+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Birthday

Faye’s Point of View.

One month na kami ni Marco. Ang bilis ng panahon, 'di ba? Also, guess what?

Today is my 18th birthday!

"Happy birthday, beb! Here's our gift!" bati ni Hazel and Ella sa akin.

Binuksan ko kaagad ang regalo nila. Ang laman noon ay relo at bracelet. Pare-pareho kaming tatlo. Napangiti ako nang malawak.

"Thank you so much, girls!" ani ko. "Nag-abala pa kayo."

"Nah-uh. There's more! Marami pa kaming surprise para sa 'yo later." saad ni Ella.

Napakunot-noo ako. "What do you mean?"

"Secret. No clue," iling ni Hazel.

Papunta kaming tatlo sa room pero napansin ko na parang walang tao? Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw. Pagpasok ko sa loob ay napapikit ako sa ingay na narinig ko.

"Happy birthday, Faye!" bati ng lahat ng kaklase ko.

"W-Wow! Thank you so much, guys!"

I was touched. Gumawa pa sila ng banner, confetti's, at balloons para sa akin. May mga regalo pa sila.

Aww, they are so sweet.

"Is this your surprise?" Tanong ko kala Hazel at Ella.

"Yes," sabay nilang sabi.

Napangiti ako lalo. "Thank you, girls. I love you both!"

"You're welcome, beb! We love you, too! You deserve all of this."

Natapos ang klase ko nang ganoon kasaya. All of my Professors greeted me and even some schoolmates. Hindi na tuloy mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

"Hazel! Ella! Magpapaparty daw sila Mom and Dad. You should come," yaya ko.

"Of course, magpapa-party sila tita, debut mo. And sure, beb. Hindi pwedeng hindi kami makadalo sa birthday mo, so see you later!" ani Hazel.

"See you later, beb! Goodbye!" paalam ni Ella.

Nakangiti akong kumaway-kaway sa kanila bago dumiretso siya parking lot ngayon para hintayin sana si Marco pero nang makarating ako roon ay naabutan ko na siyang naghihintay. I waved at him. Nang mapansin ako ay lumabas siya kaagad sa kotse at kinuha sa akin ang bag ko.

"Hi, baby." He gave me a kiss on my cheeks.

"Hi!" I smiled at him.

"How's my girl?"

"Very happy,"

He stared at me for a minute. Then, he smiled and hugged me tight.

"Happy birthday, baby," he whispered behind my ears. My smile widened.

"Thank you, baby!"

"May regalo ako sa 'yo."

May kinuha siya sa compartment ng kotse. Maya-maya ay lumabas siya na may dalang human-size teddy bear at napakaraming chocolates.

"Para sa akin ba 'yan lahat?"

"Yes, that's all yours. I'm all yours," biro niya.

I hugged him again. "Thank you talaga, Marco."

"You're welcome, baby. Let's go."

Habang nagda-drive si Marco ay may kinuha siya sa gilid niya. It's a necklace. A beautiful, glittering necklace with a pendant of infinity.

"This is for you. Only belongs to you, baby."

Sandali niyang inihinto ang kotse saka niya isinuot sa akin 'yong necklace.

"Ang ganda!" Nasabi ko habang pinagkakatitigan ang kwintas na 'yon.

"Bagay sa 'yo, baby."

"Thank you so much, baby. I appreciate this a lot."

"Anything for you. . ." He caressed my hair.

He's so pure.

"Wait. Let's take a picture!" Inangat ko ang phone ko. "One, two, three, smile!"

Then, he drove again. Akala ko de-deretso na kami sa bahay pero dumaan pa kami sa mall.

"Marco, why are we–" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"We're going out on a date."

"But. . ."

"Maaga pa, baby. I just want to be with you on your birthday, even just for a few hours."

"All right," pagsang-ayon ko. "But wait. . ." I paused for a moment when I remembered something. "Makakasama mo pa rin naman ako mamaya."

"What do you mean?"

"Ipapakilala na kita kila Mom and Dad mamaya. Personally," I replied.

"A-Are you sure?"

"I am."

"If that's what you want, I'm in."

Nag-shopping kami ni Marco like a newlywed couple. Then nang magutom na kami ay kumain kami sa isang fast food chain. Napansin kong naging balisa siya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

"Damn, I'm nervous!" Suminghap siya. "Baka hindi ako magustuhan ng parents mo."

Muntik na akong mapahagalpak sa tawa sa sinabi niya. Pinigilan ko lang dahil baka mas lalo lang siyang kabahan.

"Don't worry, for sure, magugustuhan ka nila." I assured him.

