C184 Chapter 184: I Will Send Someone To Validate Everything
PANSAMANTALANG natahimik si Brielle. Lumipad ang isip niya sa malayo. Kung tama nga ang hinala ni Ivana hindi niya lubos maisip na magagawa silang traydorin ng magulang ni Carl. Pilit niyang iwinawaglit sa isip ang ganitong hinala ngunit tila sakabilang banda may munting boses na nagpapaalala sa kanya na kailangan niyang imbestigahan ang bagay na ito