The Story Of Us- Gooorgeous02/C7 Certified Couple
+ Add to Library
The Story Of Us- Gooorgeous02/C7 Certified Couple
+ Add to Library

C7 Certified Couple

Faye’s Point of View.

February 14, araw na ng mga puso. Hindi naman sa bitter ako pero parang ganoon na nga. Puro mga mag-jowa kasi ang nakikita ko rito sa school.

"Hon, saan tayo mamaya?"

"Kahit saan, hon. Ang mahalaga ay kasama kita."

Rinig kong usapan ng mag-jowa na nasa harapan ko ngayon. Psh, dito pa talaga mismo sa harapan ko sila naglambingan.

"Cringe," mahinang naiusal ko at napangiwi pa sa paghaharutan nila.

Dahil sa hindi sila umalis sa harapan ko, ako na lang ang nag-adjust. Kakahiya sa kanila, e. Joke.

"Hi, beb! Happy valentines!" bati ni Ella.

"Same," tamad kong sagot.

Natawa siya. "Huwag ka namang bitter."

"I'm not. Tinatamad lang talaga ako. Pinapasok pa kasi tayo, wala naman pa lang klase."

"Okay lang 'yon. Anyway, ang galing natin, ano? Natapos natin 'yong mga booths tas 'yong mga pang-valentines mamaya. Sa dami ng mag-jowa rito, ang dami rin nating natanggap na fund. Thanks to them!"

"Ano nga ba mga ni-suggest niyo?" Hazel asked.

"Marriage booth, photo booth, blind dates, games at marami pang iba." sagot ko.

"Sali ka kaya namin, beb?" pangangasar ni Ella.

"Kayo na lang," tanggi ko.

"Okay," sabi ni Hazel sabay ngiti kay Ella nang nakakaloko. "May iba akong pagti-tripan."

"Tigil-tigilan mo ako, Hazel." banta ni Ella.

"Huwag na nga lang. Ang KJ niyo." Ngumiwi si Hazel, natawa kami. "Balik na tayo sa room."

Pagbalik namin sa room, nag-uumpisa na ang mga kaklase kong bilangin ang fund na nakuha namin mula sa students dito sa West University. Kami kasi ngayon ang in-charge sa mga booths or other stuff ngayong Valentines day.

"Guys!" masayang sigaw ni President. "Naka-4,000 plus tayo! 4,784 'yong fund na nakolekta natin sa mga booths!"

Napatalon kami sa tuwa. Nag-exceed sa budget target namin ang nakolektang pera. Gumana 'yong mga suggestions namin at nagustuhan pa ng marami.

Hapon na nang maubos ang lahat ng tao kaya nag-ayos na kami. Napabaling ako kay Hazel nang bigla niya akong nilapitan.

"Beb!" Pagtawag niya sa akin.

"Bakit?" I asked.

"Si Marco, oh!" aniya sabay turo kay Marco na nag-aabang sa labas.

"Pupuntahan ko na lang siya mamaya pagkatapos nito."

Nangunot ang noo ni Hazel. "Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Hindi ba sinabi mo sa akin na sasagutin mo na siya?" paalala niya.

Natigilan ako. Oo nga pala. Dahil sa sobrang busy ko ay nakalimutan kong ngayon ko nga pala sasagutin si Marco.

"U-Uh, hahanap na lang ako ng timing mamaya."

"Go, beb! I'll support you." ani Hazel. "But. . . I still don't want him."

"Bitter ka lang. Wala kasing nanliligaw sa 'yo," pang-aasar ko.

Umirap siya. "Meron, 'no! Basta, bumalik ka rito ng 5:30 ha? Sabay-sabay tayong uuwi."

"Yes, Ma'am." biro ko pa.

Nang matapos kaming magligpit at mag-ayos ay pinuntahan ko na si Marco.

"Happy Valentines Day!" masiglang bati ko sa kaniya. Napangiti siya saka ginulo ang buhok ko.

"Happy Valentines, Faye."

"Hindi na daw tuloy 'yong party, sayang." saad ko.

"Don't worry about that, it's okay. So let's go?"

Napakunot-noo ako. "Where are we going?"

"Magce-celebrate ng valentines." nakangiti niyang sagot. "I still want to date you even though the party's cancelled. Will you refuse to date me?"

