+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Event

Faye’s Point of View.

Tuesday na at ngayon din ang practice namin para sa program bukas, while next week, practice naman for cheerdance. Another busy day.

"Okay. In one, two, three..."

Kasalukuyan kaming nasa dancing room dahil napag-usapan ng lahat na sayaw na lang ang ipe-present para bukas at napili naming sayaw ay Despacito.

"Good job, guys. Let's give our best tomorrow!" wika ng class president.

"Yes, pres!" sagot naming lahat.

At dahil tapos na ang practice namin ay nanood na lang kami sa mga sumasayaw sa hall.

"Gusto mo?"

"Ay, palaka!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng taong nasa harapan ko ngayon.

"Take this." Inilahad niya ang kamay sa akin.

Yes, you read it right. Si Marco Ramos na naman. Inaalok niya ako ng pagkain. Kailan ba siya mawawala sa paningin ko? Akala niya ba nalimot ko na ang ginawa niya sa akin noong nakaraan? Hah, asa siya!

"No, thanks," iritable kong tugon saka siya tinalikuran.

"Okay, then," aniya sabay lagpas sa akin.

Okay? What was that?

***

Nakatambay kami ngayon nina Ella at Hazel sa Cafeteria. Napagpasyahan naming kumain dahil sa gutom at pagod na rin siguro sa practice.

"Anong gusto niyo, girls?" nakangiting tanong sa amin ni Ella habang namimili sa menu.

"Frappe lang sa akin, beb," I replied.

"Cheesecake and Frappe rin," ani Hazel.

"Okay, treat ko!" presenta ni Ella.

Nagkatinginan kami bigla ni Hazel. Napapansin ko rin na napakajolly niya ngayon although jolly naman siya palagi, pero parang iba. Parang may something na gusto niyang sabihin sa amin or what.

"May sakit ka ba, beb?" Hazel asked.

"Wala. Kailan ba ako hindi nanlibre?"

"Uh, kahapon!" natatawang ani Hazel.

"Syempre, absent ako." Natawa na rin si Ella.

"Wala bang something, beb? Spill it out." I asked out of curiosity.

"Mom and Dad are coming home next week to watch our cheerdance. I'm just happy, that's why."

Bahagyang napawi ang ngiti sa labi ko. Naalala ko sila Mom and Dad. Ang tagal pa bago ang pag-uwi nila. Hindi ko rin sigurado kung susunod pa ba ako sa kanila sa Korea o hindi na. Ngumiti na lang ako muli nang mapansin nilang natahimik ako.

"Mamaya na ang daldalan, mag-order ka na at kumain na tayo. Nagugutom na ako." pambabasag ni Hazel sa katahimikan.

Nag-order na si Ella. Maya-maya pa ay dumating na rin ang tray na may cheesecake, frappe, at chocolate cake. Basta talaga sa pagkain, nagkakasundo kaming tatlo. Pare-pareho kaming food lover, mahilig din kami magbasa ng novels at lalong-lalo na ang magselfie.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami kaagad sa room. Matapos ang ilang discussions ng mga professor tungkol sa program ay nag-uwian na rin.

"See you both tomorrow!" Ella shouted.

"See you!" I waved my hand.

"Bye, girls," paalam ni Hazel.

Pagkapasok ko sa kotse ay nagpahinga na ako. Mabuti na lang at walang traffic ngayon kaya mabilis lang kaming nakauwi.

Nang makarating sa bahay ay umakyat kaagad ako sa room ko. Nagbihis lang ako ng pambahay then I started to browse online.

Habang nags-scroll ako sa newsfeed ay biglang nahinto 'yon sa picture ni Marco. He changed his profile picture.

Marco Ramos updated his profile picture. 2 mins ago.

178 likes 29 comments.

Wow. Famous, huh?

Nagulatang na lang ako nang biglang mag-hang ang cellphone ko kaya napindot ang like button sa profile niya. Akmang tatanggalin ko na pero biglang namatay ang phone ko.

Bakit ngayon pa talaga?

I immediately get my laptop then logged in.Sa sobrang kayabangan niya baka isipin niya na kaya ko ni-like 'yong profile picture niya ay dahil like ko siya. Tsk.

Hinanap ko muli ang account niya at inalis ang like doon. Sa wakas, nakahinga na ako nang maluwag. Nang bigla na lang siyang magchat ay napasapo ko ang noo ko. Kailan ba ako titigilan ng lalaking ito for good?

Marco Ramos: Hi, Faye.

Faye De Leon: You again? I'm going to block you na talaga!

