C135 Chapter 135: Bring Back Denise Home
NATIGAGAL si Shantal ng marinig ang sinabi ni Brent. Wala siyang maapuhap na tamang salita na isasagot dito. Tama ang sinabi ng asawa niya, masyado dinibdib ni Brielle ang sinapit ng kapatid at batid nilang mag-asawa na labis nito sinisisi ang sarili. Hindi man ito tahasang nagsalita sa kanila ramdam nila niya sa mga ikinikilos nito