Umiling ako at nginitian siya. "I won't."

***

Huminto kami sa isang eat-all-you-can restaurant. Kaonti na lang at mas-spoil na talaga ako rito kay Marco.

"Kumain ka ng marami, okay?" aniya.

I nodded. Napansin ko na bigay siya nang bigay ng pagkain sa akin. Kulang na lang ay tuluyan nang mapuno ang plato ko.

"W-Wait!" Nagulat siya sa akin kaya napahinto siya sa paglagay ng pagkain. "Pinapataba mo naman ako!" reklamo ko sa kaniya.

Natawa siya. "Mas okay nga 'yon."

"Ewan ko sa 'yo."

"Biro lang, okay lang 'yan. Mas gusto ko kapag palagi kang busog. Kahit tumaba ka naman ay mahal pa rin kita."

Namula ako sa sinabi niya kaya natahimik na lang ako. Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kami sa isang lugar na sobrang ganda. Iba't-iba ang kulay ng mga ilaw sa paligid, may mga fountain.

"Wow!" naiusal ko sa pagkamangha. "Ang ganda rito. Ang romantic!"

"Sobrang ganda."

Napalingon ako sa kaniya. Diretso siyang nakatitig sa'kin.

"H-Huh?"

Natawa siya saka umiwas ng tingin. "Sabi ko ang ganda ng kalangitan."

Naglibot-libot kami saglit roon. Napalingon na lang ako sa relo ko nang mapag-alaman na alas singko na.

"5:00 na, balik na tayo sa school. Baka hinihintay na ako nila Hazel." yaya ko.

"Okay, let's go."

Mabilis lang kaming nakabalik sa school dahil walang traffic. Hindi ko nahagilap sila Hazel at Ella sa parking lot kaya napagpasyahan kong bumalik sa room. Nagbabaka-sakaling nandoon sila.

Pagkapasok namin ni Marco sa room ay wala rin sila kaya tinext ko na si Hazel.

Me: Beb, where are you? Nasa room na ako.

Nag-reply din naman siya kaagad sa text.

Hazel: Nag-cr lang kami ni Ella, don't worry, pabalik na kami d'yan.

"Nasaan na raw sila?" tanong sa akin ni Marco.

"Pabalik na sila."

Habang naghihintay kami ay nag-stay na lang kami rito sa room. Lumingon ako sa likod, sa inuupuan ni Marco. Nilabas ko ang cellphone ko.

"Smile!" sabay click ko sa camera.

"Patingin nga," ani Marco at tinitigan ang picture naming dalawa. "Send me this picture. I'll make it my wallpaper."

"Wait!"

Akmang kukuhain ko na ang phone ko mula sa kaniya ngunit natigilan ako nang makitang seryoso siyang nakatitig sa akin.

He gasped for air. "Faye, I love you. I really do. And I want you to know na handa akong hintayin ka kahit gaano pa 'yan katagal-" Pinutol ko ang sinabi niya.

I know this is the right time and the right moment.

"I love you too, Marco," pag-amin ko. "Sinasagot na kita!"

"R-Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes." I nodded.

I feel so happy right now. He proved himself to me. He showed me all his efforts and that he's worth the chance. This guy, Marco Ramos got me. And I never imagined that I'd be in love with him. Given the fact that I hated him before but now, we're in a relationship. Oo, 'yong taong kinaiinisan ko noon, doon din pala ako babagsak.

"I love you..." He uttered as he hugged me.

"I love you, too."

"Oh my gosh! Are you–" biglang sulpot nila Ella.

"Yes, you saw it. We're together and holding each other's hand. Sinagot na ako ni Faye," masayang anunsyo ni Marco at itinaas pa ang kamay naming magkahawak.

"I'm so happy for the two of you!" bati ni Ella.

"I'm glad you're happy, beb," baling ni Hazel sa akin. "At ikaw!" Turo niya kay Marco. "Kapag sinaktan mo ang best friend ko, malalagot ka sa akin! Understand?"

"I promise, hinding-hindi ko siya sasaktan," pangako ni Marco. Napangiti ako nang malaki.

My heart melted in joy. I'm so blessed to have these two silly girls as my supportive best friends, and I'm so happy I have Marco as my boyfriend.

But they say, promises are meant to be broken...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height