Marco Ramos: Don't.

Pipindutin ko sana ang block button nang bigla akong makonsensya. Napatitig ako nang ilang segundo sa chat niya.

Am I being too harsh on him? Wala naman siyang masamang ginawa sa akin. Napabuntong hininga ako.

Faye De Leon: Fine. I won't block you.

Marco Ramos: Thank you. By the way, hindi ba bukas na 'yong program? Anong napili ninyong i-present?

Faye De Leon: Yeah, dancing.

Marco Ramos: Are you good at dancing?

Faye De Leon: I don't know. I can dance but I'm not good at it.

Marco Ramos: Let's see. I will watch you dance tomorrow.

Nanlaki ang mata ko. I was about to reply but I noticed he's already offline.

Argh, Marco!

***

Kinabukasan ay naghanda na kami para sa program. Am I ready? Napatitig ako sa kawalan nang muli kong maalala ang huling chat ni Marco kahapon.

I will watch you dance tomorrow...

"Bakit niya naman ako panonoorin?!" mahinang singhal ko sa sarili ko. "Eh, ano naman? Bakit affected ako? Panonoorin lang naman, ah?"

Ayaw ko!

Aish, nababaliw na yata ako. Pati sarili ko ay kinakausap ko na.

"Hoy, problema mo?" tanong ni Hazel nang mapansing hindi ako mapakali.

"Anong oras ba start ng program?" pag-iiba ko ng topic.

"Mags-start na daw. Taray! Ikaw nasa unahan mamaya."

"Si president na lang kaya sa unahan?" kabado kong pakiusap.

"At bakit, aber? Mahihirapan tayong mag-adjust kapag ginulo pa ang formation. Ikaw na sa unahan, magaling ka naman, beb."

"Nahihiya ako." Napaiwas ako ng tingin.

"Keri mo 'yan! Lahat naman tayo sasayaw, sa unahan ka lang talaga nakapuwesto. Kaya natin ito, okay? Fighting!" pag-eencourage ni Hazel. Napasinghap na lang ako.

Nagsimula na ang program. Ang iba ay sumayaw, ang iba kumanta, ang iba naman ay nag-spoken word poetry. At ngayon naman ay kami na ang pupunta sa stage.

"Now, let's call on another section from building A! They will dance, too. Let's give them a round of applause," anang emcee.

Hindi pa kami nagsisimulang sumayaw ay sobrang ingay na sa paligid. Napangiti ako. Ang tataas ng energy nila.

Nasa gitna na kami ng kanta. Nagpahinga muna ako sa backstage dahil wala pa doon ang part ko. Pagkatalikod ko ay natigilan ako sa gulat nang makita ang taong nakatayo sa harap ko ngayon at nakatitig sa akin.

"Goodluck." He smiled at me. Then, he pinched my cheeks again before he left.

Naiwan akong nakatulala sa lugar na iyon.

What the hell? He got the habit of pinching my cheeks, huh?

Nang matapos kaming sumayaw, ang lahat ng taong nandoon ay humiyaw at pumalakpak sa amin.

"Ang galing nila!"

"Woooh! More, more, more!"

"The best!"

Napangiti ako nang bahagya sa mga naririnig kong comments nila. I'm so proud that I did it, we did it!

***

Naunang nagpunta sa room ang mga kaklase ko samantala ako ay nagpaalam na magpapalit muna saglit ng damit.

Patungo na sana ako sa locker upang kuhain ang extra t-shirt ko nang makasalubong ko na naman ang taong kinaiinisan ko.

"Congratulations, Faye," bati ni Marco.

"Thanks," matipid kong sabi.

"You did great! I'm proud of you." He flashed a genuine smile.

"I... I gotta go. Bye!" nagmamadaling paalam ko at napalunok.

Kaagad akong nag-walk out kahit hindi pa ako nakakapagpalit. Ang hirap na mag-stay doon. Nakakailang ang atmosphere dahil kami lang dalawa ang nandoon. Dali-dali akong tumungo sa room at sinalubong ang mga kaklase ko.

"Congratulations, guys!" The president exclaimed in joy. "Job well done! Let's thank our choreo and also Faye because she's the one who picked our song. It matched perfectly with our dance steps."

"Thank you, Faye!" My classmates said and applauded me.

"Wala 'yon, ano ba kayo? Kaya tayo nanalo ay dahil nagkaisa tayong lahat at pinaghirapan talaga natin." I smiled.

"Yehey! Group hug!"

Success... The result of unity and hard work.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height