C191 Chapter 191: Andrei’s Real Illness
HUMINTO sa eksaktong tapat ni Shantal ni Doctor Zheng. Ibinaba nito ang gamit sa bedside table sa gilid ng kama na hinihigaan ni Andrei. Bawat galaw nito ay tila daang karayom na tumutusok sa puso ni Shantal.
Inangat nito ang hawak na medical record ni Andrei. Pinasadahan nito ng tingin maging ang test result. Napuna ni Brent na balisa si Shantal at namumutla ang mukha nito