Saktong 4:30 na nang makauwi kami sa bahay. Nang matanaw ko ang subdivision namin ay hinawakan ko ang kamay ni Marco. I intertwined our fingers and smiled at him.

Pagkababa namin sa kotse ay pinakuha ko kay Manong Raul 'yong mga regalo sa akin ni Marco upang mailagay na sa room ko.

"Where's Mom and Dad, yaya?" tanong ko sa isa naming maid.

"Ang Mommy niyo po ay nasa kusina at kinakausap ang cooks, ang Daddy niyo naman po ay nasa taas at kinakausap din po ang organizer ng party niyo mamaya."

Pinaupo ko muna si Marco sa sala saka ako dumiretso sa kusina upang kausapin si Mom.

"Hi, my beautiful daughter!" bati niya pagkalapit ko.

Sinuri ko ang mga niluluto ng cooks. Kakakain ko lang pero pakiramdam ko ay nagugutom na naman ako sa bango ng amoy ng pagkain.

"Mom, nandito po si Marco," saad ko.

"Oh, really?"

"Yes, Mom, and I want to introduce him to you and to Dad."

"I'll just call your father upstairs." She smiled at me.

Binalikan ko na sa sala si Marco. He looks so uneasy and nervous. Sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung ipapakilala ka sa parents ng boyfriend/girlfriend mo. He's so cute.

"Baby, pababa na sila," I informed him.

"Oh, o-okay."

Bumaba na sina Mom and Dad. And now, they are right here in front of us.

"Happy birthday, anak," bati ni Dad bago ako niyakap.

"Thank you, Dad." I said. "Uh, Mom, Dad. I'd like you to meet Marco Ramos, my. . . boyfriend."

Nagulat si Daddy pero si Mom ay napangiti lang dahil alam niya naman na nanliligaw sa akin noon si Marco and I already introduced him to her but not personally.

"Your boyfriend is good looking, huh? Nice to meet you personally, hijo," Mom said then she hugged Marco.

"N-Nice to meet you rin po, Mrs. De Leon," pagbati pabalik ni Marco.

"No, you're my daughter's boyfriend, call me Tita from now on," Mom insisted. "He seems so nice, Faye. Good choice."

Binalingan ko si Daddy. Nakatingin din siya sa akin. Kinakabahan ako. Maya-maya ay bumaling siya kay Marco at nagsalita.

"You're Marco Ramos, right?" Tanong ni Dad sa kaniya.

"Y-Yes po, Mr. De Leon."

"I'm close to your parents. Nice to meet you, Marco."

"Nice to meet you too, Mr. De Leon."

"Ang taong mahalaga sa prinsesa ko ay pinahahalagahan rin namin. Kaya huwag na huwag mong sasaktan 'yan si Faye. Dahil kapag sinaktan mo siya, hindi ko alam ang magagawa ko sa 'yo." banta ni Dad. Napangiti ako.

"I promise po."

"All right. I'll trust you."

Naging maayos naman ang pag-uusap namin. Payag na sina Mom and Dad sa amin ni Marco. Nahanda na muna ako para sa party maya-maya na. I chatted Ella and Hazel.

Faye De Leon: Girls, nasaan na kayo?

Hazel Gomez: Nandito na kami, bumaba ka na d'yan.

Faye De Leon: Mamaya na daw 6:00. Kayo na lang umakyat dito.

Hazel Gomez: Fine. Wait for us there.

Ella Diaz: Kamusta ang Daddy mo at si Marco?

Faye De Leon: Actually, nagkasundo nga kaagad sila ni Daddy. Ang layo sa inexpect kong mangyayari. Kilala raw kasi ni Dad ang parents ni Marco.

Ella Diaz: I'm so happy for you, beb! Sana tuloy-tuloy na 'yang saya mo.

Faye De Leon: I hope so, Ella.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto, for sure sila na 'yan. Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali.

"Beb!" Ella screamed then she hugged me.

"You look so gorgeous, Faye!" Hazel praised. "Anyway, ano ang chika?"

Kinwento ko sa kanila 'yong tungkol sa nangyari kanina sa usapan namin ng parents ko at ni Marco. Kilig na kilig si Ella while Hazel is laughing.

"Ma'am Faye, pinapababa na po kayo ni Sir."

"Okay po, manang Lucy. Bababa na po kami."

Naunang bumaba sa akin sina Hazel. Sobrang daming bisita pagkababa ko kaya nahiya tuloy ako.

"Oh, there she is! Our birthday girl, my beautiful daughter, Faye De Leon."

Natuon sa akin ang atensyon ng lahat ng tao habang bumababa ako sa hagdan. Narinig ko pa 'yong iba na nagbubulungan.

