C209 Chapter 209: Denise New Life
KINAGABIHAN dumating na rin si James sa Beijing. Si Harold ang inatasan ni Brielle na sumundo sa kanya. Agad na tumuloy ang dalawa sa HUO GROUP.
Pasado alas-diyes na ng gabi na naghihintay pa rin si Brielle sa loob ng opisina niya. Nakailang tawag na si Ivana sa kanya ngunit nagdadahilan siyang may dinner meeting siyang dadaluhan. Hindi na rin ito nag-usisa pa
