C100 Chapter 100: I Can Handle Everything
IMPIT na napaiyak si Samantha, nanginginig ang labi niya. Ilang minuto ang dumaan na di sumagot si Reymond. Nang mga sandaling ito, nasa loob siya ng pribadong walk-in closet na pinagtaguan niya ng cellphone niya. Sa ibang lagusan siya dumaan sa halip na sa sariling kwarto dahil naroon si Denise.
Hindi naging maayos ang buong maghapon nila ng dalaga, kaya’t umiiwas na rin siya rito