang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa bintana ang nagpagising sa akin. Hays, Monday na naman.
Umalis na si Mommy noong Sabado pa ng hapon. She will contact me na lang daw. Hanggang ngayon, I'm still thinking about whether to follow my parents in Korea on Christmas break or not.
Napailing ako. Hindi na nga muna ako mag-iisip nang kung ano-ano. Napapagod na ang utak ko.
"Ma'am Faye?" tapik sa akin ni Manong Raul na nagpabalik sa ulirat ko.
"U-Uh, po?"
"Kanina ko pa po kayo tinatapik, ayos lang po ba kayo?" usisa niya. Dahan-dahan akong napatango. "Nandito na po tayo."
Sa kakaisip ko ng ide-desisyon sa offer ni Mommy ay hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa West University.
"Bye po!" paalam ko na lang sa driver bago bumaba sa kotse.
Nang maaninag ko si Hazel na nag-aabang ay dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at kumapit sa braso niya.
"Ay, punyeta!" gulantang na bulalas niya.
Natawa ako. "Sorry! Oh, nasaan si Ella?"
"Nag-chat siya sa group chat natin na hindi siya makakapasok dahil babantayan niya si Lily. Naka-day off daw kasi ang mga maids nila– Teka, nagba-backread ka ba sa group chat?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.
"Syempre…" I paused. "Hindi."
Napairap siya. "Tsk! Halika na nga."
Habang naglalakad kami patungo sa room ay may nakasalubong kaming isang babae. Nagulat na lang ako nang bigla siyang umarte na natapilok.
"Ouch! You hit me!" sigaw niya sa aming dalawa.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong hallway at natagpuang walang ibang tao kundi kami. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.
"Luh, pinagsasabi mo riyan? Nasa gilid na nga lang kami pagkatapos ay mababangga ka pa namin?" depensa ni Hazel. "OA lang, teh?"
"See?" Ipinakita niya sa amin ang parang tuldok na gasgas niya sa binti. "This is your fault!"
"My God! I hate drugs! Huwag mong ibintang sa amin ang katangahan mo, girl!" naasiwang asik ni Hazel.
"You, ugly–"
Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Hazel. Napatakip ako sa bibig ko sa pagkabigla.
"Tignan mo nga ang mukha mo sa salamin, mas pangit ka pa sa mga patay na kuko ko! Kaya umalis ka sa harapan ko ngayon din kung ayaw mong maubos ang lahat ng buhok mo!" bulyaw ni Hazel.
Dali-daling umalis ang babae na tila natakot sa banta niya. Nagugulat akong napabaling sa kaniya. My best friend is so brave! I'm so proud!
"Gosh! Nakakapang-init ng ulo!" singhal ni Hazel at hinawi ang buhok.
"Oooh! That's so fierce!" tuwang-tuwa kong sabi at pumalakpak pa.
"Yeah, right, at dapat ay ganoon ka rin. Be strong every time para hindi ka nasasaktan at inaapakan ng mga tao. Mas mabuti nang alam mo kung paano lumaban kaysa umuwi ka na lagi na lang luhaan,” makahulugang payo niya.
Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa room. Umupo na kami ni Hazel sa bandang likuran at naghintay na lang sa pagdating ng Professor namin.
"May I have your attention for a minute?" Our class president headed in front. "Announcement, guys! Next week ay start na ng practice natin para sa cheer dance at magkakaroon tayo ng program sa Wednesday para sa mga Professors natin."
"Pero hindi natin kakayanin, kukulangin tayo sa oras. So, magiging half day lang ang practice?" tanong ng isa naming kaklase.
"Don't worry, wala tayong klase bukas but you're not allowed to be absent tomorrow dahil magpa-practice tayo at may attendance. Anyone can sing or dance, okay?"
"Yes," sabay-sabay naming sagot.
Nagpasya kaming magkakaklase na pag-usapan ang plano dahil hindi naman dumating ang Professor namin sa subject na 'yon.
Matapos ang group discussion ay nag-recess na. Napagdesisyunan namin ni Hazel na huwag na lang pumunta ng cafeteria tutal ay busog pa naman kami at baka mag-time na at hindi pa rin kami nakakakain sa sobrang haba ng pila.
"Beb, picture ka nga rito, dali!" pamimilit ni Hazel sa akin.
