C8 In Love
Faye’s Point of View.
Nang matapos ang Valentines day ay balik-klase na naman kami. Tiis-tiis na lang, Faye. Isang buwan na lang at ga-graduate ka na.
"Okay, our topic for today is all about love. But to make the class enjoyable, let's add some twists. Magde-debate tayo later about the brain and heart. But for now, I want to know. . . In your own perspective, what is love?" the Professor asked the class.
"Love is when what you want is never important. But what the other person needs and wants is always paramount."
"Love is sacrifice!"
"Love is unexpected!"
"Love is unconditionally!"
"Love is pain."
"Love is. . . Love is. . . Love is love!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko.
"Get ready to defend your opinions. We're now going to have a debate between brain and heart. Ano nga ba ang mas matimbang at karapat-dapat gamitin pagdating sa love, ang utak o ang puso?" dagdag ng professor. "Sa team Brain ang magkakagrupo ay sina Dominic, Ella, Hazel at Domingo. Sa team Heart naman ay sina Joyce, Rodiline, Arthur, at Sean. Let's begin. Ang team brain ang mauuna."
"Sa love, kailangan hindi puro puso ang ginagamit, dapat utak din. Kasi kapag puso ang laging ginamit mo sa pag-ibig, sa huli ikaw lang rin ang masasaktan." panimula ni Dominic sa debate.
"Bakit? Nakakaramdam ba ang utak? Nararamdaman ba ng utak kung nahuhulog ka na? Yes, ang puso nagbubulag-bulagan kahit nasasaktan, kasi marupok ang puso. Hindi natin maitatanggi 'yon. Dahil kung talagang mahal mo, ipaglalaban mo." banat ni Sean.
Woah, mga love expert!
"Nagkakamali ka d'yan. Dahil kung talagang mahal mo ang isang tao at alam mong hindi kayo para sa isa't-isa at hindi na siya masaya sa 'yo, i-let go mo na. Dahil hindi ka naman bayani para ipaglaban siya." ani Domingo.
"Woah!" sigaw ng iba naming kaklase.
"Shhh. Quiet! Proceed," saway ng Professor.
"Mas matimbang pa rin ang puso. Kasi 'yon ang nakakaramdam. Kapag nagmamahal, laging puso ang ginagamit ng mga tao. Nawawala na ang utak o hindi na nila madalas ginagamit 'yan. Kasi kapag mahal mo kahit anong ginawa sa 'yo, mapapatawad mo." ani Rodiline.
"Utak. Utak ang kailangan kapag nagmamahal. Hindi lang puso ang palaging paiiralin. Dahil ang puso nakakaramdam lang, pero ang utak ang nag-iisip. Alam ng utak kung ano ang tama at mali, pwede at hindi, alam ng utak kung tama pa ba ang ginagawa mo o tama na. Hindi dahilan na mahal mo lang 'yong tao. Kasi kahit gaano mo pa man siya kamahal, kung nasasaktan ka na, bumitaw ka na." Hazel.
"Masakit!" react ng mga kaklase ko.
"Tama ka, Pero kapag nagmahal ka, nararamdaman mo lahat kapag ginamit mo ang puso mo. Nararamdaman mo lahat ng saya, tuwa, kilig, at excitement. Mas matimbang ang puso kasi iyon ang mismong nagmamahal." ani Joyce.
"Ang puso lang ang nagmamahal, pero ang utak ang nagpapasiya. Sinasabi ng puso lagi na 'kaya ko pa, titiisin ko ito', 'mahal ko, e.' but the point is, so what kung mahal mo? Porket ba mahal mo, magpapakatanga ka na? Hindi sa lahat ng oras puso ang pinaiiral. What's the purpose of our brain if we are not going to use it? Thoroughly its purpose is to think. So that's why our brain is more important than our heart. Because sometimes, your heart can lead you to danger. And as they say, too much love will kill you." sagot ni Ella.
Nagpalakpakan kaming lahat sa tuwa at pagkamangha nang matapos ang debate nila.
"That was so intense! I love watching you all, very well said." the Professor commented. "At dahil maganda ang performance niyo, I'll give you all a perfect score at wala na akong ibibigay na quiz for this week. This will serve as your quiz."
Napatalon kaming lahat sa saya. Nang matapos ang oras ng klase at recess na namin ay niyaya ko sina Hazel at Ella sa cafeteria.
"Beb! Doon tayo sa Cafeteria," saad ko.
"Bukas na lang, beb. Busog pa ako. And we want you to be with Marco naman, ano. Kasi you know, bago pa lang kayo," kinikilig na sabi ni Ella.
"Yeah, right. Tanungin mo 'yan kung ilan na naging ex, kung sino pinakamatagal, kung sino pinakamabilis, kung ano-ano tungkol sa kaniya! Alamin mo, okay?" ani Hazel.
"Ang exaggerated mo naman, beb," natatawang sabi ko.
"Just do it, beb. Tanungin mo siya ng mga bagay-bagay, because I'm still not convinced with him kahit na nangako siyang hindi ka niya sasaktan."
"All right. Magtatanong ako."
Habang patungong Cafeteria mag-isa ay nagchat ako kay Marco.
Faye De Leon: Marco, sabay tayong mag-recess?
Marco Ramos: Okay, baby. I'll go there.
Napangiti na lang ako nang matanaw ko siya palapit. Habang kumakain kami ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita, gaya ng sabi ni Hazel na tanungin ko siya.
"Uh, Marco," ani ko pero hindi siya kumibo. "Marco?"
He glared at me. "Call me baby."
Napanguso ako. "Uh. . . B-Baby?"
"What is it?"
"I'm just curious. Naka-ilang girlfriend ka na?"
Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya nabilaukan siya bigla. Inabutan ko siya kaagad ng tubig.
"A-Ano?" pag-ulit niya.
"Ang tanong ko, naka-ilang girlfriend ka na?"
"I had two exes back in junior high school. Why did you ask all of a sudden?"
"I just want to ask you questions like that, para open tayo sa isa't-isa."
"How about you? Am I your first boyfriend?" bigla niyang tanong.
"Y-You're my first," nahihiyang sabi ko.
"I will also be your last."
"How can you be so sure?"
"Not that sure but I'll do my best to be your first and last."
Napangiti ako. I really love Marco. Alam na alam niya ang mga magpapasaya at magpapakilig sa akin. Araw-araw ay mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya at iyon ang kinatatakot ko.
"Dalawa na pala ang naging girlfriend mo," sambit ko.
"Let's forget the past, baby. Ang importante ay ang ngayon, you're my present."
I flashed a smile. "I trust you."
"I don't care about the past. Ikaw na ang present ko ngayon at ang magiging future ko." pag-aassure niya saka marahang hinaplos ang mukha ko. "I promise to you that I won't dare to hurt you. You're the only woman in my heart and that will never change."
Napangiti ako lalo. Marco is everything I want and I can't afford to lose him.
I'm grateful that I'm in love, that I'm in a relationship with the guy I love the most. I couldn't express how happy I am that this guy is no other than Marco Ramos.
The guy who took my heart.