C183 Chapter 183: What Did You Say?
NANG bumalik na sila sa sariling silid matapos maligo at magbihis nadatnan nilang nakatulog na ng mahimbing si Kyree. Agad na sumampa si Brielle sa kama at tinitigang maigi ang bunsong anak.
Si Ivana naman ay nagtungo sa harapan ng vanity mirror at sinuklay ang mahabang buhok. Maya-maya pa sumampa na rin siya sa kama at napapagitnaan nila si Kyree. Pumihit siya paharap sa mag-ama niya
