C155 Chapter 155: Tell Me The Truth
MATAMAN lamang siyang tiningnan ni Brielle at hindi na ito kumibo. Laking pasalamat na rin ni Brielle na sa tuwing kailangan niya ng kasama natataon na narito si Harold. Kusa nitong nahuhulaan na kailangan niya ng kasama habang ganito ang pakiramdam niya.
Marahil nga dahil sa tagal nitong pagtatrabaho sa kanya bilang assistant kabisado na nito ang takbo ng isip niya