"Saan ba?"
"D'yan ka sa tapat ng board."
Tatlong beses nag-flash ang camera. Inasahan kong magiging maayos ang kuha noon ngunit nang makita ko ang litrato ko ay napangiwi na lang ako sa kaniya. Mas malabo pa ang kuha niya kaysa sa chance na magka-jowa siya.
"Pasensya na, ha? Godbless," biro niya. Natawa kami pareho.
Matagal pa bago ang sunod na klase namin kaya nag-scroll na lang ako sa Facebook. Ang dami na namang nag pop-up na notification sa screen ng cellphone ko.
76 notifications. 25 messages.
Isa-isa kong binuksan ang notification ko at nakakaasiwang malaman na puro si Marco ang nagla-like ng mga status, post, at shares ko.
Pagkatapos ng pahirap na 76 notification na iyon, sa messages naman ako nag-focus. Pagkakita ko pa lang sa chat heads ay lalo lang nag-init ang ulo ko nang makitang nasa unahan ang pangalan noong Marco na 'yon. Sa kaniya pa nanggaling ang karamihan sa mga messages mula pa kagabi. I opened his chats.
Marco Ramos: Hi, good evening.
Marco Ramos: Hello, Faye. Good morning.
Marco Ramos: Nag-breakfast ka na ba?
Marco Ramos: Nasa West University ka na?
Marco Ramos: Hey, Faye?
Marco Ramos: Respond to my messages, please.
As usual, I left his messages on read. Maya-maya'y bigla na naman siyang nag-chat. Uh-oh. Wala akong kawala. Kailangan ko yatang mag-reply.
Marco Ramos: Hey, you're online.
Faye De Leon: What do you need ba? Are you a stalker? I'll report you to the police!
Then, I immediately logged out and let out a deep sigh.
Ikaw ang gumugulo sa tahimik kong buhay.
"Oh, bakit gan'yan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Grabe makakunot-noo, beb?" Hazel jested while laughing at me.
"Wala lang ako sa mood."
"Huwag nga ako, Faye. I know you so well! Come on, spill it out."
"Fine," pagsuko ko. "Do you know Marco Ramos?"
"He's popular here. But what about him, huh?" nakangiting aso niyang tanong.
"He's pestering me. Basta, naiinis ako sa kaniya."
"Bakit naman?"
"Maya't-maya ang tunog ng phone ko. Kaya ayon, nag-log out ako bigla. Bahala siya sa buhay niya."
"Oh, I see." Tumatango-tango siya habang nakangisi nang nakakaloko.
"What?"
"Nothing. Baka pinagtitripan ka lang. I heard he's a playboy busy breaking every girl's heart. Womanizer pa at paasa. Be careful of him, beb. Baka isa ka pa sa mga maging victim n'yan."
"Pakialam ko ba sa kaniya?" Umiwas ako ng tingin.
"Why are you so defensive?" pang-aasar pa niya.
"Hindi ko siya kilala or ka-close, although nakakasalubong ko siya minsan dito sa West but we're not even talking nor greeting each other pagkatapos ay feeling close siya," iritang banggit ko.
"Okay. If you say so," nakangisi pa rin niyang sabi saka siya bumalik sa ginagawa niya.
Napabuga ako ng hangin sa kawalan at nakapangalumbabang tumunghay sa labas ng bintana sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin ang nangangasar na titig ni Hazel sa akin.
Bago nagsimula ang susunod na subject namin ay nagpaalam ako sa kaniya na magre-restroom muna ako.
Papasok na sana ako sa comfort room nang lumabas ang taong nasa kabila kung saan ang men's room. Spell the word malas, it’s my name.
"Hey," he greeted me with a smile on his lips.
"Will you please stop bothering me? I told you I'll report you–"
"Go ahead. Report me to the cops. I don't mind." He stared at me intently. "This is now my chance to finally talk to you so I'm sorry, but I won't stop bothering you…"
Natigilan ako nang ilang segundo. Is he crazy? Does he need something from me or what? What's wrong with him? My gosh!
"I like it every time you get mad. You're so cute." He winked at me. "See you around."
Then, he pinched my cheeks before he left. I froze in shock because of what just happened.
"What the heck?! You, crazy jerk!"
I think today is my unlucky day!