Nang malapit na akong makababa nang tuluyan ay inalalayan ako ni Marco. Halos mapanganga ako sa itsura niya. Ngayon ko lang rin siya napansin sa dami ng tao rito sa bahay.

"By the way, this is Marco Ramos, my daughter's boyfriend."

Nagulat ako nang sabihin 'yon ni Dad. Pinakilala niya sa lahat na boyfriend ko si Marco. I didn't expect it coming. Nagsimulang magbulungan ang mga tao, habang 'yong iba ay nagulat sa deklarasyong iyon.

"Ang gwapo ni Marco!"

"Kay Faye na siya, ano!"

"I know right. Super bagay sila! Visual couple!"

Nagkatinginan kami ni Marco kaya ngumiti siya nang nakakaloko sa akin, tila nang-aasar.

"Paano ba 'yan, bagay daw tayo, baby," bulong niya.

Natawa lang ako at napaiwas ng tingin. The party started. Music's on, foods and drinks are served, marami ring nagbigay sa akin ng regalo. Kasama ko ngayon si Marco sa isang table.

"Baby, doon lang ako kila Hazel," paalam ko sa kaniya.

"Go ahead." He smiled at me.

Nilapitan ko sila Hazel at Ella sa table nila. Gladly, nag-eenjoy naman sila.

"Again, happy 18th birthday, beb!" bati ni Hazel.

Napangiti ako. "Well, thanks again, beb!"

"Wish you all the best!" ani Ella.

"We want you to be the happiest woman in the world. Ayaw naming nakikitang malungkot ka." dagdag ni Hazel na nagpangiti lalo sa akin.

Ni isa sa amin ay ayaw makita ang isa't-isa na malungkot, umiiyak o may problema. Ang swerte ko sa kanilang dalawa dahil sila ang naging best friend ko.

Bumalik na ako kay Marco pagkatapos ng ilang minuto. He stared at me as if I'm the prettiest woman he had ever seen.

"Baby, we're going somewhere." biglang sambit niya.

"But the party isn't over," pigil ko. "Baka hanapin tayo."

"Don't worry, saglit lang tayo roon at pinagpaalam na kita kala Tita at Tito."

"Fine. Wait me here, magpapalit lang ako ng dress."

Nagpalit lang ako ng peach cocktail dress sa bahay then bumaba na kaagad ako at pinuntahan si Marco sa kotse niya.

"Why are you so pretty, baby?" aniya at pinisil pa ang pisngi ko.

Napangiti ako. "Where are we going by the way?"

"It's a surprise. Malalaman mo rin," he said, winking.

Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa pupuntahan namin. Inalalayan akong bumaba ni Marco sa kotse. Pinagmasdan ko ang paligid. May mga candles, petals na naka-heart shape na nakakalat sa lupa, a table with foods and drinks. This must be a date.

Naupo kami sa table na may nakahain na iba't-ibang putahe. Nagsimula kaming kumain habang nag-uusap. Napabaling na lang ako sa kaniya nang yayain niya akong tumayo. Oh, may music pala.

Playing Ed Sheeran’s Perfect.

"Let's dance," he said and offered his hand. Inabot ko iyon at tumayo na.

He intertwined our fingers while walking towards the middle where the candles are placed in a circular motion all over the ground.

"Do you like it?" tanong niya at gumitna kami.

I smiled genuinely. "I love it."

Ngumiti siya at hinawakan ako sa bewang habang ang braso ko ay nakapalibot sa batok niya. Nagsimula na kaming sumayaw nang mabagal. Ilang minuto pa ay huminto siya at pinagdikit ang noo namin.

"Faye, I love you more than what you think. I promise to you that I'll never hurt you. Wala nang iba bukod sa 'yo. You're my present and my future. Umabot man tayo ng ilang years, hindi ako magsasawang ipadama sa 'yo kung gaano kita kamahal. Happy birthday to you, my baby," he said as he slowly pressed his lips against mine.

Panghahawakan ko ang mga pangako mo, Marco. Naniniwala akong kaya mong tuparin lahat ng 'yan.

Walang ibang laman ang isip ko noong mga oras na 'yon kundi ang saya. His kisses are warm and gentle. It's making me addicted. I was flattered by the pure bliss I'm feeling at the moment, that's why I cried. Tears of joy, kumbaga.

We just danced and kissed under the moon. I felt the feeling that I could barely express through words. I never imagined myself to be head-over-heels like this. It was like a dream. To be loved by the one I love is the most precious thing that ever happened to me.

Today was the happiest day of my life. . .

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height