C163 Chapter 163: Andrei’s Sadness
LUMAPIT si Brent sa kanya matapos nitong ilapag si Andrei sa sofa. Inakbayan siya nito at marahang kinabig paloob sa mga braso nito.
“Love, kailangan ng anak natin ng pahinga,” anang mahinang boses ni Brent habang nakatingin ang mga mata nito kay Denise.
Tumingala si Shantal at ngumiti ng bahagya kay Brent subalit naroon ang lungkot sa mga mata nito, “Dito nalang ako sa tabi niya, Love