C134 Chapter 134: Rumor About Their Daughter
NAHIHILO siya at hindi nakapagsalita kaya’t di niya masagot ang sunud-sunod na tanong ng nurse. Tinulungan siya nitong makaupo ng maayos sa kama. Bigla na lamang ang ganoong pakiramdam dahil ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos.
Maging si Brent ramdam din niyang balisa ito sa kama tuwing nakahiga na sila ngunit kapwa walang gustong magsalita o pag-usapan ang anumang kinakaharap nila
