C204 Chapter 204: The Photo
NASA loob na ng accommodation nila si Ivana at Brielle. Kasama nila sa kwarto ang bunsong anak na si Kyree na abalang naglalaro ng kanyang tablet habang nakadapa ito sa kama.
Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Brielle na basa pa ang buhok habang nakasuot ito ng bathrobe. Bantulot siyang lumapit kay Ivana na ngayon ay nakaupo sa sofa at tutok ang mga mata nito sa TV
